Late ang blog tungkol sa full moon pero kasi noong Saturday, dala-dala ko ang camera at hinahanap ko ang full moon,di ko makita. Naupo ako sa couch, naghintay, nakatulog pala ako.
Anyway, hindi ito ang retrato ng pinakamalaking full moon pero at least makikita ninyo kung ano nag mukha ng buwan. May mukha ba yon?
Maraming implications ang bilog ang buwan. Sa akin na may lahing humahati-ang-katawan-pag-bilog ang buwan, dapat nong Sabado, itinali ko ang aking sarili sa bed (pero dahil nga antukin ako) di na kailangan, tapos dapat nagsuot ako ng retainer para di umusli ang aking pangil, pag-alas-dose . mwihihihi Oo Virginia, sa aming probins sa Bicol, pinagkakatakutan ang bilog ang buwan. Yan kasi ang paniniwala na naglalabasan ang mga aswang, manananggal at mga aliens na mahilig gawing smorgasboard ang katawan at dugo ng mortal.
Manananggal |
Balisa ang mga matatanda. May mga naglalakad at hinahanap ang nanay nila na namatay na yata sa giyera, Meron namang hinahanap ang kanilang asawa na matagal na ring namayapa.Mga tahimik ang mga taong ito pag hindi bilog ang buwan pero pag full moon ay halos di sila matulog.
3 comments:
hahahahaha mam,kaya nga pinatulog ako ng maaga at pinainom pako ng gatas ni mader para da mahimbing ang tulog kot dinako maapektuhan nung full moon,
susme,akala yata nya e mahahati katawan ko,di raw naman,kaso wala raw syang naka ready na straight jacket para sakin incase awoooooo.
~lee
lee,
alam ng mga nanay natin ang pangontra. hahaha
kahit kelan bella flores sa buhay natin mga nanay natin(NOT) mwehehe parehong pareho mga nanay natin mam.
~lee
Post a Comment