Juicekonaman, napunta lang ako ng ospital pagdating ko nagbank holiday na ang Banco Filipino. Hindi holiday na cinecelerate kung hindi ang pinag kakatakutan ng mga depositors--ang magsara ng pinto dahil walang pera. At ang dahilan ngayon ay inutang na lahat ng mga directors, stockholders, officials...kulang na lang pati ang housekeeping nila siguro. Kaasar.
Ang Banco Filipino ay isang thrift bank. Hindi kagaya ng universal banks na siyang namamahala sa mga transactions ng mga businessmen kagaya ng letters of credit, foreign exchange at marami pa. Ang thrift bank ay tumatanggap lang ng savings. So ang idineposito ng Client A na 1,000, 90 per cent lang niyan ang pwedeng ipahiram. Ang 10 per cent ay reserve para protektahan ang mga depositors. Ang 900 ay pupunta sa economiya ng bansa (ganiyan nakakatulong ang mg OFW. ang savings nila ang ginagamit sa pagpapautang sa mga nangangailangan ng pera). Ang 900 na iyon ay idedeposito naman sa isa pang bangko kung saan ang 810 ay pwedeng ipahiram na may interest. Ang interest ang kinikita ng banko na siyang binabayad naman sa may mga savings deposit. Gugulong ang perang ito katulad din ng paggulong ng reserve requirement ng banko. May penalty kapag wala ang perang reserve na ito at the end of the day.
Paano nawawalaan ng ipapautang ang bangko? Isa pag walang mga nagdedeposito. Ikalawa pag mismong ng directors ng bangko ang nangungutang pera ng walang bayaran. Hindi na kumita ang pera, naubos pa ang reserba. Isa pa may capital requirement and bangko. Hindi ka makakapagtayo ng banko kung ang capitalization mo ay di na meet ang subscribed and paid-up capitalization. Nasaan lahat yan?
Salbahe. Ginawang palabigasan ang mga taong nagdedeposito.
Ang mga mahihirap naghuhuldap. Itong mga white collar, nanghuhuldap din. Nakakaloko pa? Tseh.
The Monetary Board, the Bangko Sentral’s policy-making body, had earlier placed the bank under PDIC’s receivership as a result of its financial difficulties.
Central bank Deputy Governor Nestor Espenilla Jr. said those difficulties came about after the bank approved billions of pesos in loans to directors, officers, stockholders and related interests.
“Of its total loan portfolio of P4.1 billion, more than half of that was DOSRI loans,” Espenilla said.
“DOSRI [Directors, Officers, Stockholders and their Related Interests] loans are loans extended to the companies that are related to the bank. Virtually all the DOSRI loans are past due and they have been past due for a long time.
“This is the number one reason why the bank went bankrupt years ago. It extended loans to its own companies.”
Pinaysaamerika
2 comments:
mam,maikwento ko na nga yang bad experience namin nung mga bata pa kami dyan sa bangko pilipino,kaya nagka phobia kami pangalan palang hehehe.
naalala mo nauso nung araw yung pupunta sila sa mga skul
at aalukin ang mga magulang,teachers at mga bata na mag impok,piso piso tas para ka maengganyo e
nagbibigay pa yan ng mga kung anu anung souviniers kasama na nga yung sanrio(pero dipa uso sanrio nung elementary pako jejeje)
kami naman sa halip na gastusin sa recess e ihuhulog na namin,paligsahan pa kami,tas basta nalang walang sabi sabi ang mga depuger nagsara at naiwan kaming mga nakanganga (kahit na nga ba 100php lang ang naihulog ko,pati aking mga sis at bro mas malaki pa naihulog sakin) kahit na nga ba ganun kaliit yun e nung panahon ng kopong kopong e 5 pa yata singko ng texas at caramel teheeeee
di ako maka move on nun ahahahaha kaya hangang sa tumanda ako,pag nadadaan akot nakikita ko pangalang "BANKO FILIPINO" e binabangungot ako ng gising ahahahaha.
eto, isa nanamang bangungot sa mga kawawang dipositors.
~lee
ako sa alkansiya ko nilalagay. jejeje.
Post a Comment