Advertisement

Sunday, March 13, 2011

Ang Gaga, Booba at Tanga

Dear insansapinas,


Gaga
Kahit gaano ka-out-of this-world si Lady Gaga, masasabi rin natin na ginagamit niya ang publicity para 
maitulak ang kaniyang mga advocacy. Ngayon ay nagsosolicit siya ng donation thru her designed
bracelet na ipinagbibili ng $ 5 sa mga supporters niya. Gaga nga pero may pakinabang.


Booba
Ang komedyante namang si Ethel Booba ay nagkaroon ng publicity nang tangkain niyang sunugin ang condo na kaniyang inuupahan dahil nalaman niyang gay pala ang kaniyang boyfriend na foreigner.
Pahiramin ng gaydar. 


Hindi na raw kakasuhan basta umalis na lang sa condo. Dito may kaso na yan, sipa pa sa inuupahan.
Sino kasing gustong makatabi ang manununog every time lasing o kaya ay nakikipag-away sa boyfriend.
Dito ingay lang pwede ka ng ireklamo lalo na pag lampas na ng alas diyes.


Tanga
Kagaya ng naging tenant ko sa San Fran na laging isinisisi ang kaniyang mood swings sa kaniyang pagiging diabetic. Pag nag-aaway sila ng boy friend niya (75 years old na yong matanda, peksman para silang teenager pa kung mag-away, siya naman noon ay 60 na yata, divorced sa asawa at karamihan sa mga anak ay nasa Pilipinas Kay Ganda Koh) sa telepono, magigiba ang dingding namin. Nasa second floor siya (actually third floor na yon dahil ang ground floor namin ay ang garahe) dinig mo ang kaniyang malulutong na P@#$%^& mo. 



Pagdating naman ng boyfriend, bati na sila at labas naman sila. Nahihiya yong matandang lalaki sa akin noon dahil sa attitude ng girl friend niya. 


Nang huli ko siyang makita (pinaalis ko yong babae dahil iskandalosa) break na raw sila (oyy may break up pa sila ha). Kasi noong minsan nakita silang kumakain ng dati niyang supervisor na itim na babae sa isang fastfood, walang tanung-tanong, ipinagbabato sa kanila ang pinamalengke nitong isda, gulay at prutas.
Hitsura ng parang naging palengke ang fastfood sa nagkalat na mga isda. Sus.


Pinaysaamerika

3 comments:

Anonymous said...

ang gaga, ang booba at ang tanga hahahahaha ganda ng pamagat bagay na bagay
~lee

cathy said...

dapat mayroon pang isa. Ang BALIW. hehehe

Anonymous said...

waaaa ahahahahaha oo nga noh
~lee