Advertisement

Tuesday, June 12, 2007

Pinay's Paglalakbay sa Davao-Pinay Reminisces

Dear insansapinas,

Sa Davao ang conference namin noon ng mga executives sa Finance. Boss ko noon ay Vice-President. CPA din siya pero ang tamad niyang gumawa ng mga papers para sa working conference. Pag working ,talagang magtatrabaho ka. Kaya ayun bitbit niya ako. Kasama din niya yong isa pang CPA na tsuwariwariwap niya. Tagakuha niya ng pagkain, tgatakbo para kunan siya ng sigarilyo at kape. 'Lam ninyo na para malakas. Ako. Nevah. Kaaway pa niya ako palagi pero hindi niya ako pwedeng itakwil. Pareho na silang dalawang kumuha ng senior citizen pass noon kaya mahina silang gumawa ng report. Kung hindi naman ay tamad. Magaling lang silang dumiskarte. Lalo lady boss ko na may pipa pa kung manigarilyo at patapik-tapik pag nakikipag-usap. Gaya rin si tsuwariwariwap. Clone talaga.

Gusto kong gayahin pero pag nantapik ako sadsad ang tinapik ko. Ehek.

Sa Davao Insular kami nakacheck-in. Hanap pa akon ng mataas na building. Hindi pala.
Pero maganda naman ang accommodations. Yong panahon na yon, napakainit, ang airconditioned na kuwarto at langit na.

Pero, sayang din ang pagpunta ko roon kung mag momongha ako. Kaya pagkatapos kong
Matapos ang mga reports, labas ako sa aking air-conditioned na kuwarto.

Ababa, pamilyar sa akin ang babaeng nakatalikod. Usli ang pwet niya. Ayyyy, ang kaklase ko sa MBA na CPA din. Nandoon din pala siya. Bise-Presidente ang boss niyang lalaki, pero hindi CPA. Eh bakit nag-aattend siya? Ngumiti lang ang kaibigan ko. May asawa ang aking kaibigan at may tatlong anak. Tanong ko, buti pinayagan ka ng asawa mong umattend ng conference, eh tatlong araw tayo dito. Sinabi niya kasi noon pag nagyayaya kaming mag-overnight sa opisina ng aming isa sa kagrupo, excuse siya dahil nga seloso raw si Mister. OO na.



Isang araw at kalahati lang daw sila. Tapos babalik na siya sa Manila. Ahhh, okay.
Tinambakan naman ako ng trabaho ni Boss kasi nagvolunteer pa ba naman na maging lead person sa isang committee. Sus, if I know, ako rin ang gagawa.

Kaya ayun, ang aking mga happening ay doon sa loob ng hotel. Kain dito, kain doon tapos may sayawan pagkatapos ng conference. Mga ballroom dancing naman. Sus. Malay ko bang magtatanggo at magchachacha. Disco ang alam ko noh.

Pag dating ko sa Manila, tinawagan ko ang opisina ng kaibigan ko. Hinihingi niya kasi
ang mga namissed niyang papers nang-umalis sila ng Boss niya.

Wala pa raw. Nasa Conference pa raw at kinabukasan pa ang dating. Ano yan ha. Misteryo dela ekek. Wala pa rin ang boss. Uhmmm.


pinaysaamerika



,,,
,,,

Wednesday, June 06, 2007

Pinay's Paglalakbay sa Pinas-Camarines Norte Part 3-Pinay Reminisces

Dear insansapinas,

Umalis kami sa Camarines Norte, insan at lumipat kami sa Camarines Sur. Pinagbili namin ang bahay namin doon. Hindi ko na nabalikan ang lugar na iyon.

Pero bumalik ako sa Camarines Norte noong ako ay professional na. Pinapadala ako ng aking boss para ayusin ang mga project niya. Noong una marami kami. Ako lang ang babae. Noong sumunod, ako na lang ang nagtitiyagang lumipad doon pag weekend.

Noong unang mga Linggo namin doon ay pinagkatuwaan ako ng mga boys. Hindi naman kasi nila akong isama sa mga lakad lalaki kaya inihatid ako sa isang beach resort. Hindi naman talaga beach resort yon. Maganda ang dagat, puti ang buhangin at may kaisa-isang restawran sa lugar na yon. Akala ko babalikan kaagad nila ako. Hindi pala. Maaga pa lang ay dinala na ako doon.

So lakad ako sa buhangin, na para bang pelikula kung saan ang bidang babae ay nagpapalipas ng sakit ng puso dahil nagbreak sila ng boyfriend. Ek ek

Naupo ako nang napagod at nakita ko ulit ang mga maliliit na alimango hindi mo makain na nagsisilabasan sa kanilang lungga. Dapat lang anoh. Ang puputla nila.

Yong isa, nag-exercise pa. hehehe

Balik ako sa kaisa-isang restawran. May dalawang customer na doon. Isang lalaki at isang babae.

Ang lintek, binobola ng lalaki yong babae. Blah blah blah. Nilalakas pa para marinig ko. Paniwala naman si babae. May radar ako sa mga ganoong bolero at alam kong hindi siya mayaman na negosyante.

Sa wakas dumating din ang mga kasamahan ko. Ang tagal ko raw kasing dumating. Ang sarap batukan ang mga yon. Paano ako makakaalis sa lugar na iyon na wala akong sasakyan?

Nagpadala raw sila ng driver noong isa sa mga hosts namin. Ginala ang paningin. Nasa buhanginan yong dalawang bagong magkakilala. Palagay ko malapit nang makascore yong lalaki.

Tinawag yong lalaki ng aking kasama. Siya pala ang driver. Hmmm mayamang negosyante ha. Sus.


pinaysaamerika



,,,
,,,

Monday, June 04, 2007

Pinay's Paglalakbay sa Pinas-Camarines Norte Part 2-Pinay Reminisces

Dear insansapinas,

Pagpapatuloy ng kuwento ko insan. Si Dalena ay nakatira sa harapan ng bahay namin. Taga ibang bayan siya at nakikitira lang siya sa kaniyang tiyahin. Para yatang mga istudyante silang mga nakatira doon pag Lunes hanggang Biyernes at umuuwi sa kanilang baryo pag weekend. May isa pang nakatira doon. Isang binata. Mahiyain yon. Naririnig ko ang usapan ko sa mga pinsan kong dalagang nakatira sa amin. Crush din yata nila. Madalas nasa balkon kami at tinatanaw nila ang mga tao sa kabilang bahay. Excuse nila yong ako ay binabantayan para hindi na naman tumakbo sa dagat para maligo. If I know, nakakatakas ako nang hindi nila namamalayan.

Minsan umuulan-ulan at kumikidlat-kidlat. Takot ako. Hindi ako sumama sa mga pinsan kong pumunta sa dagat. Tapos nagkagulo.

May tinamaan ng kidlat. Hindi yong mga naliligo sa agat kung hindi yong lalaking tahimik na nasa bahay. Ang kuwento ay lumihis ang kidlat, umikot sa puno ng niyog at pumasok sa bahay,tinamaan ang lalaki.

Takbuhan ang mga dalagang nakatira sa bahay na iyon. Kasama si Dalena. Nang makita nito ang lalaki, niyakap daw at humagulgol. Balak na pala niyang sagutin ito noong araw na iyon. Hindi ako isinama sa burol ng binata, insan. Matatakutin ako noon sa patay. At iyon ang unang patay na kilala ko.

Si Magda at si Elena

Silang dalawa ay magkapatid. Si Magda ang mas matanda at tahimik. Si Elena naman ang
madaldal at palakaibigan. Pareho silang nag-alaga sa akin noon pag iniiwan ako sa bahay nila pag may lakad ang aking tatay at nanay at bakasyon ang aking mga pinsang dalaga. Hindi ako puwedeng iwanan sa mga kapatid ko. Suko sila sa likot ko.

Maganda ang bahay nila. Palibot ng tanim at bakod. Mayroon silang malaking bote ng candy at tsokolate.

Pag si Magda ang nagbabantay sa akin at kami lang dalawa sa bahay. May dumarating na lalaki. Malaki ang tanda niya kay Magda. Inuutusan niya ako insan na pumunta sa kusina at kumuha ng candy. Siyempre ako naman, tagal ko sa kusina. Kasi may bintana doon na kitang kita ang dagat. Tapos may puno ng bayabs na abot mo ang bunga.

Minsan nagulat ako. Hindi na raw ako puwedeng pumunta sa bahay nina Magda. bulong ng aking tsismosang pinsan. Magkakababy daw. Saya ko. Kaya lang wala naman siyang asawa ah.

Imbes na ako ang pumunta sa bahay nila, si Elena naman ang iniwan sa bahay namin. May pupuntahan daw ang aking nanay at nanay ni Elena. Hindi raw puwede doon ang bata at wala pang asawa.

Narinig kong nag-uusap ang mga kadalagahan. Rape daw. Sumingit ako. Tinanong ko kung sino si Reyp.

Dinemanda pala ng magulang nina Magda yong lalaki na madalas dumalaw sa kaniya. Menor de edad daw kasi si Magda.

Ewan ko kung anong nangyari na doon sa kaso. Ang alam ko dinala nila sa ibang bayan si Magda kaya si Elena na lang ang lagi kong nakikita sa bahay nila.

Ipagpapatuloy ko insan.



pinaysaamerika



,,,
,,,

Sunday, June 03, 2007

Pinay's Paglalakbay sa Pinas-Camarines Norte-Pinay Reminisces

Dear insansapinas,

Akshually, natira kami sa Camarines Norte noong ako ay paslit pa at wala pang muwang.
Natatandaan ko ang bahay namin ay malapit sa dagat. Nasa kabilang kalye lang ang dagat kaya pag umaga o hapon ay naliligo kami sa tubig o kaya ay naglalaro sa dalampasigan.

Mahilig kaming manghuli ng alimangong nakatira sa mga butas ng buhangin. Gagawin namin ay huhukayin namin ang butas at makikita naming nakatago ang mga alimangong ito na hindi naman kinakain. Kung minsan naloloko kami. Magbubutas sila papasok tapos lalabas sila sa isang butas.

Sa gabing madilim, nilalagyan ng mga kapatid ko ng maliit na kandila ang alimango at pakakawalan sa kalsada. Pag tiningnan mo sa malayo, akala mo multo. hehehe.

Madalas kaming dalawin ng bagyo doon. Lakas ng hangin at ng ulan dahil nanggaling sa
dagat. Ang natatandaan ko, gumagawa ng tent sa loob ng bahay ang aking father para kung liparin ang bubong, di kami mababasa. Sarap naman sa loob. Siksikan kami.
Ang father ko lang ang lumalabas para kumuha ng pagkain. Minsan mainit na pansit mula sa Chinese restaurant o kaya naman ay nilagang kamote at saging.

Pagkatapos ng bagyo, takbuhan kaming mga bata sa dalampasigan. Unahang pagkuha ng mga inanod ng malaking alon.

Minsan ang inanod ay sinasabing duyong. Para itong tao pag umatungal. Mayroon din itong mammary glands katulad ng tao.

Dito ko kinamulatan ang block rosary. Yong dinadala ang Birhen sa bahay-bahay tapos may kainan sa huling gabi. Noon ko naririnig ang ORA PRO NOBIS sa mga matatandang nagdadasal. Akala ko ano yon. Kaya lang naman ako pumupunta doon dahil sa brown na bag na may lamang candy at biscuit na pinamimigay sa mga bata.

Malapit sa dulo ng dagat ay isang lugar na panay puno at batuhan. May maliit na water fall doon. Maraming mga naglalabang mga babae. Maganda kasing maglaba doon dahil umaagos ang tubig at ang lalaki ng bato kung saan puwedeng ikula ang lalabhan.

Minsan isang buwan, kasama ang aming pinsan, dinadala kami ng aking tatay sa waterfall. May dala kaming baon na binalot sa dahon ng saging. Nilalabhan niya ang makakapal na kumot, kurtina at mga maong niya noon sa pagtatrabaho. Mabigat kasi kung lalabhan sa batalan namin o sa likod ng bahay.

Languyan kami. Sarap. Makikita mo pa ang mga maliliit na hipon, nakikilangoy din. Marami rin kaming nakakasabay na mga dalaga at binata. Excuse nila siguro yon para magkita. hehehe. Tatlo dito ay mga kapitbahay namin. Tawagin natin silang si Dalena, si Magda at si Elena.

Ipagpapatuloy ko insan.


pinaysaamerika



,,,
,,,

Saturday, May 26, 2007

Tsismosos at Tsismosas sa School Part 3- Pinay Reminisces

Dear insansapinas,

Lumayo na sa akin nang tuluyan yong dalawa kong kaklase na magsweetheart. Hindi ako binabati. Para akong multong dumadaan sa kanilang harap. Oweno.
Sila pa rin daw. Pero balita ko iba ang gimik. Pupunta sa mall pareho, dalawang kotseng hiwalay, magpapark sa Parking Area, magtataxi kung saan sila pupunta. Sinong nagtsismis sa akin? Eh di yong student assistant doon sa Graduate School. Kaya ingat kayong nag-uusap sa opisina ng may opisina. Kahit tahimik ang mga yan, nakasahod ang tenga ng mga iyan. hehehe
cat
Pero isang araw, hindi pumasok ang dalawa. Sa isip ko, aha nagtanan na siguro. Eh bakit ba makikialam ako anoh? buhay nila yon, insan. Pero palagay ko gusto mo ring malaman kung anong nangyari, aminin mo na. Atin-atin lang. Hindi ko ipagsasabi, peksman.

Nasa ICU raw ang misis ni lalaki. Heart attack. Nahuli na naman daw si lalaki. Ah ah ah at, hindi si kaklase kong babae ang kasamang nahuli. Kaya pati yong kaklase kong babae, nasa ospital din. Gulo ng buhay noh?


pinaysaamerika



,,,
,,,

Friday, May 25, 2007

Tsismosos at Tsismosas sa School Part 2- Pinay Reminisces

Dear insansapinas,


Ang ikukuwento ko saiyo insan ay noong nag-aaral ako sa Graduate School. Syempre ang mga kaklase ko dito ay mga may edad na karamihan, may mga posisyon sa kanilang mga opisina at marahil kaya lang nag-enroll ay para sa promotion. Pero eto tsismis lang ha. Kaya yong iba nag-eenroll para may alibi silang huwag umuwi ng bahay at mag-excuse sa mga family affair pag weekend dahil mya group meetings. Alam mo insan, dinidivide -divide kasi kami sa grupo para maghanda ng aming presentasyon kaya kailangan naming magkita-kita pag walang pasok sa school o sa opit. Eh anong araw ba yon? Di Sunday. Kasi sa Saturday, may pasok kami sa school.

Minsan Sunday, hindi pa ako nakakapagbihis nang may humintong kotse sa tapat. Misis daw siya ni...blah blah. Bakit daw hindi umuwi ang mister niya? Aba malay ko ba. Tagatago ba ako ng mister? At sino ba ang mister niya. Ah ang lintek na kaklase ko, ako pala ang ginawang alibi sa overnight nila ng kaklase kong babae na ang tsismis ay kulakadidang (read: mistress) niya. Akala niya, hindi ako pupuntahan ng misis kasi sa
Batangas ito nakatira eh sa Las Pinas ako nakatira. hehehe buking.

Nang magkita kami ng kaklase ko, hindi ako binati. Lumayo din yong babae sa akin. Kasalanan ko ba kung magsabi ako ng totoo.

Ang problema, kumalat na tsismis yo sa school. Eh hindi naman ako ang nagkalat. Yon namang sekretarya ang nagsabi na nakuha pala ang address ko sa kaniya dahil hinahanap ng asawa ang asawa niyang hindi umuwi. Gulo noh.

Itutuloy, insan. Ang pagkakaospital ng babae. Gulo talaga ng buhay.



pinaysaamerika



,,,
,,,

Thursday, May 24, 2007

Ang Mga Tsismoso at Tsismosa Part 1-Pinay Reminisces

Dear insansapinas,

Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa
balitang ito kung sila ay nabalik o tuluyan ng nag-goodbye sa kanilang opit.

Susme, naman pag walang mga tsismosa at tsismoso sa opit ay hindi opit yan. Kung hindi yan ay monasteryo ng mga paring may pangako ng KATAHIMIKAN. Yon bagang walang imikan. Kaya panay panis ang laway. Huwag mong babanggitin ang mga monasteryo ng mga madre. Aha. May mga alam akong madre, tsismosa rin. Huwag mo akong wisikan ng holy water, insan at balde ng mineral water ang ibubuhos ko saiyo. hahaha

Noong nasa Pinas pa ako, simula ang araw sa opisina namin sa tsismisan. Hindi lang tungkol sa aming mga kaopit anoh. Mostly tungkol sa celebrities o ta-artits o kaya mga pulitiko. Ah insan, hindi ako kasama doon. (May halo sa ulo katulad ng mga santo. aleluya).

Simula yan sa elebeytor. Alam naman ninyo ang mga babae, pagdating sa opit, tuloy sa ladies room para magretouch. Naku tagal yan doon. Sa Pinas ba naman na hindi mahigpit sa oras hindi kagaya dito sa Estet na bawa't minuto ay binibilang ang tagaktak ng iyong pawis.

Pagdating ng alas diyes, may break. Tuloy na naman yan sa canteen. Grupo, grupo. Ang tagal nang kanilang meryenda ay depende sa taas ng posisyon nila sa opit. Mas mataas ang posisyon, mas matagal ang tsismisan. Ahoy. Kaya siguro hindi natin kailangan ang mga psychiatrist kasi nailalabas natin ang ating mga sentyimento de asucal sa ating mga kaibigan.

AT... pagdating ng lunch break,itutuloy na naman ang kabanata. Huwag mong isama diyan ang usapan sa telepono na akala mo ba ay opisyal. May patusok-tusok pa at pagguhit-guhit pa sa papel habang nagsasalita. Opisyal ang dating. Opisyal na tsismis.

Alas tres, break ulit. Baka tsapter 3 na o kaya ay ikatlong biktima ng tsismis na ang kanilang pinag-uusapan.

Pagdating ng alas singko o alas seis, paalaman na may kasamang Itutuloy ang Kabanata.

Hindi nga ako kasama minsan pero ang tainga ko ay kasinlaki ng elepante sa pakikinig. Total wala namang mga pangalan at panay lang mga aliases. Kagaya ng Si Babeng Tangkad na Nahuling may Kaabrsyete sa Mall. ahey.

Itutuloy din, insan.

pinaysaamerika



,,,
,,,

Wednesday, May 23, 2007

Ang Mga Nina Bonitas at mga Bling Bling

Dear insansapinas,

Ewan ko ba bakit, nacucutan ako sa mga bata. Siguro dahil naalala ko noong bata pa ako at cute din. Arayy naman, huwag masyado ang lakas ng batok.

Pero talaga insan, pag may kasama ako o kaharap ng mga bata, pinapanood ko sila.
Kahapon, may tatlong taong batang Hispanic na nakaupo sa aking upuan habang naghihintay ako ng aking mga gamot. Kulot ang buhok niya na may nakalagay na maliit na ribbon. Mayroon siyang bracelet, maliit na singsing at kuwintas. Tipical na anak ng Hispanic. Dito kasi ang mga anak ng Puti ay walang mga ganoon at Day ang mga damit ay kahit ano na lang na mahagip sa aparador.

Ngayon alam ko na kung bakit ang mga Pinoy ay mahilig din sa mga bling bling at sa mga damit. Minana natin sa ating mga kanununuan. Ang linis din tingnan ng mga batang Pinoy at Hispanic.

Ang nakakatuwa insan, habang tinitingnan ko ang bata, nakikita ko na gayang-gaya niya ang kaniyang mader sa pag-upo. Nakadaop-palad din siya. Panay ang tingin niya sa kaniyang nanay at saka titingin sa malayo na para bang "ano kaya ang lulutuin ko mamaya?". hehehe

Dumating din ang isang batang-batang ina. May dalawa siyang anak. Isang lalaki na napakalikot at isang batang babae na siguro ay wala pang isang taon.

Marami ring burloloy ang ina kahit simple lang ang kaniyang damit. Mga beads lang naman at mga perlas na alam mong "home made". Pero ang batang babae ay may suot ng gintong bracelet na pinag-iinitan niyang malunok. Akala siguro niya spaghetti? hehehe

Hindi pa niya mailagay sa kaniyang bibig kasi panay ang tapik ng kaniyang kapatid na lalaki. Nandilat ang mata ng baby at sinabunutan siya nang mahagip ang kaniyang ulo.
hahaha.

Awat naman ang nanay. Balik ulit siya sa pagpakialam sa kaniyang bracelet. Buti na lang matibay ang kaniyang pagkakatali.

Mahilig din ako sa bling bling. Nakita ninyo ang aking kamay, tatlo na lang yan. Hindi kasama yong hospital id. Dati pito ang nakasabit diyan. Para bang isang bling bawa't araw ng linggo.

Wala lang. Taguan ko yata ng bling bling ang aking kamay at leeg. Pero hindi ako mahilig sa hikaw. Nangangati ang aking tainga pag below 24 karats. Aray nambatok na naman.

Pero bago ninyo ako husgahan na ako ay mala Imelda, gusto kong ipagtapat sainyo na lahat yan ang regalo. Regalo ng aking mga kaibigan, tanga-hanga at ng aking sarili.
Yong huli ay binibili ko pag birthday ko o kaya ay may okasyon. Tapos ibabalot ko at surprise ko sa sarili ko na iniisip ko kung ano yong laman. hehehe Aray. Ah sumusobra ka na sa batok. Hmpph makatuldok na nga.





pinaysaamerika



,,,
,,,

Saturday, May 05, 2007

Spider Web-Pinay Meets Spider

Dear insansapinas,

Hindi ko ikukuwento ang pelikulang Charlotte['s Web, insan. Nirenta ko lang ang DVD dahil kay Dakota Fanning na paborito ko. Pero hindi nga masyadong nagamit ang galing niya sa pelikula.

Para siyang yong pelikulang Babe kaya lang hindi kasing ganda.

Ang bida ay gagamba. Kaya lang kinukuwento saiyo dahil pagkatapos kung manood ng pelikula, biglang may bumagsak na gagamba sa aking laptop. Kung saan nanggaling, ewan ko. Nakipanood din siguro. mwehehe

pinaysaamerika



,,,
,,,

Friday, May 04, 2007

Balikbayan Ulit-Pinay Says Bon Voyage

Dear insansapinas,
Tumawag ang kaibigan kong may girl friend sa pinas na nahuli niyang may boyfriend na tinawagan niya at ginawa rin niyang chatmate.

Magulo ba insan?

Ito ang kuwento ko diyan. Virtual infidelity

Uuwi siya sa Pinas nang araw na ito. Sasakay siya sa Philippine Airlines, non-stop kaya 12 hours lang nandoon na siya.

Ayaw niyang aminin na makikipagkita siya sa girl friend niya kaya di ko na siy masyadong kinulit.

Kaya lang paano naman ang kachatmate niya na ka-mutual ng kaniyang girl friend? Pinaghihinalaan siya na lalaki siya. Talaba eheste talaga naman eh. Ang buhay talaga ang gulo. Pinatatawagan sa akin para raw maalis ang hinala na lalaki nga siya. Eh lalaki naman talaga siya eh. Eniwi, paano pag ako ang nagkunwari, eh boses lalaki naman ako. mwehehehe.

Saka walang long distance itong telepono ng aking brother. Kailangan ko phone card. Wala naman akong phone card. Padadalhan daw niya ako. Hige. Pag-ibig talaga anoh? Basta lang malaman niya kung may ugnayan pa ang dalawa, gagawin ang lahat. Kahit magastos. Mabuti pa namang tao ang aking kaibigan. Nakumusta rin nga niya ang aking
SS aka Special Someone. Sabi ko, hindi na tumatawag. Siguro, nasuya na rin kasi hindi ako marunong magtext. Eniwi. huhuhuhuhu

Nagbilin ako sa kaniya na pasalubungan niya ako ng rosaryo na bracelet.Kagaya ng nasa picture sa ibaba na ibinigay sa akin ng aking kaibigan noon pang 2003. Inayos ko lang kaya parang bago.

bracelet


pinaysaamerika



,,,
,,,

Thursday, May 03, 2007

Babel-Pinay Ponders on People of Different Races

Dear insansapinas,

Pinalitan ng Blockbuster yong busted nilang isang DVD, kaya nahiram ko ang Babel.

Babel

Maraming nominations ito sa Oscar at saka isa pa nandoon ang aking paboritong si
Brad Pitt.

Brad Pitt


Ewan ko kung make-up yon o talaga lang tumanda na siya mula nang maging paborito ko siya sa pelikulang Meet Joe Black.

Meet Joe Black

Masyado akong naawa doon sa Haponesang teenager na dahil sa kaniyang disability na hearing impairment, feeling niya, wala siyang pag-asang magkaroon ng magmamahal sa kaniya kaya pati dentista at ang detektib ay kaniyang sineduce.

Naawa naman ako sa Mexicanang ina na sa kagustuhang makadalo sa kasal ng kaniyang anak, kahit pala siya ay ilegal ay bumalik pa rin siya sa Mexico. Ang problema, dahil sa amoy alak ang kaniyang pamangkin na nagdadrive, napag-initan sila ng border Police. Tumakas ang kaniyang pamangkin at iniwan sila sa disyerto. Idineport siya balik sa Mexico.

Hindi ko alam, insan bakit ang iba, hindi nila gusto ang pelikula. Sa eksena ni Brad Pitt, nandoon ang problema ng mga relasyong pulitika ng bansa at sa mga tao naman, minsan ang ibang lahi pa ang masigasig tumulong kaysa kapwang lahi.





pinaysaamerika


,,,
,

Wednesday, May 02, 2007

Break-up-Pinay Goes Dear Abby

Dear insansapinas,

Kausap ko insan ang isa sa mga kaibigan kong blogger. Malungkot siya, kasi kabibreak-up niya lang sa girl friend niya. Mahal na mahal niya kaya kahit ilang beses na niyang nahuling kumaliwa, pinatawad pa rin niya. Yang ang tunay na pagmamahal. Suwerte noong babae.



Tamang-tama, nakapanood ako ng pelikula ni Russell Crowe at Selma Hayek. Magsweetheart sila. Nag-break-up. Hirap na hirap si Russel Crowe kaya panay ang tawag niya kay Selma na inis na inis naman sa mga tawag. Nang minsan, binuhusan niya ang telepono habang nag-iiwan ng message si Russel. Pagkatapos ng ilang buwan, huminto na ang tawag ni Russell, si Selma naman ang tumatawag. Ayaw na namang sagutin ng lasing na si Russell. Hanggang dumaan ang buwan, taon. Nagkita sila sa isang hotel. Tapos nasa loob na sila ng kuwarto ng hotel. Pinapakita nila ang mga retrato ng kani-kanilang anak.

Tapos, nagpaalaman sila. THE END, maybe. daw.

Kung sana, nagkausap sila sana'y nalaman nila na mahal na mahal pa rin nila ang bawa't isa.

Kaiyak ano insan. Sige na nga makapagpunas ng luha.





pinaysaamerika


,,,
,

Tuesday, May 01, 2007

Wrong Pills, Right Pills-Pinay Goes Back to the Pharmacy

Dear insansapinas,

Naisulat ko doon sa aking isang "bahay" ang tungkol sa wrong pills na ibinigay sa aking ng pharmacist noong Biyernes.
Kaya sugod ako sa parmasyutika para ireklamo ang maling gamot na nakalagay sa botelya. Nag-iisip tuloy ako ngayon kung ang mga balitang overdosage ng prescription drugs ay dahil sa katangahan ng mga pharmacist.

Sabi noong nasa window na tipo namang hindi pharmacist, kahit technician ay tama naman daw ang labels.





Tama nga. Nanalo siya ng isang batok sa akin. Ang sinasabi ko ay mali ang gamot na nasa loob.

Paano ko nalaman? Ay sus, naman sa araw-araw ba naman at dalawang beses kung pag-inom ng mga gamot na iyon, hindi pa ba naman kami magkakilala?

Pinatawag ko yong pharmacist. Inamin niya na mali. Pwede ko siyang isumbong sa Supervisor niya kaya lang pinaalalahanan ko lang siya na maging maingat siya. Kung ako lang ay Puti baka nadala na ang reklamo sa Kaitaastaasan.

Mabait din pala ako. May nakita akong bilog sa itaas ng aking ulo. Aleluya.

pinaysaamerika


,,,
,

Monday, April 30, 2007

East or West -Pinay Got Lost

Dear insansapinas,
Mayroon akong appointment sa ibayong siyudad. Inexplore ko na ang papunta doon, insan. Tatlong sakay sa bus. May dala akong mapa galing sa Google at sa bus company, pero tumawag pa rin ako sa bus company kung paano pagpunta doon. Yon pala ang ibinigay sa akin yong pinakamahabang ruta. Naksiyapo, tatlong oras ang travel time ko hindi dahil ganoon kalayo kung hindi lahat yata ng sulok ng daigdig ay humihinto ang bus.Tapos, maghihintay ka pa ng isang oras sa susunod na bus. Natapos ko yata ang crossword puzzle sa isang diyaryo bago dumating ang sumunod na bus.

Maaga din akong dumating sa appointment ko kaya isang oras mahigit ang hintay ko sa labas. Matapos ang dalawang oras, labas na ako at tuliro na naman akong lumabas sa may bus stop. Isang babae ang nagsabi sa akin na walong minuto pa at dadaan na ang bus.

Tapos,tumatanaw siya sa malayo at hahagikhik. Nggiiiiii. Ano ba yan, sira ba ulo oa noh. Maayos naman ang pananamit.

Naalala ko pala pabalik ako kaya lumipat ako ng kalye. Lumipat din yong isang babae na lumupasay sa gutter ng bus stop habang naghihintay. Juicekopoh, ano ba itong mga nakakasabay kong mga tao. May mental institution ba sa malapit at mga nakawala ito.

Eniwe, dumating ang bus. Sakay kaagad ako. Sakay doon yong babae. Naupo, sa may likod ng driver, tumayo, lumakad papunta sa likod ng bus, bumalik, tiningnan kami ng kaharap niya nang nanlilisik ang mata. Ngiiii. Tapos pinikit ang mata. Biglang naghilik. Hanubayan.

Pagkadating namin sa susonod na bus depot, sumakay kaagad ako sa bus na akala ko ay pabalik na sa istasyong pauwi sa amin. Papunta pala sa West yon at pag-ikot saka pabalik sa East. Isang oras din akong naglakbay.

Habang break bago umikot, nagkuwentuhan kami ng driver. Sinabi ko na kailangan kong makarating sa pharmacy para mapalitan ang aking gamot. Sabi niya huli na. Pwede rin naman kasing kinuha ko yong isang bus na papunta na roon via highway. Malay ko ba
kasi, bagong salta lang naman kasi ako dito. Hindi kagaya sa San Francisco, magbus, magkotse, hindi mo ako maililigaw.

Pabalik kami nang makita niya ang bus na dapat kung sakyan. Nakaalis na. Sabi niya sa akin, huwag na lang akong bumaba.

Pagod na ako nang dumating sa Metro Station. May dalawang escalators pa namin akong sasakyan. Yong isa, napakataas, eh may acrophobia pa naman ako.

Dumating ako sa bahay, 6:30 na. Whew, magluluto pa. Manonood pa ng Dancing with the Stars. zzzzzzzzzz

pinaysaamerika



,,,
,,,

Sunday, April 29, 2007

Ginataang Puso ng Saging-Pinay Goes to Market

Dear insansapinas,
Ngayon niyaya ako ng aking brother, pumunta sa Oriental store. Oriental as in pwede kang makabili ng mga producktong galing sa Asia, kasama ang Pilipinas.

Layo, insan. Nasa ikapitong bundok. Dami kong pinamili. May nakita akong puso ng saging. Tuwa ko. Makakaluto na naman ako ng ginataang puso ng saging. May nakita akong kangkong sa isang cart ng namimili, hinanap ko wala na. ANG KANGKONG, bow.

Niluto ko ang puso ng saging.

ginataang puso ng saging

Huwag ninyo akong dustain. Kahit hindi maganda ang retrato ng aking niluto (dahil tira na lang yan), masarap ang lasa.

Ito ang recipe.

Isang lata ng niyog ( o diva, insan noon pag tayo ay maggagata sa probins, aakyat pa sa puno ng niyog si unkel


tapos aalisan ng bunot ang niyog. Ang bunot ginagawang lampaso, pang isis at marami pa. Tapos bibiyakin ang bao. Sarap ng sabaw ng niyog. Ang bao ginagawang uling para sa pamamalantsa at pagluto.




Pero sandali, insan nalalayo tayo.

Pagkatapos biyakin, kinudkod ang niyog. Meron kami noong kudkuran. Ganito ang hitsura.

retrato ng kudkuran

Ang tawag namin diyan kabayo kasi pag hindi ginagamit ng matatanda, sinasakyan namin at para kaming si Lone Ranger o kaya si Zorro na nagkakabayo. Hiyaaaa.

Lumalayo na naman ako insan. Hilahin mo kasi ako. Hige tuloy tayo.

Ang iba pang ingrediente ng ginataang puso ng saging.

1 butil ng bawang
1 buong maliit na sibuyas
ilang pirasong karne ng baboy o kaya hipon.
1 piraso ng Knorr chicken bullion.
asin

2 kutsarang suka (pwede ring wala)

Alisin ang ilang saha ng puso ng saging. Kasama ang mga bulaklak nito. Ang bulaklak ay parang maliliit na saging na madalas pinaglalaruan naming kunwari saging-sagingan.
Ang saha naman ay ginagawa naming bangka o kaya tsinelas.



Naligaw na naman ako. Hige, balik.

Hiwain ang puso ng saging ng pahilis at malililit na hiwa. Mga 1 cm lang ang kapal.
Ilagay sa isang bowl na malaki, lagyan ng asin at kaunting mainit na tubog.

Tapos,pigain nang pigain para maalis ang katas. Imaginin ninyo na ang pinipiga ninyo ay ang mukha ng bruha sa buhay ninyo. Yon, yon.

Palambutin ang karne sa pamamagitan ng paglagay ng kaunting tubig sa kawali. Lutuin hanggang lummambot o kaya maubusan ng tubig. Pero insan huwag kang sisigaw ng tubig.

Itabi sa isang sulok ng kawali, patuyuin ang kawali at lagyan ng kaunting cooking oil. Igisa ang bawang, sibuyas at ang karne. Ilagay ang puso ng saging. Ibuhos ang niyog. Ilagay ang chicken bullion a gitna.

Pag kumukulo na, ilagay ang suka, timplahan ng asin. Hayaang kumulo ang gata hanggang
kaunti na lang ang matira.

Tapos.

pinaysaamerika



,,,
,,,

Saturday, April 28, 2007

That Bloody Blood, I am a Bleeder

Dear insansapinas,

Kahapon ay dinalaw ko ang aking doctor. Ito yong araw na isasampal niya sa akin ang mga resulta ng laboratory tests, ultrasound, stress test, blood sugar level monitoring and high blood pressure management (kulang na lang ang IQ test kung bumagsak na ang IQ ko).

Unang kinakaharap ko doon insan ay ang medical assistant. Wala yong paborito kong itim na matanda. Isang Latina siya na blondie. Uhum. Kinunan niya muna ako ng timbang. Bagsak na naman ang timbang ko o sinungaling ang timbangan sa aming banyo. Sunod ang aking blood pressure. Talagang lahi kami ng high blood. 150/78. Blood sugar 238. Ang tamis ko talaga.

Habang tinatype niya sa computer ang aking "vital signs statistics" sa aking medical records, hindi ko namalayan na pulang pula na pala ang pantalon kong kulay cream. Akkkk, akkk. Magiging target ako nito ni Dracula kung saka-sakali. Kahit na pinunasan na ang maliit kong daliri ng swab cotton, panay pa rin ang labas ng dugo doon sa maliit na sugat ng tinusok para makuha ang aking blood glucose.

Kaya nga ba sinasabi ko na sa kanila na BLEEDER ako anoh. Sobrang dugo sa katawan ko dahil may pagkalahi akong bampira. Nyahahaha. Nalaman ko ito nang operahin nila ako sa dibdib para alisin ang cyst ko. Naubos ang tuwalya, kumot pati kurtina (hehehe, over extra exaggerated na ako, nepo) bago naampat nila ang dugo nang ako ay hinihiwa.

Nagpanic ang medical assistant. Tinambakan din ako ng tissue paper. Kulang. Kaya pinunasan niya at nilagyan ng band-aid. Itinaas ko ang aking kamay, mataas pa sa aking puso. Ganoon lang yon eh.

So, tuloy na ako sa doctor.

Tinanong niya ako kung ako ay naninigarilyo. Sabi ko hindi. Amoy lang ng usok, hinihika na ako.Tinanong niya ako kung ako ay umiinom. Sagot ko, oo. Tubig, gatas, orange joyce, tea at ang pinakamatapang at okasyon lang dahil sa sugar, apple cider.

Bigla siyang nagpaexcuse. A polite way of saying. Magpahinog ka muna. hehehe

Masyado raw elevated ang ? (did not get that thingy) sa liver, so he would like to test me of hepatitis. Hindi ko naman suot ang aking mga alahas ah, para ako manilaw.(hekhekhek).

Liver ay atay, di va? Hmm, nahahalata ring may pagka-aswang ako. hikhikhik





pinaysaamerika



,,,
,,,

Friday, April 27, 2007

The People In the Neighborhood-Part 2

Karugtong ng:

The People in the Neighborhood, Part 1

Dear insansapinas,

Acshually, hindi sila mga kapitbahay. Sila lang yong mga taong namimeet ko sa labas, sa bus stop at sa mga hintayan kapag may appointment ako.

Kanina, paglabas ko sa building, may nakita akong isang lalaki na mukhang Latino na nakaupo sa isa sa mga upuan sa bus stop habang ang isang mulatang pakiwari ko ay busa ng busa ay pabalik-balik na naglalakad sa harapan niya. Para bang may lover's quarrel. Walang talkies kasi malayo sila sa akin, tapos maingay pa ang mga nagdadaang sasakyan.

Lumipat ako ng kalye. Kaluwang na daan na nasa kalagitnaan pa lang ako ay nagbiblink na ang pulang ilaw. Para bang sinasabing Bilisan mo bruha. Tsee.

Matahimik na akong nakaupo sa bus stop sa kabilang kalye nang makita ko ang lalaking dumarating. Ngumiti siya sa akin at sinabing wrong bus stop. Aha, nabasa niya ang aking matang nagtatanong nang Why are you here? Kasi nasa kabilang bus stop sya nakaupo. Ibig sabihin, papunta siya sa South. Dito naman kasi hindi naman ibig sabihin, bagong salta pag hindi alam ang mga route ng bus. Yong iba sanay sa kotse kaya pag may pinuntahan sila na mahirap ang parking, commute sila, pero ligaw naman.

Filipina ka? tanong niya. Aba Filipino pala siya. Mukha kasi siyang Latino. Hindi rin daw siya sure na Pinay ako. Matangos daw kasi ang ilong ko. Sabi ko, maraming sipit ang ginamit ko diyan. hekhekhek

At taga Angeles City rin siya. Pero matagal na siyang wala doon. Katulad ko, high school pa ako nang umalis doon.

Tinanong ko kung nasaan na yong kaaway niya sa kabilang bus stop. Sabihin niya, hindi ko kilala ang buwakanang inang yon. Daldal ng daldal, wala namang kausap. Marumi raw ang upuan, marumi raw ang kalsada, blah blah blah. Malay ko ba roon. May nahulog yatang turnilyo sa utak.

Matagal sanang kuwentuhan kaya lang dumating na ang bus. Puno. Ngayon lang ako nakasakay ng bus dito na puno. Karaniwan naman kasi maaga akong sumasakay. Yong ang mga nagpapatulo ng pawis, kahit walang tumutulo dahil malamig ay hindi pa lumalabas sa kanilang mga opisinas. (plural ng opisina, di va).






Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika



,,,
,,,

Thursday, April 26, 2007

The People In the Neighborhood-Part 1

Dear insansapinas,

Hindi sila kapitbahay, insan. Mga tao lamang na nakakausap ko sa aking paglalakad.

Galing ako sa ospital noon at tahimik na naghihintay ng bus. Tinitingnan ko ang magandang puno ng cherries na may bulaklak pa rin.

May tumabing mama sa aking upuan. Disente siya, mukhang kagalang-galang. Pinaunahan niya na ako na may hearing impairment siya. Kaya nagbabasa lang siya ng labi. Kuwentuhan lang kami ng tumunog ang cell phone niya. Tayo siya para sagutin.

Isang babaeng Puti naman ang tumabi sa akin. Panay ang buntong hininga niya. Tapos nagsalita.

I am pregnant. Huh? Hindi ako tatay niyan, sa isip ko. hehehe. Kasi bakit naman sasabihin niya sa akin. Iba pa ang tuno. Para bang hindi siya masaya.

So ang number one pagkatsismosa ko ay umandar na naman.

Ako: Wow, isn't that good news.
Babae: Yeah, if you're married and the father is responsible to help you bring up the child.
Ako: (Thought balloon lang). Nake, isa na namang malungkot na istorya, Ate Charo.
Babae: And I am also looking for a job. I have been unemployed for three months now.
Ako: (Thought balloon ulit)Sabi ko na nga ba. Ilang tsapter na naman kaya ito.
Babae: I've worked in restaurants, sales stores and I just can't go back there anymore. Work is hard. You get only minimum and some tips. My boyfriend doesn't bring home any money. This is our second baby.
Ako: (thought balloon ulit). Eh bakit ka pa nagpabuntis ulit? Husko naman.
Babae: Sorry for the rant. I am just depressed.
Ako: It's okay.Magaling naman akong makinig. Dinudusta ko lang sila sa utak ko. Cruelme. Story of my life. *heh*

pinaysaamerika



,,,
,,,

Wednesday, April 25, 2007

Sa Ospital-Right or Left

Dear insansapinas,

Nakilala ako noong receptionist na lalaki na alam ko hindi talaga lalaki. In fwerness, masyado siyang dedicated sa work niya. Halos hindi umuupo. Wala pa akong sampung minutong nakaupo, tinawag na niya ako.


Habang nilalagyan niya ako ng id bracelet, siinabi ko na bilib ako sa kaniya. Sinabi ko yon ng taos sa puso ko at hindi pambobola. Alam kong nakakatulong sa kaniyang mood maghapon ang makarinig ng papuri sa mga pasyente na kung hindi masungit ay maysakit na hindi nagsasalita.

Alam mo naman insan na early 20's ko nang maoperahan ako sa breast. Cysts lang naman, pero tatlong beses nangyari. Ewan ko ba naman itong mga bukol na ito at mahilig yatang tumubo sa aking mammary gland. Hindi naman sila mukhang keso na nabuo dahil sa gatas dahil wala naman talaga akong gatas. Got milk? No. ahek.

Ang maganda nito, walang makinang ginamit noon ang doctor para malaman na mayroon akong cyst. Ngayon, may mammography na may ultra sound pa.

Dahil sa medical history ko at ang aking pamilya, red alert sila sa akin pagdating sa
breast kaya noong nakaraang taon, nang pinersuade nila akong sumali sa isang programa ng breast cancer detection, sa pamamagitan ng libreng silip at eksaminasyon, pinababalik nila ako sa isang follow-up kasi raw may nakita sila. If I know, gusto nila akong gawing guinea pig. Eniwey, hanggang dito ay naabot ako dahil ang sulat ay pag kumunsulta ako sa aking ob-gyne, kailangan ipakita ko raw ang sulat nila na may findings sila sa right breast. Eh ako pa naman insan ang nerbiyoso't kalahati na para bang may nararamdaman nga ako. Schiso nga raw ako. Nakakain ba yon?

So, to make the story long ehek short, ultra sound daw nila ako, base sa nakuha nilang film sa aking previous doctor.

Pero mammogram daw muna. Eh ang sakit noon. Pero nakita ko rin ang monitor. Aling kaya doon. Wala naman akong makita.

Tapos pinaghintay ako para sa ultra sound. Ang maganda sa ospital na yon, maari kang magreklamo kapag hindi ka naasikaso ng mahigit labinlimang minuto. Titingnan nila ang dahilan kung bakit hindi ka naasikaso. O di va, magandang patakaran yon.

Memya, memya, pagkatapos kong mabasa ang mga katsisimisan sa magasin na US, (sandali na kay Angelina Jolie na ako) a sinundo na ako nang isang ultrasound technician na lalaki. May kasama siyang babaeng technician. Para maiwasan ang kasong sexual harrasment thingy sa mga ganoong pagkakataon.

Magaling sana yong technician dahil pinapaliwanag saiyo ang gagawin niya at ang mga expectations. Pero sabi niya titingnan daw niya ang left breast ko. Bigla akong napasalita pagkatapos kung tumango at umiling lang dahil sa trauma ko doon sa mammography room. Ipitin ka ba naman ng dalawang beses. Sakit.

"I thought it is right breast? " Kung di lang madilim sa kuwarto, baka nakita ko siyang namutla. Eniwey, sabi niya, titingnan din niya ang aking left. Dahil ba kaliwete ako? ehek.

Habang nireretrato niya ang loob ng aking dibdib, sinisilip ko rin sa monitor. AHA nakita ko nga ang sinasabi nila. Para siyang holen sa laki at sa bilog.

Nagpaalam siya sa akin na ikukunsulta niya sa doctor ang findings.

Nang bumalik siya, sabi niya ifoforward ang resulta sa aking doctor.

Pinagbihis niya na ako at sinabi niyang pagkatapos ay puwede na akong lumabas sa pinto.

Tanong ko, right or left? hehehe Kulit ko noh?


Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika



,,,
,,,

Tuesday, April 24, 2007

May mga Filipina-Allelujah

Dear insansapinas,

Break muna tayo sa romantic series ko. Kuwento ko lang ang nangyari sa akin ngayong araw. May appointment ako sa doctor sa nuclear department (radiology) ng hospital.

Malapit lang ang ospital. Mga 20 minutes lang sa bus. Hindi na ako nagpahatid. Isang sakay lang, hindi ako maliligaw.

Sa bus stop, may narinig akong nagsasalita ng Tagalog. Isang babaeng nakatalikod sa akin sa isang babaeng ang kulay ng buhok ay mais. Wala namang ihawan. ahek. Mag-ina pala silang nakatira sa malapit lang sa amin. Sabi ko, sila ang una kong mga Pinoy na nakita maliban doon sa Pinoy store na nagsara na dahil walang bumibili.

Kwento kete, kuwento habang wala pa ang bus. Tinanong kaagad ng nanay, diyan pala kayo nakatira, magkano....

Sabi ko nakikitira lang ako sa kapatid ko.

Natutuwa kasi ako na makakita ng Pinoy. Sabi sa akin noong babae sa Maryland daw marami. Sabi ko naman sa San Francisco, hindi ka makakalakad ng isang metro na wala kang makikitang Pinoy.

Sumakay na sila nang may dumaang bus at ako naman ay sumakay na rin sa isang bus na dumating. Dalawa lang kaming pasahero noong una at anak pa yata ng driver yong isa. Binigyan siya ng isang special pass. Hindi ako binigyan ng driver ng ticket kaya humingi ako. Ano ba siya, wala sa sarili? Dalawang sumakay, isang babae at isang lalaki. Nagpapapara yong lalaki sa bus stop, hindi huminto yong driver. Pinagalitan siya 'day noong babae. Sabi niya, hindi raw niya tinitingnan ang bus stop kung saan puwedeng huminto. Lumampas tuloy yong mama na halatang bagong saltang katulad ko.

Dito pa naman, pag namiss mo ang isang bus stop, ay maglalakad ka pabalik, itsura ang lakarin mo ang City hall ng Maynila, pabalik Quiapo. O di va sinong hindi maiinis niyan. Nag-apologize yong driver. Saan ka nakakita nang ganiyan? Sa San Francisco, pag nalampas ka, ibaba ka sa susunod na bus stop ng driver na bubulong-bulong. Malinis ang mga buses dito bandang amin, insan. Ang mga driver ay malinis din. Pero dito lang siguro banda sa amin yon.


Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika



,,,
,,,