Advertisement
Friday, May 04, 2007
Balikbayan Ulit-Pinay Says Bon Voyage
Dear insansapinas,
Tumawag ang kaibigan kong may girl friend sa pinas na nahuli niyang may boyfriend na tinawagan niya at ginawa rin niyang chatmate.
Magulo ba insan?
Ito ang kuwento ko diyan. Virtual infidelity
Uuwi siya sa Pinas nang araw na ito. Sasakay siya sa Philippine Airlines, non-stop kaya 12 hours lang nandoon na siya.
Ayaw niyang aminin na makikipagkita siya sa girl friend niya kaya di ko na siy masyadong kinulit.
Kaya lang paano naman ang kachatmate niya na ka-mutual ng kaniyang girl friend? Pinaghihinalaan siya na lalaki siya. Talaba eheste talaga naman eh. Ang buhay talaga ang gulo. Pinatatawagan sa akin para raw maalis ang hinala na lalaki nga siya. Eh lalaki naman talaga siya eh. Eniwi, paano pag ako ang nagkunwari, eh boses lalaki naman ako. mwehehehe.
Saka walang long distance itong telepono ng aking brother. Kailangan ko phone card. Wala naman akong phone card. Padadalhan daw niya ako. Hige. Pag-ibig talaga anoh? Basta lang malaman niya kung may ugnayan pa ang dalawa, gagawin ang lahat. Kahit magastos. Mabuti pa namang tao ang aking kaibigan. Nakumusta rin nga niya ang aking
SS aka Special Someone. Sabi ko, hindi na tumatawag. Siguro, nasuya na rin kasi hindi ako marunong magtext. Eniwi. huhuhuhuhu
Nagbilin ako sa kaniya na pasalubungan niya ako ng rosaryo na bracelet.Kagaya ng nasa picture sa ibaba na ibinigay sa akin ng aking kaibigan noon pang 2003. Inayos ko lang kaya parang bago.
Pinoy,Pinay, balikbayan,
love,Philippine Airlines,phone card, romance

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment