Advertisement

Sunday, February 28, 2010

Miss You Like Crazy

 Dear insansapinas,

I am not referring to John Lloyd-Bea movie. Mula nang natsitsismis si John na may bisyo, nahulog siyang bigla sa listahan ko. 

I am referring to our own cougar--Vick Belo. Cougar refers to a woman whose lover slash husband slash boyfriend is much younger than she is. Kagaya nina Demi Moore, Ivana Trump at Cher.

Baka say ninyo obsessed ako kay Belo...hindi ah. Fascinated lang ako sa kaniya at kaniyang walang kahiya-hiyang pagdisplay ng kaniyang emo kay Hayden Kho. Kaya lang maraming nasasaktan kagaya ng kaniyang anak.


Cristalle feels disappointed over Vicki’s broken promise
Cristalle Henares is disappointed with her mother Vicki Belo when she gave in to her “weakness” and saw her ex-boyfriend Hayden Kho recently.
“Disappointed lang ako kasi akala ko naka-move on na siya. Pero kung ‘yon naman ang makakapagpasaya sa kanya, okay lang din,” she told “Startalk.”
A few weeks back the famous-yet-controversial doctor announced that she and the embattled ex-doctor are not seeing each other until the latter’s birthday on May 20.
Vicki’s daughter added that, “Hindi [niya] naman talaga napigilan ‘yung puso [niya] eh.”
“Sabi niya na-in love daw ulit siya nang makita niya si Hayden, so hayaan na lang… Kebs na lang, ‘di ba?” she added.
Sabi naman sa isang balita, hindi naman daw addicted si Belo kay Hayden. 
Araw ng arraignment kay Hayden noong nakaraang Martes, upon the advice of her lawyer ay sumipot ang doktora sa korte to lend moral support to her ex-boyfriend. “When I saw him nga, he’s still guwapo pa rin. Pero wala na ‘yung addiction to him, just kilig,” sabi ni Vicky

My friend sympathizes with Crystalle. Nalulong din kasi sa lalaki ang kaniyang nanay na noon ay magliliyebo sisenta na at talaga pong parang teen-ager na inaway-away siya. Pati ako inaway din. Ouch. Pakialamera kasi.

Hindi mo ba naman pakikialaman yong niniwakan siya sa kaniyang bangko thru ATM. Tinanong lang naman ako ng anak paano nangyayari yong nauubos ang kaniyang pera ay bihira naman siyang magwithdraw.

Dahil sila ay live-in na, nakukuha noong lalaki ang kaniyang ATM card at siguro nakita ang kaniyang PIN kaya sa isang araw nakakawihdraw siya sa iba't -bang ATM machine ng 200 dollars each na maximum na withdrawal. Ang hindi niya alam ay may surveillance camera ang bangko at sa isang particular time, pwede nilang makita kung sino ang nagwithdraw.

Kesehodang lumayas sila sa bahay ng aking kaibigan at patuloy siyang ninanakawan dahil may asawa pala sa Pinas ang taranta$%.

Ewan ko kung paano nagkahiwalay ang dalawa.

Last year, meron na namang nanligaw sa kaniyang nanay na at the age of 65 ay nagtatrabaho pa. Nagpapadala siya ng pera sa dalawa niyang anak sa Pinas.Pareho nang may-asawa na parehong walang trabaho. Ang nanligaw ay wala ring trabaho. 

Pinalayas ng aking kaibigan ang manliligaw na nakatira rin sa kanila ng mahigit isang taon at pakain nila.

Ang nanay niya? Ayun meron na namang manliligaw. Sabi nga niya mahirap magpalaki ng magulang. 

Student/Lover
Meron din akong co-faculty na ang unang naging asawa ay istudyante niya. Disisyete lang yata noon. Dahil sa iskandalo, lumabas sila ng Maynila at doon nanirahan. Buntis siya ng bunso nila nang malaman niyang merong girl friend si husband. Iniwanan siya. 

Sineduce naman niya ang isang istudyante niya sa college. Nagsama sila pero hindi makapakasal dahil ayaw ng magulang ng lalaki. May kaya ang pamilya kaya kahit hindi ito magtrabaho ay meron siyang pera pero subali't datapwa't hindi sila binibigyan ng magulang nito. Taon din nakalipas bago sila nagkahiwalay. 


Pinaysaamerika 

No comments: