Advertisement

Tuesday, February 23, 2010

The Bakasyon

Dear insansapinas,
Bear with me while I present you the pics that I took with my cheap camera. Iba-ibang camera ang gamit pero ito ang aking paborito.


Siyempre una kong hinanap ay ang alimango. Hindi alimasag na una kong nabili sa isang grocery malapit sa aming bahay. Pinahanap ko talaga, kesehodang pumunta sa Baclaran. Tanong sa akin ng tsikting gubat: Paano kung walang babae, pwede ba bading na lang? May bading bang alimango? Meron daw.


Sa akin okay lang, huwag lang magcocrossdress katulad noong nakikita kong popular na TV host. Tseh.


Ito lutong Bicol. Ginataang alimango. Yum yum. Gumastos ng libong dolyar para sa biyahe para lang makakain ng alimango. hehehe. Huwag isnabin, sa kasal ni Ivana Trump, yan ang main entree. Crab. Pagkatapos naghiwalay silang mag-asawa after 16 months. Nagkalmutan yata.


Hindi na Pasko, nang dumating ako. Tapos na rin ang Tatlong Hari, pero nakasabit pa ang mga parol na missed ko sa US of A.



In fact, hindi na yata inaalis yon. Ikakabit din naman ulit eh. mwehehe Kaya lang pagbukas mo ng porch light, nakabukas din. toinkkk

Kaya pati si the neighbor, naiilawan din. mwahaha


The beaten path


Ito ang nilalakaran ko noon para kausapin ang mga tanim pag ako ay stress. Stressed din sila kaya natutuyo. Waaah.



Kaya plastic na lang ang nakalagay sa grotto.


At least sa backyard, totoo ang mga tanim kagaya ng kalamansi.



Pinaysaamerika

2 comments:

biyay said...

uy alimango. allergic ako jan pero kumakain ako nyan. sarap ng sa gata! o kaya chili crabs! mmmm

cathy said...

ako naman shrimps ang allergy ko. pero kain pa rin ng kain.