Advertisement

Friday, January 26, 2007

Movies imitate movies, sitcom imitates life

Dear insansapinas,

Paborito ko ang Shawshank Redemption, ang pelikula kung saan si Andy Dufresne (Tim Robbins)ay tumakas sa preso sa pamamagitan ng paghukay nang mahigit na dalawampung taon sa pamamagitan ng maliit na martilyo. Pero napanood ko rin ang Great Escape, isang classic film, kung saan, tumakas din ang mga preso mula sa Nazi Camp sa pamamagitan ng paghukay ng tunnel sa ilalim. Hmmm medyo may pareho ang pagtapon nila ng lupa mula sa hukay--sa pamamagitan ng pagtago sa pantalon.

Pero hindi yan ang aking kuwento. O sige Birhinya sampalin mo na ako ng sampalin, libre pero limang minuto lang.

Ang aking kuwento ay tungkol sa isang episode ng Ugly Betty sitcom kung saan ang playboy na bida ay nawala at naging depressed. Karma siya kasi. Napaglaruan nang tadhanang maloko rin ng isang babae.

Ang kuwento ay tunay na buhay. O di va, sitcom imitates life.

Kagaya ng dati kong boss. Bise-Presidente kaya bising bisi siya palagi. Ako ang kaniyang kanang kamay kahit kaliwete ako. Lalaki siya, babae ako (raw) pero sa kaniya, para akong lalaki. Kasama niya kahit saan magpunta. Sikreto niya, sikreto ko. Sikreto naming dalawa sa kaniyang asawa.

Pogi siya. Kilig ang mga goirls na makakita sa kaniya lalo na ang ilang libo naming empleyadong babae.

Misan may nagtago sa kaniyang kotse para lang makasabay sa kaniyang pag-uwi. Di nila alam, kasabay niya ako nang araw na iyon. May "raket" kaming iba.

Kahit di niya tinatago ang sikreto na siya ay pabling, may condition ako sa kaniya na wala siyang isasabay na kakulakadidang niya sa loob ng kotse pag nandoon ako.

Kaya palusot siya. Aplikante raw. "Ah sabi ko, hindi ko alam na nalipat na pala ang Human Resources sa kotse mo?" Ganyan ako kapranka sa kaniyang magsalita. Takot din naman siyang mawala ako. Mawawalan siya ng magandang katulad ko. ahem ahek, hic.

Hininto niya ang kotse. Akala ko ako ang pababain niya. Tiningnan ko ang lugar. Hanep, walang sasakyang dumadaan. Tiningnan ko ang aking high heels. Palagay ko magiging flat ito pag naglakad ako hanggang sa may makuha akong masasakyan. Yon palang babae ang pinababa. May tricycle naman na dumaan kaagad.

Ganiyan siya katindi. Minsan ay tinawag niya ako sa kaniyang opisina. Kala ko ay report. Tinananong niya kung paano niya mapapatunayan kung siya nga ang ama ng bata.

Kala ko, may hinala siya na nasalisihan siya sa asawa niya. Yon pala may isang babae na nabuntisan niya at humihingi ng suporta. Gusto ba namang kunin ang bata at ampunin ko raw. Ano siya nababaliw? Gusto ko siyang ihagis sa Pasig River.

Hindi ako nagresign, pero hindi na ako pumasok. Hayaan ko na lang AWOL nila ako total may iba naman akong "raket".

Nagpadala siya ng emissary sa bahay. Hindi napalambot ang aking puso, kasi sabi nga nila wala ako noon. *heh*.

Sumunod ang kaniyang misis na ang pumunta, nakikiusap na ako ay bumalik. Mainit daw ang ulo ni Boss. Pati raw ang mga utusan nasisinghalan nang wala namang kasalanan. PAti raw ang kawawang aso ay takot sa kanya dahil masahol pa sa naglilihing babae.
May sakit daw at ayaw kumain.

Bakit dala ko ba ang kusina. Sa isip ko lang ito. Naawa ako sa asawa. Kung alam lang niya ang sikreto ng kaniyang asawa.

Pumayag akong bumalik at dalawin siya ng gabing yon. Nasa salas ang kaniyang asawa at kausap ang mga amiga niya. Pinatuloy niya ako sa itaas kung nasaan ang kuwarto nila.

Nasa harap ng computer ang boss ko.
"Kala ko ba maysakit ka? Magpapadala na sana ako ng bulaklak dito." patuya kong sabi.

" Gumaling na ako nang marinig kong darating ka?" pangisi niyang sagot.

"Pati ba naman ako, binobola mo boss. O, hige, sino na naman ang babaeng prinoblema mo? " Alam ko wala kang problema sa babae.Nankakandarapa silang makuha mo."

" Sakit mo namang magsalita. Hindi naman lahat ng babae, ganyan sa akin. Mayroon din naman akong minahal at iginalang".

Aha, bagong script yan. May bago ka bang writer ngayon. Kasi ako, hindi magaling magsulat at magsinungaling. Buking ako."

"Hindi scripted yan. Totoo yan, galing sa puso." sabi niya.

Oy, parang gusto kong maniwala. Aber, sinabi mo na ba sa babae? Kamalas naman na babae yan?"

"Actually, hindi ko alam kung babae nga siya" At hindi ko masabi."

"Ano, binabae? bakla? Boss, naman, kinikilabutan ako saiyo."

"Bakit bakla ka ba?" tanong niya.

End of the story. dotdotdot.

Ang iyong insan,

signature of pinaysaamerika


,,,,,,
,,


,

,

Thursday, January 25, 2007

Sad movies and Sad Songs Make Me Cry

Dear insansapinas,

Photobucket - Video and Image Hosting
Hanube yan, isang nag-audition sa American Idol ang nagsabi na ang kakantahin niya ay inspired ng break-up nila nang kaniyang girl friend. Malungkot daw at tiyak na babaha ng luha. Ako naman si gaga't kalahati ng one fourth ay inihanda ang kumot na malapit sa akin. Baka nga naman ako maiyak. Alam ninyo naman, dinaanan din natin yang mga broken broken heart ekek na kung minsan ay wala akong ganang kumain hanggang maamoy ko ang dala- dalang pizza ng aking karoommate noon. Yum yum, saka na ang sintir de asukal. Kain muna. Ano nababaliw na magutom.

Eh, balik tayo dito sa mamang nangangalandakan na siya ang susunod na American Idol at sabi niya ala Sharon Cuneta, BUKAS LULUHOD ANG MGA TALA kasama raw si Paula Abdul.

Pinigil ko pa ang punta sa bathroom para hintayin siyang kumanta. Kumanta na po. Saan ba nakatago yong pambambo ko. Tinamaan ng lintek. Love song ba yong nag raRap siya roon. Tsee niya.

Noong isang araw naman ay pinanood ko ang pelikulang JEZEBEL. Hindi yong sirenang lalangoy langoy na tinampukan ni Vilma Santos, Alma Moreno at ang pinakahuli ay si Charlene Gonzales.

Ito ay lumang pelikula na tinatampukan ni Bette Davis at Henry Fonda. Maganda pala si Bette Davis noong bata pa.At siyempre, guwapo talaga si Henry Fonda.

Dito sa pelikulang ito nanalo ng Academy Award si Bette. Bakit ako naiyak kanyo, kasi naalala ko sarili ko sa katigasan ng ulo niya. Nang sabihang bawal ang magsuot ng hindi puting damit para sa mga babaeng wala pang asawa sa kasayahang dinadaos taun-taon, nagsuot siya ng pula. Ako naman nang sinabihang bawal ang magpantalon sa graduation at kailangan nakabestida ang mga babae, nagsuot pa rin ako ng pantalon. Nang makita ako ng usher, pinatupi sa akin bago ako umakyat sa stage. Buti na lang mahaba ang toga ko.

Ang nakakaiyak pa sa pelikula ay kung sino ang di mo aakalaing maksasakripisyo sa pag-ibig ang siyang nagpakamartir sa bandang huli. Ako, sabi nila martir, pero ayaw kong mabaril sa Luneta kaya puede ba.

Haynaku, kay Jackie Chan na nga lang ang papanoorin ko.

,,

Tuesday, January 23, 2007

My First Excursion in Snow Part 2

Dear InsansaPinas,
Sensiya ka na. Kailangan kasing break para sa topic na ito. Dami ko ring ginagawa.

So nasaan na ba tayo? Alam ko nandito ako sa Estet, at ikaw diyan sa pinas. Silly.

Ito pa ang ibinigay sa akin ng kapatid ko. Ang snow cap.

image of snow cap

Pag sinuot mo kasama ng itim na pantalon at itim na pang-itaas,hindi ka na makikita sa dilim. Lagyan mo lang ng dalawang butas sa mata, puwede ka nang mangholdap ng bangko na hindi makikilala. Kaya lang sira ang hair do mo. *heh*

Wala akong snowcap sa San Francisco. Meron ako beret.

image of a beret

Yong nakikita niyong suot ng mga Italian painters. Either nakakiling sa kaliwa o sa kanan. Feeling ko pag suot ko yon at ako ay naglalakad sa financial district ng San Francisco ay model akong Italiani spaghetti. Pag nakita naman ako ng aking kaibigan na may tupak din ang ulo, tinatanong kung nasaan ang aking easel at mga pintura. bwahaha.

Isa pang ibinigay sa akin ay ang scarf. Pantali sa leeg. Para hindi ginawin, silly.

image of scarf by pinaysaamerika

Ayan kumpleto na kaya, dya dya yan.

pinaysaamerika in snow cap

Ito ang mga dinaanan ko.

Ang snow sa tanim. Akala mo bula ng laundry detergent na isinaboy sa tanim na gumamela.
image of snow in a bush
Remember yong ginagawang kulahan ng ating mga inang?

imageof snow by pinaysaamerika


Ito close-up. Para namang ginadgad na yelo. Parang gusto ko tuloy gumawa ng halo-halo.

image of a snow by pinaysaamerika

Daming halo-halo sana nito insan.
image of snow

Ang iyong pinsan,



signature of pinaysaamerika



,,,,Los Angeles,,pinoy,

Monday, January 22, 2007

My First Excursion in Snow

Dear Insansapinas,

Syempre, kailangan kong mag-explore. Kung baga sa business plan, I got to strategize. *heh*. Sorry insan, force of habit. Talagang lumalabas pa rin ang mga corporate bullshits sa aking brain. O di va may time nga noon tulog ako pero I sleeptalk na panay daw numero ang sinasabi ko sa aking sleep. Buti na lang hindi blah blah blah.

Pero hanube ang gagawin ng katulad ko na first time lang magtatampisaw sa snow?

imag of body warmer by pinaysaamerikaBinigyan ako ng aking kafatid ng body warmer. Hindi ko tiningnan masyado. Kala ko thermal (yong yong suot mo sa ilalim ng damit para hindi masyadong ginawin). Sa isip ko kaliit naman. Baka nakatupi. Yon pala eh para siyang malaking Salonpas na puwede mong itapal sa balat para magbigay ng init. Pwede rin sa sakit sa kasu-kasuan, sa mga muscle cramps.
Oy, wala nito sa pinaggalingan kong baryo.

Binigyan ako ng aking kapatid ng gloves. Dyan dyan.ROCKY movie sound track.

image of snow gloves by pinaysaamerika
Ang kapal. Parang pagsuot mo ay di mo na maramdaman ang hinahawakan mo.(wiss wiss) Sound of shadow boxxxxz Hindi kasi sanay eh.


Sa San Francisco kase, may gloves nga ako pero yon bang maninipis lang na fashionista. May manipis na faux leather,
image of leather glove by pinaysaamrerika

May knitted na black and white.

image of knitted gloves by pinaysaamerika

Itutuloy ko ang aking adbentyurs sa snaaw.

Ang iyong insan,

signature of pinaysaamerika


tags : ,,,

Sunday, January 21, 2007

Let It Snow, Let It Snow

Dear Insansapinas,
Aleluya, first time , hindi second time pala akong makakita nang snowfalling from the sky. The first time when I was just a week old dito sa Estet. Pumunta kami sa Reno noong boss ko at ang kaniyang whole family para pumunta sa Harrah's at magcasino habang ang mga bata (kasama ako roon) ay sa Circus Circus, tatambay. Biglang nag fall ang snow sa kotse. Hay, taranta ang mga chikiting gubat na kasama namin.Imagine, kala ko pa naman lahat ng Puti, nakakita na ng snow. Pre-preho lang pala kaming first time. Ako kunwari hindi excited pero kung pwede nga lang ba na makipag chorus ako sa mga bata pagsabing "Pull over, dad, wanna play outside and catch the snow", sana ay ginawa ko na. Pero siyempre, ngiti lang ako.Para bang keber ko sainyo noh. Pero, mahina lang. Parang sinabuyan lang ng asin ang aming kotse. Tunaw kaagad.

image of snow fallingPero kahapon, habang yakitiyak kami sa telepono ng kaibigan kong nasa Los Angeles, aba nakita ko parang lumilipad na mga maliliit na bulak sa hangin. Snow, snow. Gusto ko sanang magtatalon kaya lang baka isipin ng aking kapatid, natuluyan na akong masiraan. Hindi naman dahil may hinala siya pero malapit na rin doon. ahek.

Tuloy pa rin kami ng aking kaibigan pagtsismisan. Pero lumabas ako sa balkonahe at ibinulas ko ang aking palad para makahuli ng snowflake. Huwag kang maingay, itatago ko sana sa ref.
image of snowcovered walkwayWala. Pero namumuti na ang barandilya namin. Para bang naglagay ng asin na pinong-pino. Parang margarita. HIC.

Mga ilang minuto lang, aba, nagiging puti ang paligid. Wala na yong damo na green. Wala na rin yong mga naghahabulang mga squirrel.

Pero yong puno, hindi pa masyado ang snow at ang walkway ay nakikita pa.

Sige daldal pa rin. Siguro mahigit isang oras yong aming usapan. Sakit ng tainga ko pagkatapos. Pero yong mata ko nakatingin sa labas. Nag-iisip ako kung gagawa ako ng
halo-halo o tatakbo ako sa labas para magretrato.



image of snow covered green grassMga ilang minuto pa ay puti na ang paligid. Parang May nagsabog ng maraming arina. May snow na nakasabit sa puno. Naalala ko ang aking Christmas tree sa San Francisco pag Pasko. Nilalagan ko ng pekeng snow. Singhot. Naalala ko sa Pinas kung saan may pekeng snow at ice. Pumupunta kami kahit mahal ang bayad. Nakasuot pa kami ng snowjacket. Photo-op lang. *heh*

pinaysaamerika
,,,

,,,

Tuesday, December 19, 2006

Ang Ending nga Love Story na hindi pa talaga The End, gulo mo.

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.
Part 13 Karugtong ng kabanata:


Dear InsansaPinas,

Umuwi siyang wala sa sarili. Huwag lang siyang hindi makanti ng kasalubong niya ay handa na siyang mambuntal.

Tuloy siya sa isang beer house. Wala sa kaniya yong mga naghihiyawang mga gustong kumanta sa karaoke. Isa, dalawa, tatlo hanggang nakadalawang dosena pala siyang beer.
Di niya matandaan kung paano siya nakauwi sa bahay. Sinalubong siya ng kaniyang part-time housekeeper. At yon na lang ang kaniyang natandaan nang unti-unti siyang hinubaran at pinunasan ng mainit na tubig.

Kinabukasan ay masakit pa rin ang ulo. Niya. Parang maraming mga maliliit na tao na nagmamartilyo ng kaniyang ulo. May pagkain sa lamesa pero wala siyang kasama.
Hmm, sa isip niya. Nanaginip ba siya o totoong may nakatalik siya kagabi?

Tumawag si Auria, pero di niya kinuha ang telepono. Pinaadvance niya ang flight niya para makabalik na sa San Francisco.

At siya ay lumipad.

Kaya yan insan ang ibinida niya sa akin pagkatapos ng kaniyang bakasyon sa pinas. Pero hindi diyan nagtatapos ang kaniyang kuwento.





Itutuloy.

Ang iyong pinsan,

pinaysaamerika
,,,

Monday, December 18, 2006

We can only learn to love by loving. --Pinay Love Story 2

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.
Part 12 Karugtong ng kabanata:


Dear InsansaPinas,

Ito na ang karugtong pinsan. Pasensiya ka na at maraming mga nangyari sa buhay ko kaya pinagpahinga ko muna ang aking utak sa mga malulungkot na kuwento. Hikbi.Pero hindi ako ang bida sa istoryang ito. Ang bida ay ang aking kaibigan na nasa San Francisco. Malamig dito sa Washington DC kaya hayaan mong ikwento saiyo habang binabanatan ko itong popsicle without sugar.

Maagang pumunta si Rick sa bahay ni Auria para kausapin na ito tungkol sa balak nila.
Himala, wala ang mga asungot. Tahimik ang paligid. Pinapasok siya ng nanay ni Auria at sinabing maghintay siya’t tatawagin niya. Ang sandaling yon ay umabot ng oras. Hindi lumalabas si Auria. Inamoy niya ang sarili niya.Naligo naman siya .( Erase erase. Hindi pala kasama yon).

Lumabas si Auria na mugto ang mata. (Tiyak umiyak di ba insan?) Umiyak nga.

Umiiyak pa rin ito nang sabihin sa kaniyang kalimutan na siya ni Rick. (O div a, shocking yon?).

Nakipagkita pala ito sa dati niyang boyfriend para magpaalam. Pero, natukso silang dalawa at ayun di may nangyari sa kanila. Huwag na akong tanungin. Basta yon na.
Ang problema, nahuli sila ng asawa ng kaniyang ex-boyfriend. Pagbaba niya ay sinabunutan siya, kinaladkad at saka pinagsampal-sampal sa kalsada. Mang-aagaw ng asawa. Yon ang sigaw ha. Aba’y kahiya naman talaga. Kahit ako, kung ako ay asin, tunaw kaagad ako doon kahit hindi ako binubuhusan ng tubig.

Nashock si Rick. Yon palang lagay na yon, hindi pa rin nito nakakalimutan ang boyfriend.

Gusto rin niyang sampalin kaya lang lalong mamaga ang mukha nito.

Tumayo siya at walang lingon-likod na umalis.

Sandali insan, tunaw na ang popsicle. Itutuloy.





Ang iyong pinsan,

pinaysaamerika

,Los Angeles,,pinoy,

Sunday, December 10, 2006

I Left my Heart in San Francisco--Driving in Streets of San Francisco

Maalala mo kaya, San Francisco (hikbi)
I left my heart in San Francisco, high on a hill it calls to
me


Dear insansapinas,
Alam mo namang dito ako ibinagsak ng tadhana nang ako ay bagong salta sa US of Ey, mahigit nang sampung taon ang nakalilipas.

Dito ako natutong magdrive, sa turo ng Intsik na binayaran ko noon nang $ 18 per hour para lang ako matutong magdrive dito, kasi naman sa Pinas kahit may lisensiya ako, may taga drive sa akin. Ahem.

Ang lintek na singkit, dinala kaagad ako sa mga matataas na lugar sa Streets of San Francisco na akala mo bundok kong aakyatin sa itaas. Sanay pa naman ako na may clutch kaya ang aking paa ay nagsasayaw sa dalawang tapakan, gas, break at imaginary clutch. hehehe. Hindi sa akin ang video. Hiniram ko lang sa youtube para maipakita kung gaano
kaexciting ang magdrive dito. Yon bang tipong nerbiyos na nerbiyos ka dahil nakaalalay ka sa break,hindi mo na kailangan ang tumapak sa gas dahil bababa ka at bababa pero ang lintek ang daming mga nanggagaling sa kanan. Hoy paraanin ninyo ako.





Related articles:
1. I left my heart in San Francisco-Driving in the Streets of San Francisco
2. I left my heart in San Francisco-Golden Gate na hindi gold
3. I left my heart in San Francisco-Riding in the cable car
4. I left my heart in San Francisco-Walking in the Fisherman's Wharf

5. I left my heart in San Francisco-The Fisherman's Wharf Bushman
6. I left my heart in San Francisco-Fisherman's Wharf-Fire-eating Dude

7. I Left My Heart in San Francisco-Fisherman's Wharf-Sealion

8. I Left My Heart in San Francisco-isherman's Wharf Robot

9. I Left My Heart in San Francisco-Fisherman's Wharf-Aquarium

pinaysaamerika
,,,
,,

I Left my Heart in San Francisco-Golden Gate na hindi naman kulay Gold

Mga Alaala sa San Francisco (hikbi)
"When I come home to you, San Francisco, your golden sun will shine for me."



Dear InsansaPinas,

Acshually, noong bagong sulpot ako dito sa San Francisco, nagtatrabaho ako sa downtown pero nakitira muna ako sa aking bossing sa Walnut Creek. Mga lugar ng mga Puti yon. Kalayo sa SF downtown. Siguro ay mga 30 minute-drive kung hahawak ka sa iyong tainga pag nagdadrive ng mabilis yong aking bossing na babae at walang pulis o traffic na istorbo. Dito sa youtube na ninakaw ko (looted, baby)makikita ang pagdadarive papunta doon sa Golden Gate. Kung may makita kayong biglang dumilim ang dinadaanan, yon ay tunnel sa ilalim ng bundok. Yeah baby, pinakialaman nila ang bundok, binutas para lang lagyan ng daanan. (Naisulat ko ito sa libro ko na hindi pa lumalabas dahil naghihintay pa ng maawang magpublish, hehehe) Sabi nga eh. If you cannot make the mountain move, then dig a hole, and it's a big hole.






Nakita mo ba yong Golden Gate, insan. Di naman golden, di va? Noong una nga akala ko golden kaya balak ko sanang magdala ng pang scrape baka makakuha ako kahit kaunti para gawing singsing.

Nakita mo ba yong mga naglalakad sa sidewalk. Ang mga hitad, ang haba niyan. Pagod yan pagkatapos.

Related articles:

1. I left my heart in San Francisco-Driving in the Streets of San Francisco
2. I left my heart in San Francisco-Golden Gate na hindi gold
3. I left my heart in San Francisco-Riding in the cable car
4. I left my heart in San Francisco-Walking in the Fisherman's Wharf

5. I left my heart in San Francisco-The Fisherman's Wharf Bushman
6. I left my heart in San Francisco-Fisherman's Wharf-Fire-eating Dude

7. I Left My Heart in San Francisco-Fisherman's Wharf-Sealion

8. I Left My Heart in San Francisco-isherman's Wharf Robot

9. I Left My Heart in San Francisco-Fisherman's Wharf-Aquarium

pinaysaamerika
,,,

Saturday, December 09, 2006

I Left my Heart in San Francisco-Riding in the Cable Car

Maalala mo Kaya, San Francisco (hikbi)
"To be where little cable cars climb halfway to the stars.."


Dear insansapinas,

Ito ang street cable car sa San Francisco. Isa lang ang ruta nito. San Francisco, Powell Street hanggang Fisherman's Wharf.

Ang nakikita mong iniikot ang cable car ay sa Powell Street na. Ito ang pinakabusy na lugar sa SF downtown. Nandiyan ang mga turista, mga aktibista, mga mandurukot, mga pulubi.

Nakapila ang mga turista para sumakay sa cable car. Sa Powell din mabibili ang ticket. May mabibili doong one day pass na puwede mong gamitin ss cable car, sa street car (yeah baby, buhay pa sila kahit mukha na talaga silang pinaglipasan ng panahon, pero masayang sumakay, iba sa cable car yon).

Hawak ka lang pagsakay mo dahil dadaan ito sa bundok-bundukang Streets of San Fancisco.

6. I left my heart in San Francisco-Fisherman's Wharf-Fire-eating Dude

7. I Left My Heart in San Francisco-Fisherman's Wharf-Sealion

8. I Left My Heart in San Francisco-isherman's Wharf Robot

9. I Left My Heart in San Francisco-Fisherman's Wharf-Aquarium

pinaysaamerika
,,,
,

Thursday, December 07, 2006

I left my Heart in San Francisco-Fisherman's Wharf Bushman

Fisherman's wharf-Bushman

Maalala mo Kaya-San Francisco (hikbi)
I'm going home to my city by the bay.

Haay masaya dito sa Fisherman's Wharf. Marami kang ka-ekekang makikita. Tingnan mo itong bushman na ito. Kumikita siya sa pananakot ng tao. Ang kailangan lang niya ay pinutol na bahagi ng tanim na maraming dahon. Bubulagain ang mga naglalakad na turista. May mga nagugulat, may naglilimos. Pinakamababang bigay ay $ 1.00.
Mantakin mo kung sa libong dumadaan doon, isandaang magbibigay, di may isandaan siya.
Magandang raket. Makahanap nga ng siit.



Related articles:
1. I left my heart in San Francisco-Driving in the Streets of San Francisco
2. I left my heart in San Francisco-Golden Gate na hindi gold
3. I left my heart in San Francisco-Riding in the cable car
4. I left my heart in San Francisco-Walking in the Fisherman's Wharf

5. I left my heart in San Francisco-The Fisherman's Wharf Bushman

6. I left my heart in San Francisco-Fisherman's Wharf-Fire-eating Dude

7. I Left My Heart in San Francisco-Fisherman's Wharf-Sealion

8. I Left My Heart in San Francisco-isherman's Wharf Robot

9. I Left My Heart in San Francisco-Fisherman's Wharf-Aquarium


pinaysaamerika
,,,
,,

Tuesday, December 05, 2006

I left my heart in San Francisco-Fisherman's wharf-The Aquarium

Fisherman's wharf-The Aquarium

Maalala mo Kaya-San Francisco (hikbi)
I'm going home to my city by the bay.

Dito sa Fisherman's Wharf ay may aquarium kung saan makikita mo ang pating, sting ray, star fish na naglalanguyan sa iyong tabi, saiyong uluhan. Ang daan kasi ay nasa ilalim ng aquarium kaya para ka ring nasa ilalim ng dagat, hindi nga lang nababasa.









Related articles:

1. I left my heart in San Francisco-Driving in the Streets of San Francisco
2. I left my heart in San Francisco-Golden Gate na hindi gold
3. I left my heart in San Francisco-Riding in the cable car
4. I left my heart in San Francisco-Walking in the Fisherman's Wharf

5. I left my heart in San Francisco-The Fisherman's Wharf Bushman

pinaysaamerika
,,,
,,

I Left my Heart in San Francisco-Fisherman's wharf-Robot

Fisherman's wharf-Robot

Maalala mo Kaya-San Francisco (hikbi)
I'm going home to my city by the bay.

Iba-iba talaga ang raket dito sa Fisherman's Wharf, San Francisco. Ito naman, nagpipintura sa sarili na kunwari robot. Binibigyan siya ng turista ng isang dolyar o limang dolyar para makasama sa retrato. Mura yong mga binibigay natin sa mga Igorot.






Related articles:

1. I left my heart in San Francisco-Driving in the Streets of San Francisco
2. I left my heart in San Francisco-Golden Gate na hindi gold
3. I left my heart in San Francisco-Riding in the cable car
4. I left my heart in San Francisco-Walking in the Fisherman's Wharf

5. I left my heart in San Francisco-The Fisherman's Wharf Bushman

pinaysaamerika
,,,
,,

Monday, December 04, 2006

I left my heart in San Francisco-Fisherman's wharf-Sealion

Fisherman's wharf-Sealion
Maalala mo Kaya-San Francisco (hikbi)
I'm going home to my city by the bay.

Ito ang mga sealion sa Fisherman's Wharf. Hindi ko alam kung bakit tawag sa kanila ay sea lion dahil ang tingin ko mukha pa silang dagang malaki at ang ingay naman nila ay parang asong tumatahol. Ito ang ginagawa nila maghapon, pasakay-sakay sa kanilang "bangka".





Minsan di ko alam kung nagpapapansin din sila sa turista pero laban din sila.

O loko, hulog ang isa.



Related articles:

1. I left my heart in San Francisco-Driving in the Streets of San Francisco
2. I left my heart in San Francisco-Golden Gate na hindi gold
3. I left my heart in San Francisco-Riding in the cable car
4. I left my heart in San Francisco-Walking in the Fisherman's Wharf

5. I left my heart in San Francisco-The Fisherman's Wharf Bushman
6. I left my heart in San Francisco-Fisherman's Wharf-Fire-eating Dude

7. I Left My Heart in San Francisco-Fisherman's Wharf-Sealion

8. I Left My Heart in San Francisco-isherman's Wharf Robot

9. I Left My Heart in San Francisco-Fisherman's Wharf-Aquarium

pinaysaamerika
,,,
,,

Tuesday, November 28, 2006

There is no instinct like that of the heart. --Pinay Love Story 2

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.
Part 11 Karugtong ng kabanata:


Dear InsansaPinas,

Tuloy ang kuwento ni Rick, insan. Tahimik ako. May nilalantakan akong sugar-free na ice-cream. Yahhhh.


Bago pa man siya nakapag-almusal, nakatanggap na siya ng tawag kay Auria. May pupuntahan daw siya kaya hindi siya makakasama sa pupuntahan nila.

Tinamad na siyang lumabas kaya naligo lang siya at tumambay siya sa sala.
Bahay ng kaibigan niya ang tinuluyan niya. Lahat ng miyembro ng pamilya ay nasa
Estet na at isang kamag-anak lang ang tagapag-alaga nito. Paminsan-minsan ay pinauupahan sa mga balikbayang katulad niya. Pero sa kaniya libre.

May isang babaeng pumupunta para siya ipagluto, ipaglaba at maglinis ng bahay.
Siya sa Betty. Istudyante sa gabi at tinutulungan ang nanay sa labada sa araw.

Madaldal ito. Hindi siya nahihiyang magsabi na pag may nagkamaling Kano na
Ligawan siya, sasagutin niya kaagad.

May hitsura siya. May kaitiman nga lang.

Ipinagluto siya ng tanghalian pati na hapunan bago umalis para pumasok sa iskul.

Nakiusap din ito kung maaring gamitin ang kaniyang computer kasi may assignment daw sila.

Dahil nga wala na siyang kachat sa internet dahil personal na silang nag-uusap, halos hindi niya ginagamit ang kanyang laptop.


Tinatawagan niya si Auria, hindi sumasagot kaya tuluyan na siyang hindi lumabas ng bahay.

Nakatulugan din niya ang pinanood niyang teleserye. Walang mapanood. Ayaw naman niya yong mga talk show.

Naramdaman niyang may nagkumot sa kaniya at humalik.

Si Auria ba yon. Pero nakapikit na siya at nanaginip.



Itutuloy.

Ang iyong pinsan,

pinaysaamerika
,,,

Sunday, November 26, 2006

The loving are the daring.-Pinay Love Story 2

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.
Part 10 Karugtong ng kabanata:


Dear InsansaPinas,
Tamang-tama. Dumating na kami sa aking balay. Hmmm. Namiss ko ang aking peborit na soap opera. Pero parang teleserye na rin naman ang istorya ni Rick. Detalyado eh.

Bago nakasagot si Auria ay may hiyawan sa ibaba.

Si Baby Damulag, nagsisisigaw.

“Walanghiyang matanda ka. Di ka na nagbago. Inabuso mo na ako noong bata pa ako,
Ngayon aabusuhin mo na naman si Neneng. Pitong taong gulang lang yan.
Walang kaluluwa ka. Hayup”


Ah matindi. Sabi ko. Sino ang kinagagalitan niya?

Yong daw balikbayan na uncle. Nahuling hinahalikan yong pamangkin sa labi.

“Baka naman halik uncle lang?” Taas kilay kong tanong..

“Ano nakalabas ang dila.” Sagot ni Rick na medyo umunat sa pagkakaupo sa aking sopa.

“Abah, maypagkapedophile pala ang bruho. “Isa pang kilay ang tumaas sa akin. Pantay na sila.

“Sabi ni Baby Damulag, ganoon daw ang ginagawa sa kaniya noong bata pa siya. Hindi nga lang daw siya nagsumbong dahil takot siya sa banta nito.”sabi ni Rick na tinitingnan yong dala niyang tasa.

“Ahh, kaya pala, iwas siya anoh.Yong ang sikreto. Eh anong ginawa noong tatay ni
Auria at Baby Damulag?” Tanong ko habang inaabot ko ang green tea kay Rick.
Pampatunaw ng pagkain.

“Hindi nga nakakibo yong dalawa. Yong ang nagpaaral sa kanila at sumusuporta
Sa pamilya kahit ngayon. Tumakbo na lang si Baby Damulag, pauwi sa bahay nila”.

“Eh si Auria, anong reaksiyon?”,salo ko.

“Wala, tahimik siya.”sabi ni Rick.

“Palagay mo hindi rin siya naabuso noong bata pa siya?” Paso ako ng tea.
Daldal kasi ng daladal habang umiinom. Pwe.


Itutuloy.

Ang iyong pinsan,

pinaysaamerika
,,,

Friday, November 24, 2006

Si Pinay at ang Thanksgiving Day sa US of Ey

Si Pinay at ang Thanksgiving Day sa US of Ey

Dear InsansaPinas,

Thanksgiving dito sa Estet. Dati-rati, may turkey akong tinatanggap doon sa dati kong pinagtatrabahuhan. At namimigay pa ito nang mahigit dalawang libong pabo sa mga taong pipila sa harap ng opisina, mula ikapito ng umaga, hanggang alas onse ng tanghali. Daay, non-profit yon anoh. Kami ang tagapakain ng mga nagugutom, tagapainom ng mga nauuhaw at taga-ampon sa mga walang matirhan. Hindi po kami pilantropo. Huwag kayong hihingi ng pagkain sa akin, hane. Kami lang po noon ang tagagastos ng mga perang ibinibigay ng mga pilantropong kagaya nina Warren Buffet, Bill Gates at iba pang sobra-sobrang yaman.

Balik tayo sa turkey.
Yon na nga, di haba ng pila. Dalawang kalsada ang okupado. Tamang-tama, papunta ako noon sa bangko para ideposito ang ilang libong tinanggap naming mga donations. Abah, ang mga babaeng singkit na halos hindi makapagsalita ng English ay may dala-dalang turkey na nakuha sa pagpila sa aming opisina ay maraming balot ng turkey sa isang grocery cart, mga ilang kalsada ang layo sa amin. HUWAG NINYONG SABIHIN SA AKING SOBRANG GUTOM NIYA para kumuha ng limang turkey anoh. Sasampalin ko kayo. Ooops. Matalian nga itong kamay ko. (palo-palo sa kamay). Urhhhm, ayan medyo kalmado na ako.

Ang mga turkey po ay binibili ng dalawang dolyar ng mga pareho nilang singkit na maaring may restaurant o may tindahan kung saan nagbebenta ng turkey. Dalawang dolyar? Hanep ang tubong makukuha nila.

Sa ilang balik sa pila, may mahigit 10 dollars nga naman ang babaeng singkit na lagi kong nakikitang naghahanap ng basyong lata ng soft drinks sa basurahan.

Hindi ko na ito sinumbong sa mga kataastaasang mga diyos sa aming opisina. May batas kasi kaming nakasulat na huwag tatanggi pag may lumapit at humingi ng tulong. (Huwag ninyo akong titingnan, hindi ako kasama sa batas na yan).

Isa pa, isang araw lang naman itong nagaganap, hinayaan ko nang kumita siya. Nasaan ba ang pamilya niya. Masapok nga.

Ilang taon din yaong tumatanggap ako ng turkey na ipinamimigay ko sa may malaking pamilya. Kasi ako naman, hindi ako kumakain marunong magluto ng turkey. Ang lalaki pa naman na minsang niluto ng aking kabalay, isang taon yata akong napurga sa roasted turkey, reheated roast turkey, reheated for the nth time roasted turkey. In short, inokupa niya ang malaking espasyo ng aking freezer.

Kaya minsang namigay, ulit, pinili ko yong pinakamaliit. Sinabi ko sa sarili ko na kailangang matuto akong magroast ng turkey.

Kaya nang huling luto ko. Ito. Tadyan.

pinaysaamerika
photographer:polo


pinaysaamerika

,
,,

Wednesday, November 22, 2006

Love doesn't make the world go 'round.Love is what makes the ride worthwhile. --Pinay Love Story 2

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.
Part 9 Karugtong ng kabanata:


Dear InsansaPinas,

Mahaba pa ang kuwento ni Rick, insan at kung tatapusin niya doon sa kinakainan namin ay mamumulubi sa dami ng aking kinain. BURP. Excuse me.

Kaya tinapos namin ang pagkain at pagkatapos magtip ng $5 doon sa busgirl na nag-uuntugan na ang kilay sa inis dahil ang tagaaal talaga namin ay lumarga na kami.

Sa bahay ko na lang kami magpapatuloy ng kuwentuhan.
Habang nasa kotse ay itinuloy niya ang kuwento.

Ito ang kuwento niya na pinakinggan ko naman habang panay ang sulyap ko sa salamin.Wala na pala akong lipstick.

Niyaya niya si Auria na kumain sa labas. Nagpaalam sila sa magulang nito.

Wala pang isang oras nasa restaurant na sila sa bayan. Labinlima sila lahat.
Buti na lang mura lang ang pagkain doon. Naisip niya, ulit-ulit yayain na lang
Niya si Auriang lumabas at saka na sila kakain. Di kagaya nito, isang batalyon
Ang sumama. Wala namang giyera.

Sabi ko, hindi pa kasama niyan ang mga kapitbahay ha?

Medyo nangiti si Rick. Siguro talagang nakatatawa nga naman na isang pamilya
ang pakakainin mo pag isinama mo ang iyong nobya.

Nakailang labas din sila at paminsan-minsan ay natitiyempuhan nilang magsolo
Lalo pag wala ang mga asungot na nakabantay at nakatanghod papasok pa lang siya
Sa bakuran.

Kinausap niya na si Auria na kailangang magdesisyon na siya dahil maghahanda na
siyang mamanhikan kung maari para maayos niya ang lahat bago siya bumalik
sa Estet.

Hindi makasagot si Auria.




Itutuloy.

Ang iyong pinsan,

pinaysaamerika
,,,

Monday, November 20, 2006

You come to love not by finding the perfect person,but by seeing an imperfect person perfectly. -Pinay love story 2

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.

Part 8 Karugtong ng kabanata:


Dear InsansaPinas,

Nagiging suspense ang story ni Rick. Hindi ko naman minamadali dahil marami pang prutas akong di nakakain. Eat all you can. Bahala kang mapurga.

Tuloy ang kuwento ni Rick- Ano ang sikreto ?

“Sinong Adel ang tinawag mo? Tanong ni Rick.

“Ikaw. Di ba Adel ang pangalan mo ? sagot ng kapatid ni Auria.


Naku ha muntik ko ng malulon ang kapirasong apple. Sino yon?


Napatingin si Rick kay Auria. Naghahanap ng sagot.

Sandali lang naming nag-isip si Auria at sinabi niya na nagsinungaling siya
Sa kapatid dahil para itong si Dolly Carvajal na sagap ang lahat ng tsismis.

Adel,daw ay galling sa Dell, yong computer na ginagamit niya sa opisina.

Ahhh, sabi ni Rick.

Nagkamot ng ulo ang kapatid na tinedyer na mahinang pinalo sa puwet ni Auria
At inutusang magmeryenda sa kusina.

Napansin niyang tahimik si Baby Damulag at susunod sana sa pinsan nang
Makitang lumabas ang tiyo nitong balikbayan.

Umurong ito at tuloy-tuloy na sa pintuan ng bahay at umalis nang walang paalam.

Sa isip niya, ano bang sikreto ng mga taong ito?


Ano nga ba? Sabad ko habang nagkakaasim ako sa pagkain ng pinya.



Itutuloy.

Ang iyong pinsan,

pinaysaamerika
,,,

Saturday, November 18, 2006

We can only learn to love by loving. ---Pinay Love Story 2

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.
Part 7 Karugtong ng kabanata:


Dear InsansaPinas,


Tuloy ang kuwento ni Rick- Si Auria at ang Pamilya


Nagkakahiyaan pa daw sila lalo ang daming miron. Nakahalata naman ang nanay ni Auria kaya pinaalis lahat ang taong nasa salas. Takbuhan sila sa kusina pero nakita pa rin ni Rick ang mga ulong sumusungaw sa kurtina.

Hindi makatingin si Auria. Sa isip niya ay mahinhin talaga. Parang di makabasag pinggan lalo kung plastic. Ehek. Kumustahan sila. Kuwentuhan. Hindi pa rin maalis sa isip niya bakit parang galling sa pag-iyak si Auria. Alam niyang darating siya pero hindi nang araw na iyon.

Nang dumating ang ama nito ay ipinakilala siya. Tatlo palang magkakapatid ang ama ni Auria. Isa yong ama ni Baby Damulag at ang isa ay ang kasama niya na balikbayan din.
Ito ang nagpaaral sa kanila kahit na noong bago tumira sa Estet.

Nagkumustahan sila at nalaman nito na siya rin ay balikbayan. Ilang sandali pa ay iniwan
sila nang magkapatid.

Mayamaya ay nagpasok ulit ng meryenda ang nanay ni Auria. Tang orange. Mukhang galing sa Estet. Pati ang palaman sa tinapay ay corned beef. Katas Amerika.

Nalaman lang balikbayan siya, iba na ang meryenda. Hehehe

Sinabi niya kay Auria na isang buwan lang siya sa Pinas at kailangang malaman na niya kung desido talaga ito sa kanilang pagpapakasal.

Hindi pa man nakakasagot si Auria ay pumasok si Baby Damulag at may kasamang isa pang babae na ang tingin niya ay kapatid ni Auria na tinedyer.

“Bayaw” sabay yakap sa kaniya ng tinedyer”

“Tawagin na kitang Kuya Adel ha?” tanong nito na tinitigan siya mula ulo’t paa.

“Kuya Adel?”


Itutuloy.

Ang iyong pinsan,

pinaysaamerika
,,,

Thursday, November 16, 2006

There is no instinct like that of the heart. -Pinay Love Story 2

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.
Part 6 Karugtong ng kabanata:



Dear InsansaPinas,

Tuloy ang kuwento ni Rick-Ang pagkikita- ito totoo-totoong totoo na. Sumpa man.

Inimbitahan siyang umupo ng nanay ni Auria. Paglakad niya sa may sopa, nakasunod ang mga paslit na ususero. Para siyang isdang nasa aquarium. Inuusisa, tinitingnan bawa’t kamay ng kaniyang buntot. Para siyang ibong nasa hawla na pinagmamasdan kung malapit nang mamatay o kakanta o kakain. Para siyang baboy… ehekk.

Naglabas ng maiinom ang nanay ni Auria. Isang maputlang orange Juice. Tila ba maputlang natakot sa multo o nakalimutang maglagay ng kulay. Malamig ang tubig pero kulang ng asukal. (Kapintasero naman ng Rick na ito. Ako, ito insan, sumisingit sa kuwento ni Rick).

“Eh taga saan ka ba iho? Mukha yatang dayo ka rito sa amin?” tanong ng nanay ni Auria,
Habang ang mga mukha ng ibang matatandang babae doon ay naghihintay din ng pagkakataon para siya matanong.


Ah akala mo interrogation. Ako ulit ito, sumingit sa kuwento. Malapit ko na kasing matapos ang aking kinakaing ice cream, iniisip ko kung ano ang isusunod kong kunin.

“Taga Maynila po ako”. Maikling sagot ni Rick. Hindi niya sinabing Estetsayd siya. Baka raw lalong magkagulo ang mga nakikiusisang kamg-anak na naroroon.

Paano naman kayo nagkakilala ni Auring?


May pagka NBI rin pala ang nanay ng babae. Kaya lang natural lang yon sa nanay. Ang iba ngang nanay pati bank statement inuusisa.

Bago pa man nakasagot si Rick, may dumating na babae. Kagulo na naman ang mga hinayupak na mga kamag-anak.

Maganda siya. Balingkinitan ang katawan.
(wow sabi ko, kahit hindi ko naman nakikita, bakit ba panay ang singit ko dito. Makakakuha na nga ng kape.

Tumayo rin si Rick para sabayan akong kumuha ng kape.

Pag-upo niya ay tuloy ang kuwento.

Si Auria nga iyon. Kaya lang bakit parang katatapos lang umiyak?



Itutuloy.

Ang iyong pinsan,

pinaysaamerika
,,,

Tuesday, November 14, 2006

The heart has reasons that reason does not understand. --Pinay Love Story 2

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.
Part 6 Karugtong ng kabanata:


Dear InsansaPinas,




Tuloy ang kuwento ni Rick-Ang pagkikita- ito totoo na talaga.

"Hindi ko siya kilala ah. Baka nagkamali ng bahay. sabi ng Baby. Eh mister, sinong baby ang hinahanap mo?tanong niya kay Rick.

"Auria ang pangalan niya pero Baby daw ang kaniyang palayaw", sagot ni Rick.

"Ow, si Auring. Baby nga rin siya. Pero di siya rito nakatira. Doon sa likod. # 305 ito, yong kanila #305 A. Pinsan ko siya."

"Ibig mong sabihin si Baby Liit ang hanap niya? Akala ko pa naman may nagkamali na saiyong magpakasal". sabad ng matandang lalaki.

"Si Tatang, pinagbibili ako." tampo kunwari ang anak.
" Eh kung ipagbibili kita, por kilo. Mas tutubo ako. hehehe". Sige na nga samahan mo na.

Umikot sila sa bahay na malaki at sa likod nga ay mas maliit na bahay. Kumatok si Baby Damulag. Dumarami ang mga taong nag-uusisa. Para bang isang buong baryo ang nagising sa paghanap sa isang dalaga ng isang binata.

Ang nagbukas ay matandang babae. Humalik ng kamay ang kasama niyang babae. May lumabas na isa pang may edad na babae na bumunghalit ng:

“Oy Baby, nobyo mo? Kaswerti mo naman. Hang pogi.” May kasama pang hampas yon.

Sa lakas ng salita ng babae, marami pang nagdatingan. Hindi malaman ni Rick kung saan nanggaling ang mga yon. Bata, matanda, pangit, maganda, mabango, mabaho, pandak, mataas.

“Hindi ko Tiyang. Hinahanap ho si Auring”. Sagot ni Baby.


“Si Auring ko? Bakit daw?” tanong ng matanda.

“Ewan ko, hindi ko pa naman ho naitanong eh. Nasaan ho ba si Auring?”

“Wala siya. Nasa bayan at mayroon daw siyang kakausapin. Pero babalik na siguro yon.
Gusto ba niyang maghintay?”


Itutuloy.

Ang iyong pinsan,

pinaysaamerika
,,,

Sunday, November 12, 2006

Love is the history of a woman's life; it is an episode in man's.-Pinay Love Story 2

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.


Part 5 Karugtong ng kabanata:


Dear InsansaPinas,

Kuwento ni Rick-Ang pagkikita- (twwwinng twwwwinnng)( ano kanyo yan? tunog ng biyulin).

Nakita niya ang bahay na address na ibinigay ng kaniyang nobya sa internet. Tawagin natin siyang Auria. Ang nagbukas ng pinto ay matandang lalaki.

"Nandiyan po ba si Baby? " ('yon daw ang tawag sa bahay nila).

"Ah si Baby Damulag?" sagot ng lalaki. Kumunot ang noo ni Rick. Hindi niya alam kong may kasamang Damulag ang Baby. Pero bago pa man siya nakasagot ay parang kampanang rumepeke ang bunganga ng matandang lalaki.

"Oy Baby Damulag, parine ka at may nagkamali yata saiyong dadalaw."hiyaw ng matanda.

Nakatayo pa rin si Rick sa labas ng pinto pero natanaw niya ang malalaking hitang bumababa mula sa hagdan. Sumalosep sa isip niya, damulag nga.

Hawig nga sa retrato ang babaeng lumapit pero para siyang malaking batang napabayaan ng magulang na tagasimot ng tira sa kusina. Ang laki.

"O eto si Baby, Mister, siya ba ang hinahanap mo? Kung hindi naman, ay dalaga din yan, naghahanap ng mapapangasawa. Hindi mo pa man hinihihingi ang kamay, pati hita "eheste" paa ay ibibigay ko na". sabi ng matanda na nanunukso ang mata sa babaeng lumapit.

"Ibig mong sabihin, Dabiana pala yong gerl pren mo? "sabad ko. Tuloy tayo para kumuha ng ice cream. Sandali lang kako, time out muna.


Itutuloy.

Ang iyong pinsan,

pinaysaamerika
,,,

Friday, November 10, 2006

The loving are the daring.--Pinay Love Story 2

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.


Part 4 Karugtong ng kabanata:


Dear InsansaPinas,

Pumunta kami sa Fresh Choice. Salad bar siya. Eat all you can. Pero doon sa mga dahon-dahon, isang beses ka lang makakakuha kaya dapat marunong kang magtambak sa maliit na pinggang ibibigay saiyo. Pero pagdating sa soup, mga pies, drinks, desserts, ay Daay , kahit ilan balik mo na may pangal ka pasa bibig, babalik ka na para kumuha pa ng maliit na pizza o kaya ay maliliit na hiwa ng mga cakes. Saraaap.

So, pagkatapos nang makapag-imbak ako ng pagkain sa lamesa(may "I shall return" akong card na inilalalagay sa lamesa tuwing ako ay pumupunta sa hilera ng mga pagkain, kung hindi baka iligpit ng waitress)ay pumuwesto na ako sa harapan ni Rick. Ang bruho, pinaguilty conscience pa ako. Kaliit na dakot ng salad ang kinuha. Nagmukha tuloy akong gahaman sa pagkain. *heh*

"Pasensiya ka na kung hindi kaagad ako nagkuwento saiyo."Pasakalye ni Rick na dinadalirot ang kawawang green peas sa salad niya. Kawawang green peas. Kung makakaiyak nga lang yon, siguro yon nang hintuan muna ako, hintuan mo na ako, disin sana'y ginawa na niya.

"Okay lang" sagot ko naman. Uhhhm sumingit sa ngipin ko ang kapirasong brocolli.

"Marami kasing istorya, hindi ko alam kung saan ko sisimulan." Tuaok pa rin siya ng tusok ng green peas na gutay na gutay.

"Aba, mahaba-haba rin ito. Ilang tsapter kaya?" Hindi ako nagkamali. Hindi ako nagkamaling magtambak ng pagkain. Hige(sa isip ko lang), tuloy ang kuwento, habang mainit ang tingin ko sa baked potato na may butter. Hmmm cholesterol na, carbohydrates pa.

Itutuloy.

Ang iyong pinsan,

pinaysaamerika
,,,

Wednesday, November 08, 2006

All love that has not friendship for its base, is like a mansion that is on the sand-Pinay Love Story 2

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.

Part 3 Karugtong ng kabanata:

Dear InsansaPinas,

Tahimik ang mundo ko maghapon. Bwisit ako eh. Huwag nga lang may mag-ring na telepono, parang simbahan katahimik ang aking maliit na cubicle. Kulang na lang na may magmisang pari at mga grupo ng anghel na kumanta ng aleluya, aleluya, maari na kayong lumuhod at magdasal.

May wisik pa yan ng aking bottled water. Pag bigla mong tingin sa akin ay sulimpat. Yong salubong ang dalawa kong mata. hekhekhek

Tahimik din si Rick. Panay lang ang buntong hininga at tanaw sa malayo. Ang malayo naman na iyon ay 'yong aming water cooler na tambak ng mga paper cups. Igiban din yon ng mga gustong makatipid sa tubig kaya bago umuuwi ay pinupuno ang kanilang isang litrong bote. *heh*

Alas seis na. Isa-isa nang na-aalisan ang mga katrabaho namin. Naghanda na rin akong umalis. Pinalitan ko na ng aking sneakers ang aking sapatos na balat. Haay, ang sarap ng feeling. Yan ang uso dito. Gamit ay sneakers, pagdating sa opisina ay palit ng sapatos na may takong para raw disente ang dating. *heh*

Lumapit si Rick. Isnab ko nga siya. Tsee. Kung pwede raw akong makausap? Tsee. Kakain daw kami sa labas. Ahay. Yan ang maganda. Siyempre naman,pag kainan mabilis ako errrm mabait akong kaibigan, handang dumamay. *heh* Kaya sagot akong oo.

Itutuloy.

Ang iyong pinsan,

pinaysaamerika


,,,

Monday, November 06, 2006

Love: a temporary insanity, curable by marriage-Pinay Love Story 2...

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.


Karugtong ng kabanata:

Dear InsansaPinas,

Hanep sa bilis ang dating ni Mona sa opisina. Wala pang isang oras ay nasa tapat na ng desk ni Rick. Ano kaya ang sinakyan nito, walis tingting?

Narinig ng aking taingang lumalapad pag gustong makarinig ng balita na inimbita siya ni Rick sa tanghalian. Uhmmm, himala ng mga himala. Parang gusto kong magtirik ng kandilang pink na may samyomg "Love is in the Air".

Paano na yong gerl pren sa pinas na pakakasalan kuno. Ayaw ko ito. Hindi ako updated sa balita. Nawawala ang aking pagka BBC (hindi BBC news kung hindi, Balitaan ng mga Balitang Controversial at ang aking pagka CNN (hindi CNN News) kung hindi Chismosang Number Nine, (bakit number nine kanyo, eh meron naman pang The Buzz, Cristy Fermin, etc). Sa number nine na lang ako, paborito ko kasing number.

Lintek pa yong auditor galing sa Hong Kong. Kinukulit ako kaya di ako makatayo para maharap itong si Rick. Sayang na walang ang pinagsamahan naming mga usapang lalaki ehek, lalaki sa babae at babae sa lalaki.

Pag alas dose, tumayo sila at lumabas. Tiningnan lang ako ni Rick para hudyat na siya ay lalabas.Tumango naman ako. May oras ka rin sa isip ko, habang kandahirap akong esplika sa auditor yong mga hindi niya maintindihan. Bobo. ekkk

Nagtatawanan pa sila nang bumalik. Parang kinurot ang puso ko. Hindi sa nagseselos ako LOKAH. Nagseselos nga ako dahil hindi na yata ako ang kaniyang Lady Confessor. Alam naman ninyo may LYS ako (Lovingly Yours Syndrome, ineng at ato) at mayroon din akong MMKF (Maalala Mo Kaya Fever).

Ah kesehoda. Buti matatahimik ako kahit sa hatinggabi na tumatawag siya para lang magkonsulta pag may problema sa pag-ibig. Ang hilig ko kasing makialam baga. PQ ako. Pakialamera Queen.

Nagbabye sa akin si Mona. Hindi niya ako nilapitan dahil nakita niyang nakadikit sa akin yong Singkit na auditor.Ayaw ko rin siyang kausapin. Ayaw ko ring kausapin si Rick.

Masama ang loob ko kasi nauna pa niya sigurong naikuwento kay Mona yong nangyari kaysa sa akin. Heh.

Lintek na utak ito. Bakit ko ba sila papansinin.

Pagdaan ko papunta sa ladies room, hindi ko sinulyapan ang desk ni Rick. Nakatingin din siya sa akin. Alam ko. Ah loko, sisimulan niya ako. Tatapusin ko.

Itutuloy.

Ang iyong pinsan,

pinaysaamerika

,,,

Saturday, November 04, 2006

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.

Ikalawang kabinata eheste kabanata.

Dear InsansaPinas,

Ayaw akong sagutin ni Rick. Patuloy siyang nakatitig sa nakasarang monitor ng kaniyang computer. Gusto kong sabihin, open sesame, ang password niyan. Baka lang kako nakalimutan niya.

Abah, ni hindi ako tiningnan. " Ano ka ba namatanda?" tanong ko.
Wala pa ring sagot. Sapakin ko kaya, isip ng aking utak na pagkamaton. Kaya lang saved by the bell siya. Tumunog ang telephone. Riiing.

Helliw? dampot ko ng telephone. Haynaku, si Mona, yong isang ahente ng Mary Kay na crush si Rick. Tapang naman ng pang-amoy nito. Alam kaagad na na dumating na si Rick eh ito nga't wala pa yatang kinakausap na tao.

Kahit naman ako hindi ko gugustuhin ito si Mona. Itim ng labi Day, kahit na ilang pahid ng pulang lipstick ang ilagay niya. Naninigarilyo yata kasi mula nang sixteen pa lang.Nakailang diborsiyo na at may dalawang anak. Masipag namang magtrabaho at magaling sa sales. Hindi yon umaalis hanggang hindi ka nabebentahan ng kahit isang producto niya.Noong huling nagkita kami, nabentahan niya ako ng lipstick, eh hindi naman ako gumagamit ng lipstick. Nganga ginagamit ko noh. Kuleet kasi.

Alam kong hindi siya kakausapin ni Rick kaya sabi ko tawag ulit siya. Pero bago ko nasabi yong tawag siya, inangat ni Rick ang telephone at kinausap si Mona.
Himala ng Santong nawawala. Hindi ako kinakausap tapos kinausap yong hindi niya dating kinakausap. May anghit ba ako?

Itutuloy.

Ang iyong pinsan,






,,,




,

Thursday, November 02, 2006

What lies behind us, and what lies before us are tiny matters compared to what lies within us.--another Pinay's love story kuno part 1

SOUL MATE MEETS SOUL MATE sa Internet, subtitle, Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.


What lies behind us, and what lies before us are tiny matters compared to what lies within us. --Ralph Waldo Emerson

Dear insansaPinas,

Hanep ang pasakalye anoh. Kala mo talaga totoo. Pero talagang totoo ito. Mahulog man ka man sa silyang kinauupuan mo ngayon.

Kuwento ito ng isang kasamahan sa trabahong lalaki. Kasi ang mga love story naman natin ay panay babae, kaya ito ang love story ng isang lalaking umuwi sa Pinas...teka simulan natin sa simula. Anong title ng istorya. SOUL MATE MEETS SOUL MATE sa Internet, subtitle, Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.

Kasalukuyan kaming naghihintay na magsimula ang aming Christmas party na ako ang natokahang mag-organize. Maaga pa lang ay nasa restaurant na kami para ayusin ang mga decorations at ang mga gagawing program. Pagdating ng hapon gulapay na kami kaya inibitahan ko sila sa bahay ko para makapahinga bago magsimula ang Party. Kinuwento lahat ni Rick ang kaniyang love story na alam ko na naman.

Kasama ko si Rick, isa siyang doctor na beterinaryo na nagsapalaran si US of A. Anak mayaman siya pero gusto niyang lumayo sa Pinas dahil nasawi siya sa pag-ibig. Hindi niya linya ang trabaho niya pero magaling din siya sa marketing. Namimiss nga lang daw ang pag-opera ng pusa, aso, kabayo at iba pang hayup. Kaya lang wasak talaga ang puso niya. Kasaklap talaga. Pero hindi yong pag-ibig na iyon ang aking ikukuwento, kung hindi ang pag-ibig niya na nameet niya sa internet.

Isa siya sa mga unang nahook sa internet sa amin kaya pala palagi siyang puyat ay nakikipagchat siya sa gabi hanggang madaling-araw.

Nakilala niya ngayon si Mimi (hindi niya tunay na pangalan). Maganda siya. Ipinorward niya sa amin ang retrato niya noon sa e-mail. Hmmmm, may mukha. Hmmmm, may katawan.
May dalawang mata, isang ilong at dalawang tenga. Pagkatapos ng anim na buwan na pagsusulatan ng e-mail. pagchachat sa Yahoo at kahindik-hindik na bill sa telepono sa long distance, umuwi si Rick para makilala ng personal si Mimi.

Nagpasama siya noong bumili ng pasalubong. Pabango raw. Ralph Lauren pa. Kagaya ng pabango ko pag hindi ako galing sa kusina.

Sa Pinas na lang daw siya bibili ng singsing. Sabi ko hindi mo pa nga nakikita ng harapan, iniisip mo nang pakasalan. Kumatok daw uli ang tawag ng pag-ibig sa kaniya. Hurmmm, kakorni namang linya ito. Bakit di na lang sabihin na nain-love siya ulit. Love ba talaga yon? Eniwey, sige na nga. Malapit na nga ring magpaalam ang mga buhok niya sa bumbunan, kaya kailangan na ngang makatiklo siya nang mapapangasawa.

Tanong ko pa, nakita na ba ang retrato mo? Oo naman daw. Hindi ba natakot? Muntik na akong batukan. Buti na lang nakababa na ako sa escalator.

Lumipad na siya sa Pilipinas. Isang buwan ang hiningi niyang bakasyon. Matagal din siyang di nagbabakasyon kaya naipon ito.

Isa, dalawa, tatlong Linggo, lumipas, bakante pa rin ang desk niya. E-mail niya sa akin. Masaya siya. Mahal daw talaga niya at mahal din siya. Magpapakasal sila sa huwes bago siya umalis. Sagot ko naman, buti naman. Ibalot na lang niya yong mainit na sabaw. Naiimagine ko siyang nakaputi. Paborito niya yon, dahil doctor nga siya... ng mgahayup.

Wala nang e-mail pagkatapos noon. Sabi ko, yari, busy sa honeymoon. Baka eextend pa ang bakasyon. Sumusobra na siya ha. Inako ko na nga ang trabaho niya.

Pero hindi siya nagextend. Inabot ko siya sa opisina nang araw na dapat siyang bumalik. Pero imbes na masaya, malungkot ang mukha. Hinanap ko ang singsing, wala. 'No nangyari ha? tanong ko. Tiningnan lang niya ako.

Itutuloy.

Ang iyong pinsan,



,,,