Advertisement
Saturday, September 03, 2005
Ang Pinay at ang "Traidor" puwede ba ano ba talaga ang pangalan mo?
Dear insansapinas,
(pagbabalik gunita)
Tumakbo ang dyipni at naiwan siya sa kalsada. Mabuti na lang at walang dumadaang mga sasakyan.
Tangay ang bag niya. Mabuti na lang at ang pitaka niya ay nasa kaniyang bulsa.
Nasa taksi na siya ay wala pa siya sa kaniyang sarili. Wala ang kaniyang mommy at ang
step-father-to-be. Sabi ng katulong ay umakyat ng Baguio at Lunes pa babalik.
Pakiramdam niya ay para siyang ulila. Walang karamay.
Minabuti niyang maligo para maalis yong sakit ng kaniyang katawan. Gusto niyang matulog, huwag nang magising o kaya magising siya at sabihin niyang nanaginip lang siya.
Pero kung panaginip yon bakit naman colored pa. Hindi na lang black and white.
Nasa banyo siya at nagshashower ng makita niyang may dugo sa kaniyang hita. Hindi naman siya nasugatan nang siya mahulog sa sasakyan. Pero sariwa ang dugo.
Sumama ito sa tubig na dumaloy. Papula ng papula.
Minabuti niyang magbihis. Kumuha siya nang maraming Kotex at bumaba para tumawag ng taxi.
Nagpadala siya sa pinakamalapit na ospital. Gobyerno pala yon. Binigyan siya ng wheel chair at dinala sa isang lugar kung saan marami ang nasa lamesang mga buntis na babae. Manganganak.
Tanong, tanong. Sabi niya ang ama ay nasa abroad at nag-iisa lang siya sa bahay.
Nakunan daw siya, sabi ng doktor, pero kailangang tingnan nila kung may naiwan pang dugo sa loob. Nilagyan siya ng dextrose ng isang nars, habang pinaghintay siya.
Minsan nakakatulog siya habang hinihintay ang doktor. Marami kasing manganganak at nang gabing yon ay kulang ang doktor, kulang ang gamit at kulang ng bed.
Nadaanan niya ang ward para sa mga babaeng nakapanganak na. Dalawa sa isang kama. Ngiiiii
Masakit na ang kaniyang kamay na may dextrose. Nagiging asul ang paligid ng karayom na nakatusok. Tinawag niya ang dumaang nars. Nakasampung tawag siya bago siya napansin. Parang bingi yata ang mga nars doon.
Yon pala hindi tama sa kaniyang ugat kaya pumupunta ang dextrose sa balat niya. Namamaga na ito at masakit.
Tinama naman ng masungit na nars ang dextrose. Hindi niya masisisi ito. Daming pasyente. Daming nanganganak. Daming sumisigaw. Daming umiiyak.
Kahit may anaesthesia ay naramdaman pa rin niya ang pagkayod ng doctor ng kaniyang
Uterus. Lalaki ang doctor at parang walang kuwenta lang sa kaniya ang nakikita niya.
Pero sinulyapan din siya at tinanong kung ano ang nangyari.
Pagkatapos ng proceso ay dinala na siya sa kama kung saan may kasama siyang isang babaeng nakikipaghuntahan sa babae sa kabilang kama. Sapat lang na makaraan ang isang tao ang pagitang ng mga kama kaya tsismakan nang katakot-takot.
Sabi noong isa, siya raw isang ire lang labas kaagad ang bata. Walang kahirap-hirap.
Sa awa naman ng Langit ay anim ang kaniyang anak. Isang hininga lang yata ang pagitan.
Yong isa naman ay kambal ang anak kaya di niya malaman kung saan niya kukunin ang gatas para sa dalawa. Aba eh, pag tiningnan mo nga naman ay parang flat tire na ang dibdib at puro hangin na lang ang makukuha.
Kahit gusto niyang matulog ay di siya makatulog. Mainit, amoy pawis ang kapaligiran.
Hindi pa yata naliligo ang kaniyang kahati sa kama.
Inot-inot siyang pumunta sa receptionist. Tumawag siya ng telepono. Tinawagan niya ang kaniyang kaibigan. Kung maari ay kunin na siya doon.
Pumayag naman ang doctor pagkatapos niyang pumirma ng waiver. Naawa siya sa sarili niya.
Malaking pasasalamat niya sa kaniyang kaibigan.
Sa kaniyang kuwarto, lumuha siya nang lumuha.
Itutuloy.
Pinaysaamerika

Wednesday, August 31, 2005
Si Pinay at ang "Traidor" ano na ba talaga ang pangalan mo?
Dear insansapinas,
(pagbabalik-gunita)
Naalala nga pala niya, sobra na sa cycle na wala siyang bisita. Siguro walang nagamit na bisikleta ? ehekk
So go siya sa doctor.
Babalik siya, kinabukasan.
Kung positive, paano ang gagawin niya? Sana naman hindi. Dasal niyang paulit-ulit.
Sana hindi. Nang iaabot sa kaniya ang resulta, ayaw niyang tingnan. Sana hindi.
Positive. Muntik siyang himatayin. Buntis siya. Isang beses lang yon ah. BAKITTTTTTT?
Mabilis lumangoy ang sperm cell. ahay. Paano siya aalis. Saan siya manganganak.Wala ang kaniyang boypren.
Naalala niya ang Quiapo. May mga ipnagbibili doon na pamparegla. Translation, pampalaglag.Pero kasalanan yon.
Bumili siya. May instruction na ibinigay. Kailangang sundin.
Makalipas ang araw, wala siyang naramdamang pagbabago. Nalalaway pa rin siya sa hilaw na mangga. Ayaw niyang makaamoy ng pomada. Lintek na mga yon. Bumabaligtad ang sikmura niya. Ayaw din niya ang amoy ng isdang prito.
Naalala niya ang kaniyang kaibigan. May kilala itong hilot. Hinihilot daw talaga nang malakas para mamatay ang beybi sa loob. Kung hindi tinutusok.
Per month ang bayad. Mas maraming buwan, mas mahal. Payag siya. Pupunta siya roon ng Biyernes para kinabukasan Sabado, wala siyang pasok. Tatlong araw pa. May panahon pang mag-isip.
Huwebes ng gabi, may balita. Sunog sa lugar ng mga squatter's. Pamilyar sa kanya ang lugar.
Oo nga doon nakatira yong hilot. Paano yan?
Dahil wala an siyang pupuntahan kinagabihan ng Biyernes, minabuti niyang manood ng sine. Para makalimutan ang problema. Nakadalawang ulit siya. Hindi pa rin niya naitindihan.
Minabuti niyang lumabas. Wala siyang ganang kumain.
Sakay siya ng dyip pero biglang tumakbo ito. May lalaking nakahawak sa kaniyang kamay
kaya nakalmibitin siya sa istribo.
Hinablot nito ang bag niya at biglang binitiwan ang kamay niya. Hulog siya sa dyip.
Itutuloy

Saturday, August 27, 2005
Si Pinoy at ang "Traidor" ano ba talaga ang pangalan mo?
Dear insansapinas,
Tuluyan na siyang nag-faint. The next thing na nalaman niya ay cuddled siya ng consul na lumabas sa kaniyang lungga.
"Lady, are you alright now?" tanong ng lalaking consul.
"Yeah, I think I am okay. Must be the heat and I haven't taken my breakfast yet.
"Oh poor thing. Why don't you grab someting to eat and come back when you're
refreshed."
"Thank you."
Nasa consul pa rin ang papel niya. Pagkatapos niyang uminon ng mainit ng kape sa kabilang kalye ng embassy, balik siya.
Kinawayan siya ng consul na mabait.
"I've gone over your papers. Come back for the visa."
"Wow, dininig ang aking panalangin." Tingin niya sa consul ay anghel siyang may pakpak.

Talaga nga naman ang pagkuha ng visa, suwertihan lang. Ang daming umuwing bitbit
pa rin nila ang kanilang passport ang mga papeles.
Kinahapunan, kuha niya ang kaniyang visa na noon ay itinatatak lang sa isang pahina ng passport. Masaya siyang pumunta sa opisina ng babaeng nangako sa kaniya ng tulong.
"Naka mader, suwerte mo nakakuha ka ng visa. " salubong ng babae na nakikipagbeso-beso na sa kanya.
"Sige, humanda ka na at kung gusto mo, isabay kita nang pag-alis para makatira ka tuloy sa aking mga "anakis. Apir, apir. "
Saya niya. Pero sa isip niya ay ano kaya ang kapalarang naghihintay sa kanya.
Hindi niya pinaalam sa kaniyang mommy ang balita. Halos parang istranghero na silang dalawa.
Malimit nandoon na ang boyrpen nito natutulog. Kung puwede lang padapain ang nanay at paluin.
Masama ang mga titig ng boypren nito sa kaniya. Para siyang anino lang sa kaniyang dumadaan.
Kahit na sabihing mabait pa siya kung mabait, kailan man di niya matatawag na daddy -o ito.
Mahal ang ticket pag binili ng ura-urada kaya, hinayaan na lang niyang mauna ang babaeng tutulong sa kanya na mauna.
Eniwey, kailangan pa rin naman niyang ayusin ang mga iiwanan niya. Ang trabaho, ang mga gamit.
Nag-iisip siya kung ipapaalam niya sa kanyang boypren.
Siguro dapat. Hindi na lang sa utang nito kung hindi sa kanilang pagmamahalan.
Pweng pagmamahalan yan.
Tuwa rin ng kaibigan niya.
"Hoy, sister, so lucky na hindi manzano ka naman. Get ka kaagad ng visa. Maypefainting fainting spell ka pa. If I know, naging best dramatic actress ka diba."
"So tuwa ako. Gusto mo dance of joy tayo?"
"Lokah, huminto ka nga Hahahaha"
Nakaalis na ang kaniyang kaibigan nang maalala niya na wala siyang mens na dumarating.
Ulk. Kinabahan siya.
Itutuloy. (Have a nice weekend folks).

Thursday, August 25, 2005
Si Pinay at ang "Traidor" ano ang pangalan mo, raw?
Dear insansapinas,
(pagbabalik gunita)
Pagmamahal pa rin ang nanaig. Pinautang niya ang kaniyang boypren. Linshyak talagang puso yan anoh.
Umiyak siya nang ito ay inihatid niya sa erport. Kasama ang sangkatatutak nitong kapatid, ang ina, ang ama at ilan pang kabarangay. Sa labas lang naman sila.
Lalo silang nagkalayo ng kaniyang ina dahil sa iniwasan niya itong makaharap sa
kainan. Kadalasan, pumapsok na siya sa kaniyang kuwarto bago ito dumating.
Pakilasa naman niya ay wala naman sa kaniyang ito. Ni hindi na siya sinisilip sa kaniyang higaan bago matulog. Nandoon ang lalaki gabi't araw, araw at gabi.
Nagdesisyon siya. Kailangan niya ring umalis na. Hinanap niya ang phone number ng kayang kaibigan.
" Hoy,sis timing ang call mo. Ay may I arrive siya kahapon at nag-iinterview ng mga
applicants". sabi ng pwren niya."Gusto mo, pick-up kit, then go tayo sa Manila Hotel. Nandoon siya nakacheck-in. Di ba bonggadera siya. Hay so classy."
"Sige, sige." excited din siya.
Kaharap niya na ang missus. Asawa niya ay puti. Balot ng alahas ang kaniyang
katawan. Tingin niya ay si Tita Cory siyang nakayellow.
Kinuha sa kanya ang papel niya.
"Alam mo 'day, i can fix your tourist visa. Tapos pagdating mo doon, hanap kitang sponsor for working visa. Total may money ka naman sa bank." Pagganyan. wala pang months, lipad ka na."
"Wow, she could not believe it. Ganoon kadali. Teka, isip niya, baka naman scam ito."
Pero nakita niya ang mga relatives ng mga taong napa-abroad na nito. May dalang mga
regalo at mga papeles para naman sa kanilang pagbiyahe.
"Sige sabi niya, balik siya for her curriculum vitae." In the meantime, pinag-aaply siya ng passport.
Hawak din nito ang pag-aayos ng passport at ticket sa eruplano. Integrated services daw. Wow, talagang maganda ang negosyo nito.
Ilang araw din siyang pabalik-balik sa opit nito at nakita niya ang mga retrato na kasama nito ang mga Presidente, Senador, Beauty queens at kung sino-sino pa.
Bigat na tao anoh. Hindi niya alam sa mga photo session pala yon o kaya mga ambush
encounter tapos biglang puwedeng pa-picture.
Noon, time na yon, ang interview ay hindi pa scehduled. Kaya pumipila ang tao sa labas ng embassy bago pa tumilaok ang manok at sumigaw ang mga bata ng diyaryo.
Tanghali na di pa siya nakakapasok. Gurom na siya. Ayaw niyang iwanan ang pila.
Halos himatayin siya nang marating niya ang bintana kung saan tinatanong siya ng consul bakit siya pupunta da Estet.
Uminog ang kaniyang paningin.

Tuesday, August 23, 2005
Si Pinay at ang "Traidor ano ang pangalan mo, anoh, anoh" part 4
Dear insansapinas,
Sa mga sumunod na araw ay para siyang zombie. Para siyang kangkong na hindi nabili sa palengke. Para siyang isdang naiwan ng mangingisda at nahulog sa dalampasigan (wala bang background music?) para siyang ibong natirador at bali ang pakpak na kumakampay-kampay.

Halos di niya nakita ang kanyang boypren. Abala ito sa pag-ayos ng papeles at mga dadalahin sa pag-alis.
Ang kaniyang mommy naman ay abala rin sa pag-ayos ng kanyang kasal. Hindi na niya halos makita sa bahay. Buti pa ang gagamba, nasa bahay lang niya.
Pag-uwian, dumadaan siya sa simbahan ng St. Jude. Nanalangin siya nang himala. HIMALA.
Pero sa sine lang siguro yon sa isip niya.
Paglabas niya ay nasalubong niya ang kaniyang dating kaklase.
"Hi, anoh how's everything na." tanong niya pagkatapos nang kanilang muah, muah.
"Haay darleeng, so excited talaga na kilig to the bones ako." sagot ng landi niyang kaibigan.
"Malapit na akong magjoin ng exodus". palakpak siya habang nagsasalita.
"haaaa, you make kuwento naman. Huwag mo akong suspense at may i sampal kaya kita."
"Park muna tayo dito sa walang pipol." sabay ang hila sa kanya.
"Kasi this tita of mine made kilala with a recruiter sa US of EY. So galing niya na in less than a year, may I fly na ako sa States and there may I pasok niya ako sa office. So excited talaga ako. Working girl ako bigla sa LA."
"Hoy, don't make bola-bola noh.
Eh kung fake yan. Tubog sa ginto kung bagah."labi ko,sabay igkas ng kilay.
"Excuse meh. She is a distant relative ko noh. She won't make loko-loko to a niece."
Di lalo namang mataray siya. Paspas ang paypay ng fan niya at may kasama pang irap.
"O sigeh na nga. Sige like ko ring mag exodus." alo ko.
"Oy so gabi na. Got to run. See yah. Usap tayo."
Ang kangkong ay nadiligan ng tubig. Ahaa muli siyang mananariwa. Bakit ba siya
magpapatalo. Hindi noh. I will make not awa to myself. Promise yan.
Pagdating niya sa bahay, may tawag siya. Si Boypren. Kung puwede raw magkita sila.
Hindi na siya ngayong isdang naiwanan. Nadampot na ulit siya. Kumawakawagkawag pa.
Para siyang ibon na lilipad ulit kagaya ni Darna. ehe.
Hige. Nagkasundo silang magkita sa isang coffee shop. Mainit pa ang kape.
Kaya titigan mo na.
"May sasabihin ako saiyo."pauntol na salita ng boypren.
Sa isip niya sana ay sabihing nagbago ang isip niya. Sana ay sabihing, magtanan na sila. Sana ay...sana ay...
"Kailangan ko pa ng pera. Kulang ang pinahiram sa akin ng aking ate."
Tuluyan nang nagkalasog-lasog ang kangkong. Ang isda ay hindi ibinalik sa dagat. Ang ibon ay tuluyan nang nahulog.
Hindi siya nakaimik. Gusto niyang kumanta...Victoria is not going to dance tonight. (sandali mali yata yon, galit na kakanta pa. ano ito opera.)
Itutuloy...i make tusok tusok fish ball muna.

Monday, August 22, 2005
Si Pinay at ang "Traidor" part 3
Dear insansapinas,
Nanginig ang kaniyang tuhod. Nagtatawanan pa ang kaniyang mommy at boypren nito.
Nanginig din ang kaniyang luha sa mata. Paano niya malalapitan ito at sabihing siya ay
sinungaling, eh siya rin sinungaling. Mag-ina mga kami sa isip niya. Sa puso, sa isip at sa salita. (Maupo na... ehekkk parang Panatang makahabayan).
Hindi siya nagsalita kaya nagpaalam na ang kaniyang kaibigan. Ang kaniyang boypren naman ay tumayo at pumuntang CR.
Alam niyang kakain pa ang dalawa kaya minabuti niyang umuwi na upang maunahan ang kaniyang mommy.
Ilang oras pa ang nakaraan pagkatapos niyang dumating nang marinig niyang pumarada ang kotse sa garahe. Mommy niya. Nag-iisa. Akala niya maloloko niya ako.
Siyangpala siya rin niloko ko.
Nagkunwari siyang tulog. Alam niyang sinilip siya ng kaniyang mommy. Umingit ang pinto pagkatapos sumara.
Bakit siya iiyak. Kailangan niyang mag-isip. Palagay niya hindi mapipigilan ang mommy niya sa pagpapakasal sa lalaking iyon at hindi rin mapipigilan ang pakikitungo niya sa kaniyang boypren.
Bakit ba kasi namatay ang daddy niya?
Masaya pa rin ang mommy niya nang magkaharap sila sa breakfast. Wala yata itong balak pumasok sa opisina.
"Napag-isip-isip ko mali ang ginawa ko saiyo, anak. Gusto kong ipaalam saiyo na
hindi na kita pakikialaman saiyong love life." Napagkasunduan na namin ni ___
na magpakasal."
Para siyang binagsakan ng isang set ng Encyclopedia Britannica.
Hindi na niya narinig ang mga huling sinabi ng mommy niya. Ang lasa niya sa itlog ay papel at sa tinapay ay tuwalya.

Nakaalis na ang kaniyang mommy, hindi pa rin siya nagsalita.
Tinawagan niya ang kaniyang boypren. Bago pa man siya nakapagkuwento, naunahan na siya nito.
Dumating na raw ang papel nito sa Saudi para makapagtrabaho din siya sa isang fastfood doon.
Pakiwari niya ang bumagsak na sa kaniya ang buong bookcase pati ang flower vase na nakapatong dito. Toinkkk

Saturday, August 20, 2005
Si Pinay at ang "Traidor"
Dear insansapinas,
(pagbabalik-gunita)
Nagkakilala sila sa fastfood na pinagtatrabahuhan nila. Sa management siya at ang lalaki ay sa food crew. Talaga yatang pinipili nila ang mga pogi sa fastfood na iyon. Attraction din sila sa goirls.
May alam akong babae, laman ng fastfood araw-araw. Kulang na lang ang magkaroon siya ng pakpak at ng palong sa kakain niya ng fried chicken. Makita lang ang kaniyang crush na crew. Ahahay.
Siyempreee may kontrabida sa mga love stories. Ang kaniyang mader.
"Anong ipapakain saiyo ng lalaking yan?" nagpupuyos daw niyang tanong. Hindi exactly yon ang dialogue kasi siyempree wala ako doon noh. Pero ganon na rin yon. Ang mga poorboy-rich girl love affair.
Di raw siya sumagot. Ay mamah kung ako nandoon, sasagutin ko siya." Ano pa di friend chicken at french fries." Ahahahahaha
Nakisabat din daw ang boypren ng mader niya. Bayuda kasi.
"Nagmamalasakit lang naman ang mommy mo. Para sa kapakanan mo."
Doon siya nagsalita at bumunghalit.
" Hey, you don't make pakialam to my life. You're not my pop and you will never be
one." And don't you lecture me. you are not my teacher." Mataray nga tyang.
"So inis ko talaga na gusto ko siyang hampas-hampasin ng bag kong Coach , noh.
So kadiri niya. I like to give him my hair trimmer para ahitin niya ang "mustas" niya," kuwento niya sa akin noong kami ay nagkaututang dila na.
Naging mas mahigpit ang ermatz niya. Kaya pinagresign siya.
Payag siya pero sa kundisyon, ibebreak din niya ang boypren nito. Exchange deal.
Mother and daughter both in love, both in warpath.
Hokey sabi ng kaniyang mader kaya, bigay siya ng resignation letter kinabukasan.
Ayaw ng management. Pag-isipan muna raw sa loob ng 30 araw ng effectivity ng kaniyang
resignation.
Hige.
Ang cellular phone noon ay napakamahal pa at malaki na para bang dala mo ang isang cordless sa iyong bag. Hindi pa kasama ang charger noon na mas mabigat sa phone.
Mahal din ang charge per minute.
Ang tawagan ay public phone kung ayaw marinig sa bahay ang usapan.
Tinawagan niya ang kaniyang boypren. Magkita sila sa mall. Wala ang kaniyang mommy.
By the time, umuwi yon, nasa bahay niya.
Okay.
Katapat ng restaurant na pinasukan nila ay sine. Niyayaya siya ng boypreng manood.
Tumanggi siya. Kailangang makabalik siya sa bahay bago dumating ang mommy niya na nagpaalam na may prayer meeting daw pupuntahan.
Masaya siya. Naiisip niya tuloy kung paano niya sasabihin na mag-cool off muna sila habang di pa niya naiisip kung paano ang gagawin.
May dumaang babae. Hindi niya tiningnan. Pero bumalik ito. Nakilala siya. (pustahan ang isip ninyo mother niya, ano. Beh)
"Hi, kumusta na. muwahmuwahmuwah." Mga halik na hindi dumadampi.
Kaklase niya ng high school. Pinauupo niya ayaw.
"You know me naman. My mom drives for me. She's waiting nga sa parking.
Talking about moms, isn't it it's your mom." turo niya sa babaeng nakaabresiyete sa isang lalaki palabas sinehan.
Ahahay buking...itutuloy...sa pagbabalik ni Dar...eheste pinay.

Thursday, August 18, 2005
Wednesday, August 17, 2005
Si Pinay at ang Blogserye na may titulong Traidor, ano ang pangalan mo
Dear insansapinas,
Una ko siyang nakita sa apartment ng kaopisina ko sa Los Angeles. Isa sa kaniyang mga kabunong braso sa pagbabayad ng renta sa two-bedroom apartment na iyon.
Masipag siya sa bahay at mabilis magtrabaho. Parang hindi siya unica hija at nagtapos sa isang exclusive school sa Metro Manila. Pero aside from LA accent niya, nandoon pa rin ang kaniyang Taglish na ala Kris Aquino ang dating.
Nagtatrabaho siyang administrative assistant sa isang kumpanyang pag-aari ng mga
Arabo. Arabuhok din. Nakapetition siya kaya matiyaga siyang naghihintay na lumabas ang kanyang papel.
Pagkatapos niyang makatapos ng pag-aaral at makapagtrabaho sa human resource division ng isang sikat na fastfood sa Pinas, nag-alsa balutan siya nang mqg-asawa ulit ang kaniyang mommy.
Napadpad siya sa LA kung saan nakitira muna siya sa kaniyang kaklase.
Noong mga panahong yon bago mag 9/11 madali pa ang makakuha ng trabaho dito sa Estet at pag may pera ka madali na ang magpaayos ng papeles.
Hindi niya ako kinakausap na inakala kong kasupladahan.
Pero sa buhay minsan ang suplada ang mukha ay ang siyang mabait at ang maamo ang mukha ang haliparot. Minsan ang pagiging tahimik ay may itinatagong lihim na lungkot.
Nasa San Francisco na ako nang malaman kung lumipat din siya sa ibang lungsod na malapit sa San Francisco. Parang may-asawa na yata. Pero hindi ko nabalitaang ikinasal kaya baka live-in.
Minsan ay nagkita kami sa isang kasalan. May kaabrisyete siyang matangkad at guwapong lalaki. Siya yong mala-Adonis na makalaglag-bra (erase/erase) o kaya naman ay bigla mong ibaba ang isang balikat ng iyong blouse pag napasulyap sa iyo. Parang pinaghalong Piolo at TJ Manotoc dagdagan mo pa ng mata ni William (Gil Grissom)Petersen.
Ang aking dating kaopisina ay hindi kagandahan. pa siya kay Angelina Jolie na magkaroon ng baliktad na labi. Maputi siya at maputi siya.
Siya raw ang tumulong sa lalaki para makarating sa Estet.
HAaa?

Monday, August 08, 2005
Si Pinay at si Mrs. R
(pagbabalik-gunita)
Maputi siya at balingkinitan ang katawan.
"Joys? eheste juice." alok ko.
"Are they going to be late? iwas niyng tanong.
Haay mamah, inenglish niya ako. Sandali, tingnan ko kung marami pa akong natirang
English sa aking bulsa.
Katulad ng isang may dugong pinoy na nanalaytay, ibig kong simulang ang aking
sagot ng AKhsually pero simpleng: Am sorry, i got no idea, would you care for tea or coffee?
"No thank you." siya naman ang matipid sa sagot.
Sinagot niya ang nasa isip ko kung paano siya nakarating sa aming lugar.
Tinawagan daw niya ang kapatid ni R(boypren ni kabalay) at hinanap dahil matagal nang walang communication. Nasa New Jersey siya nagtatrabaho, one year after makasal siya kay boypren ni kabalay.
Bakit naman hiwalay sila? Eh ano kung maurirat ako. Gusto ko lang malaman noh?
Hindi raw niya alam na marami raw bisyo si R. Ang bait daw nito noong nililigawan siya sa Pinas. Nakilala niya itong balikbayan at sinundan-sundan na siya, hanggang ipetition siya as fiancee visa. Titser pala siya sa kanilang probins.
Wala raw itong imik at hindi umiinom.Siguro ng hindi imported beer or wine.
Nang dumating daw siya rito sa US, ilang Linggo lang matino si R. Halos maloka siya
sa pag-iisa, depression na wala siyang trabaho at umaasa lang sa bigay ni R. Nakikisama siya sa nanay nito na masyadong inispoil ang anak.
May mga gabi raw na wala siyang kasama dahil hindi ito umuuwi.
Hanggang minsan isang gabi raw siyang nakatulog na umiiyak, nagising siyang may
nagtatawanan sa sala.
Lumabas siya na hindi binubuksan ang ilaw. Ang kaniyang asawa ay isang babae, magkatabi sa mahabang couch. (siguro nama hindi ko kailangang sabihin na hindi sila naglalaro ng bahay-bahayan ano?)
Bago ako nakapagtanong kung ano ang ginawa niya, malakas ang buzzer na narinig namin.
Killjoy talaga ito. Lumakad ako patungo sa pinto upang idiin ang switch na magbubukas ng main gate. Habang ako ay naglalakad, idinaan ko an aking mukha sa kurtina. Disamuladong pinahid ko ang luhang malapit ng pumatak. Lintek kasing mga kuwento ito ng buhay. Parang nobela.
Naunang pumasok si Kabalay. Tumingin siya sa aming panauhin. Ngumiti. Hindi niya kilala. Oras na para sila magkakilala.
Sumunod ang boypren. Nang makita niya ang babae, sinugod niya ito at inambaang bubuntalin. Sumigaw ko ng malakas.
HOY Kung magpapapatayan, huwag sa pamamahay ko. MARURUMIHAN ANG AKING CARPET. TSEE
Biglang napa-about face si kabalay. Tinitigan niya si boypren, tapos ang babae.
ITUTULOY. oh makapagmeryenda na nga. hehehe

Monday, July 18, 2005
Si Pinay at ang bagong kakilala
(Pagbabalik-gunita)
Sumandali nating iwanan ang aking balay. Kahit marami pang katarantaduhan akong ikukuwento tungkol sa bagong boypren.
Sa dami ng palapag ng gusaling aking pinapasukan, marami akong nakikilalang Pilipina na may mababait; may masusungit; may akala mo nabagsakan palagi ng bakal ang paa sa
tindi ng simangot sa mukha; may mga karinyosa na lahat na yata ng tao ang tawag ay darling at may mga supladita naman na bigla mong kukurutin ang sarili mo dahil parang hangin ka lang dumaan. Ang mga bruja, todo ignore sila saiyo. Sarap sympalin at tyapilukin.
May mga frwendly na panay ang muwah muwah ninyo pag nagkita sa hallway.
Karaniwan nagkikikita-kita kami sa canteen o kaya sa dining room na provided sa bawa't palapag. Pag nagkasama-sama ang mga baon, parang pot luck araw-araw. Kulang na lang ang karaoke, bigla siyang naging sing-along.
Dahil hindi ako nagluluto, sagot ko na lang palagi ang soda o kaya prutas.
May bagong dating. Mamah, kung bibilangin mo ang alahas sa katawan niya, puwede ka nang magtayo ng pawnshop. May pera. Pero bakit nagtatrabaho doon ng temp.
Mausisa nga. Siyempre, wala siyang kawala sa Reyna ng pinakatsismisera ng taon. Si Manang Rose Flowers. Oy di ko gawa gawa ang pangalan. Rose talaga ang pangalan niya. At siya ay Miss pa po. At hindi rin siya kalahating 'Merkano. Ang apelyido niya ay galing sa apelyido niyang Pinoy na Flores. Nang siya ay maging UScit, pinalitan niya ng Rose yong pangalan niyang Ignacia at Flowers yong Flores. Siya ang pinakasenior doon sa mga Pilipinang nagtatrabaho sa building.
Siya ang nagpakilala sa amin sa bagong dating. Siya si ano, limang taon na yan dito, ngiti si bagong kilala...siya si kuwan, sampung taon na siya dito, tango si bagong kilala..blahblah... Pagdating sa akin ay siya si ano mahigit pa lang isang taon...tanong kaagad siya. Legal ka ba ? Hanep na tanong yan.
Bigla akong buwelta. "Hindi, illegal ako, kaya pag may pumasok ditong INIS(immigration),pinapalitan ko ang aking mukha. May dala akong reserve sa aking bag. nyaahahaha."
Kung ako lang ay may buwanang dalaw ng araw na iyon, marahil, nahugot ko na ang aking
ID, hinawakan ko ang kaniyang leeg para hindi gumalaw at iwinagayway ko sa kaniyang mukha and ID. Pero ngumiti ako at tinanong kung bakit naman tinanong niya kung illegal ako o hindi.
"Balita raw niya kasi may nakakatrabaho doon kahit walang papel."
" Ow, (pabilog ang aking bibig) bakit may nakasulat ba sa aking mukha na ako ay illegal? "Malapit na akong mainis. Nanliliit na ang isa kong mata at mapula na ang aking isang taynga.
Kasi daw ako ang pinakamaiksi ang taon nang pamamalagi.
At sino naman ang titser niya sa Arithmetic na nagturo ng 1 plus 1 equals zero?
Aber, aber, aber.
Ngumiti ako. Ngiting matamis pero sa loob ay nagsasabi ng BOBA.
Sabi niya, mayaman daw siya sa Pilipinas. Ang kaniyang pamilya raw ay may-ari ng
Unibersidad.
Tinanong ko kung anong school.
Sinabi niya.
Sagot ko. Galeeng naman.
Tapos daw siya ng Accounting. CPA raw siya.
Sagot ko Galeeng naman. Tanong ko, di PICPAn ka pala.
Sagot niya HA ?
Natapos ang interogasyon.
Lahat sagot ko ay Galeeng naman.
Natapos na rin ang kainan. Nilapitan ako ng isang naiinis na kasamahan.
Bakit daw parang bilib na bilib ako sa mga sinasabi niya dahil panay daw ang sagot ko ng Galeeng naman.
Natawa ako.
Hindi mo naririnig ang karugtong noong sinasabi ko. ANG GALEENG mo namang magsingaling.
Tanong niya. "Bakit alam mong nagsisinungaling?"
Yong sinasabi niyang universidad, kilala ng aking pamilya ang may-ari. Kung totoo man na kamag-anak siya, marahil hindi mismo yong mag-anak dahil isa lang ang anak noon. Babae rin.
Sabi niya CPA siya. Nang tinanong ko kung PICPan siya, hindi niya alam kung ano yon.
Pag nakapasa ka sa CPA, magiging miyembro ka ng PICPA. (Phil.Institute of CPA).
"Bakit siya nagsisinungaling?"
"MAPA."
"Ano yon? " tanong ng kasama ko.
MALAY AT PAKI KO.
"Dapat Malaysia at Pakistan."
Oy vacla rin syha.

Saturday, July 09, 2005
Si Pinay at ang Pinsan ni Kabalay (Ulit)
Dear insansapinas,
Nagising akong mataas na ang araw. Napapaligiran ako ng mga balot ng
mga damit, aklat,sapatos at marami pang iba. Akala ko itinapon ako sa basurahan. Bumangon ako, tiningnan ko ang aking aayusin. Bagsak ako. Iniiisip ko pa lang ang gagawing pag-ayos, pagod kaagad ako.
Pero, maingay ang TV sa baba at tila may nagkakasayahan. Sumilip ako sa siwang ng hagdan. Wala akong makita. Marahil nasa dining room sila.
Bumaba ako kahit hindi pa ako nagshower. Hindi ko makita yong sabon ko eh.
Nasa mesa sila at nag-aalmusal. Dala raw ng kaibigan ni kabalay ang mesa at saka ang mahabang couch. Kumpleto na nga ang upuan sa sala. Aleluya, kami ay naging taguan ng mga lumang gamit ng kaibigan niya. Pag gsuto nilang bawiin, babawiin daw nila.
Pati ang TV niya nandoon na rin. Para bang ako ang umuupa lang sa kuwarto.
Nandoon din ang pinsan niya. ATTTTTTTTTTTTT pati retrato niya nakapatong sa side table.Nakangiti pa ang bruha. Sandali lokohan na ito.
Pinaalis ko muna ang mga bisita saka tinawag ko ang aking kabalay.
Sinampal ko kaagad siya ng TANONG. Akala ko ba aalis na ang pinsan mo?
Tatlong Linggo na raw. Kung pwedeng pagtiyagaan ko muna.
Binanggit ko yong pagsakop niya sa sala na halos wala na akong lugar sa aking mga gamit.
Pinsan daw niya kasi ang nag-ayos. Puwede ko raw pakialaman.
Dapat lang noh. Bisita lang siya. Gusto niyang maging interior decorator.
Hindi naman sa pagiging suplada pero dapat alam niya kung saan siya nakapuwesto.
Sa loob ng isang suitcase.
Para maalis ang aking inis, niyaya ako ni kabalay, pumunta sa Macy's. May sale daw ng mga beds. Less than 100 dollars yong day bed.
Wala pa akong credit card. Meron na siya.
Hige.
So pumili ako ng day bed. Kulay puti. Hindi pa pala jasama doon ang mattress. Mahigit isang daan.
Hige.
Yong daybed pala, di pa kasama doon ang spring board. Ngiiii
Noong sumahin total pati taxes, umabot ng mahigit 400 dollars. Wala pa diyan ang
comforter, unan at bedsheets. Taksiyapo.
Ganyan talaga pag bagong salta. Hindi pa alam ang legal na panloloko ng mga merchandiser. Kaya ulit-ulit na nakakta ako ng kotseng ipinagbibili ng 1,500 dollars, sabi ko lokohin nila lelang nila Tsee.

Friday, July 08, 2005
Pinay at ang Paglipat
Dear insansapinas,
Sabado,
Wala akong pasok. Nakalipat na lahat ang gamit ni Kabalay. Inarbor ko yong
trak ng kaibigan niya para magamit ko paglipat.
Ahem. Alam na ni French na lilipat na kami. Nagvolunteer tumulong pagiging kargador.
Ayaw ko na sana dahil minsan niyaya niya akong dalawin ang isang matandang babaeng kaibigan niya dahil Pilipina rin daw at napakabait sa kaniya. Yon pala pinakakaliskisan ako. Ano ko, manok? Tiktilaok...
Pero ang nagigipit daw, kumakapit kahit sa kutsilyong pampahid ng tinapay.
ahehehe
Hige.
Habang hakot nila sa bagong tirahan ang aking mga gamit, ako naman ay naiwan sa lumang bahay. Ako ang nag-iimpake at naglinis nang maiiwanan. Tapos na silang maghakot nang hinanap nila ako sa itaas. Kasi sabi ko hintayin na lang ako doon at ibibigay ko lang ang susi. Sa pagod ay nakatulog pala ako sa sahig. Parang yong bagong dating ako.
Naalimpungatan pa ako nang bumangon dahil sa katok sa kuwarto ko.
Nang tumingin ako sa paligid, muntik na akong magsisigaw...nang magnanakaw...nasaan na ang aking mga gamit...Nakalimutan ko pala na naglipat na kami. Woooo. iba talaga
ang biglang gising. Naiiwan pa ang kaluluwa sa higaan. Sandali magising din nga.
So, paalam, paalam...para bang ang layo-layo naman nang pupuntahan eh wala pang limang minuto pa nagdrive.
Hindi muna ako umakyat sa aking kuwarto. Nasa baba sa kabalay at naghanda ng
makakain para sa mga tumulong sa paglipat.
Nakaayos na rin siya sa salas. Nailagay na niya ang mga retrato sa dingding.
Mga retrato niya. Hindi nagtira ng espasyo para sa akin. Ako pa naman ang major tenant at sub-tenant ko lang siya.
Pagkatapos na umalis ang mga bisita, umakyat na ako sa kuwarto ko. Daming gamit na nakatambak. Hindi ko makita ang carpet. Doon pa naman ako matutulog ngayong gabi
dahil wala pa akong bed.
Kinuha ko ang dalawang balot ng damit, siya kong ginawang kutson.
Bago ako nakipagsabayan ng paghilik sa lakas ng TV ng aking kabalay sa
ibaba, parang may narinig akong dumating.
Pero pagod ako, antok pa, bukas ko na lang uuriratin.
ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ

Tuesday, July 05, 2005
Si Pinay at ang Bagong Balay
Dear insansapinas,
Nakahanap na nga ng bagong bahay si Kabalay. Nakausap na niya ang may-ari. Pinatatawag siya pagkatapos ng tatlong araw. Tatawag pa yon sa kaniyang
employer. Titingnan kung sapat ang kaniyang kinikita para makabayad sa upa.
Naghanap din ako nang malilipatan. Pag umalis ang aking kabalay, wala na
akong matinog makakasama. Hindi na ako matino, mwhehehe.
Pagkatapos ng tatlong araw, tumawag ang may-ari ng bahay na gusto niyang
lipatan. Rejected siya dahil hindi sapat ang kaniyang kinikita. Maganda
ang lugar. Dalawang kuwarto, isang malaki at isang maliit. Isang
garahe at mayroon pang paradahan sa labas. Malayo sa main road kaya hindi
delikadong magparada ng kotse sa labas.
Tsssk tsssk sayang. Pero bigla siyang nag-isip. Bakit di ko kunin.
Tapos, uupa siya sa isang kuwarto. Tanong ko, paano ang pinsan mo?
Uuwi na raw sa Pilipinas yon. Magbabakasyon lang uli sa kaniya ng ilang
Linggo tapos uuwi na kasi mag-eexpire na ang visa niya na hindi narenew.
Hige.
Kaya takbo ang beauty ko sa landlord at landlady. Nars ang babae at
retired US navy si lalaki.
Approved ang aking application. Ako ang main tenant. Libre tubig,
garbage fee. Kuryente, cable, gas at telepono, amin ang bayad.
Hige.
Naunang maglipat si Kabalay kasi libre siya ng weekday. Ako
weekend pa at manghahalbot pa ako nang tutulong na magbibitbit
ng aking mga abubot.
Marami ang damit ko. Refrigerator na maliit, TV na maliit, radyo na maliit
pati couch ko maliit. Wala akong bed kasi provided kami ng bed sa lumang
balay at sangkatutak na libro. Sa isang taon kung pamamalagi dito, laman
ako ng library, second hand bookstore at raider ng mga garage sales
sa tabi-tabi. Karamihan, libro ang nabibili ko. Nagsubscribe pa ako
sa isang Daybook club.
Pag bago kang dating , amoy ka ng mga ganitong mga publisher na
papatol ka sa kanilang $ .99 per book, brand new para lang mag-apply
kang maging member. Ikaw naman na bagong salta't kalahati kaagad. Biruin mo
sina John Grisham, Mary Higgins Clark ay $.99 lang. Barat sale di ba.
Pero pagkatapos nang unang order mo, dating na ang mga sumunod na kopya.
Maibabato mo sa mahal. Ipadadala pa saiyo by mail at puwedeng ibalik pag
ayaw mo, provided, hindi mo binuksan ang package.
Dating na dating ang libro, panay naman ang balik ko sa Post Office hanggang
sabi ng Post Office, hindi na sila tumatanggap ng mga return na ganoon.
Kung gusto ko raw ay putulin ko ang subscription ko. Taksiyapo. Inistress
pa ako ng publishing companies na yon. Loko, putol ang subscription ko.
Bakit ako magbabayad ng cloth bound novel sa halagang 15 dollars na pwede ko namang bilhin sa paperback ng wala pang $3.
Ano sila sinuswerti. Hoyyyyy, babaeng barat ito.
Hmmm. mabalik sa paglipat. Kaya lang, buti yata bukas na.
Magluluto na ako ng hapunan. Lalagyan ko naman ng kamatis yong
sardinas ano.
I shall return. Pramis.

Saturday, June 25, 2005
Si Pinay at ang mga Kalapating Mababa ang Lipad
Dear insansapinas,
Umalis nga ang pinsan pero hinikayat niyang maghanap ng bahay ang
aking kabalay. Maitim talaga ang budhi. Sarap kuskusin ng ng steel wool.
Hanap naman ang kabalay ko. Tingin sa dyaryo, tawag, punta, tanong. Mahal. Di niya
kayang upahan mag-isa dahil ang pinsan ay wala pa namang trabaho.
Isang buwan na siyang naghahanap wala pa siyang makita para matirahan.
Kailangan kasi ang suweldo ay at least three times noong renta para maaprubahan.
Kung di lang ako pinalaki na masama ang maghangad ng hindi maganda sa kapwa tao
disin sana'y hinarap ko na siya at sinabing BUTI NGA.
Pero di ko sinabi yon kahit ang aking anghel sa kaliwa ay nagpupumiglas
upang siya ay pagsabihan.
Minsang nauwi ako ng gabi ay may mga nakasalubong akong mga lalaki na para
bang may hinihintay na lumabas sa aming bahay. Abaaaaa ang labindalawang taong
gulang batang nakatira sa ibaba namin at ang kapatid nitong labingwalo ay nakabihis ng magara at hitsura ni Madam Auring ang kapal ng mek-ap na kahit gabi ay kumikinang
ang mga glitters na inilagay sa may mata. Stariray.
Sumakay sila sa kotseng naghihintay na humarurot kaagad ng tila ba hindi
makapaghintay kung saan man sila pupunta.
Nakaupo sa balkonahe si Mang Tomas, isang beterano na ang trabaho ay magpalit ng
bumbilya, maglabas ng basura at maglinis ng bakuran.
"Ginabi ang mga kalapati." sabi niyang matalinghaga.
"Aling kalapati Mang Tomas?' nagmamamaangmangan kong tanong na wari ba ay nauna ang aking utak na nahiga sa aking kama.
"Yong magkapatid na call gerls.tsssk tsssk, kawawang mga bata."iiling-iling niyang
sabi.
Umiral ang pagka Cristy Fermin ko. Niyaya ko ang matanda sa loob at sabayan ako ng
hapunan. Wala pa ang kabalay ko.
"Nasaan ho ba ang kanilang ina?", tanong ko habang sinasandok ko ang sinigang na hito na hindi naman maitim. Pati catfish ay puti.Merkano rin.
" Nandito rin sa Estet. Siya nga ang kumuha sa kanila. Kaya lang talagang hindi sila mgkasundo ng asawa. Tamad kasi. Yon iniwan siya. Ayaw namang sumama ang mga bata kasi
may kinakasamang Puti. Nagbibigay naman ng suporta pero yon yata ang pinambabayad sa renta at sa kanilang pagkain at sa bisyo noong lalaki".
Sa isip ko sulit ang pinakain ko sa matanda. Marami akong nalalaman. Para siyang database. Mas magaling pa.
"Bakit hindi na lang maghanap ng trabaho yong mas matandang anak?", tanong ko habang
ginugutay-gutay ko ang ulo ng isda. Uhhhm sarap.
"Hindi puwede. Tumatanggap siya ng welfare, kasi single mother siya. Mawawala yon.
Kasi nag-aalaga siya sa umaga noong anak niya kaya sa gabi naman ang labas niya".sagot ng matanda na tumayo na para kumuha ng tubig na inumin. Ayaw niya ng malamig.
"Pero bakit naman pati yong bunsong kapatid, dala niya? "tanong ko ulit.
"Laging gutom yong batang yon. Walang mag-asikaso sa kaniya pagpasok niya sa iskuwela. Saka siguro sa mga barkada niya rin. Alam mo naman ang mga bata rito, ang
agang magboyfriend at alam mo na. Sa Pinas, nagpipiko pa yang mga yan noong
kapanahunan ko".
"Alam ba ni Ed (may-ari ng bahay) ang trabaho ng dalawang bata ?" tanong ko habang naghahanda na ang matandang umalis.
"Ay naku, yong lalaki namang yon aywalang pakialam. Basta nagbabayad, okay lang
sa kaniya."
Uhmm, naiwanan akong nag-iisip. Hindi maganda. Baka akalain ng mga kapitbahay, kasama rin kami sa mga ganoon.
Kailangan ko na ring maghanap nang malilipatan.
Dumating ang aking kabalay. May nakita na raw siyang matitirhan. Kakausapin na lang niya yong may-ari.

Saturday, June 18, 2005
Si Pinay at ang Bugbugan
Dear insansapinas,
Bigla ang pangyayari. May kumatok, binuksan ang pinto at
pumasok ang babaeng galit na galit.
"Walanghiya ka. Mang-aagaw ng asawa. Wala na bang ibang
lalaki sa mundo at pati ang asawa ko ay inaagaw mo.
Maharot, malandi...ma..."
Sa gulat ng nagbukas ng pinto, wala siyang nagawa nang
hablutin ng galit na babae ang kaniyang mahabang buhok
at pinagwasiwasan ang kaniyang ulo.
Inabot ang harapan ng suot- suot nitong bathrobe
at hinila itong palabas sa alkonahe kung saan ang
mga kapitbahay ay lumabas para makiusyuso.
Tumakbo ako sa refrigerator, kumuha ako ng
isang pirasong pizza. Bumalik ako, nakalimutan
ko ang coke.
Lumalaban na rin ang sinugod. Kontra sabunot din.
Sampal. Sampal din. Bigwas. Bigwas din. Sadsad
sa lapag. Tayo, sugod at hinawakan ang baywang.
Halos nakahubad na ang sinugod.
Nagpiyesta ang mga lalaking nanonood. Tinatakpan
ng mga nanay ang mata ng mga anak na kasamang
nakikiusisa.
Ang bilis namang maubos ng pizza ko. Balik
ulit ako sa refrigerator. Dalawang piraso na.
Medyo matatagalan pa ang palabas. Wala pang
umaawat.
Pareho na silang marumi. Pareho ng mukha silang bruha.
May nakita akong nagpupustahan. hehehe Pilipino
talaga mahilig sa sugal.
Dumating ang lalaking pinag-aawayan. Inawat ang
dalawang babaeng akala mo ay mga tandang na
naggigirian. Pinilit kinalmot ng isa yong kabit.
Ilag, tama ang kalmot sa lalaki. HAHAHA Tawa ako.
Pinilit bigwasan ni kabit ang asawa. Lagpas, tama
sa lalaki.
Hahaha Comedy.
Sa inis ng lalaki, binitbit ang asawa at ipinasok
sa kotse, habang sinisigawan ang kabit na pumasok
sa bahay.
Takbo ulit ako sa refrigerator para kumuha ng ice
cream naman. Kauupo ko lamang nang bumukas ang pinto.
Ang aking kabalay.
Tapos mo na ang tape ? Overdue na yan eh. Isosoli
ko para walang multa.
Ineject ko ang tape. Kainis di ko natapos panoorin ang pelikula.

Monday, June 13, 2005
Si Pinay at ang Love Story ng Pinsan 2
Dear insansapinas,
Pasensiya sa walang update, nabalaho sa tape scandal.
Pagtutuloy ng nakaraan.
Nagulo ang isip ni Pinsan.
Sino ang kaniyang pipiliin? Ang dating boypren na ipinagtirik niya
ng itim na kandila o ang kaniyang bagong boypren.
Nagkasugat-sugat ang kanyang tuhod sa pagdasal sa lahat ng simbahan
para ipagdasal siya na sana ay kunin na ang boypren ni LORD.
Nagsuot siya ng itim na damit upang iagluksa ang kaniyang namatay
na pag-ibig.(syado namang umibig ito).
Lumuha siya arawiaraw na kung inipon ay maari nang ipangpaligo
ng mga walang gripo sa buong taon.
Kumakain siya ng nakataob ang kaniyang pinggan at naisusuot niya ang
kaniyang blusa nang nakabaligtad.
Natuto rin siyang uminom, eheste lumaklak ng alak.
Kaya marahil kahit hindi kaguwapuhan ang kaniyang bagong boypren
ay kaniya ng tinaggap.
"Hoy mamah, pachoice ka na kung sino ang gusto mong
maging fafah."
Yong hindi na multiple choice, sa akez na lang.
Haaay, masahje galore siya araw-araw gabi-gabi.
Pero hindi naririnig ni pinsan ang bading. Lumilipad ang kaniyang
diwa. Pag ang dating boypren ang pinili niya, mapupunta siya sa
Disneyland, sa Universal Studios at sa Golden Gate.
Kung ang bagong boypren, hanggang doon lang siya sa nchanted
Kingdom.
Makakita na rin siya ng yelo at makakagawa siya ng maraming-
maraming maiz con hielo. Kaya lang kailangan niya naman ngayon
mais.
At higit sa lahat matuto na siyang mag-ingles.
Handa na niyang piliin ang dating boypren nang makita
niyang wala na ito at ang kaniyang dating boypren ay
nakahiga sa lupa. Tulog.
Hinampas-hampas siya ni bading.
Ikaw kasi mamah, tagal mo namang mag-isip, may I go
na yong isa mong mench.
Tigalgal si Pinsan ni kabalay. Gusto niyang lumipad
para habulin ang umalis na boypren pero wala yong
kaniyang uniporme ng Super Woman.(ooopsss erase, erase).
Nakasakay na ito sa kotse at nagpaharurot.
Kinabukasan, lumipad ang balita na nagpakasal ng
sikretong hindi naman talaga sikreto dahil alam
ng huwes,ng babae at ng lalaki at may dalawang
witnesses pa.
Gusto ng pinsan na ipaghamapasan ang kaniyang ulo
sa dingding nila kaya lang bagong pintura. Masisira
ang kaniyang bagong color na hair.
Kasi naman emote na emote.

Friday, June 10, 2005
Si Pinay ang Love Story ng Pinsan
Dear insansapinas,
Umalis na rin ang pinsan niya kinabukasan.
Hindi pa gising ang mga anghel nang siya ay umalis.
Yong anghel ko sa kaliwa ay naghihilik pa.
Gabi na nang magkita kami ni Kabalay. Malungkot siya
pero hindi naman siya galit sa akin. Hiya pa nga siya.
Magkakababata at magpinsan nang malayo ang pinsan
niya at ang dating nobyo nito. Sa kanila kasi, magpipinsan
nag-aasawahan.
Pero iba na ang mga pamilya ng lalaki. Kailangang
may pinag-aralan na ang babaeng pakakasalan nito
para hindi mahirapang maghanap ng trabaho pag
dinala na sa Estet. Sosyal.
Unang uwi ng lalaki ay di pinayagang makipagkita
sa pinsan niya. Sa halip ang pinadalaw ay ang isang
kababayan na katatapos lang ng kolehiyo.
Naging lima singko ang mga salitang, traidor.
taksil, mamatay ka na sana...Ganoon bang
mga ekspresyon ng galit. Siguro kung
mabubuhat lang ang buong bahay ay nabuhat
na at naibalibag sa poot. (Haaay nakakapagod
kahit isulat lang).
Nakaabot sa pagkaalam ng pinsan niya ang nangyari.
Pinilit niyang makausap ang lalaki pero talagang
parang sa teleserye na gumagawa lahat ng paraan
ang mga magulang para ang kanilang layon ay matupad.
Nagalit ang pinsan. Sumama nang makadate sa isa
pang manliligaw hanggang sila ay maging magkasintahan.
Hindi pa man siguro tinatanong ay sumagot na
ng sige na nga.
Ang lalaki ay pilit na umuwi sa pinas nang hindi
kasama ang magulang. Una niyang pinuntahan ay ang kaniyang
gerl pren. Hmmmm masigasig din.
Katok siya sa pinto ng bahay. Lalaki ang nagbukas,
"Nandiyaan ba si Lucrecia?", tanong nya.
" OO, sino ba sila ? balik tanong ng lalaking nagbukas
ng pinto pero kalahati lang.
"Si Onesto kamo",pakilala ng lalaki.
"Onesto? yong dati niyang boypren?" tanong ulit ng
lalaking nagbukas ng pinto pero kalahati lang at di parin
binubuksan ng buo.
"OO, ako nga, at ikaw? paninipat ng tanong ng lalaki.
"Ako si Cito, boypren niya ngayon." tugon ng
lalaking nagbukas ng pinto pero kalahati lang at di pa rin
binubuksan ng buo at tumayo sa gitna ng pinto.
"Tawagin mo siya, sabihin mong nandito si Onesto."
mariing binitiwang salita ng lalaki.
"Ayaw ka niyang makita." sigaw ng lalaking nagbukas
ng pinto pero kalahati lang at di pa rin
binubuksan ng buo at tumayo sa gitna ng pinto at
sinara ito.
Biglang dating ang gerl pren na may kasamang alalay
na gelay.
Hindi man dapat magsalpukan ang dalawang
mangingibig ay nag-iringan sila bago nag-
ala Robin Padilla at ang kalabang goon.
Sigaw na sigaw si bading.
"Ay mamah, akey ang kinikilig. Mayonga ang
beauty mo, dalawang jowas nagshushuntukan
para saiyo. Kabog talaga".
Panay siya klap na para bang nanonood ng
world werestling.
Ang gerl pren ay nakatingin lang, pero
may ngiti siya sa labi.
Ang ingay ng bading. Naroong hampasin
ang bagong boypren oops nagkamali pala
yong dating boypren at sabay hawak sa
ulong may kasamang roll eyes:
Ay nakakaloka talaga. Witsilya talaga
mag-papaawat ng shuntukan.
Natapos din ang pag-uumbagan nang gumitna
ang Pinsan ni Kabalay.
Pinamili si Pinsan ng kaniyang dating
boypren.
Itutuloy...(maghintay kayo).

Wednesday, June 01, 2005
Si Pinay at si Kabalay-Masinsinang Pag-uusap
Dear insansapinas,
Kung maari ayokong pinatatagal ang suliranin sa pamamagitan
ng hindi pagpansin. Kaya kung kailangang kausapin ang dapat
kausapin ay aking ginagawa. Tinatali ko muna yong aking anghel
sa kaliwa. Baka manapak.
Sa isang tasang kape at pandesal na ang palaman ay itlog
na nilagyan ng kamatis(nilagyan ko pa pala ng sibuyas, niluto
ko ng husto yong kamatis ha...sandali naging cooking class
tayo) kinausap ko si kabalay.
Alam ko kakong mainlab pero hindi inlab yong kaniya.
Libog yon.(Ay patawarin ako ni Santa Barbara, kailangang
getsing aki ng holy water at wisikwisikan ko ang
aking mata). Bakit ba ako nakikialam kong siya ay magtampisaw
sa burak habang kumakanta ng Sapagka't Kami ay Tao Lamang.
(sintunado nga lang). Kung hindi pa siya bihisan ng
blusang itim, hindi pa siya sigro gaganda. (sampal with
matching tsee).
Ang ayaw ko ang binababoy ang aking bahay ng isang
bisitang ang utak yata ay nasabit sa eruplano bago nakarating
sa bahay at akala niya ay bisita ang taong nakikitira ng libre,
kumakain ng libre sa matagal na panahon. I won't
mind mag-ampon ng taong pakakainin ko ng matagal dahil
wala pa siyang makuhang trabaho, pero yong
turista raw pero balak yatang magtago nang
magtago, ibang usapan yon.
Ang bisita ay yong alam niya kung kailan magpapaalam.
Cheber ko kung maging eternal tourist siya rito
but not at my expense. Cheap niya noh, ginawa niyang
hotel, motel at bar ang bahay.
Humingi ng pasensiya ang aking kabalay at sinabi
na lilipat na raw ang pinsan niya doon sa tatay nitong
beterano sa LA. Kung pwede lang daw hanggang Lunes dahil
Linggo ay bersdey nito at gusto namang maghanda.
'No birthday party?
Pakiramdam ko ay gusto kong magsabi ng hindi. Pero
okay lang. Mula ang mapunta ako sa Estet, naging
mabait yata ako ng isang tulog.
Sa ibaba ang party nila. Sa itaas ako nagtambay.
Ayoko ng usok. Hindi ako naninigarilyo. Hikain pa
ako. Hindi sila marunong magbasa. NO SMOKING.
Amoy ng kaldereta, pinapaetan at iba-iba pang
pulutan. Sa isip ko, saan ba nanggaling ang mga taong
yon. Ganoon pala silang magkakamag-anak.
Isang kaarawan, bayan ang iimbitahan.
Dinalhan ako ng pagkain ni kabalay. Salamat sabi ko.
Pinababa niya ako pero sinapo ko ulo ko at sabi
ko na parang may nagkakarpintero sa aking utak.
Panay ang martilyo. LAKAS KASI NG KARAOKE NILA.
Habang sila ay nagpapaligsahan nang pagkanta
ng MY WEE ni Frank Sinatra, sumalisi yata yong
dalawang magsinta sa silid ng aking kabalay.
Lintek na kama kasi niya ang laki. Gustong
gusto nilang gawing playground.
Hindi ko alam anoh. Hindi ako sumilip.
Nalaman ko nalang nang parang may rebolusyon
yata sa baba na isang Gabriela ang nagsisigaw.
"Lumabas kayo diyan mga walanghiya. Mga taksil,
mga traidor mga baboy."
Dagdag ko, mga hayok.
Asawa ni lalaki. Dumating. Ahaaaa magandang
panoorin. Tapat ng kuwarto ko ang kuwarto ni kabalay at
ang bintana niya ay nakaharap sa kalye, samantalang
ang bintana ko ang nakaharap sa likod bahay. Puwedeng
tumalon doon at lumabas sa kalye ng hindi na dadaan
sa pinto sa harap.
Pero ano siya sinuswerti. Nakapantalon na si lalaki.
Pumasok sa bathroom. Maliit ang bintana. Patuloy
ang talak ng asawa at pinipigilang umakyat ng
mga kamag-anak ng pinsan. Magkakilala naman sila.
Palagay ko nga isa sa mga ito ang nagbigay ng tip
sa asawa na hindi ito pupunta sa Monterrey tulad ng
paalam.
Hindi bumaba si babae. Bumaba lang si lalaki.
Kuwento ng aking kabalay, kalmot, sipa, suntok
daw ang inabot sa asawa. Buti wala ako sa ibaba
kung hindi, sana ay naiabot ko sa kaniya yong
tennis racket.
Isa-isang nag-uwian na ang mga bisita. Amoy
kambing, baboy at baka ang bahay.
Pagkatapos makapaglinis si kabalay, nagspray
ako ng lysol para pati yong amoy ng kataksilan
ay maalis.

Tuesday, May 31, 2005
Si Pinay at ang Pinsan ni Kabalay 3
Dear insansapinas,
Hitsurang pelikulang rated eks ang eksena. Hindi malaman ng lalaki kung
alin ang tatakpan niya, kung ang mukha niya o ang kaniyang harap. Nawala ang
aking lagnat. Nagkalat ang mga bote ng beer sa baba. Nakatingin sa akin yong
isang lalaking marahil kasama noong lalaking katalik ng Pinsan ni Kabalay.
Salubong ang kilay ko. Hindi sila nagkukumustahan. Sila ay nag-uumpugan.
Sabi nga ng mga capampangan, taksiyapo. Ginawa ninyong beerhouse ang bahay.
Mayamaya ay bumaba na ang lalaki at ang babae. Pareho silang mayroon ng
damit. Dapat lang. Nakatungo si lalaki habang si babae ay nakaingos.
Tuloy-tuloy sila sa pinto. Gusto kong sundan at sukatin ang kapal ng mukha nila.
Nang dumating si kabalay ay hiyang-hiya siya. Ang asawa raw noong lalaking dating
boypren ay kumare niya na nakatira sa Vallejo.
Dati raw magnobyo ang dalawa bago ipinitetion ang lalaki ng kaniyang mga magulang.
Nanag umuwi siya sa Pinas ay nahuli niyang may ibang kalaguyo ang pinsan ni kabalay.
Pinakasalan na lang niya yong pinagkasundo sa kaniya ng kaniyang mga magulang.
Dinala niya ang asawa sa Estet at hindi na umuwi sa Pinas. Ito ang muling pagkikita nila ng dating girl friend.
Parang gusto kong kumuha ng lapis at papel para isulat ang love story.
Bumalik din ang pinsan niya at iniwasan na lang niyang magtagpo kami. Madalas itong
nasa kuwarto at lalabas lang pag wala ako.
Minsan ay dumating kami ng napaaga ng aking kabalay. Minabuti naming magluto bago umakyat. Magsasalang muna ako ng kanin at salmon sa lata na lang ang aming palalanguyin sa sabaw na may sibuyas, itlog at kamatis.
Wala yong lutuan ng rice cooker. Wala rin yong maliit na kaserola. Hmmm. Hindi naman
kami napasok para yon lang ang nakawin anoh.
Umakyat sa kuwarto niya si Kabalay. Para yata akong may narining na malakas
na kalampag at sigaw ng O_i_a_o. Si dating boypren ay tuloy-tuloy na lumabas, bitbit
ang sapatos at pantalon.
Ginawang bahay kubo kahit munti yong kuwarto niya. May gulay na, may kanin pa.
Nagsagutan yata yong magpinsan. Kumuha ako ng popsicle at ako ay naupo.
Hmmmm mahabang gabi ito.
Pinyasaamerika

Monday, May 30, 2005
Si Pinay at ang Pinsan ni Kabalay 2
Dear insansapinas,
Mukhang nag-eenjoy ang pinsan ng aking kabalay sa pagbakasyon sa Estet. Wala yatang balak bumalik sa Pinas.
Pasalamat sana kami dahil may naiiwan sa bahay at kung maari lang ay may magsasalang
man lang ng kanin sa rice cooker, kahit walang ulam.
Darating kami ng alas onse ng gabi pero wala pang pagkain. Oke lang kung kami lang dalawa ng aking kabalay, dahil maari kaming tumawag ng pizza at magpahambalos
ng isang malaking may pineapple, pepperoni toppings.
Pero, mabait ang kabalay ko. Baka raw magutom ang kaniyang pinsan at sanay daw
sa kanin, kaya pagod man sa trabaho, ay magluluto pa rin ito at tatawagin ang pinsan
na babad sa TV maghapon, kuntodo nakarollers at bagong manicure ang mahahabang
kuko.
Dahil ang usapan namin ay isa magluluto, at isa ang maghuhugas ako ang tokang hugas.
Ahem, ako na may tatlong "katulong" sa pinas ay natutong maghugas at maglaba dahil
sa pangangailangan at pakikisama. Hindi sa hindi ako marunong maghugas ng pinggan subalit dahil sa marami akong trabaho sa pinas na pinagkakaabalahan, minabuting iwanan ko ang gawaing iyon sa mga batang maari kong paaralin para sa kanilang kinabukasan. Hindi dahil sila ay aliping sagigilid kung hindi upang pag-alis nila
sa aking poder ay may masasabing mayroong silang magandang kinahinatnan.
Ang aming mader ay tinuruan kaming maghugas. Una ay ang mga baso na kailangang sabunin upang pagbanlaw ay hindi malabo, ikalawa ang mga pinggan, habang ang kubyertos ay nakababad sa mga nakasingit-singit na kanin sa tinidor at panghuli ay ang mga kaserola at kawali na karaniwan ay maraming sebo.
Hindi pa kami tapos ay tumayo na si Pinsan ni K. Mamiss daw niya yong ending
ng pinapanood niya. Bakasyonista nga. Pinaglulutuan mo at pinaghuhugas pa.
Ganoon paulit-ulit yon. Minsan dinadala pa niya ang pagkain niya sa kanilang
kuwarto. Nanonood daw kasi siya at ayaw maabala. Tapos ilalagay niya sa hugasan
ang kaniyang pinagkainan.
Lampas ng isang buwan ang kaniyang pagtira sa amin. Marami na rin siyang kaibigan
na nayaya sa bahay. Minsan naglulutu-lutuan sila habang kami ay wala. Iniwan pa nila ang maruruming kubyerto ng pinaglutuan.
Kinausap ko ang aking kabalay. Ayaw ko kakong may pumupunta sa bahay ng kung sino-sino pag wala kami. Kung may gusto siyang imibitahin, kailangan, magpaalam sa amin at sabihin kung sino ang mga iyon.
Nahihiya raw siyang kausapin ang pinsan niya. Isa, mas matanda ito. Ikalawa, nirerespeto raw nila ito dahil siya lang may mataas na pinag-aralan sa kanila.Tapos ito ng secretarial, samantalang sila ay tapos lang nh high school at ang iba
ay elementarya lang. Kung hindi nga lang siya pinilit ng nanay niya na pakasal
sa matandang Puti, disin sana'y hindi siya nakarating dito sa Estet.
Sabi ko, hindi sa pinag-aralan ang ikakagalang ng isang tao kung hindi sa kanyang
mabuting pakikisama, mabuting pag-uugali at respeto rin sa kapwa tao.
Sa ginagawa niya ay wala siyang respeto sa kaniya, huwag na lang sa akin.
Kinabukasan ay di ko dinatnan ang kaniyang Pinsan. Kinausap na kaya niya at pinaalis
o kaya ay nagtampo at nag-alsa balutan.
Tahimik kaming kumain. Wala siyang kibo. Hindi rin ako kumibo.
Kinabukasan ulit wala pa rin ang kaniyang pinsan. Nalaman ko na hindi pa niya kinausap at hindi niya alam kong saan nagpunta. Puwede raw bang ireport sa Pulis.
Nakita ko ang kaniyang pagkatigatig. Niyaya ko siya sa Pulisya.
Pababa kami ng hagdan nang makasalubong namin siya. Masayang nakaabrisyete sa isang
lalaki. Dati raw niyang boyfriend sa pinas na ngayon ay may-asawa na rito sa Estet.
Napunta raw sila sa Nevada.
Gumalaw-galaw ang aking mata at kilay. Kung ako lang si Cherie Gil, nasampal ko na
siya at nasabing lumayas siya. Kung ako si Robin Padilla, nabugbog ko na ang lalaking
kasama niya. Pero wala kasi akong pangrap maging artista, kaya minabuti ko na lang ang umakyat ulit, sipain ang walang kamalay-malay na tsinelas, na sa isip ay habe nga
sa daan ko, at isinara ko ang pinto ng aking kuwarto ng napakalakas.
Olrayt ilang oras din akong di nakausap pero kagaya nang aking panununtunan
sa aking gawain, lay down your cards on the table...pag pusoy panalo ka. ekkk ano ba ang pinagsasabi ko. Bakit ko dadagdagan ng wrinkles ko sa inis?
Bago kami kumain ng hapunan, kinausap ko sila, rules of the house...
1. Pag-aalis o lalabas ang sinuman, kailangang mag-iwan kung saan pupunta kahit
sa isang pirasong papel. Kung walang papel, sasampalin ko sila ng isang ream
ng copy paper.
2. Kung nakalimutang mag-iwan ng mensahe, tumawag. pag walang sumagot, kausapin ang
answering machine.
3. Pag may darating na bisita, sabihin kaagad para hindi ako maabutang nakasuot ng disente lamang sa loob ng pamamhay.
But rules are meant to be broken.
Call in sick ako. May trangkaso. Minarapat kung mahiga sa aking kuwarto para di makahawa. Kumatok ang aking kabalay. Hindi ako sumagot. Antok ako. Lumayo siya
sa pag-aakalang pumasok na ako at di nagpaalam dahil tulog pa siya.
Parang may naririnig akong ingay sa baba pero balik ako sa pagtulog dahil sa
gamt kong ininom. Madilim na nang ako ay magising. Inot-inot akong tumayo upang
pumunta sa bathroom. Tatlo ang bathroom ng bahay. Dalawa sa ibaba at isa sa itaas. Madalas gamitin ko ang sa itaas kung hindi lang naman ako maliligo.
Binuksan ko ang pinto. Binuksan ko ang ilaw. Akkkkkkkkkkkkkkkkkkk may lalaking
nakabrief. Tinakpan ko ang isa kong mata. Kinuha ko ang isa kong payong at handa ko siyang saksakin kung siya ay lalapit sa akin. Tumakbo palapit ang Pinsan. Nakatapi lang ng tuwalya.
Yong dating boyfriend ng Pinsan ni Kabalay. Akala pala nila ay wala ako.
Nag-inuman sila sa ibaba at ewan ko kung ano pa ang ginawa. Pag nakabrief ang lalaki
at nakatapi lang si babae, palagay ko hindi sila naglalaro ng patintero.
Parang gusto kong magtalumpati.
Hindi mo lang ako hindi iginalang,
Binaboy mo pa ang aking tirahan.

Monday, May 23, 2005
Si Pinay at ang Dagang Prostitute
Dear insansapinas,
Pagbabalik-gunita lamang.
Ang bahay na tinirhan ko ay may in-law sa ibaba. Ito ang ilalim ng bahay na ginagawang kuwarto o kaya isang kumpletong tirahan na pinapaupahan ng may-ari ng bahay.
Dalawang kuwarto ang nasa ibaba. Isang beterano at ang kaniyang asawa at isang lalaki
na may dalawang anak na babae. Ang anak na mas matanda ay labingwalong taong gulang lamang nguni't mayroon na itong isang anak.
Ang bunso ay labindalawang taong gulang.
Ang kanilang bathroom ay sa ikalawang palapag. Sa aming likuran. Hindi kailangang pumasok sa loob ng kabahayan. Ang kanilang kitchen ay sa itaas din. Nakikiluto sila sa aming kitchen dahil bawal ang lutuan sa ibaba. Firehazard.
Dito ang paupahan ay mayroon ng cooking range at refrigerator.
Kahit dalawa lang kami ng kasama ko, malaki ang ref na ginagamit namin dahil
minsan-minsan lang kaming mamalengke.
Puno palagi ang aming ref lalo na ng ice cream, popsicle at iba pang frozen delights.
Hindi naman kami mahilig magluto dahil sa walang panahon at nagkakatamaran kaya lahat halos instant micro at junk foods.
Mahilig magluto yong asawa ng beterano. Binibigyan kami kaya bukas lang ang ref namin para makakakuha siya ng gusto niyang lutuin. Sahog kami.
Yong lalaki na may mga anak na babae ay hindi nagluluto. Parang lahat ng kinakain nila ay to-go. (bili sa restaurant).
Mainit ang panahon noon kaya bumaba ako sa kitchen. Nasa ikatlong palapag ang aking
silid. Ang pinto ng kitchen papunta sa likod ng bahay ay bukas. Ito ang daanan ng
mga nakatira sa in-law para pumasok sa kusina.
Kumuha ako ng popsicle. Uhmmm...halos paubos na. Tssk tsssk itong kasama ko
kakain lang, hindi pa itapon ang balat. Tinupi pa.
Kinabukasan nakita ko ang batang babae. Papasok siya sa iskwela. Gusot ang kaniyang
damit na tila ba gustong sumama ang plantsa sa kaniya.
Naghahanap siya ng pagkain sa mga kalderong nasa stove. Tumalikod siya nang makita
ako at tuluyan nang umalis. Nakita ko ang gutom sa mata niya.
Double shift ang kasama ko kaya maghapon siyang wala. Samantalang day off
ko pag Sabado at Lingo.
Gabi at mainit ulit. Kumuha ulit ako ng popsicle. Hmmm, bawas na naman at may
nakatuping balat ng popsickle. Hmmmm masama ito. May dagang may dalawang paa at
dalawang kamay na pumapasok sa ref. Sa freezer pa. Mahuli nga.
Umakyat ako sa itaas pero nakasilip ako sa may pinto galing sa ibaba.
Gusto ng magrebelde ng aking likod sa aking katawan dahil sa pagkakatagilid ko
sa pagsilip. Kulang na lang itong magdala ng placard para ipakita ang pagrerebelde.
Bumukas ang pinto. Dahan dahan. Alas diyes na ng gabi. Isang babaeng nakaitim ang pumasok. Nangingintab ang damit. Binuksan niya ang ref. Binuksan ang freezer. Kumuha ng popsicle, binalatan, sinuli ang balat at kinain ang popsicle.
Ang batang bunsong anak noong lalaki. Pero bakit ganoon ang suot niya. Baka
may party siyang dinaluhan. Marami pang make-up.
Kinabukasan habang nagluluto si Nanang (asawa ng beterano)nag-ala Cristy Fermin ako.
Tanong ,tanong, tawa, tawa.
Prostitute daw yong bata sa gabi. Lumalabas daw, kasama yong kapatid na babae.
Luwa ang mata ko. Labindalawang taong gulang ? Ano ang trabaho noong ama?
Wala raw. Addict pa raw. Kasi raw iniwanan ng asawa kaya sinisira ang buhay.
Uhmmmmm. Sabi ko tamad lang talaga.

Sunday, May 22, 2005
Si Pinay at ang Magnanakaw
Dear insansapinas,
Ito na naman ako. Sabi nga eh kailangang halukayin ko ang aking utak para
ma-update ang blog kong ito. Inilabas ko na yong sitemeter para mabilang ko naman
yong dalawang pumupunta rito. Marami naman pala. Hindi lang kasindami noong aking
NWC.
Pansamantalang iwanan natin sa Pinsan ni Kabalay. Pero hindi pa siya tapos anoh.
Kuwento ko sainyo ang aking karanasan na magnanakaw.
OO Birhinya, bago ako lumipad dito sa Estet , nakuha ang bag kong naglalaman ng
kulang-kulang na 29.95. (hindi po totoo yong amount) sa Jolibee sa isang mall sa Pinas.
Dito sa Estet , meron din hong mga snatchers, pickpockets at mga holduppers. Kaya mga Pinoy na akala nila ay napakasama na ng kanilang kababayan diyan, kahit saang forest ay may puno ehekkk ahaw pala.
Mayo din ho noon. Cinco de Mayo. May parada sa Mission dahil holiday ng mga Latino. Wala akong nasakyan na bus at nahuli ako sa sundo sa akin sa train station.
May nakuha akong last trip na bus at kaunti na lang ang sakay. Alas onse na ng gabi kasi.Naghuhulihan na doon sa lugar na dinaanan ng parada. May mga lasing na.
Akala ko naghuhulihan na ng pangit, pero hindi pala. Tatakbo na sana ako.Tigidig, tigidig.
Kailangang bumaba ako sa isang bus stop at kumuha ng isang bus ulit bago
makarating sa bahay. Hindi pa uso noon ang cellphone dito noon. Pager lang. Eh ang pager naman dito pang narses lang dahil ang phone system naman ay efficient.
Hindi ko matawagan ang aking kabalay na nars para sunduin ako. Naghihintay ako ng bus nang lumapit sa akin ang itim na tinedyer na may dala-dalang boom box at nahuhulog na ang pantalon.
Nagtanong nang "You got time?" Tiningnan ko ang aking oras. Ayaw ko ngang ibigay ang time. Sabi naman niya got time? di oo. Hindi naman niyang sinabing what time is it ? Tooooook, tooook. pilosopome.
Dumating ang bus. Sakay ako. Sakay din siya.Ilang block lang naman ang layo. Puwedeng lakarin pero madilim kasi at may dadaanan pang overpass.
Bus stop.Kanto ng kalye, ikalawang bahay yong amin.Baba ako. Baba rin yong tinedyer.
Nakita ko siyang lumakad sa ibang direksiyon. Mga ilang hakbang na lang ang layo
ko sa bahay ay may naramdaman akong may humihila sa bag kong dala. Yong itim na tinedyer. Ibinababa lang pala yong boom box saka ako sinundan at ito nakikipaghilahan ako sa bag ko.Sabagay ang laman lang naman ng box ko ay ang aking pantalon na marumi, checkbook at salamin.
Abaaa kung sisigaw ako ng magnanakaw, hindi maglalabasan ang mga tao. Kaya ang sigaw ko ay FIRE, FIRE....
Labas si French at ilang mga beteranong lalaking nakatira sa malapit sa amin. Hinabol nila yong snatcher.
Hindi naabot. Hindi tuloy ako nakakain ng gabing yon. Pero tumawag ako
sa banko ko na isara ang aking bank account. Buti na lang ang aking mga ID na sa aking bulsa.
Turo yan na huwag ilalagay lahat sa bag.
Kinabukasan umikot kami sa block. Nakita namin ang bag, nasa may
basurahan. Walang nawawala kung hindi yong salamin ko at yong pantalon na windbreaker.
Ang aking tseke ay nandoon. Hindi siguro marunong gumamit at small time.
Sa isip ko ang bata noon. Nasaan kaya ang nanay niya?

Friday, May 20, 2005
Si Pinay at Pinsan ni Kabalay
Dear insansapinas,
Maghintay kayo sa susunod na kabanata ni James Bond.
Work to death ako. Five days a week nga pero 5:30 pa lang, alis na ako ng
bahay. Ang balik ko ay alas diyes.
Ang aking kasama naman ay pasok siya ng alas 2:30 ng hapon at ang
uwi rin niya ay alas 10. Sabay kaming kumakain ng hapunan. Hati kami
sa gastos.
Minsang umuwi ako ay may naabutan akong isang babae sa aming kusina. Kumakain.
Pinsan daw ni kabalay. Galing sa Pinas, turista.
HMMMMMMM
Sohgal na shogal ang dating niya, mamah. Nagkakadatikwas ang mga daliri niya sa paggamit ng kubyertos. Maliliit din ang subo niya. Malamya siya kung magsalita. Ang ulo niya ay gagalaw-galaw na Tila yong asong plastic na dinidsipley sa kotse, tatango-tango, iling-iling pag gumagalaw ang sasakyan.
Kung hindi lang sinabi siyang BABAE PO AKO, mukha siyang shukling. Laki ng Adam’s Apple. Parang gusto kong pangangahin at ipaluwa ang mansanas.
Cashier daw ito sa isang hotel.
HMMMMMMMMMMMMMMMM
Mukhang may kaya. KAYABANGAN.
Ikaw anong trabaho mo sa Pinas ? Pinipilit niyang kutsarain ang spaghetti.
Mangani-nganing agawin ko ang tinidor, paikutin ang spaghetti at sabihing
NGANGA. Pagkain ng spaghetti, tinidor ang ginagamit ano.
Hingang malalim, hingang mababaw. Bakit ba mainit ang dugo ko.
Antibiotic ang dating niya sa akin kaya lumabas na naman ang aking dugong
Berde.
Si Santa Inez kaya ay patrona ng mga naiinis na tao?
Ikaw anong trabaho sa Pilipinas? Tanong niya sa akin nang walang
Kagatol-gatol , walang preno, walang beep beep.
HMMMMMMMMMMMMMMMMM
Ayyy,Ginaya ko rin ang paggalaw ng kaniyang leeg . Pati pagtikwas ng daliri.
METRO AIDE.
Ay ganda mo namang METRO AIDE.
Kung hindi doon sa ganda, siguro kinurapan ko siya nang walang tigil at
Sabihin sa kaniyang GAGAH,naniwala ka naman. Kaya lang magmumukha naman
Akong ATE VI niyan.
Nananalo raw siya sa isang contest sa noontime show ng 300,000, kaya
Feeling siyang Nina Ricci siya..(rich). Tourist bigla drama. If I know,
gusto niyang puntahan ang kaniyang EX ditto. HHHHmm.
Natapos ang kainan. Hinugasan ko ang aking kubyertos. Siya iniwanan niya sa
sink.
Masama ang aking kutob. Tamalis ang babeng ito. Ano siya sininswerte? Sino ang
Chimiaa niya ?

Monday, May 09, 2005
Si Pinay at Bersday ko raw
Dear insansapinas,
Sabi nga sa iblog summit conference, you owe it to your audience (okay my two regular
readers please stand up please) to update your blog regularly. Am guilty your honor. Hige,kakalikutin ko ang aking archive ng utak para malala ang mga nakalipas. (Soundtrack ng The Beauty and the Beast please). eng eng eng. (Biyulin yan).
Lunes. Nalaman ko na umuwi na si Daisy Nueve.Bwisit kay James Bond.
Si physical therapist ay trying hard pa rin. May pagkasuplada nga ang bruha.
Mayaman daw kasi sabi ni MAng Steve. Oweno.
Bersdey pala ng daddy ni James Bond at mayroong surprise party sa
penthouse.
Para hindi niya malaman, piraso lang ng papel ang ibinigay sa akin ni
James Bond para sabihan ako na lunch yon. Kaya ilalalabas daw niya muna
ang tatay niya para hindi mabuking. Ang grand party kasi ay gagawing weekend
para puwede yong mga kaibigan niyang busy pag weekdays. Intimate friends
at family lang daw para sa araw na iyon.
Wala akong regalo. Ano ba naman ang ireregalo mo sa taong nakapag around the world na
ng tatlong beses. Nakapunta na nga siya sa University of Sto. Tomas
para maging speaker sa isang medical conference at ang mga bakasyon niya
ay mga cruises.
Bumili ako ng TIMEX o Casio ba yon na relo. Wala pang 20 dollars. Ano kamo, cheap ko?
Sa totoo lang mahal na mahal niya ang relos na iyon at hanggang mamatay siya
ay suot niya. Karamihan kasi sa relos niya ay dressed watch (Yong relos na
nakadamit. mwehehehe). Samantalang yong timex na ibigay ko ay for everyday
use na may date, (that time medyo may dementia na siya. Di niya maalala kung anong araw na). Tinatanong nya ako, makakalimutin din ako. Kaya para di na niya ako tanungin, ayon binigyan ko siya ng relos. Saka yon ang relos na DBMMN. (DI BALENG MAWALA,MURA NAMAN). hokhokhok.
Party na. Kainan na. Bitin ako. Sushi at iba pang finger foods. Bukasan ng regalo.
May pagkapsychic daw ako. Alam ko raw ang gusto niya. Ang relong practical at hindi yong nag-alalang mabasa, paginteresan at mawala. In short, pwedeng walain.
Wala kasing magregalo sa kaniya nang ganon dahil iniisip na hindi bagay sa kaniyang
stature. Pagkatapos iadjust ang bracelet at oras, sinuot na niya.
Bago natapos ang party, (gutom pa rin ako)may inilabas na isang card si
James Bond at isang maliit na box. Akala ko additional regalo para sa kaniyang
erpats. Yon pala sa akin. Happy Birthday. 'NO? Gulat ako.
Yon palang isang pilya kong kasama, biniro si James Bond na birthday ko rin
kaya pala lumabas para maghanap ng regalo para sa akin.
Bulong ng kasama ko. Tanggapin ko raw dahil mapapahiya siya. Gusto kong hawakan ang
kaniyang buhok at alisin ang tirintas sa bwiset.
Kasi raw gusto niyang malaman ang reaksiyon ni James Bond. Napapansin daw niya,
para yatang intrega sa akin.
Sabi ko naman, pabling kasi. Kaya akala niya, lahat ng babae, machacharm niya.
Excuse me.
Palakapakan ang mga nandoon. Ingos si physical therapist. Nakangiti ang
ermatz ni James Bond. May misteryo ang ngiti at ang kislap ng kaniyang mata.
Kinabukasan, pagpasok ko wala na si James Bond. Lumipad na. Isinuli ko ang
regalo sa kaniyang mader. Hindi tinanggap ng mader niya lalo yong nakasingit
sa card na tseke. Parang nakita kong kumislap ulit ang kanyang mata.

Saturday, April 30, 2005
Si Pinay ang inihatid ni James Bond (hehehe)
Dear insansapinas,
Maituloy ko ang kuwento ko tungkol kay James Bond.
Wala pa si James Bomd, uwian na. 'No sila sinuswerteng samahan ko hanggang dumating
ang kanilang tsik boy? Iniwan ko silang hindi nagiimikan. Bisi si Daisy Nueveng makipaghuntahan sa phone, samantalang si Physical therapist ay may kausap na lalaki sa hallway. Palabas na ako ng building ng tawagin ako ni Mang Steve (SLN), Filipinong chief ng security ng building na yon. Tatlo silang Pilipino. Isa ay ang bata pang kahawig ni Cesar Montano. Yong Puti ay kahawig ni Keannu Reeves kaya lang shoklai.
May isang Nepalese, Mexican, retired African American na sergeant at isang racist na Puti.
Tumawag daw ang sundo ko na hindi makakarating dahil double siya. Ibig sabihin, public commute ako.
Niyaya niya muna ako na kumain dahil anniversary daw ng kasal ng kaniyang
kasama kaya nagdala ng maraming pagkain. May kare-kare.Uhmmm kainan na.
May pagkain na may kasama pang tsismis yan.Si James Bond daw ay may gerl pren
na lady judge na matagal na . Mahigit sampung taon na. Siya ang nagligtas at nag-alaga sa kaniya sa car accident na naging dahilan sa pagkakaospital niya ng isang taon. Matiyaga siyang inalagaan nito.
Tanggap na raw ito ng pamilya para maging misis ni James Bond. Kaya lang talagang pabling si Bond. Hindi pa man kasal, taksil na.
Puno pa ang bibig na nagkakanbulunang sabi ng security na kamukha ni Cesar,
nandiyan na raw si James Bond. Nandiyan na nga .Lumabas na siya sa isang monitor.
Sabi ko, itago nila ako.Pero huli na. Huli niya akong may pangal na buto ng
baka.
Ewwww, sabay takip ng ilong niya nang maamoy ang bagoong na pantimpla sa kare-kare.
What's that friggin' smell? You got a dead cat ?
Sinabi ko yog dalawang tsikas na nasa taas. Alam daw niya kaya di siya na dumarating. Sinabihan niya si Daisy Nuweve na wag lumabas sa hotel.
Di sana binigyan mo ng pacifier at teddy bear,bulong ko sa sarili ko, pero kumikibot ang aking labi.
"What are you mumbling about" ? tanong ni James Bond. Am praying. Sabi ko naman.
What're you praying for ?
Kuleet!!!!
"That my friend changes her mind and pick me up instead so I do not have to commute."
"I heard your prayers, my child.", sabi niya na pinalaki ang boses.
"Pardon me my lord, but what prayer of mine was answered ?" tanong ko.
"That you will go home in Lexus and I will be driver",sagot niya na boses ala Jack Nicholson.
"You're kidding". sagot ko ulit sabay punas ng kamay baka totohanin nga, di Aliw.
Hindi dahil, gusto kong ihatid niya ako pero makakatipid din ako ng $ 5 dollars.
James Bond: No I am not.
Ako: What about ...I understand you have dinner with her tonight.
James Bond : "Oh, she ? ..she's just a date. Nothing serious. She wanted me to meet her daughter."
Ako: "Yep, and Maria Clara is the sister of Rizal."
James Bond: "Pardon me ? "
Ako: (bulong lang) You are pardoned.hekhekhek.
Siniko ako ni Mang Steve. Sige na pahatid ka na. Ayoko yong physical therapist. Mayabang.
Mang Steve: ow Jimmy , I can make a call to tell the ladies that you
are held up in a traffic.
James Bond: Thanks Steve.
Ako: "Mang Steve, kunsintidor kayo ha."
Mang Steve: " Sige na, ipakita mo ang kamandag ng Filipina."
James Bond: "I'll see you in the car."
Ako: "Okidoke." (Saya, libre pasahe ko, kawawang goirls).
Nang dumating ako sa kotse, di man lang niya binuksan ang pinto. SUYA.
James Bond:" You're saying something?"
Ako: "I am just whispering the password to open the door."
James Bond: "You're crazy, don't you know that ?"
Nagdadrive siya nang more than sa allowed na
mph.
Kinuwento niya ang kaniyang aksidente.
Iniisip ko kung anong palabas sa TV.
Kinuwento niya ang kaniyang girl friend na taga Middle East.
Iniisip ko ang magbabad sa bath tub.
Kinuwento niya ang kaniyang school.
Iniisip ko ang labahin ko.
James Bond: "We're here. "
Ako: "Ow thank you."
James Bond : "Let's get out of here."
Ako: "okay, sabay labas ko sa kotse."
James Bond: "Would you not even invite me for coffee."
Ako: "sorry, I don't drink coffee."
Asar siya. Papainitin pa niya ako ng tubig. Saya niya.
Sa kapitbahay, nakita kong nakasilip si French.
Kumaway ako kay James Bond.
Ang iyong pinsan,

Wednesday, April 27, 2005
Si Pinay naging Nanny ?
Dear insansapinas,
Down and aking isang website.
naupdate ko ang aking pinay. uhum.
(Paalala lang ho. Ang mga istorya ho dito
ay hindi pangkasalukuyan. Akin lang binabalikan
na para bang REWIND).
Spoiled si James Bond. Unico hijo kasi. Hindi siya nagtatrabaho. Forever istudyent siya..Naubos na nga ang kursong puwede niyang enrolan kaya ,medyo pahinga siya ng isang taon nang siya ay una kong makita. Allowance galing sa trust fund niya ang ginagastos niya. Kaya pabling din dahil maraming mga bulaklak ang nakakaamoy ng pukyutang berde ang kulay.
Madaldal pa . Kung yong housekeeper ng aking kaibigan mabilis magsalita as in nakaisang salita ka palang, naka-isang chapter na siya, si James Bond naman ay nakaisang chapter ka pa lang ,nakaisang libro na siya kasama pa ang prolugue niyan.
Kamukha siya ni Jim Curry, lalo pag dinidistort ni Jim ang kaniyang mukha.
Para siyang kiti-kiti.
Dati, madalang pa sa ulan sa tg-araw ang pagdalaw niya sa kaniyang magulang. pero
biglan na lang naging halos buwan-buwan. Ginawang Quiapo ang California at ang
Boston.
May napupusuan kasi siya. Isang Pilipina. O daliri ninyo huwag magtuturo Mapuputol yan..Dati siyang empleyado nila, pero nagpapart time na lang. Bisi raw sa family problem.
Kahit ganoong may crush siya kay Fidela (itago natin ang pangalan niya) may karuray
pa rin siyang isang Puting labingsiyam na taong gulang. College istudyent at anak DAW ng kaniyang. EX. Nakita kong nagroll-eyes ang kaniyang kapatid na panganay na nangangasiwa ng estate ng pamilya.Maganda ang ate niya. Simple lang na maliit na babae at green ang mata. Corporate lawyer siya ay graduate sa Harvard. Alam niyang
isang malaking kuwarto sa hotel ang kinuha niya sa kapatid at hindi separate room.
Baka sa bath tub natutulog. si Bond.
May kasama nga, panay din ang alis at iniiwan pa sa amin yong kaniyang dalang babaeng may gatas pa sa labi, malapit na nga lang ang expiry date.
Ginawa pa kaming daycare.Ginawa pa kaming nanny.
Panay naman ang lambing ni daisy-nueve sa father-to-be niya sakaling mauntog si James Bond at biglang magpakasal.
Sabi kasi niya siya raw ay NOT THE MARRYING TYPE, noong sinabi ko na maraming naghahanap sa kaniyang mga tsikas nang malamang HE IS IN TOWN.
Bakit kasi hindi ibigay ang telephone niya sa hotel anoh.
Tapos may dumating pang isang tsiks na physical therapist. May dinner date raw sila ni James Bond at magkikita raw sila doon.
Abah, hindi lang ginawang daycare center, ginawa pang Luneta.
Masaya ito. Wala pa si James Bond at nagkita na ang dalawang tsikas niya sa buhay. May sabunutan kaya ? May sampalan kayang magaganap?
Abangan.
(Sa mga nagtatanong kung sino si James Bond, abangan na lang po ang mga susunod na kabanata ng the Buzz. Ooops.)

Wednesday, April 13, 2005
Thursday, March 31, 2005
Si Pinay at si James Bond
Dear insansapinas,
Naglipana ang tukso, sa bahay si French, sa trabaho ay ang anak ng aking boss.
May nakasabay ako sa elevator. Kaya lang hindi ko magagawa ang mga suggestions ni Ringhithion.
May kasabay akong Puting lalaki. Tinitingnan ang aking kuwintas. Nasalubong ko ulit siya sa desk ng receptionist. Nagpipirma siya sa visitors’log. Kinakausap ko yong babae sa counter.Sabi ni Puti: Your voice is familiar. I think I know you.
Tumaas ang isa kong kilay. Sa isip Ko ta….na narinig ko na yan. Pero familiar din ang kaniyang boses.
Sabi ni Puti: Hi the name is Bond. James Bond.
Sabi ko naman: Hi, I am Moneypenny. Saka ngumiti ako ng labas ang buong ipen.
Sinundan niya ako. Pumasok ako sa kuwarto.Pumasok din siya.Tinamaan ng matsing, ako ba ang sinusundan nito?
Sabi niya sa boss ko: Hi Dad, I am here for the holidays.Sabi ni boss: Good for you.
By the way, have you met, the Ca t?Sabi niya:Ow, did not have a chance. Hi, I am Zorro.Inabot niya ang kamay ko at nakangisi rin siyang labas ang ipen. Nakakaloko ang anak ng pating. Kailangan ding iintroduce ko ang aking sarili.
Sabi ko naman: I am Darna.
OOPssy,mali.Ngumiti rin ako hanggang tenga.
Who's that? Is she among the Xmen? tanong niya.
Oh loko,sisimulan niya ako, di siya ang nabuwang.

Tuesday, March 29, 2005
Si Pinay at ang Gerl Pren
Dear insansapinas,
Niyaya ako ng kaibigan kong pumunta sa remittance company para makapagpadala siya ng 500 dollars. Ganyan siya magmahal sa boypren niya.Tinanong ko kung sigurado siya.Oo raw. Doon daw siya masaya.
Hige.
Sa isip ko, kung kaharap ko ang boypren niya, bibigyan ko siya ng left hook
AT RIGHT HOOK, TUTUHURIN KO SIYA SA BABA NG KANYANG SINTURERA AT PAGNAKALUGMOK NA SIYA AY SAKA KO ITATAPON ANG PERA SA KANIYANG MUKHA, sabay ang sabi ng...
Son..o...bit...F...k...you..f...k...
Sandali, hindi ako yong sumigaw na yon. Tumakbo ako sa labas kung saan nanggaling ang ingay.
Si French, pilit na sinasampal ng gerl pren habang hawak niya ang dalawang kamay ni babae. Bakit nasa kalsada ? Bakit nasa harap ng bahay?
Hinila ako ng aking kaibigan papasok sa bahay. Tumawag daw ang nanay ni Edong yong may-ari ng bahay at kaibigan ng gerl pren ni French.
Nagseselos daw si gerl pren.
"Saiyo ?" tanong ko sa ikaibigan ko.
"Saiyo," sagot naman ng kaibigan ko.
"Sa akin ? Bakit ? Hindi naman ako lumandi sa boypren niya.
Ito nga itong kain ng kain ng pizzang dala niya."
Kasi raw ,bukambibig ang pangalan mo kahit anong usapan.
Balak ka raw sugurin dito, sinaway ni French.
Biglang may kumatok sa pinto.
Nagkatinginan kami ng kaibigan ko. Pinabuksan ko sa kaibigan ko ang pinto. Hindi dahil takot ako.
Eh kung sabunutan ako. Magugusot ang aking buhok.
Eh kung sampalin ako. Magugulo ang aking make-up. hehehe.
Naku nanay ni Edong. Ang Boy Abunda sa kalyeng yon. Palagay ko may dala siyang exclusive report tungkol sa iskandalo sa ibaba.
Anak ng pating na nanganak ng daeng at nagkaroon ng apong tinapa. Purnada ang pagpapadala ng kaibigan ko.
May balak tumagal ang matanda. Sumalampak sa aming upuan.
Tatlong taon na raw na magkasintahan si French at ang Pinay. May bahay daw si Pinay pero ayaw makipag-live-in si French kaya umuupa kina Edong.
Pakakasal na nga raw ngayong taon na ito. Siniko ako ng aking kaibigan at inulit
ang ikakasal na raw.
Keber. Kung balak nila akong kuning flower girl, fully booked na ako..
Bakit ninyo kinukuwento sa amin ?
“Wala naman”, sagot ng matanda. “Off limits na si French.”
At nagpaalam na siya.
“Kainis” sabi ng aking kaibigan. Para siyang nakakababae. Nagpadala
pa ng emissary.” Sa totoo lang, aswangin mo nga.
Sabi ko," hindi dapat. Boypren niya si French, natural lang siyang
magselos. Kaya lang dapat huwag siyang mag-iskandalo. Dapat pinuntahan
niya ako at kinausap."
“Katuwaan lang ow, landian mo nga.” sabi ng kaibigan ko.
"Gagah.."lutong kong sagot. "Maghahanap ako ng sakit ng ulo
dahil sa challenge."
"Sige na nga. Lika na nga at makalabas. Pag nandiyan siya,
wa ko siya pansin." sabay hila sa kamay ko.
Kinabukasan may bulaklak sa paso sa may tapat ng pinto.
Galing kay French. Naghahanap talaga ng sakit ng ulo.
Sabi ni kaibigan. Dali, pakita natin doon sa matanda.
Sabi ko." Para kang si Cristy Fermin, ang hilig sa intriga."

Monday, March 28, 2005
Si Pinay at ang Voice Tape
Dear insansapinas,
(Ang mga salaysay po rito ay nakaraan at hindi ang aking
pangkasulukyan. Kung baga ay balik-tanaw na walang contact lens).
Wala kaming pasok pareho ng aking kaibigan kaya
tambay ako sa kaniyang kuwarto. Inabutan ko siyang nakikinig
ng voice tape. Galing sa kaniyang boy pren sa Pinas
Ang kaibigan ko ay diborsyada sa asawa niyang Puti na siyang
nagpetition sa kaniya papunta rito sa Estet. Natuklasan ng
Puti na nakikipag-communicate pa rin siya sa boypren niya
sa Pinas. Mabait si Puti at mabuting tao rin ang aking kaibigan.
Iba-iba nga lang ang kanilang minamahal. Parang kanta
ni Sharon, Mahal ko kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba.
Ayaw lang ni Puti na makitang kinukuwartahan ng boy pren
ang aking kaibigan na hindi ko pa kaibigan noon.
Ewan ko ang gulo talaga ng buhay.
Kadidibrosiyo lang nila nang kami ay magkakilala. Balikan sila
ng boypren sa Pinas. Sulat,telepono at voice tape. Pakinggan
natin.
Voice tape: Honey, alam mo namang ikaw lang ang mahal ko.
at yan ay di magbabago.
Honey niya: Sarap pakinggan.
Ako: (Bulong lang ho) Sarap sapukin. Lokohin mo lelang mo. Ewan ko ba, sense
ko na bolero talaga yong boy pren na yon.
Voice tape: Lagi kitang naiisip. Wala akong magawa maghapon.
Honey niya: Ganiyan talaga yan. Sabi niya kaya raw hindi siya
nagtatrabaho dahil iniisip ako palagi.
Ako: (nangiti ako, at sa isip ko...talaga ? Tamad lang talaga.
Pagkatapos ng makalamuyot na mga bulaklak ng dila na
madalas sigurong madilig ng beer at alak, ito na ang pinakamaganda.
Voce tape:Siyanga pala mahal, kailangan ko ng five hundred dollars.
Nag-aaply ako pagkaseaman at kailangan ko ng pera.
Ako: Pagkahaba-haba man ng prusisyon uwian din pagkatapos...ehek...
Nalaman ko na lang na yong perang yon, ginamit sa kasal niya sa isang
OFW naman sa Saudi.
May susunod pa kung talagang tsismosa kayo.
Bewhehehe

Friday, February 11, 2005
Si Pinay at Kapitbahay-Karugtong po
Dear insansapinas,
Tiniis ni French ang pananakit ng kaniyang
asawa at kalaguyo nito dahil wala pa siyang
papel.
Oo Birhinya, hindi lang ang babae ang
battered wife pati rin lalaki kaya
lang tawag naman sa kanila ay battered
husband.
Sa tagal nang pagkukumpisal niya sa
akin, naubos ang pizza nang hindi namin
namamalayan. Panay ang baba ng kasama
ko at dukot doon sa lalagyan ng pizza.
Nag-order tuloy si French ng isa
pang buong pizza.
Dumating ang panahon na hindi na
siya nakatiis. Buti na lang may
berde na siya. Palaging bangag yong
babae kung hindi lasing.
Naawa man siya sa bata ay iniwan
na rin niya.
Nakakilala na naman siya ng Puti.
Nagsama sila at nagka-anak. Tamad
naman at salaula. Laging nakamanicure
pero ang dumi raw ng bahay. Pagdating niya,
siya pa ang nagluluto at naglilinis ng
kanilang anak.
Para magkaroon ng may magagawa, nagbukas siya
ng isang pizza parlor. Sa France kasi may
restaurant sila at sanay siyang magluto.
Tuwang tuwa ang asawa niyang nagbantay
sa parlor na naging hang-out ng kaniyang
mga bum na kaibigan. Napansin ni French
na nawawala ang kinikita nila maghapon.
Away dito, away doon, kalmot, sipa.
Kawawang French, tira-tirahan sa bugbog
ng mga babae eh ang laki naman ng kaniyang
katawan.
May doorbell. Akala ko yong pizza. Yon palang
gerl pren. Dala ang mga damit ni French
na nalabhan na. Iba talaga magmahal
ang Pinay.
Nagpaalam na si French. Babay naman
ang kasama ko na inabot ang perang
ibinigay ni French para ibayad sa inorder
na pizza. Keep the change pa.
Sa halagang ganoon, binulungan ako.
"aswangin ko kaya?"
Batok ang inabot niya sa akin.
Narinig ko sa ibaba na mayroon yatang nag-aaway.

Tuesday, February 08, 2005
Si Pinay at Kapitbahay-Brown out ulit
Dear insansapinas,
Wala ulit kuryente. Overloaded na naman.
Tatawagan na sana namin si Edong, yon ang
may-ari ng bahay na nakatira sa ikatlong
bahay mula sa amin, nang may nagdoorbell.
Si French. May dalang box. Pizza.
Pag sinuswerte ka nga naman ay talagang
sinusuwerte ka talaga. May taga ayos na
ng kuryente, may pizza pa.
May ipapabasa raw siya at ipaeexplain sa
akin. Naisip ko bakit hindi doon sa gerl
pren niya ?
Siniko ako ng kasama ko na ikalawang
piraso ng pizza ang pinapangal.
Sabi niya, "haglhibghi lhgan yhan pahra
mahgkitha kgha."
Sabi ni French," what is she saying ?"
Sabi ko, "She said she likes the pizza."
(May demerits na naman ako kay San Pedro).
Sabi ni French," I am happy she likes it.
I made it myself. I once had a pizza parlor."
Sabi ng kaibigan ko, "Wow, may pizza eheste,
may brwead."
Pinandilatan ko ang aking kaibigan at sinabi
ko, "Tumigil ka saiyong kabaliwan,"
(sandali, soap opera script ang dating.)
Ulit. Pinandilatan ko ang aking kaibigan at sinabi
ko, "Huminto ka. Akyat."
Sabi niya,"Oy gusto niyang magkasarilinan."
At humahalakhak siyang umakyat sa kuwarto
niya.
Review materials at instructions pag kuha
ng licensing exam ang pinakita niya sa
akin.
Hmmm gustong magpasikat ?
Ikalawang licensing exam na raw yong kukunin
niya para sa certification sa electrical
technician...something. OO Birhinya,
ganiyan kumita si Uncle Sam, lahat may
license na kailangan. Kahit mangkukulot
ka lang.
Mahigit labinlimang taon na siya sa
Estet. Natuto na siyang magsalita
ng English pero may may punto pa
rin siya.
Hindi pa siya magaling sa written
English.
Yong unang asawa niya, hindi siya
tinuruang magsalita ng English kahit
nagsama sila ng tatlong taon. Minahal na
rin niya pati bata. Pero may boypren
pala ito na hudas. Madalas daw doon sa
apartment nila at habang nanny siya
ng anak nito ay magkasamang naglalakwatsa
ang dalawa.
Lahat nang ibinibigay niya ay ibinibigay
din sa boypren.
Ang sama nito, pag lasing ang dalawa, binubugbog
siya. Kaya minsan daw matulog siya ay bukas
ang isang mata.Parang dolphin.
Pause.
Bakit ba magneto ako ng mga nakakaiyak
na kuwento.
PRsssssssssssssssssssss.pahiram nga ng
panyo.

Monday, February 07, 2005
Si Pinay at ang Kapitbahay
Dear insansapinas,
Pagkatapos ng aking unang Pasko ay may lumipat
na isa pang babae sa aking tinitirahan. Buti
nga may kasama ako sa itaas.
Pag wala kaming pasok ay nanood kami ng pelikulang
Tagalog. Sabay kaming lumuluha sa palabas ni
Maricel.Memorized niya ang dialogue ni Maricel
na ayaw ko ng masikip...ayaw ko ng maputik....
Sa paulit-ulit niyang sinasabi, pati ako memorized
ko na rin.
Minsan ay nawalan kami ng kuryente. Overload
pala. Taranta kami. Baba kami at tyempo nandoon
si kapitbahay na French. Tinawag pala ng may-ari
para ayusin yong wiring. May kasama siya. Pilipina.
Ahaaa. Gerl pren. Abresiyete kaagad kay French nang
makita kami. Naglaro ang aking diwa. Nagkatinginan
kami ng aking kasama. Nakilaro rin ang diwa niya
sa akin. Gustong maghigh five. Umigkas ang aking
kilay. Sa malamyos na tinig nakiusap ako kay French
kung puwedeng tingnan muna ang aming wires
sa itaas. @#$%^na kung hindi lang sa palabas ni Maricel,
hindi ko gagawin yon. Nakita ko ang sarili ko
sa salamin sa dingding. Pinandilatan ko. Sa isip
ko KIRI. Di pinandilatan din ako. MO.
Naayos din aming kuryente pero hindi humiwalay
si gerl pren.Kung saan si French, nandoon din
siya. Pagyuko ni French, yuko din siya. Parang mimic.
Wala pang sound. Panay ang kalabitan namin ng aking
kasama. Dumi isip.
Diborsyado pala si French sa isang puti. Ikalawa
niyang asawa. Ang unang asawa niya ay Puti rin.
Yon ay para magkapapel siya. Dumating kasi siyang
turista. OO Birhinya. hindi lang Pinoy ang nag
ttnt sa Estet.
Mahirap pa sa kaniya wala siyang alam na English
kung hindi allo (hello). Kinakain pa ang H.
Naghanap siya ng French restaurant kasi alam niya
at least may taong French na makakatulong sa kaniya.
Hindi siya nagkamali. May ari ay matandang babae
na ang naging asawa ay French pero marunong ng
lenguwahe. Kinupkop siya at kinuhang tagahugas
sa kusina.
Upang maging legal, hinanapan siya nang mapapanga
sawa. Mayroon naman na pumayag sa kundisyong babayaran
ang renta niya at tutulungang alagaan ang kaniyang
anak. Single parent kasi.
Kaya punta sila sa Vegas. Sabi nang pastor na
mukhang si Elvis, repeat after me. I, state your
name. Sabi naman ni French, I stet your nem...
Bungisngis siya pag naalala niya ang kaniyang
kasanuan. Mukha pa rin naman siyang sanong Bruce
Willis. OO Birhinya, kamukha niya si Bruce Willis
pati ilong at tagilid na ngiti. May gerl pren nga
lang .Tsee.
Itutuloy...

Tuesday, January 11, 2005
Pag-ibig daw
Dear insansapinas,
Uwian na.
Isinabay ako ni Sarah at kinumbida sa apartment
nila. Nag-aaral daw siyang magluto.
Sa elevator ng kanilang apartment ay may
humabol na isang lalaking may edad na rin.
Medyo namutla si Sarah pero hindi rin
nakatiis at humalik ng kamay. Daddy niya.
Ipinakilala niya ako na para ba akong si
Superwoman na kaniyang tagapagtanggol.
Kulang na lang na yakapin ako ng matanda.
Dinadalaw niya ang kaniyang anak na itinakwil
ng kaniyang asawa dahill sa pagpapakasal
sa isang lalaking halos ay kaedad na nila.
Mangani-ngani kong sabihin na "ayaw ba ninyo
yon, mayroon na siyang asawa, may tatay pa
siya."Kaya lang bala masapak ako ng asawa
ni Sarah.
Nagkayayayaan sila sa sala habang pinanood
ko si Sarah sa kaniyang KAHINDIKHINDIK na
pakikipagsapalarang magluto ng pinakbet.
Kung haluin niya ang gulay ay ganoon na lang.
May kaba ako na mapait masyado yon. Durugin
mo ba naman ang ampalaya. Sus ginoo, ulit-
ulit, hindi ko ipagkakatiwala ang aking
tiyan sa isang batang nag-aaral pa lang kung
paanong pagkasunduin ang talong sa ampalaya,
sa sitaw, sa kalabasa at sa kamatis.
Biglang napaorder ng to-go ang kaniyang
asawa para raw sapat ang aming kakainin.
Hindi nabawasan ang pinakbet. Mainit pa raw
kasi. OO na labas ilong ang sagot ko.
Huwag siyang magkakakamaling baunin yon bukas
at bigla akong magdidiyeta.
May commercial center pala ang pamilya nina
Sarah. Talagang mayaman. Pero mas gusto raw
niya ang kaniyang buhay ngayon, may nagmamahal
at may nag-aalaga.
Matigas din ang loob ng kaniyang mommy. Itinak-
wil siya at hindi patatawarin hanggang hindi
siya hihiwalay sa kaniyang asawa.
Para akong nanonood ng soap opera. Kaya lang
hindi masyadong madadaldal ang mga tauhan at walang
mga freeze frame sa mga mukha nila at may tumutulong
luha. Para tuloy gusto kong gawin yon. Mag emote
ba na parang ako ang nasasaktan. (hee).
Inihatid ako ng kaniyang ama at marami kaming
napag-usapang bagay-bagay na nakapagpailing-
iling sa akin.
Ito ang kaso nang ang babae ang reyna ng tahanan
at ang ama ay tagasagot lang ng oo o hindi.
Darating din ang araw na matututo siyang mag-alsa
at ibagsak ang kaharian.
Gusto ko sanang advisan siya na sumali sa isang
organisasyon. Organisasyon ng mga TakotsaAsawa.
TSA. Lahat ng dako ay may tsapter.

Subscribe to:
Posts (Atom)