Advertisement

Monday, March 28, 2005

Si Pinay at ang Voice Tape

Dear insansapinas,

(Ang mga salaysay po rito ay nakaraan at hindi ang aking
pangkasulukyan. Kung baga ay balik-tanaw na walang contact lens).


Wala kaming pasok pareho ng aking kaibigan kaya
tambay ako sa kaniyang kuwarto. Inabutan ko siyang nakikinig
ng voice tape. Galing sa kaniyang boy pren sa Pinas
Ang kaibigan ko ay diborsyada sa asawa niyang Puti na siyang
nagpetition sa kaniya papunta rito sa Estet. Natuklasan ng
Puti na nakikipag-communicate pa rin siya sa boypren niya
sa Pinas. Mabait si Puti at mabuting tao rin ang aking kaibigan.
Iba-iba nga lang ang kanilang minamahal. Parang kanta
ni Sharon, Mahal ko kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba.
Ayaw lang ni Puti na makitang kinukuwartahan ng boy pren
ang aking kaibigan na hindi ko pa kaibigan noon.
Ewan ko ang gulo talaga ng buhay.

Kadidibrosiyo lang nila nang kami ay magkakilala. Balikan sila
ng boypren sa Pinas. Sulat,telepono at voice tape. Pakinggan
natin.

Voice tape: Honey, alam mo namang ikaw lang ang mahal ko.
at yan ay di magbabago.
Honey niya: Sarap pakinggan.
Ako: (Bulong lang ho) Sarap sapukin. Lokohin mo lelang mo. Ewan ko ba, sense
ko na bolero talaga yong boy pren na yon.
Voice tape: Lagi kitang naiisip. Wala akong magawa maghapon.
Honey niya: Ganiyan talaga yan. Sabi niya kaya raw hindi siya
nagtatrabaho dahil iniisip ako palagi.
Ako: (nangiti ako, at sa isip ko...talaga ? Tamad lang talaga.
Pagkatapos ng makalamuyot na mga bulaklak ng dila na
madalas sigurong madilig ng beer at alak, ito na ang pinakamaganda.

Voce tape:Siyanga pala mahal, kailangan ko ng five hundred dollars.
Nag-aaply ako pagkaseaman at kailangan ko ng pera.

Ako: Pagkahaba-haba man ng prusisyon uwian din pagkatapos...ehek...

Nalaman ko na lang na yong perang yon, ginamit sa kasal niya sa isang
OFW naman sa Saudi.

May susunod pa kung talagang tsismosa kayo.

Bewhehehe

Pinaysaamerika

No comments: