Advertisement

Sunday, May 22, 2005

Si Pinay at ang Magnanakaw

Dear insansapinas,

Ito na naman ako. Sabi nga eh kailangang halukayin ko ang aking utak para
ma-update ang blog kong ito. Inilabas ko na yong sitemeter para mabilang ko naman
yong dalawang pumupunta rito. Marami naman pala. Hindi lang kasindami noong aking
NWC.

Pansamantalang iwanan natin sa Pinsan ni Kabalay. Pero hindi pa siya tapos anoh.
Kuwento ko sainyo ang aking karanasan na magnanakaw.

OO Birhinya, bago ako lumipad dito sa Estet , nakuha ang bag kong naglalaman ng
kulang-kulang na 29.95. (hindi po totoo yong amount) sa Jolibee sa isang mall sa Pinas.

Dito sa Estet , meron din hong mga snatchers, pickpockets at mga holduppers. Kaya mga Pinoy na akala nila ay napakasama na ng kanilang kababayan diyan, kahit saang forest ay may puno ehekkk ahaw pala.

Mayo din ho noon. Cinco de Mayo. May parada sa Mission dahil holiday ng mga Latino. Wala akong nasakyan na bus at nahuli ako sa sundo sa akin sa train station.

May nakuha akong last trip na bus at kaunti na lang ang sakay. Alas onse na ng gabi kasi.Naghuhulihan na doon sa lugar na dinaanan ng parada. May mga lasing na.
Akala ko naghuhulihan na ng pangit, pero hindi pala. Tatakbo na sana ako.Tigidig, tigidig.

Kailangang bumaba ako sa isang bus stop at kumuha ng isang bus ulit bago
makarating sa bahay. Hindi pa uso noon ang cellphone dito noon. Pager lang. Eh ang pager naman dito pang narses lang dahil ang phone system naman ay efficient.

Hindi ko matawagan ang aking kabalay na nars para sunduin ako. Naghihintay ako ng bus nang lumapit sa akin ang itim na tinedyer na may dala-dalang boom box at nahuhulog na ang pantalon.

Nagtanong nang "You got time?" Tiningnan ko ang aking oras. Ayaw ko ngang ibigay ang time. Sabi naman niya got time? di oo. Hindi naman niyang sinabing what time is it ? Tooooook, tooook. pilosopome.

Dumating ang bus. Sakay ako. Sakay din siya.Ilang block lang naman ang layo. Puwedeng lakarin pero madilim kasi at may dadaanan pang overpass.

Bus stop.Kanto ng kalye, ikalawang bahay yong amin.Baba ako. Baba rin yong tinedyer.

Nakita ko siyang lumakad sa ibang direksiyon. Mga ilang hakbang na lang ang layo
ko sa bahay ay may naramdaman akong may humihila sa bag kong dala. Yong itim na tinedyer. Ibinababa lang pala yong boom box saka ako sinundan at ito nakikipaghilahan ako sa bag ko.Sabagay ang laman lang naman ng box ko ay ang aking pantalon na marumi, checkbook at salamin.

Abaaa kung sisigaw ako ng magnanakaw, hindi maglalabasan ang mga tao. Kaya ang sigaw ko ay FIRE, FIRE....

Labas si French at ilang mga beteranong lalaking nakatira sa malapit sa amin. Hinabol nila yong snatcher.

Hindi naabot. Hindi tuloy ako nakakain ng gabing yon. Pero tumawag ako
sa banko ko na isara ang aking bank account. Buti na lang ang aking mga ID na sa aking bulsa.

Turo yan na huwag ilalagay lahat sa bag.

Kinabukasan umikot kami sa block. Nakita namin ang bag, nasa may
basurahan. Walang nawawala kung hindi yong salamin ko at yong pantalon na windbreaker.

Ang aking tseke ay nandoon. Hindi siguro marunong gumamit at small time.

Sa isip ko ang bata noon. Nasaan kaya ang nanay niya?

Pinaysaamerika

No comments: