Advertisement

Thursday, August 25, 2005

Si Pinay at ang "Traidor" ano ang pangalan mo, raw?

Dear insansapinas,


(pagbabalik gunita)
Pagmamahal pa rin ang nanaig. Pinautang niya ang kaniyang boypren. Linshyak talagang puso yan anoh.

Umiyak siya nang ito ay inihatid niya sa erport. Kasama ang sangkatatutak nitong kapatid, ang ina, ang ama at ilan pang kabarangay. Sa labas lang naman sila.

Lalo silang nagkalayo ng kaniyang ina dahil sa iniwasan niya itong makaharap sa
kainan. Kadalasan, pumapsok na siya sa kaniyang kuwarto bago ito dumating.

Pakilasa naman niya ay wala naman sa kaniyang ito. Ni hindi na siya sinisilip sa kaniyang higaan bago matulog. Nandoon ang lalaki gabi't araw, araw at gabi.

Nagdesisyon siya. Kailangan niya ring umalis na. Hinanap niya ang phone number ng kayang kaibigan.

" Hoy,sis timing ang call mo. Ay may I arrive siya kahapon at nag-iinterview ng mga
applicants". sabi ng pwren niya."Gusto mo, pick-up kit, then go tayo sa Manila Hotel. Nandoon siya nakacheck-in. Di ba bonggadera siya. Hay so classy."

"Sige, sige." excited din siya.

Kaharap niya na ang missus. Asawa niya ay puti. Balot ng alahas ang kaniyang
katawan. Tingin niya ay si Tita Cory siyang nakayellow.

Kinuha sa kanya ang papel niya.
"Alam mo 'day, i can fix your tourist visa. Tapos pagdating mo doon, hanap kitang sponsor for working visa. Total may money ka naman sa bank." Pagganyan. wala pang months, lipad ka na."

"Wow, she could not believe it. Ganoon kadali. Teka, isip niya, baka naman scam ito."

Pero nakita niya ang mga relatives ng mga taong napa-abroad na nito. May dalang mga
regalo at mga papeles para naman sa kanilang pagbiyahe.

"Sige sabi niya, balik siya for her curriculum vitae." In the meantime, pinag-aaply siya ng passport.

Hawak din nito ang pag-aayos ng passport at ticket sa eruplano. Integrated services daw. Wow, talagang maganda ang negosyo nito.

Ilang araw din siyang pabalik-balik sa opit nito at nakita niya ang mga retrato na kasama nito ang mga Presidente, Senador, Beauty queens at kung sino-sino pa.
Bigat na tao anoh. Hindi niya alam sa mga photo session pala yon o kaya mga ambush
encounter tapos biglang puwedeng pa-picture.

Noon, time na yon, ang interview ay hindi pa scehduled. Kaya pumipila ang tao sa labas ng embassy bago pa tumilaok ang manok at sumigaw ang mga bata ng diyaryo.

Tanghali na di pa siya nakakapasok. Gurom na siya. Ayaw niyang iwanan ang pila.

Halos himatayin siya nang marating niya ang bintana kung saan tinatanong siya ng consul bakit siya pupunta da Estet.

Uminog ang kaniyang paningin.

Itutuloy.

Pinaysaamerika

No comments: