Advertisement

Tuesday, May 31, 2005

Si Pinay at ang Pinsan ni Kabalay 3

Dear insansapinas,

Hitsurang pelikulang rated eks ang eksena. Hindi malaman ng lalaki kung
alin ang tatakpan niya, kung ang mukha niya o ang kaniyang harap. Nawala ang
aking lagnat. Nagkalat ang mga bote ng beer sa baba. Nakatingin sa akin yong
isang lalaking marahil kasama noong lalaking katalik ng Pinsan ni Kabalay.
Salubong ang kilay ko. Hindi sila nagkukumustahan. Sila ay nag-uumpugan.
Sabi nga ng mga capampangan, taksiyapo. Ginawa ninyong beerhouse ang bahay.
Mayamaya ay bumaba na ang lalaki at ang babae. Pareho silang mayroon ng
damit. Dapat lang. Nakatungo si lalaki habang si babae ay nakaingos.

Tuloy-tuloy sila sa pinto. Gusto kong sundan at sukatin ang kapal ng mukha nila.
Nang dumating si kabalay ay hiyang-hiya siya. Ang asawa raw noong lalaking dating
boypren ay kumare niya na nakatira sa Vallejo.

Dati raw magnobyo ang dalawa bago ipinitetion ang lalaki ng kaniyang mga magulang.
Nanag umuwi siya sa Pinas ay nahuli niyang may ibang kalaguyo ang pinsan ni kabalay.
Pinakasalan na lang niya yong pinagkasundo sa kaniya ng kaniyang mga magulang.
Dinala niya ang asawa sa Estet at hindi na umuwi sa Pinas. Ito ang muling pagkikita nila ng dating girl friend.

Parang gusto kong kumuha ng lapis at papel para isulat ang love story.
Bumalik din ang pinsan niya at iniwasan na lang niyang magtagpo kami. Madalas itong
nasa kuwarto at lalabas lang pag wala ako.

Minsan ay dumating kami ng napaaga ng aking kabalay. Minabuti naming magluto bago umakyat. Magsasalang muna ako ng kanin at salmon sa lata na lang ang aming palalanguyin sa sabaw na may sibuyas, itlog at kamatis.

Wala yong lutuan ng rice cooker. Wala rin yong maliit na kaserola. Hmmm. Hindi naman
kami napasok para yon lang ang nakawin anoh.

Umakyat sa kuwarto niya si Kabalay. Para yata akong may narining na malakas
na kalampag at sigaw ng O_i_a_o. Si dating boypren ay tuloy-tuloy na lumabas, bitbit
ang sapatos at pantalon.

Ginawang bahay kubo kahit munti yong kuwarto niya. May gulay na, may kanin pa.
Nagsagutan yata yong magpinsan. Kumuha ako ng popsicle at ako ay naupo.
Hmmmm mahabang gabi ito.

Pinyasaamerika

1 comment:

cathy said...

minsan pag mas mababa and pinag-aralan ng tao, mas mapasensiya ako. pero pag-alam kong may pinag-aralan siya at ugaling bastos siya, isamg mag-asawang sampal ang abot sa akin at TALK TO MY LAWYER ang aking dialogue.

salamat at naaaliw kayo.