Advertisement
Thursday, September 10, 2009
September 11 at ang iba pang mga disasters sa mundo
Dear insansapinas,
Alam mo bang may mga ipinanganak na kambal ang kamalasan? Ito sila:
Turistang Paborito ng Terrorista
Bukas ay September 11, anniversary ng 9-11...ang taon na inatake ng terorista ang New York. Libo ang namatay. Dalawang turista ang nakaranas ng takot, pangamba dahil nandoon sila mismo sa New York kung saan ito nangyari. Sila ay sina, Jason and Jenny Cairns-Lawrence.
Pero hindi doon nagtatapos ang kanilang enkweuntro sa mga terorista. Para silang mag-asawang John Mclane (Die Hard) na palaging nasa lugar kung saan may panganib. Hindi naman sila mga spies.
Noong July 7, 2005, sila ay nasa London kung saan ang mga terorista ay binomba ang transit system ng siyudad na ikinamatay ng maraming tao.
Sa third "sequel" ng kanilang Close Encounter with Terrorists, sila ay nasa Mumbai, India pagkalipas ng tatlong taon.
Kapitan Kidlat Sana
Siya ay si Roy Sullivan, isang park ranger sa Shenandoah. Siya ay ay tinamaan ng kidlat hindi lang isang beses o dalawa, kung hindi pitong beses. Ang tiyaga talaga noong kidlat na tamaan siya.
Pero hindi siya namatay sa tama ng kidlat kung hindi pagbaril sa sarili dahil lang sa isang babae.
Hindi rin naibalita kung nagkaroon siya ng power para siya maging Kapitan Kidlat o X-Men.
Titanic
Si Violet Jessof ay unang nakasakay sa barkong Olympic noong September, 1911. Lumubog ito nang ito ay mabunggo ng isang bapor pandigma ng England. Walang nasaktan kaya siya ay di natakot magtrabaho sa malaking bapor na Titanic.
Lumubog ang Titanic pero isa siya sa nakaligtas.
Noong 1916, sumakay ulit siya ng bapor bilang nurse sa Britannic. Lumubog na naman ito pero nkaligtas ulit siya.
Namatay siya noong noong 1971 sa atake sa puso. Inilibing siya sa dagat na matagal na siyang gustong kunin.
Pinaysaamerika.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment