Advertisement

Sunday, September 27, 2009

Ondoy Aftermath Part 3- Mga Nakakainis na Obserbasyon

Dear insansapinas,
Photobucket
Nakakainis 1


Naghhanap ako ng mga piktyurs ng baha sa Pilipinas na dala ni ONDOY nang makita ko ang link ng GMA Facebook kung saan pwedeng mag-upload ng retrato ng baha ang publiko. Nagtayuan ang balahibo ko sa INIS na kahit ba namin yong mga paglalaro at pagaarte nila sa camera kailangang ilagay doon. Para yatang INSENSITIBO na karamihan sa mga retrato ay nakakaawa, may mga taong ginawang album ang GMA facebook. Sabihin na nating talagang may sense pf humor ang mga Pinoy pero dapat nasa tamang oras din. TSEH.


Nakakainis 2


May mga nabasa akong comments sa isang blog. Ito ang mga taong imbes na magvolunteer para magrepack ng mga relief goods o kaya magpadala ng kahit man lang isang pirasong tuyong damit sa mga biktima, sinisisi pa ang mga tao dahil bakit hindi handa sa mga kalamidad.


HELLO. Alam kaya niya ang kaibahan ng regular flood sa flashflood.
Flash floods are distinguished from a regular flood by a timescale less than six hours.(source: wikipedia).


Kahit na mabilis kang gumalaw, kung ang tubig naman ay mas mabilis saiyo, wala ring mangyayari. Isa pa ang mga binahang lugar ay hindi dating binabaha kaya ang mga tao ay hindi inakalang ganoon kabilis ang pagtaas ng tubig.


Kasama rin dito ang mga commenters na lahat na yata ay binigyan ng sisi except sarili nila na kung talagang uururatin, kasama rin silang hindi inaayon ang kanilang basura, tapon dito, tapon doon.


May nakapagsabi na sa kanilang ang Manila ay below sea level? TSKS TSSK


Nakakainis 3


Pati ba naman ang kalamidad, ginagawang dahilan para mapabango ang pangalan ng artistang nasasangkot sa isang kaso. Panay ang papuri ng kapatid sa pagliligtas nito sa isang kapartner na artista na para bang isang bayani ang kapatid na dapat purihin. Sundan ang kanilang pagtatambalan. PWEH.


Nakakainis 4


Ito kuha ko lang sa isang blog kung saan ang isang babaeng nasa Dubai na may apelyidong Bermejo (kaya ko lang pinagkainteresan ito dahil may best friend ako noon sa elementary na Bermejo ang apelyido). Kaya lang sigurado ako na hindi niya kamag-anak, kasi mukhang Merkana yon.




Hindi ko ibibigay ang link sainyo sa awa ko sa kaniyang siyay binaha ng mga mura sa mga kababayan.


Di ka ba mgmumura sa sinabi niya.


"buti n lng am hir in dubai! maybe so many sinners bak der! so yeah deserving wat hapend!"-


Isa pa ayaw ko siyang sumikat. !@#$%^&***())__


Pinaysaamerika

No comments: