Dear insansapinas,
Title lang yan, insan. Ang gusto kong itanong ay kung paano ka
magalit? Yon bang humihiyaw ka at nagmumura? yon bang hinahamon mo lahat dahil sigurado kang di ka papatulan?
Ikaw ba yong kagaya ng kaibigan kong
mag-asawa na nagiging flying saucer ang mga pinggan pag nag-away habang
tinatawag nila ang isa't isa ng Darling at Honey? Ikaw ba yong biglang
tatayo at mag-eexit na lang na walang kibo o ikaw yong may Santo Kristo
sa dibdib na tahimik lang magalit?
Sabi ng iba, kailangan daw mailabas ang galit para madaling maalis ito.
Ang kinimkim na galit ay maaring mgbigay ng sakit sa to o kaya ay atake
sa puso.
Subali't datapwa''t pag galit ka mayroon kang nasasabing hindi mo na mabawi
kaya ito ay nagiging dahilan ng sama ng loob na tumatagal hanggang kamatayan.
Aw.
Ang mga executives ay pinapayuhang ibuhos ang galit sa mga bagay, kagaya ng bolang
pinipisil-pisil o kaya mga iba pang bagay na puwede nilang tirisin. Pero ang talagang gusto
nilang tirisin kung maari ay yong boss nilang mahirap maintindihan o kaya mga kasamahan na
mahirap pakisamahan. Kulang na lang sumpain sila at sabihing... mamata--na
sana kayo. Bad yan.
Sabihin mo na lang, umurong sana ang dila ninyo. Wewewe
No comments:
Post a Comment