Dear insansapinas,
Dapat dinala na ako sa ospital last Friday. Pero nanood nga ako ng MONK. Kulit ko noh.
Saturday, sabi ng kapatid ko punta na kami sa ospital. Ayaw ko, tinatapos ko yong binabasa kong nobela. Toink
Sunday
Sabi ng kapatid ko, punta a kami sa ospital. Ayoko. Nagsimula ako ng bagong nobela. Toink.
Monday
Aha. Alas singko ng madaling araw, talagang di na maipinta ang aking mukha sa sakit. Inayos
ko ang dadalhin ko.ID ko, medical insurance card, libro na binabasa ko saka gamut kong
iniinom. Sa emergency kami.
Pag dating naming doon, parang mga ibong nagsilapitan ang mga narses…hindi dahil mukhangisang uod na lang ang pipirma
sa akin kung hindi malapit na ang change ng shift kaya kaagad matapos kung
ano man ang gagawin nila.
Ang unang nars na lumapit ang kumuha ng aking vital signs…yon yong pulso –kung meron pa—
blood pressure…at temperature.
Muntik ko nang tanungin ang nars kung number ba ng machine yong nakita ko na 202. Sabiniya hindi. Yan ang blood pressure mo na systolic. Araaay.
Sunod na lumapit ay yong nars na lalaki ng
kumuha ng apat na gallon yatang dugo sakaliwa kong kamay.
Sa pagmamadali niyang matapos, naiwanan
niya ang elastic band na pinupulupot sa kamaypara lumabas ang mga ugat. Pero magaling siyang kumuha, wala akong pasa. Promise.
Hindi pa siya nakakalabas nang may
ipinasok na naman na makina sa aking kuwarto.Pang kuha ng tibok ng puso.
EKG. Tinitingnan nila kung tumitibok pa ang puso ko.
Tumitibok pa naman. Dong, dong,
dong.
Pagkaalis ng makina, isang makina na naman
ang ipinasok.Para naman sa X-ray.
Masaya siya, hindi ko na kailangang
pumunta sa X-ray room at magdidipa doon.Pinasandal lang ako sa isang
pirasong itim na board, pinangiti ang aking lungs…klik.
Dumating naman ang isa pang nars na babae.
Kukunan na naman ako ng dugo. At hindigallon, kung hindi timba. Kasi pagkasipsip noong injection sa dugo, sinasalin niya sa isang timba.
Naubos yata dugo ko dahil halos pigain niya ang aking kamay. Kaya ngayon
pag nakita mo ang aking kamay, hitsura kung katulad ni Che Tiongson.Para
akong binugbog ng isanlibong dwende. Blue black. Hindi marunong
kumuha. Gusto kong sampalin at pabalikinsa school. Tseh.
Tapos, kailangan ko raw ma-ultra sound. Pero sumusobra na ako kung gagawin pa
sa kuwarto ko yon. Kaya pinagulong nila
ang aking gurney-bed papunta sa RadiologyDepartment. Ewan ko naman kung
bakit tawag doon, Radiology eh panay TV monitor naman ang nakikita ko.
Pagbalik ko, hintay kete, hintay sa verdict ng doctor at radiologist at ang aking mga
specialista. Nagtsismisan pa ang mga hombre.
Nakita ko isa-isang dumarating na ang mga itinawag ng 9-11. May mga naka-oxygen,
may mga nakabandage. Pero walang mga nabaril o nasaksal o natapilok. Hindi naman
kasi trauma center yon.
Dumating na ang resulta ng ultra sound. Good news: hindi ako buntis. ahahay.
Bad news. Marami na naman silang engkantong nakita.
Verdict, admit sa ospital . Paano yon wala akong dalang toothbrush. Saka mamiss ko
yong paborito kong TV series, ang CSI, Bones at Leverage. Di bale, mga rerun naman.
Dumating na naman ang isang nars. Inventory raw ng mga dala ko. Okay. Ball pen,
libro, kalahating plastic ng cashew nuts…susi…at saka mga alahas.
Baka naman hingan pa nila ako ng SALN. Tinanong lang naman ako ng doctor, may
insurance ka? Meron kako, ibinigay ko na yong card ko sa admitting section. Aha
.. buhay ang hasang nila.
Habang naghihintay ng kuwarto, inenjectionan na nila ako thru iv ng morpina para
sa sakit. Tapos yong isa naman ay para hindi ako mahilo na epekto ng morpina.
O diva. Buhay talaga ang mga hasang ng parmasyutika sa akin. Correction, health care i
ndustry. Toink.
Mag-aalas dose, inilipat na ako sa kuwarto. Aha. may TV. Ayos. Meron na namang
naginventory ng gamit ko at suot ko. Tinanong ako kung ano yong malaking bracelet na
suot ko. kung pwede raw ipauwi na dahil ginto. Nasisiraan ba siya ng bait. Medic-alert
bracelet yon anoh. Yong ang tatawagan nila kung ako ay madapa at di makabangon o
anuman ang aksidente.
So okay na siya. Tinanong kung may living will ako. hehehe. Sabi ko nakasulat lang
sa kalahating papel. Total ang piyano, pinamana ko na sa aking anak na ikalawa...ang
aking paintings (drawing ko noh) ay naipamigay ko na sa mga kaibigan na ginawa yatang
pambalot ng kanilang gamit paglipat.
Hindi ko aaminin na may bahay ako. hindi ko naman inilagay sa Statement of Assets and
Liabilities and Networth ko. Di maimbestigahan nila ako. Sasabihin ko na regalo lang sa akin.
Hindi pa man nag-iiinit ang aking likod, at hindi ko pa tapos ang isang episode ng Law
and Order, inilipat na ako ng kuwarto. Masyadong masikip sa akin ang kuwartong yon,
dahil pangdalawahan yon.
Pangdalawahan din ang nilipatan sa akin pero mas malaki, isa pa walang tao sa kabilang
bed.
Alas singko na wala pang pinaiinom sa akin. kahit tubig.
Wala rin akong dinner. Soft diet daw ako kaya soft drink ibinigay sa akin noong nagreklamo
akong tuyo na lalamunan ko. Diet soda. hehehe, totoo yan. hindi ako nagbibiro.
Itutuloy
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment