Advertisement

Friday, September 11, 2009

Ang Pula sa Noo - Kultura ng Ibang bansa

 Dear insansapinas,
Noong maliliit pa kami as in mga kuting pa...at nakatira pa sa barrio, nilalagyan ng pulang lipstick ang noo namin ng aming lola bago kami ilabas o ipasyal. Laban daw sa usog. Ang usog ay hindi yong paalisin ka sa inuupuan mo o kaya kinatatayuan. Ang usog ay kung ang bata ay "napansin" o "nabati" kaya hindi humihinto ng pag-iyak hanggang hindi nilawayan ang kaniyang pusod ng taong nakausog. 
Sa India naman pala ay iba ang ibig sabihin ng pula sa noo. Ito panoorin ninyo.
Pinaysaamerika 

No comments: