Advertisement

Wednesday, September 23, 2009

Dancing with the Stars errm under the stars

Dear insansapinas,

You read it right insan.Hindi ito yong Dancing with the Stars na
Nagsimula kagabi kung saan may politician na kapartner ni Cheryl Burke, si Tom DeLay. Paborito ko yong Chairman
ng Iron Chef.



Ang sinasabi kong Dancing under the Stars ay yong mga sayawan sa barrio... under the stars.



Kasi puwedeng sa plaza iyon, sa basketball court kung meron o sa isang lugar
na hindi sementado na pag nagsayawan may libreng pulbos... alikabok.



Hindi pa ako nakasayaw sa ganoon kasi bata pa ako noong nasa barrio kami. Mga pinsan kong lalaki at mga kapitbahay na babae ang pumupunta. Pakner, pakaner.
Pag tulog na ang mother ko, takbo ako sa sayawan para manood. Ang mga lalaki ang titigas at makikintab ang buhok sa pomade.
Pag nagkamali ang langaw na lumanding doon ay baka maduls o kaya maipit sa
pagitan ng mga matitigas na buhok. Ang mg babae naman ay matigas din ang
mga buhok. Nilalagyan yata ng beer.

Di kaya amoy. Lasing sila?


Minsan ay di ako nakatiis. Sayaw din ako. Mag-isa. Ako lang ang bata. Walang partner. Mahilig talaga akong sumayaw.


Di ko namalayan, nasa likod pala kuya ko. Pingot ang abot ko, pauwi.
Mula noon, naging mahiyain ako. Mahiyain daw oh.


Kahit sa high school junior/senior prom, hindi ako sumayaw. Hindi naman ako wallflower.Flower Vase pwede pa. mwihihiihi


Escort mo ba naman ay dalawang kapatid mong
lalaki na konserbatibo na tumaas,bumaba ang kilay at laki ng mata tuwing
may lalapit sa akin.



Nang nasa College ako, requirement sa amin ang pumunta sa mga probinsiya para magrender ng community service o total immersion bago grumaduate.


Parang welcome sa amin ng barrio, may sayawang ginanap. Yon pala,strategy lang noong mga local barrio officials para maisayaw
ang mga girls na galing sa Maynila. DOM. Bigla akong nagkaroon ng diarrhea. Hehehe



Nasayaw ako ulit nong nasa Graduate School ako. Advice noong aking favorite mentor na mag-aral na raw ako magsocialize.
Kasama raw yon sa mga negotiation,business proposal presentation at mga dinner meetings with clients. Tuwing Christmas, mayroon kaming party at pati mga
professor nagsasayawan. Kaya sinuot ko ulit ang aking red shoes, Victoria.

Sino si Victoria, Siya yong ballerina na
pagsuot ang red shoes, ang galing niyang

sumayaw.


Pinaysaamerika

No comments: