Advertisement
Sunday, September 27, 2009
ONDOY AFTERMATH
Dear insansapinas,
Hinataw ng bagyong si Ondoy ang Metro Manila. Pati ang mga hindi binabahang lugar ay inabot.
Sa aurora blvd.
Marami pa rito.
Kung gusto ninyong magdonate, diretso na ninyo sa Philippine National Red Cross para tiyak kayong aabot.
Pati mg kakandidato nagsosolicit ng donation. Tssk tsssk, magagamit pampulitika.
I am no stranger to Manila flooding. Tumira ba naman ako sa ilang kantong layo lang
Espana sa Sampaloc, taun-taon akong nakikipandanggo sa bangko para lang makatawid sa bahang kalye.
Pero iba itong ONDOY, pati ang Makati, inabot. Naexperience ko na ang abutin ng baha sa Buendia. Ang lakas ng agos. Hanggng baywang ang tubig at kailangan kong makatawid para hindi ako makulong sa building na yon.
Noong minsan namang matindi rin ang bagyo, nastranded naman ang kotse ko sa Taft, Pasay. Mahirap magbukas ng bintana ng kotse kasi may mga mapagsamantalang mga elemento na nang bibiktima sa mga nasa loob ng kotse.
Nang makausad ang kotse namin, may nakita kaming motel. Binalak naming magcheck-in dahil gusto na rin naming pumunta sa restroom. May nasalubong kaming gusto rin magcheck-in pero umatreas. Nang malaman ko bakit, ang mahal pala ng singil.
Pero di bale, talagang kailangan ko nang pumunta sa restroom. Yon ang pinakamahal na restroom. Libo pero ang sarap naman ng pakiramdam.
Natulog ako nang basa pa ang aking damit. Sa pagod.
Pinaysaamerika

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment