Advertisement

Wednesday, July 18, 2012

The Medi-Port

Dear insansapinas,


Pasensiya kayo kung kinukuwento ko kung anong ginagawa ng aking specialist sa akin (oncologist). Pinaschedule niya ako sa ospital para lagyan ako ng medi-port. Yon ang dadaaanan ng chemo na ilalagay naman sa akin bukas.


So pagkatapos ng tatlong timbang dugo, ikinabit na ako sa oxygen, sa antibiotics at sa magpapatulog sa akin. Siguro sa nerbiyos, di ako nakatulog. Nararamdaman ko ang ginagawa sa akin. Nagmulat ako ng mga mata, maraming plastic na nakacover sa akin. Nag-uusap ang mga doctor at nurses.


Mga mahigit isang oras ang nakalipas, isa-isa ng tinanggal ang mga nakakabit sa akin. Masakit yong hiniwa. Pagkatapos na advisan ako kung ano ang aking mga gagawin, isinakay ako sa wheelchair at dinala sa sasakyan. Saka lang umepekto ang pampatulog. zzzzzzzzzzzzzz


Pinaysaamerika

No comments: