


The adventures and misadventures of a Pinay in the Land of Milk and Honey and her journey of life.Now she wants to save the world but is too sleepy to don the costume of Super Pinay
www.flickr.com
|
Hindi pa kami tapos ay tumayo na si Pinsan ni K. Mamiss daw niya yong ending
ng pinapanood niya. Bakasyonista nga. Pinaglulutuan mo at pinaghuhugas pa.
Ganoon paulit-ulit yon. Minsan dinadala pa niya ang pagkain niya sa kanilang
kuwarto. Nanonood daw kasi siya at ayaw maabala. Tapos ilalagay niya sa hugasan
ang kaniyang pinagkainan.
Lampas ng isang buwan ang kaniyang pagtira sa amin. Marami na rin siyang kaibigan
na nayaya sa bahay. Minsan naglulutu-lutuan sila habang kami ay wala. Iniwan pa nila ang maruruming kubyerto ng pinaglutuan.
Kinausap ko ang aking kabalay. Ayaw ko kakong may pumupunta sa bahay ng kung sino-sino pag wala kami. Kung may gusto siyang imibitahin, kailangan, magpaalam sa amin at sabihin kung sino ang mga iyon.
Nahihiya raw siyang kausapin ang pinsan niya. Isa, mas matanda ito. Ikalawa, nirerespeto raw nila ito dahil siya lang may mataas na pinag-aralan sa kanila.Tapos ito ng secretarial, samantalang sila ay tapos lang nh high school at ang iba
ay elementarya lang. Kung hindi nga lang siya pinilit ng nanay niya na pakasal
sa matandang Puti, disin sana'y hindi siya nakarating dito sa Estet.
Sabi ko, hindi sa pinag-aralan ang ikakagalang ng isang tao kung hindi sa kanyang
mabuting pakikisama, mabuting pag-uugali at respeto rin sa kapwa tao.
Sa ginagawa niya ay wala siyang respeto sa kaniya, huwag na lang sa akin.
Kinabukasan ay di ko dinatnan ang kaniyang Pinsan. Kinausap na kaya niya at pinaalis
o kaya ay nagtampo at nag-alsa balutan.
Tahimik kaming kumain. Wala siyang kibo. Hindi rin ako kumibo.
Kinabukasan ulit wala pa rin ang kaniyang pinsan. Nalaman ko na hindi pa niya kinausap at hindi niya alam kong saan nagpunta. Puwede raw bang ireport sa Pulis.
Nakita ko ang kaniyang pagkatigatig. Niyaya ko siya sa Pulisya.
Pababa kami ng hagdan nang makasalubong namin siya. Masayang nakaabrisyete sa isang
lalaki. Dati raw niyang boyfriend sa pinas na ngayon ay may-asawa na rito sa Estet.
Napunta raw sila sa Nevada.
Gumalaw-galaw ang aking mata at kilay. Kung ako lang si Cherie Gil, nasampal ko na
siya at nasabing lumayas siya. Kung ako si Robin Padilla, nabugbog ko na ang lalaking
kasama niya. Pero wala kasi akong pangrap maging artista, kaya minabuti ko na lang ang umakyat ulit, sipain ang walang kamalay-malay na tsinelas, na sa isip ay habe nga
sa daan ko, at isinara ko ang pinto ng aking kuwarto ng napakalakas.
Olrayt ilang oras din akong di nakausap pero kagaya nang aking panununtunan
sa aking gawain, lay down your cards on the table...pag pusoy panalo ka. ekkk ano ba ang pinagsasabi ko. Bakit ko dadagdagan ng wrinkles ko sa inis?
Bago kami kumain ng hapunan, kinausap ko sila, rules of the house...
1. Pag-aalis o lalabas ang sinuman, kailangang mag-iwan kung saan pupunta kahit
sa isang pirasong papel. Kung walang papel, sasampalin ko sila ng isang ream
ng copy paper.
2. Kung nakalimutang mag-iwan ng mensahe, tumawag. pag walang sumagot, kausapin ang
answering machine.
3. Pag may darating na bisita, sabihin kaagad para hindi ako maabutang nakasuot ng disente lamang sa loob ng pamamhay.
But rules are meant to be broken.
Call in sick ako. May trangkaso. Minarapat kung mahiga sa aking kuwarto para di makahawa. Kumatok ang aking kabalay. Hindi ako sumagot. Antok ako. Lumayo siya
sa pag-aakalang pumasok na ako at di nagpaalam dahil tulog pa siya.
Parang may naririnig akong ingay sa baba pero balik ako sa pagtulog dahil sa
gamt kong ininom. Madilim na nang ako ay magising. Inot-inot akong tumayo upang
pumunta sa bathroom. Tatlo ang bathroom ng bahay. Dalawa sa ibaba at isa sa itaas. Madalas gamitin ko ang sa itaas kung hindi lang naman ako maliligo.
Binuksan ko ang pinto. Binuksan ko ang ilaw. Akkkkkkkkkkkkkkkkkkk may lalaking
nakabrief. Tinakpan ko ang isa kong mata. Kinuha ko ang isa kong payong at handa ko siyang saksakin kung siya ay lalapit sa akin. Tumakbo palapit ang Pinsan. Nakatapi lang ng tuwalya.
Yong dating boyfriend ng Pinsan ni Kabalay. Akala pala nila ay wala ako.
Nag-inuman sila sa ibaba at ewan ko kung ano pa ang ginawa. Pag nakabrief ang lalaki
at nakatapi lang si babae, palagay ko hindi sila naglalaro ng patintero.
Parang gusto kong magtalumpati.
Hindi mo lang ako hindi iginalang,
Binaboy mo pa ang aking tirahan.
Pinaysaamerika
This is a blog about the adventures and misadventures of a Filipina in the US of A who wants to save the world from clutches of evil but is too lazy to don her costume. It also includes her reminisces of her journey of life in her birth country. Sinimulan ko ito ng 2004 at pansamantalang iniwan ng magbukas ako ng marami pang blogs katulad ng Now What, Cat? . Ngayon na pinahihinga ko ang aking pusa, dito naman ako nanggugulo.
Mga kuwento ng pag-ibig(lintek na pag-ibig yan, pagpapakasakit (uso pa ba ang martir ngayon),pagtataksil (hulihin si Hudas) at mga karanasan ng mga Pinoy na nangingibang bansa. Mga kuwentong parang pelikula na hindi naman pelikula pero pwedeng isa pelikula. Gulo ko. Ang mga KUWENTO po dito ay mga nakaraan na at sa kasalukuyan na may kasamang mga salawikain, totoo at tagp-tagpi.Minsan ay sumisipa rin ako sa pulitika at lalo sa showbiz. Frusrated actress kasi. Toinkk. Dito rin ninyo mababasa ang mga sariwang balita dahil hindi pa man nangyayari ay naibabalita ko na. ahek.