Advertisement

Sunday, May 23, 2010

Speeding

Dear insansapinas,

Tawag ang aking kaibigan. Nakunan daw siya ng picture dahil sa over siya sa maximum speed limit. Sabi niya hindi naman daw pwede yon  kasi di pwedeng i-drive niya ang van ng asawa niya na gumagaralgal pag lumampas na ng 60. Ang alam niya, may nagovertake sa kaniya pero siya ang nakunan. Sabi mo baka kasi huminto ka at ngumiti sa camera. yek yek yek.

Ano raw ba ang gagawin niya. Sabi ko magbayad siya under protest at sumulat siya sa authority. Pakikinggan daw ba siya? Sabi ko basta may complaint ka, hindi puwedeng iignore.


Minsan ka-opisina ko may traffic citation. illegal parking daw ng kotse niya. Tama ang plate number at ang kulay ng kotse, pero paano mangyayari yoon ay nakapark ang kotse niya sa SF. Ang sinabing illegal parking ay nasa kabilang ibayo,


So sulat naman ako para sa kaniya. Ayun, nabawi niya yong binayad niya. Di ko alam kung paano nila nakukuha ang tamang plaka o random na lang inilalagay nila, pag hindi nagprotesta, ayos lang. Yon second time nang nangyari kasi sa kaniya. Noong una, hindi siya nagreklamo.


noong isang buwan, tumawag siya sa akin kasi yong bisita nila, nabangga yong garahe. Pinababayaran sa insurance ng kanilang bahay. 


Nagresearch ako, meron ngang batas na iyon lalo pag lasing ang bisita at nakasira ng property ng neighbor.
pero di lahat ng states, adopted ang law na yon. Wala na akong narinig sa kaniya. Sabi ko wala sa syllabus ng Law and Order yan. Mali yata talaga ang propesyon ko. Ah basta pag laki ko gusto kong maging detective. Pmwehehe.


Pinaysaamerika

3 comments:

Michelle said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Lee said...

naku mam, buti nalang di ako nakaka drive kaya malabo akong makodakan at maipaskel sa presinto nyehehe

cathy said...

pinadadala sa bahay yong pic kaya walang lusot sa parents o sa asawa.