Advertisement

Wednesday, May 12, 2010

Some more HA moments

 Dear insansapinas,

Walang`Bawian

Pagkatapos nilang maging gentlemen and lady by conceding to the victory of Noynoy Aquino, JC dela Cruz, Nicanor Perlas and Jamby sila ay nagbawi ng kanilang sinabi . Read the news. de los Reyes withdraws concession to Aquino.

Away na

Away na ang kampo ni Roxas at Binay. Ah hindi pa tapos ang laban.  

Senate

Dapat maaksiyon ang magiging 15th Congress of the Philippines. Tatlong action star ang nahalal: si Jinggoy, si Bong Revilla at si Lito Lapid. Hinala ko, blinakmail ng mga anak ang magulang para iboto ang mga artistang ito sa Senado.


Sa Congress naman, nandoon si Lani Mercado-Revilla, si Lucy Torres na madaling nanalo kaysa sa kaniyang asawang si Richard Gomez na kung ilang beses nang tumakbo.

 Paglumaban si Pacquiao kay Mayweather, isa pang titulo ang itatawag sa kaniya, Congressman.

Kahapon ng umaga, ang ingay ng ibon sa paligid namin. Liparan ng liparan. Tapos nagpuputol sila ng twig sa puno na may kasamang dahon. Hinala ko gagawa ng nest. Ilang beses kong itinaboy yong ibon na may dala-dalang siit na maraming dahon. Balak pa yatang gumawa na naman ng pugad.

Tapos, biglang nangawala ng bandang hapon. Kumulimlim ang langit, lumakas ang hangin at maya-maya ay may kaunting patak ng ulan. Pag-bukas ko ng balita, may storm watch. 

Kaya pala, gumagawa sila ng masisilungan. 

Pinaysaamerika


4 comments:

Anonymous said...

de puger na mga politicians yan oo,ayan na ngat natapos ng mabilis ang resulta ngatngatan parin ngatngatan di nalang magsipag greencross,dilang pampamilya, pang sports pa,pare parehong mga
tagilid ang pagiisip,
nakakapaginit ng ulo,cheh!
e,bakit naman yung bise e di parin magkaalaman?
hay naku,masyadong bilib si mar na malakas sya e panood nood
lang naman sila ng concert at
pano sya nakasigurong
porket malakas yung ka lab-tim nya e malakas na rin sya?
hayz,kala ko pa naman tapos na,dipa rin pala,
tama ka talaga mam, di lang basta marumi ang politika, napakadumi,palibhasa nandyan ang pera kaya dyan din
nagtutumpukan ang mga ganid!
sana naman madala nila sa libingan nila yung yaman
nila at ng di sayang ang effort nila nyahaha.

cathy said...

nandoon pa ang power. biruin mo meron kang wangwang. hindi ka pipila sa airport. hindi ka pipila kahit saan. ang mga bodyguards mo bayad nog gobyerno. kahit magnanightclubbing ka lang.

Anonymous said...

susmio, dipa nga raw pala tapos ang bilangan,my mga magic pa este my mga dipa na tally,anu beeeeh wala ba talaga pagasa lumabas ang manok ko hahaha.
naku,kaya dw di nagco concede si erap dahil umaasa sya at syay confident na sya ang nanalo,hmm lets wait and see pa.
oo nga naman,iba talaga pag my power ka bukod pa sa my pera ka,pera alone is not enough,iba parin yung my power ka,simula
nga bukas dina ko mag dedeodorant nyahaha.

cathy said...

Bigla ngang nag-slowdown ang counting. napako.

yan ang "power" na pinakamalakas. May scam sa calif noon ang mga nagpapalimos noon sa tren. Siyempre kulob yon. Hindi aalis hanggang hindi mo binigyan. Syempre bibigyan mo.

Isinumbong yata sa management.