Advertisement
Monday, May 17, 2010
No and no and no
Dear insansapinas,
Maghapon kahapon ay nagtutulak ako ng aking mga gamit sa bedroom at naglipat ng mga damit sa closet. Lalabas na ako sa closet eh. Talagang aaminin ko ng ako ay closet queen. bwahahaha.
Ganito yon. Two days ago, nakatanggap ako ng notice na kailangan daw i-upgrade ang mga fiber optic ng isang carrier, (phone, internet, cable) kaya sila ay papasok sa aming unit. Bigla akong napa Haaah. Bakit sila mag-uupgrade eh hindi naman sila ang cable, phone at internet provider namin. Kaaupgrade lang sa amin at hindi na sila pumasok sa unit. Sa terrace lang sila at sa aming A/C/ Heater Utility Room nagtrabaho.
Besides ang alam ko wala pang cable ang company na ito dahil telepono lang siguro at dsl ang prinoprovide nila.
Tawag ako sa Building Management. Tanong ko bakit wala yata silang endorsement. Sino ang company na ito na wala naman kaming business ang magsasabing papasok sila sa bahay. Sanay ako na pag may kailangang i-repair o idagdag, ang memo manggaling sa Building Maintenance para malaman na mayroon silang permit sa papasok.
Sabi sa akin meron daw silang permit, pero bakit walang memo to inform us.
Sa layout na ibinigay, may highlight kung saan sila magtatrabaho. Ang problema, mali ang layout. Two bedroom din at for the same more than 1,000 square feet area pero iba ang pagsunod-sunod ng mga partition.
Tiningnan ko ang desk ng kapatid ko. Tatamaan. Sus, di ko pwedeng pakialaman. Sa dami ng mga kabit -kabit na wire, bugbugin ako noon pag pinakialaman ko. Besides, ang laki ng desk niya. There is no way, I can move it including the TV/monitor na HDTV at iba pang mga accessories.
So, e-mail ako sa kapatid ko. Naglolong drive. Sabi niya, magfafax siya sa management na hintayin siya bago sila magstart ng upgrading.
In the meantime, sinimulan ko na yong paglinis sa parte ng bedroom ko na lalagyan daw nila ng mga cable wirings.
Isang araw kong ginawa yon dahil ang daming gagalawin, libro, cookie, desk, cookie, electric fan, cookie, asthma machine ko, cookie, Wala namang mga nakatagong ipis sagigilid sa mga inalisan ko ng mga tambak. So linis ng ilang minuto, panood ng marathon ng Law and Order at dalawang movies (road to perdition at just like heaven), e-mail chat, kain, lagok ng juice, glug glug glug, linis na naman, paligo, luto at basa ng mga awayan sa internet. Whew.
Monday
Pasubo na ako ng niluto kong pasta (spaghetti for you) nang may kumatok. Ang dami nila, anim. Dalawa, nakasuot ng uniporme, mga sikyu. Sila ang guarantor na walang mangyayari sa loob ng bahay.
Ayaw kong papasukin. Sabi ko bilin ng kapatid ko, hintayin siya and it is only a matter of one day.
Besides sabi ko mali ang layout na ibinigay ninyo. tinawag yong leader. Sabi niya kailangan daw magawa nila ngayon. Ano siya nababaliw. hindi naman ako ang may-ari ng unit, wala akong karapatang magdecision, kako. NO.
Sumbong daw niya ako sa Building Manager. Di magsumbong ka kako.
Pagbalik niya may dala siyang phone number, tawagan ko raw ang manager. Bakit di tumawag sa akin ang manager? Bakit hindi personally pumunta ang manager. Ang mga exterminator nga, sinasamahan niya para kung walang tao at may permit naman ay siya ang magbubukas. Mandatory yon eh. County regulation.
If I know, gusto nilang maglagay ng cable para makuha nila ang subscription ng mga residents dito na iba ang cable provider. NO.
Katok na naman. Nabubulunan ako ng spaghetti, kung pwede raw ituro niya yong mga maapaektuhan na lugar. Pinapasok ko naman pati sa bedroom ko. Pero sa bedroom ng kapatid ko na kailangan ding galawin, hindi siya pwedeng pumasok. kung ako nga hindi pumapasok doon. Baka may mga laser beams yon. Alam mo naman yon, gadget freak. Buti wala pa yong mga ala Indiana Jones movies na may mga nakatago palang trap.
Not unless may bilin siya na papasok doon at magrerepair, walang makakapasok. Intiendes. NO ang sagot ko with matching biling sa kaliwa, biling sa kanan, slowmo, birhinya.
Lumabas siya tapos, inutusan niya yong mga alipores niya na pumasok sa unit. Sabi ko, bakit? Pwede raw sa kuwarto lang muna.
Sinong niloko niya, pwede bang iwanang nakatiwangwang ang mga wirings na ikakabit nila sa aking kuwarto habang hinihintay ang kapatid ko. NO. (tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, mukha ba akong maloloko?)
Sabi niya kasi raw kailangang sabay-sabay sa building gawin. Sagot ko, I do not think that the cable wires of another unit are connected with another unit na pag nagrefuse ang isa, apektado ang buong building. Akala niya sa akin, tanga. Kalahati lang, yuk yuk yuk . kaya nga may nilalagay silang sari-sariling box para diyan sa bawa't bahay. Sabi niya, naapektuhan daw ang kanilang schedule. At bakit nga pala sa closet ko ilalagay ang box? Paano pag may problema, papasok na naman sila sa aking bedroom. Nakakasira sila ng matris ng may matris.
Sagot ko naman, from what I understand, you will be here for more than a week to do this project. Biruin mo mahigit 50 ang buildings dito at 12 units for each building. Gusto nilang makabenta ng services nila, magtiyaga sila. Maninindak pa, eh mukha ko lang makita ko sa salamin pag umaga, nasisindak na ako. mweheheh.
Sabi ko naapektuhan ang inyong sched, pero ako naman baka ikick out ng kapatid ko dahil hindi ako sumunod. walang tulo ng luha kahit pigain. hehehe. Yong babeng security, tumango-tango.
Nakita ko sa kabilang unit ( magkakaharap kasi ang condo unit type apt namin), gulo-gulo doon sa loob. Wala ang may-ari. Nasa trabaho. Ang mga nakatira kasi dito halos single o dalawa lang sa isang unit. Walang malaking pamilya.
Tinalikuran ako ng kausap ko. Sabi siguro, tigas ng ulo ng babaeng ito. Aba eh kung talagang kailangan yon, dapat sinugod na ako ng Building Manager. Sila lang inaaccomodate dito, sila pa ang demanding. Tseh nila.
Ako pagkatapos, isara ang pinto, magroll-eyes, pinagpatuloy ang pagkain ng spaghetti. Upgrade raw, eh wala pa naman silang installation kung hindi ito.
Tseh nila ulit.
Pinaysaamerika

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
wahahaha wala pa palang naikakabit my upgrade na, ok yun mam ah, masyadong hi-tech,
dito hi -tech din, walang mga kable jejeje lahat nasa ilalim ng lupa
kaya walang kakatok
para mag upgrade kunu...
ang koryente at water and phone my box then my card kang isasalpak pag maglalagay ng load so
walang kableng naghambalang
sa kalye o sa loob ng unit mo,
di kagaya sa shanghai na
ang mga panty at bra naka hanger sa mga kable sa tabi ng kalye
ngeek!
babalik daw bukas. bigla akong mabibingi pag may kumatok.
o kaya nasa bathroom. hehehe
wahahaha onga naman, pagdating ni brither sila ang magkulitan
lintek na yon, nakalimutan ko tuloy inumin ang aking meds ng morning. kaya pla nang-aaway ako. hahaha
kasi naman kumain ako nang kumatok. usually after akong kumain umiinom ng meds ko.
sinira araw. ayan naging senti tuloy ako.
ngek, masama ka palang makakatok at maiistorbo habang kumakain,
nakakalinot hahaha.
Post a Comment