Advertisement

Sunday, May 30, 2010

The Money

Dear insansapinas,

Takbo, hinto, tingin sa likod sa mga humahabol. Dala ko ang aking bag. Nakasukbit sa aking balikat. Ang bigat. Malapit na ako sa isang kuwarto. Pasok ako agad. Isinara ko ang pinto. Inilapag ko ang bag. Binuksan ko ang zipper. Wow daming pera.

May tumutulak sa  pinto. Bog, bog.  Nakiramdam ako. Bog bog. Katok. Nakita na nila ako. Narinig ko ang tawag. Pamilyar sa akin ang boses. Phone, si Ellen. Toinkk. Brother ko dala ko yong cordless.


Nakatulugan ko pala yong binabasa kong nobela. Napanaginipan ko tuloy. Nakasabit sa balikat ko ang laundry bag. Di ko pa naalis ang nalabhang damit. Sus, kala ko totoo na.


Me: Hilew. 

Ellen: Bakit yata humihingal ka? 


Me: May humabol sa akin?


Ellen: Sino? Hindi ka naman lumalabas ng bahay. Wala namang aso diyan. 


Me: Nanaginip naman ako. Anong balita. 


Blah blah blah.

Tiningnan ko ang aking kama, may nakakalat na mga tig-iisang  dolyar. tinuninuninu.  

Galing sa bulsa ko siguro. tinuninuninu 


Pinaysaamerika

5 comments:

Lee said...

ako mam di nananaginip, minsan lang akong nanaginip nahulog pa ko sa kama at tumama sa kanto ng side table yung ulo ko, paghawak ko nakalubog at duguan hahaha kala ko butas na bungo ko, sayang naman yung kaprasong utak na tatagas kung nagkataon,tapos diko na maalala yung napanaginipan ko, pakiramdam ko tuloy that time e kala ko nagka amnesia na ko jejeje

biyay said...

next time, i-share mo naman yung pera mo. padala mo sa panaginip ko para pareho tayo may pera. hihihi.

si lee, wag mo na bigyan kasi di naman nanaginip yun. baka istorbohin lang tayo, magising pa tayo. hahaha

cathy said...

ako sa panaginip nakikita ko rin ang mga taong nakikita ko kinabukasan o sa ibang araw na darating. kagaya kagabi nanaginip ako ng bata, nakita ko nga ngayon. tinuninu

cathy said...

biyay,

hayaan mo pag nanaginip ulit ako. hahawakan ko na ng husto.

at hindi ko na ilalagay yong laundry bag da aking bed. hehehee

Lee said...

ay naku biyay, tama ka dyan hahaha