Advertisement

Tuesday, May 18, 2010

Lessons for the Day

Dear insansapinas, 
Ito ang mga lessons for the day.


Political Science 101


The Firm. Hindi po ito ang nobela ni John Grisham na isinapelikula at ang bida ay si Tom Cruise. Ayon kay ellen tordesillas 
link: http://www.ellentordesillas.com/?p=11073, ito raw ay isang law firm na nahulog sa mata ni PGMA. Nahulog ha? 


Hyatt 10- Hindi po ito pangalan ng hotel. Ito ang mga dating cabinet members ni PGMA na tumiwalag sa gobyerno. 


Kamag-anak Inc. - Hindi ito private corporation ng magakakamag-anak ang stockholders. HL yon.(Hacienda Luisita). Ito ang mga tiyo, tiya, pinsan, in-laws na sinasabing masaya na naman ang mundo nila kagaya noong panahon ni Cory.


Ang tatlong malalaking grupong ito ang nagpatintero sa susunod na administrasyon. Abangan.


Yong iba kasama sila sa Taguan. Yong may blindfold. 


Relationship 101


Namamasyal si Hayden Kho sa States. Sabi ni "magkaibigan lang kami" Dr. Belo: Yon daw ang gusto niya kay Hayden...ang gumawa ng spiritual journey nang taunungin bakit nakaalis eh may no departure order.

source: http://www.pep.ph/news/25607/Vicki-Belo-says-Hayden-Kho's-U.S.-trip-is-a--spiritual-journey-

Congrats us folks, here in the United States, we are highly spiritual people. Kaya kung wala kayong pangtravel, hindi kayo magkakaroon ng spirituality. Pweh. Bakit ba itong moth na ito aalialigid. Baka memya, maging palaka na naman ako at kainin ko ito. 


Friendship 101

Sa pulitika, hindi lahat ng nakangiti saiyo, kaibigan mo; hindi lahat ng nagsasabing nasa likod ka nila, ay susuporta saiyo; at hindi lahat nang nagsasabi saiyo na mananalo ka ay nagsasabi ng totoo. Buti pa si Judas Escariote, nagpakamatay dahil nakunsensiya sa pagkakanulo kay Jesus.

Justice System 101


There are two justice systems in the Philippines; the media and the court.


In the media, the trial is by publicity, in the courts, the verdict depends on the affiliation of the lawyers.


Pinaysaamerika 

2 comments:

Anonymous said...

hay naku grabe talaga ang politika, magulo na marumi pa,
theres no way and not in a million years na kahit sa kaapu apuhan ko e masasama sa ganyang kagulong buhay.
ang nagagawa nga naman ng salapi at kapangyarihan.

cathy said...

hindi maalis ng shampoo at sabon.