Advertisement

Sunday, May 16, 2010

Law and Order and Supreme Court

Dear insansapinas, 

Tama ang sabi ni Lee, maalis na ang original na Law and Order na dalawampung taon ng nasa Television.
source:  
http://marquee.blogs.cnn.com/2010/05/14/its-official-law-and-order-is-done/?hpt=Sbin Kung nasimulan ko siguro, ito at napanood ko lahat ng episodes, naging abugada na ako. toinkkk Pero buhay pa rin ang spin-offs nitong SVU (special Victim unit) at Criminal Intent pero bago na ang mga tauhan.


Una, nawala ang Monk, tapos Ugly Betty. Hindi na ako nanonood ng CSI mula nang manood ako ng Bones. Pareho kasi ang theme pero may sense of humor ang mga characters ng Bones.


Corona

Siya ang bagong Chief Justice ng Supreme Court. Corona means crown. Pwedeng crown of thorns para kay Noynoy Aquino dahil naisahan siya ng administration at crown of triumph para naman sa Administration dahil legal daw ang appointment. Sabi naman ng iba pwedeng alisin ng E.O. Kaniya-kaniyang bigay ng opinion. Sayang din yon, libreng self-promo kahit tapos na ang election. Isa pa ang Corona ay tatak ng beer. hic.



Despedida at mga Organisasyon

 Panay ang despidida ngayon sa facebook.  Despedida naman kay Willie Revillame para sa pag-alis niya sa Wowowee.



Organisasyon


Maraming sumusulpot na mga organisasyon ngayon. Utak talaga ng mga taong ito. Hindi nga naman sila mapapansin kung mag-isa sila kaya nagtatayo sila ng organisasyon at magrerecruit ng miyembro. In the meantime yong mga officers kuno at founders ay may leverage na pag nakipagnegotiate sa mga grupong target nila. Kung hindi ninyo ako naintindihan, talagang malabo ang utak ko. ahehek.

Pinaysaamerika

2 comments:

Anonymous said...

satin ba mam walang magpapa despidida party?jejeje naumpisahan gaya gaya na.
naku mam e di pede rin tayong magtayo ng sarili nating asosayon?financier nalang ang kulang,
kelangan yata makakuha ng maferang fafa, kaso kung hindi amoy kabaong, amoy aparador na my naptalina e amuy baul na my amag na mga fafang makukuha jejeje.

cathy said...

wisikan mo ng maraming pabango, hehehe