Advertisement

Sunday, May 30, 2010

Good bye

Dear insansapinas,
Where have you been? Part 2 ( A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience).

Good bye, good bye, good bye.


Isa-isang nag-alisan ang mga bisita ni Doctor B. Ang kaniyang asawa. Ang kaniyang anak na doctor. At ang anak niyang abugada.


Dumating ang nars. May pinaiinom na gamot. Tinabig niya. Biglang retreat ang nars. Sabi ko iwan na lang niya.


Lumapit ako sa matanda. Hinawakan ko ang kaniyang kamay. Tinabig din niya. Hindi ako kumibo. Tiningnan ko lang siya.


"You want me to leave you for a while? " Is it a bad time to talk?"


Hindi siya nakikipag-usap kahit kanino. Nahihiya siya dahil hindi niya natatapos ang gusto niyang sabihin. Takot siyang pagtawanan. Sa akin ay nagsasalita siya kahit paunti-unti.


"My family left..." nangingilid ang luha niya. "They... said... good bye to me." "They're... not... coming... back."


" They will. Mrs B is just going to the museum. She is a volunteer docent."


"Really? " Nagbago ang expression ng mukha niya. Para bang bagong impormasyon yon. Nakalimutan na niya ang mga bagay-bagay sa pamilya niya. Ang alam lang niya ay ang kanilang mga mukha at pangalan pag nakikita sila.Kailangan ipaalala sa kaniya palagi kung hindi tuluyan na ang pag-ikot sa sarili niyang mundo.


"Really. And because she can speak five languages fluently, she is assigned mostly to foreign visitors."


"And she's... my ...wife?" nakangiti na siya.


"Yes, she is. Not unless there is another one that I do not know and you are hiding  her somewhere." Alaska ko.


"Silly girl". Humalakhak siya. 


Ibinigay ko sa kaniya ang gamot na iinumin. Ininom niya kaagad.


Dumating si James Bond. As usual, huli. Kung talagang British spy ito, nakatakas na lahat ang kalaban bago darating. Parang mga pulis.

"Hi dad". Hinalikan niya ang kaniyang ama. Nagpaalam ako. Bonding ng ama at anak. Ginawa ko yong report at tinawagan ko yong private duty nurse niya sa gabi.

May nakita akong babaing puti na naghihintay sa labas. Ah. ayaw ipakita. Seloso ang ama sa atensiyon ng uniko iho.

Palabas na siya at nagsasabi ng good bye nang kinawayan ko siya. Biglang bago ang mukha. 

"Don't say good bye. His brain processed it as abandonment. Say I will be back."

 "Now you are a psychologist? Last time I heard, we are paying $200 an hour for the therapist every Tuesday and Thursday" and her name is Martha.

Kinagabihan, tinawagan ko ang kaniyang executor na kapatid. Pinakausap ko na "never say good bye". Hindi ko isinumbong si JB.
Kinabukasan, may memo lahat ang mga kaibigan, empleyado, kamag-anak at si JB. Don't say good bye. Say I will be be back. Ala Arnold Shwa.. whatever it is. 

Taray. Score 1. 


Pinaysaamerika



8 comments:

Lee said...

ahoooooooy mam, nsan na yung part 3? hahaha ang gandaaaa grabe, mam, kelan to lalabas sa bookstore? stop the spoiler, gusto ko ng mabasa ng buo sa pocket book hahaha.
masyadong makulay mam, very colourful, alumpihit na ko pagbabasa hahaha

Lee said...

naku mam, napaka talaga, di lang pang pocket book, pam pelikula pa, anung panama ng notebook? diko nga nagustuhan masyado yung notebook e mas gusto ko pa yung somewhere in time.

Anonymous said...

nagcomment ako dun kay biyay, wala daw permiso para ako mag post ng comment dun, ang sungit ng gwardya hano jejeje.

ayan,ayaw nanaman ako makapasok sa site ko depuger talaga ooh.

cathy said...

lee,
baka ikaw lang ang bumili. hehehe

cathy said...

gawa ka ng panibago, lee.

cathy said...

matindi talaga ang guardiya ni biyay.

Lee said...

dinako makagawa ng bago mam, ang daming nawawalang components sa pag gawa ng bagong account.
pag nga nagpopost ako ng comment sayo wala yung send button e, ang gamit ko puro itong enterdito sa keyboard pati sa pag compose ng blog sa site ko ganun din wala ang mga components at di pwedeng isave ang draft at walang preview,
basta pagka compose ng blog sabay pindot naslang ng enter dito sa keyboard.
sa FB ganun din di ako makapost ng comment o kahit shout out sa wall,buti nga dito nakaka comment ako, my isa pakong fave na site e wala yung comment box kaya di ako maka comment.

Lee said...

naku mam, hindi ako lang ang bibili, sa marketing lang yan strategy baga at mga testimonials nung mga nakabasa at etc etc
kahit na nga panget ang storya e nabibili pag magaling ang strategy
alam mo na.