Advertisement

Monday, May 10, 2010

Counting 1

Dear insansapinas,

Kausap ko sa e-mail dalawa kong kaibigan. Kasi obserbasyon ko nga walang privacy ang pagboto diyan. Pwedeng may-I-copy ang katabi mo. Yong ngang retrato ni Gibo sa isang online newspaper, yong katabi niya sinisilip ang sinusulat niya. 


Sa pagboto naman ni Ruffa, makikita mo ang daming nakapaligid doon sa ballot boxes kung saan pinapasok ang kaniyang ballot. Sus. kitang kita ang bumuto. Di na pwede yong tanggap pera pero huwag boto ani Cardinal Sin noon. Ngayon baka pag ginawa mo bugbog ka. 

Kagabi sabi ko sa aking kaibigan sa arizona, dahil may ANC siya, manood siya sa coverage at tawagin ako anytime. Sabi naman baka raw tulog na ako. Promise ko hindi ako matutulog, sandosenang novels ang nakatambak sa aking bed at di ko masolve yong ginawa kong accounting problem, baka may mali akong data kaya baka magsunog ako ng kilay kahit tattoo na lang yan. Ahahahy.

Wala pang isang oras, tulog na ako. Hehehehe. Nagising ako na akala ko tumunog ang phone. 

Pinaysaamerika  

2 comments:

Anonymous said...

oo nga e kitang kita kung sinung binilugan mo lalo pa kahit malayo kabisado na kung san banda sa balota naka sulat yung name nung kandidato

cathy said...

tssk tsssk, marami pang kanin ang kakainin para maging perpekto.