Advertisement

Saturday, May 19, 2012

Nagsishare lang daw siya


Dear insansapinas,
Kung nagtatanong kayo (meron ba?) kung bakit ako nawala,pabalik-ako sa specialista ko. pagkatapos simulan ang chemo ko. Unusual kasi ang mga side effects., kaya emergency dito, pharmacy dito at doctor dito. Kaya hindi ako nagiinternet dahil tulog ako palagi. Kung hindi sa atawg ng aking kaibigan na halos ko na hindi ko rin nasasagot sa phone, hindi ko ito maibabasa.,

Basahin ninyo na lang ang article na ito. Read and weep. Sinishare ni ya lang raw sa mga fans niya ang milyong-milyong nabibili niya mula sa kanilang pagtangkilik. SUS.

Si Kris Aquino nga yata ang pinakamayamang artista sa kasalukuyan. Kahapon sa programa niyang Kris TV, ipinakita ang kanyang half way house kung saan naging bisita niya si Cong. Lucy Torres.
As usual, sosyal na sosyal na siyempre ang halaga ay milyun-milyon.
Pero taob ang lahat sa kanyang sasakyang gamit sa kasalukuyan. Parang condo unit ang nasabing sasakyan na may banyo at shower room, may pahingahan, basta lahat ng bahagi ng isang condo unit nasa sasakyan ni Kris. Ipinakita niya ‘yun kasama ang isa niyang kaibigan.
Doon daw siya nagpapahinga lalo na kapag magdamagan ang taping at pag naka-rest na siya ng two hours, fresh na uli siya.
Katuwiran ni Kris after niyang ipakita ang mga latest acquisition niya mula sa kanyang mga pinagtrabahuhan ay gusto lang niyang i-share sa mga taong tumatangkilik sa kanya ang mga bunga ng kanyang pagod at pagtangkilik sa kanya ng sambayanan.
Parang gustong bilhin ni Kris sa susunod ay isang resort na huhulugan pa raw niya.
Pero, mas maganda rin sana kung kasabay nang pagpapakita ni Kris ng kanyang mga kayamanan satelevision ay ipinakikita rin niya ang mga kawanggawa niya bilang presidential sister. Siyempre wala namang masama na mag-flaunt ng yaman niya, kaya lang siyempre ano na lang ang sasabihin ng iba na ang daming mga walang tirahan sa kasalukuyan lalo na ang mga nasunugan sa Tondo na nagsisiksikan sa isang sports complex na walang comfort room. O kaya ang mga taong nakatira sa ilalim ng tulay at nagdurusa sa init ng panahon, heto siya na kapatid ng pangulo na higit pa sa pangarap ng bawat tao ang hawak na kayamanan.
Kasi kung ipakikita niya ang pagtulong na ginagawa niya, na I’m sure ay ginagawa naman niyang tumulong sa mga kapus-palad, malalaman din ng mga tao ang kawang­gawa niya bilang kapatid nga ng pangulo ng bansa.

Pinaysaamerika



3 comments:

Anonymous said...

nagtaka nga ako kung anong nangyari sayo. lakasan mo lang ang loob mo. laban kung sa laban. am praying for you

-biyay

Anonymous said...

kumusta na po kayo mam cathy. miss ko na po kayo. hoping you're feeling fine now. god bless po. josie

Arvin U. de la Peña said...

mayaman nga si kris...