Advertisement

Sunday, May 06, 2012

Burnout

Dear insansapinas, 

Wala na yong malaking buwan. Nakabalik na rin yong naghati kong katawan noong kabilugan.hehehe. Mahirap nga. Iyong taas nahihilo at inaantok, samantalang yong baba ay lakad ng lakad.


Burnout
Kausap ko ang kaibigan ko sa phone. Napupuyat siya kagagantsilyo. Sabi ko, mga hobby lang yan ng mga walang asawa at sarap na nakaupo sa tumba-tumba.(ARAY). Pero, siguro burnout siya sa katatrabaho at naghahanap ng ibang magagawa.

Mas matindi yong bayaw niya. Gusto nang magresign at magtatanim-tanim na lang daw ng gulay sa paligid nila. Kano yan. Wala pang trenta. Asawa niya ang kapatid ng kaibigan ko na mahigit kuwarenta na. Tinalakan nga siya. Aba eh saan naman niya ibebenta ang mga tanim niya.Minsan sa isang Linggo lang ang Farmer's market. Ang mga groceries ay may mga big time suppliers.

Nagkaroon din ako ng burnout noon pero hindi ako nag-isip huminto ng trabaho. Nagtanim din ako ng mga gulay sa aking garden. Nagtayo lang ako ng gapangan ng ampalaya. Sa awa ng Diyos, isa lang bunga, maliit pa.

Kahapon pala ay napansin kong one dollar ang kakapiranggot na eggplant, Kaya yong 4 ay four dollars. Nang chineck ko kanina ang receipt, eh yong cashier pala hindi kilala ang eggplant na maliit, Inilagay niya squash. Nasaan ba yong aking wand. Shazam, maging palaka ka.  erase, erase, baka ipagbili pa. Shazam, maging gecko ka. TSEH.

Pinaysaamerika

No comments: