Advertisement

Monday, May 07, 2012

Tinimbang ka ngunit mabigat

Dear insansapinas,


Kaya daw nagwawala si Claudine ay dahil naiwan ang mga baggage nila.
1. Kasalanan ba ng airline?
2. Kasalanan ba ng ground personnel na inaaway ni Claudine?
3. Kasalanan ba ni Mon Tulfo na nandoon siya?


Sabi ng airline, binawasan daw ang baggage na dala ng eruplano dahil sa bigat. Hindi ba nila inimplement ang maximum weight pag check-in pa lang? Minsan dito pati madre makikita mo sa airport nagbabawas ng laman ng balikbayan box dahil sobra sa allowed weight. Kala mo tuloy buong kumbento ang dala, yon pala mga padala lang. Mga salbahe.


Hindi naman bago ang isinasakay ang mga bagahe, hiwalay sa eruplanong sinasakyan ng pasahero . Ginagawa rin yan dito, Hindi na nga lang alam ng mga tao kasi nauuna ang eruplanong may bagahe. Pag landing mo, nasa carousel na.  Dito naman kasi, pag nawala ang iyong luggage tatakbo ka na lost baggage section, mag-fifill-up ng form at pagkatapos, maghihintay ng tawag o kaya delivery sa bahay. Period. Pag nawala ang luggage pwedeng na confused ang machine na nagbabasa ng bar code ng destination.Antok ang baggage handler o kaya walang proper travel tags ang mga bag. Kaya nga merong napakalaking unclaimed baggage center sa Alabama kung saan ang binebenta ay ang mga laman ng lost  bags.Maloloka ka raw sa mura. Daig ang ukay-ukay.



Diyan naman kasi lalo pag celebrities, akala mo palamunin nila ang mga taong barya-barya lang ang sinusuweldo. Hindi na masyadong sinasabi ngayon ang KILALA MO BA AKO? Baka sagutin sila ng, OO, Ikaw ay LAOS ng artista . Ang malas pa nandoon si Tulfo na naghahanap nang maisusulat/intriga, lagot. At huwag niyang gamiting excuse na ang gamot ay nasa checked-in baggage. Ang gamot ay dapat na sa carry-on para madaling makuha. Hindi mo naman kailangang magkaroon ng teleserye para malaman na mali ito. 


Pinaysaamerika

No comments: