Advertisement
Tuesday, May 08, 2012
Abuso na yan at Krus na may Gulong
Dear insansapinas,
Abuso na yan sa Anti-Child Abuse Law. Magsasampa raw ng kaso ang mag-asawang Raymart at Claudine sa korte ng child abuse laban kay Mon Tulfo. BAKEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEET?
Kaya bukas, bukod sa kasong physical injury ay balak nilang sampahan ng kasong child abuse si Tulfo.
“For the physical violence na na-sustain ni Claudine at ‘yung emotional violence naman na na-experience ng mga bata na sa harap nila ay sinasaktan ang kanilang ina,” sabi ni Atty. Alex Avisado, abogado nina Claudine at Raymart.
Eh sino ba ang may kilik ng bata at nakikibatok din sa reporter na si Tulfo? Di ba yong kasamahan nina Raymart. Makakain ko ang binabasa kong libro sa inis ko nito eh. TSEH.
Wala lang silang maisampang kaso, kahit ano na lang. Sus. Kung nasipa si Claudine bago ang bugbugan, iika-ika yon. Three weeks ago, nahulog ako sa silya (katanga ng silya) at nahampas ang aking binti sa upuan. Sakit. Namaga kaagad.
Kinkade
Noon ay "inggit na inggit" ako sa painter of light na si Kinkade. Nagagandahan kasi ako sa mga painting niya. Hindi ko gusto ang mga surreal type na painting. Pero isa sa mga depression niya ay ang mababang tingin sa kaniya sa mundong ginagalawan niya. Di ba ang mga artists naman naappreciate pag patay na. Baka yong painting na Scream hindi pinansin noong buhay pa ang painter.
Ngayon ko lang nalaman na namatay pala siya sa overdose ng valium at ng alak.
Hiwalay na siya sa asawa niya at kahit may girl friend siya, sinasabing hindi na siya masaya. Nandoon pa ang problema sa pera.
Kaya bago sana kayo (ako pala) mainggit sa ibang tao, dapat ninyo (ako pala) na kaniya-kaniyang krus ang dala natin. May malaki, may maliit, may mahaba, may maiksi. Buti kung makahanap kayo ng may gulong. achecheche.
Pinaysaamerika
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment