Advertisement

Wednesday, May 09, 2012

I was abused as a child

Dear insansapinas,

O di nagising kayo sa title ko anoh? Ako pala ang nagising. Toinkz. I was really "abused" not by my family but my "bodyguard". I do not want to call them, yaya, noh, di ako showbz...ayoko ring tawaging nanny, di naman ako Puti. 

Although we lived in Camarines Norte, we were one bridge and one nagihihingalong bus away from the city, so our house was a favorite destination of the cousins looking for jobs or a place to spend a vacation where there were free food, accommodations and festivities. (maraming sayawan doon, eh).


First Bodyguard


My first bodyguard was a first cousin who was very religious that we went to mass regularly. Her favorite priest who delivered homily was one who can talk until the churchgoers were one step to getting IV for being comatose. Kahaba ng sermon. And don't you make palakpak after his sermon, siya'y magpapatuloy pa thinking that the people were asking for encore.


One time, I was close to rupturing my urinary bladder. Talagang lalabas na and my cousin did not want to go out of the church to bring me to the toilet. Hintay daw ako. Di ba abuso yon? Toinkz. Pag-uwi ko, basa ang aking undies, damit at sapatos. . Ano ang gagawin ko? Ginagaya ko lola ko na nakakaihi kahit nakatayo, hindi pwede.


Second bodyguard


Naikwento ko na sainyo noon na may pinsan akong babae na six footer. Kaya naman pala siya tumaas ng ganoon dahil may "problema" sa pagkain.  Inalagaan din ako noon. Sa awa ng Maykapal, namayat ako. Panay lugaw lang ang pinakain sa akin. Ang mga bata raw kasi hindi dapat kumakain ng pagkaing mga pangmatanda. Nakabakasyon ang aking mga parents noon at kami lang mga bata at siya ang nasa bahay. 


Nang umuwi ang daddy ko, sabi niya, nakatipid pa raw kami kung isang batalyon ng sundalo ang pinakain namin. Nagbibiro lang siya folks.  Diyos ko day, isang kaldero, kulang sa isang kainan. Kaya yong isang buwang pagkaing nakareserba, ubos wala pang isang Linggo. Ayaw akong pakainin ng isda na sinusupply sa amin, Magkakabulate raw ako, Kaya lugaw na lang. Kulang na lang ilagay ako sa stretcher para maitayo pagdating ng aking parents, sa panghihina.  (UBER na ito. Hindi naman stretcher, duyan lang, hahahaha).



Third Bodyguard


Ang third bodyguard ko ay kapatid ng aking unang bodyguard. Lahat sila dumaan sa amin. Kung relihiyosa yong una, ito naman, lakwatsera. Bigla kaming napupunta sa palengke dahil may kailangan daw akong gamit. HA? ANO? ALIN? SAAN?


Minsan nanood kami ng sine, Pinaupo niya ako sa harapan at binigyan ng pagkain. May kasama siya sa likod? Mga ilang buwan lang, may iyakan na. Umiiyak na ang aking auntie. Ang aking batang pinsan ay winawagayway ang grandma panty ng aking pinsan. Mag-aasawa na raw. Sa isip ko bakit? Bawal ba yong magkita sa ilalim ng puno ng santol? o kaya maligo sa beach na malayo sa bahay kahit naman  mayroon  sa may likod namin?  Ahek.


Pinaysaamerika

1 comment:

Arvin U. de la Peña said...

binisita ka lang..