Advertisement

Tuesday, July 29, 2008

To go not to go


Dear insansapinas,

Haba na ng buhok ko. Gusto kong pumunta sa beauty parlor at magpapaputol ng buhok.

Kaya lang naisip ko mababawasan na naman ang aking IQ o kaya lalo akong magiging makakalimutin.

Pabago-bago pa naman ang isip ng weather dito. Pawhether whether ba.

Minsan kainit ng araw. Biglang mawawala. Biglang didilim. Mamaya bagsak na ang ulan. May background music pa. YOng thunderstorm.

Tapos biglang hinto, labas na naman si Haring Araw.

Sus, make up your mind babe.

$%^&*@#$% . Sound of thunderstorm.

Naku hindi ka naman mabiro. Bukas na lang ako pupunta sa beauty parlor. Pag sinipag.

pinaysaamerika

No comments: