Advertisement

Thursday, July 31, 2008

Pinay Goes to Market

kangkong

Dear insansapinas,


Namalengke ako. Marami pang pagkain sa predyeder pero walang masyadong gulay. Ano ba namang gulay ang hahanapin ko, pare-pareho lang naman ang nabibili dito.

Wala akong mabiling Ang KANGKONG, BOW, sitaw, patani, upo't (ito meron, kalililiit naman) parang ginutom...kalabasa...dati meron pero galing sa Mexico...Mexican daw eh...putla baby...parang kalabasa natin na inihulog tapos, natakot kaya nawalan ng kulay.

Namiss ko tuloy ang San Francisco. Yong flea market sa Civic Center at doon sa may Glendale Heights. Kadaming gulay. Meron pang saluyot. COmplete with bagoong. Mga nagtitinda, mga Ilokano galing sa Sacramento.

Ang talong iba-ibang klase. May Intsik...payat na maliit...may Italian...may American at may Filipino.

Dito as usual, binili ko cabbage. Meron din namang chayote. Ayun niluto ko na may ground beef, kunting chicken at kunting baboy. Mga tira-tira ba. Nakain ko na kasi yong beef steak. Ulk.

Hindi ako bumili ng plantain. 'Nak ng pating. Apat daw para dalawang dolyareses. Ibig sabihin tumaas na naman. Parang dalawa sa isang dolyar. Dati tatlo isang dolyar yon. Tssk tssk, bansot na lang talaga ang hindi tumataas. Pero bumili ako ng alimango. Kamahal. Anim ay $ 6.99.
Ako lang naman ang kakain. Kasi ang kapatid ko, ang lasa ay pang amerikano at Italiano. Matagal kasi siyang tumira sa Italy. SO pagdating ko rito noon, lahat pasta ang nakikita ko.

Lalagyan ko ng coconut milk.Hmm.

Meron ding tilapia akong binili. Naku aamoy tilapia na naman ang bahay. Aircon pa naman kamin maghapon. Sa SF, pwedeng ipaprito sa Oriental store. Dito, inalis lang kaliskis. Yong hasang nandoon pa. Parusa talaga. Pero para naman mabago. Sunod-sunod ang kain namin ng chicken, chicken wings, chicken breast, chicken legs...kulang na lang chicken feet. Malapit na akong lumipad. Pakipigilan nga.

pinaysaamerika

No comments: