Advertisement
Wednesday, July 30, 2008
Bloody Orange Juice
Dear insansapinas,
Di pa ako makapagsulat ng aking Life is a Journey Series. Naninikip ang dibdib ko pag nagsusulat ako. Pramis. Kaya basa muna ng nobela.
Binuksan ko tuloy yong orange juice na binili ng aking kapatid. Italian blood orange juice. Akala ko anong klaseng orange juice. Organic baby.
Gusto kong maglasing ng orange juice hehehe. Naalala ko ang mga nakaraan. Tingningningning. (sound ng rewind)
Noong ako ay bagong salta Sa Amerika at balak umalis sa aking pinagtatrabahuhan. Nakatira pa ako noon sa aking boss na babae. Sa labas ng San Francisco. Ang baliw, gusto ba naman pag Sabado ako ang pumalit sa pag-aalalaga ng kaniyang mga anak,habang siya ay nasa casino. Ano ako, nanny. Hindi kasama sa kontrata yon anoh na magtatrabaho akong accountant pag five days at nanny sa weekend. Kahit bago akong salta, sinabi ko sa kanya yon.
Nakaalis nga ako sa kaniya. Ang pumalit naman sa akin ang inabuso niya. Driver na niya, utus-utusan pa niya. Sinulsulan ko ring umalis. Parang naramdaman kong tumubo ang sungay sa aking ulo.
Maraming umiyak na mga sumunod pa. Puntahan din sila sa akin. Ako lang kasi ang matapang na nagsabi ng EXCUSE ME ano. Wala ka pang karapatan kahit magbitbit ng aking tsinelas (mabigat ang tsinelas ko eh) gagawin mo akong utusan mo.
Gusto ba ninyong malaman kung anong nangyari sa kanya? Para siyang naging Martha Stewart. May bracelet sa paa pagkatapos lumabas sa bilangguan. Ngayon tahimik siya.
Hindi siya makabalik sa Pinas. Maraming bubugbog sa kaniya. Dami niyang pinagakuang kukunin dito sa Amerika.
Sandali, ano bang kalseng orange juice ito. Lasing yata ako. Hik.

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment