Advertisement

Sunday, July 20, 2008

BUFFET, KAIN LAHAT GUSTO MO

sashimi
Dear insansapinas,
Lumabas kami ng kapatid ko. Sa pinto. ehek. Lumabas as in kumain sa labas. Hindi na kami doon sa Japanese restaurant pumunta. Yong isang pinuntahan namin noong isang taon, sarado na. Wala naman kasing kumakain doon. Yong isa naman malayo.

Kaya sa isang lunch buffet na lang kami pumunta na kadalasan may Japanese food din. Pero ito cheapipay. Walang shashimi. California roll lang. Puwede naman akong bumili noon sa deli. *heh*

Pero mayroon silang masarap na dessert. Saging.Iba talaga yong pinupuntahan namin sa San Francisco at Daly City. Kamahal naman pero sulit. May mga umaagos pang tsokolate at lobster. sus. sarap. Arghhh ang aking diabetes.

Yong nasa likod kung (kung sino man yon) ay napakalikot. ang kainan kasi ay akala mo ay tren na hinahati lang ng upuan. Mataas nga lang ito at di mo makita kung sino ang nasa kabila. Para ba akong ini-earthquake. Kainis.

pinaysaamerika

No comments: