Advertisement

Monday, December 01, 2008

Pasko na Sinta Ko-Monita, monito

Dear insansapinas,

Pasko na. Kaiingit kayo diyan. Dito ang Pasko malungkot. Walang Christmas parties kagaya diyan. Kung may parties man, kainan lang. Kung may exchange gift man ay yong,
ito-saiyo-nasaan-sa-aking-regalo tapos Happy Holidays, see you tomorrow.

Huwag kang magtaka, pinsan, maraming culture dito na hindi Kristiyano kaya hindi sila nagcecelebrate ng Christmas.

Sa atin, ilang Linggo bago Pasko, mayroong monita-monito o Kris Kringle o iba pang pangalan kung saan, may raffle, (hindi ka mananalo, gaga, ooops)kung hindi kukuha ka ng pangalan na kung sino ang bibigyan mo ng regalong maliliit lang. Tapos pagdating ng Pasko siya naman ang magbibigay saiyo at ikaw naman ay magbibigay doon sa nagbibigay saiyo. Tapos pagdating ng Christmas party, kayo ay magkakakilanlan. AHA IKAW PALA ANG NAGBIBIGAY SA AKIN NG MGA CHEAPIPAY na regalo---sa isip lang ho. Kung hindi masasampal ka.

Pinaysaaemrika

2 comments:

Twilight Zone said...

sigh, pareho pala tayong ulilang kulugo this coming xmas huhuhu e solo din lang ako dito ngayong darating na pasko buti nalang walang spirit ng xmas dito kaya diko mararamdamang pasko pala, hala tayo nalang mag monito monita lolz.

cathy said...

may ka monita ako, sarili ko. wag mo akong ibubuking. hahaha