Advertisement

Sunday, December 21, 2008

Another May -December affair

Dear insansapinas,

Isa munang patalastas...ermmm tsismis.

Siguro alam na ninyo ang May-December affair ni Dr. Vicki Belo at Hayden Kho. At tatanungin ko kayo kung saang bato kayo nagtatago kapag hindi pa ninyo alam na sila ay hiwalay na. OWs? ulit. OWS?

Kumpirmado nang hiwalay sina Dr. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho matapos ang tatlong taong relasyon.

Unang nakatawag pansin ang romansa ng dalawa dahil sa laki ng pagkakaiba ng mundo nila. Si Vicki ay isang multimillionaire doctor, hiwalay sa asawa, at may dalawang anak. Maliban sa galing sa mayamang pamilya, naitayo nitong mag-isa ang Belo Medical Group, ang pinaka-commercially successful cosmetic dermatology and surgery clinic sa bansa. Ilang linggo na lang, sa Enero 25, si Vicky ay 53 years old.

Si Hayden naman ay isang struggling doctor, single, tubong Marinduque, at galing sa pamilyang may sapat lang na pamumuhay. Noong naging empleyado ito sa Belo Medical Group ay saka siya nakapagdalubhasa sa ilang dermatological procedures, at nang maging boyfriend ni Vicki ay naging celebrity. Siya ay 28 years old noong May 20, 2008.

Ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ngayon ay walang opisyal na paliwanag. Bagamat nangyari ang breakup noong December 10, walang nagsasalita hanggang ngayon alinman kina Dra. Belo at Hayden—ang pamilyar na tawag sa dalawa ng press at ng publiko.

Gayunpaman, ang lumalabas na pinakadahilan ng breakup ay ang pagkakadiskubre raw ni Dra. Belo sa pagtataksil ni Hayden. At dawit raw sa breakup ng dalawa ang sexy stars na sina Katrina Halili at Rufa Mae Quinto.

The discovery

Nakakuha ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng impormasyon tungkol sa breakup mula sa ilang showbiz at non-showbiz sources.

Noong December 17, Miyerkoles, nag-host si Dra. Belo ng birthday party para sa kaibigang si Anton San Diego, editor ng Philippine Tattler, sa magarang bahay ng doktora sa DasmariƱas Village, Makati. Dito sa party, nailabas ni Dra. Belo sa ilang guests ang kanyang saloobin.

Isang guest sa naturang party, na nakikisimpatiya kay Dra. Belo at masama ang loob kay Hayden, ang nagkuwento sa PEP ng mga sumusunod na detalye:

Umalis noong November 24 sina Dra. Belo at Hayden papuntang Amerika para sa show ng Wowowee – ang host nitong si Willie Revillame ay endorser ng Belo Medical Group – sa San Diego, California, at para manood ng laban nina Manny Pacquiao at Oscar de la Hoya sa Las Vegas, Nevada. Tinataya ng guest na ang buong biyahe ay sagot ni Dra. Belo.

Bumalik ang magkasintahan noong December 9, madaling-araw ng Martes. Kinagabihan ng Miyerkoles nangyari ang breakup.

Noong araw na 'yon ng December 10, hinihintay raw ni Dra. Belo ang kasintahan sa condo unit ng huli upang maghanda para sa lakad nila. May katagalan si Hayden dahil nag-shower pa raw ito. Sa pagkainip, naisipang mag-Internet ng doktora gamit ang laptop ni Hayden. Doon na nagsimula ang gulo. Sa laptop, nadiskubre raw ni Dra. Belo ang mga intimate o sex videos ni Hayden na kasama diumano ang maraming babae, mapa-showbiz at hindi.

Meron daw sumasayaw para kay Hayden na babae, merong nakikipagtalik, at merong mga preserved text messages ng mga flirtations ni Hayden sa ilan pa. Malinaw raw na hindi alam ng mga babae ang pagkaka-video sa kanila. Mistulang dokumento nga raw ng sex life ni Hayden ang laptop nito.



Pinqysaamerika

1 comment:

Twilight Zone said...

yan ang tinatawag na, ginto na naging bato pa lolz