Advertisement

Wednesday, December 03, 2008

The Big Fat Wedding

Dear insansapinas,
Sa katulad ko, na napipikot lang (PIKOT DAW O)na napapakasal nang madalian at ang kainan lang ay limitado sa aming ninang (would you believe ang ninang ko noong aking unang kasal ay ang aking kaklase), interesadong interesado akong pinanood kahapon yong RICH BRIDE, POOR BRIDE ?

Yong unang mag-asawa ay taga Sri-Lanka kaya dalawa ang kasal nila. Isa yong traditional at isa yong Westernized na pero sa kanilang bansa pa rin sila ikinasal. Ambisyosa si babae, talagang gusto niya BIG FAT WEDDING. Ang gagastos naman kasi ng iba ay ang kaniyang magulang ayon sa tradition nila, pero malaki rin ang kanilang contribution.

Ang motif niya ay peacock. Hindi lang feather kung hindi pati live na peacock ay dadalhin sa reception area. Ang halaga, $ 2000. mantakin ninyo yon.



Ang kaniyang entrance ay dramatic, via helicopter na ni-rent nila ng mahigit 1,000 dollar per hour, iba pa yon super super na limo na nagkakahalaga ng 1,000 dollars din for 4 hours. Ang sa groom naman ay isang Red mustang na siya rin nilang ginamit papunta sa kanilang honeymoon. 3,000 dollars for 5 days.

Ang pagkain nila ay mura as per US standard. Nine dollars din per head ang budget. Eh 600 ang kanilang guests. Pero all in all ang reception ay umabot ng 36,000 dollars. Whoa.

Ilang beses nagpalit ng gown/damit ang bride. All in all ang nagastos nila ay 75,000 dollars. Masama pa ang loob ng bride, kasi hindi raw nila naubos yong 100,000 kaya may pang shopping pa siya. Hindi naman kayamanan ang dalawa. Pareho lang nagtatrabaho.

Yong isa namang couple ay parehong itim. Puti ang kanilang wedding planner. Mas simple ang kanilang kasal. Isang gown lang ang para sa bride, isang maliit na cake, 240 lang ang guests at isang limousine lang ang ni rent nila.

Umabot ng $ 50,000 lahat samantalang ang budget nila ay $ 30,000 lang.

Sa katulad kong kuripot, hihingin ko na lang ang $ 100,000 at itatago ko. Pero to think na bawi rin nila ito sa mga pera kung ang gusto nila ay omit gifts at perahin na lang, baka tumubo pa sila kagaya noong kaibigan ko na ako naman ang naging ninang.
Exchange gidt kami eh. Siya yong aking BFF noon.

Pinaysaamerika

No comments: