Advertisement

Sunday, November 30, 2008

Nang Ngumiti ang Langit, Biglang Umulan

Dear insansapinas,



Napadpad siya sa Amerika nang sumakay sa eruplano (ano fi, alangan namang lumangoy siya ano) galing sa Saudi. Nanny siya ng anak ng isang consul. Ang mga consul ay may prebilihiyo na magdala ng kanilang household staff. Pero pag-umalis ka na sa kanila, TNT labas mo.

Dahil may mga ugali ang amo niya na parang paniki na gising at nagpipiyesta sa gabi at tulog sa araw, hindi niya na nakayanan. Yon ang kuwento niya sa kaniyang pinsan na siya namang nagkuwento sa akin. For all I know, gusto niya ring magkagreencard na hindi naman magagawa ng consul.

Naghanap siya ng magissponsor sa kaniya ng greencard. Nakakuha naman siya kaya parang ngumiti na ang langit sa kaniya. Habang naghihintay na mabigyan ng green card, may ibinigay na work authorization sa kaniya. Hinimok niya ang kaniyang teen-ager na anak na kumuha ng nursing para madali niyang makuha. Hige naman pero ilang semestre, buntis na.

Tapos dumating si Fannie Mae, kasama si AIG at si Wachovia at iba pang mga banko. Bagsak ang ekonomiya. Ang daming biglang nawala ang kanilang mga investment.

Kasama dito ang kaniyang amo. Kahit gusto man nilang magkaroon pa ng housekkeeper, hindi na nila kaya. Ubos ang kanilang investment kaya pinaghahanap na siya ng ibang trabaho.

Ang kaniyang dating asawa? May sariling pamilya sa Pilipinas kahit noong nandoon pa siya. Nakikiarimuhan pa sa pinadadala niya. Sarap pana-panain nepo.

Pinaysaamerika

2 comments:

Twilight Zone said...

nabasa ko nga to dun sa isang blogsite mo grabe kakapalan ng pagmumukha e umuubra naman sa kanya e kaya dusa nalang sya baka sakali balang araw mapatayuan sya ng monumento.

cathy said...

martir daw eh. bigyan ng korona.