Advertisement
Thursday, December 04, 2008
Kasal, Kasali, Kasalo
Dear insansapinas,
Hindi ito ang pelikula ni juday at ni ryan agoncillo. Ito ang mga nagaganap na kasal dito sa US of A between Philippine movie celebrities and marriageable Fil-ams, regardless of age.
Takbuhan ang US ng mga artistang nawalan na ng sikat ang araw sa popularidad, hindi dahil hindi sila magaling kung hindi maraming batang mas handang makipaglaro ng patintero sa kanilang mga gheys na mga talent na manager. Yong iba naman ay dahil sa sila ay hiwalay na sa asawa at walang pagkakitaan. kiber ko. may karapatan naman silang maghanap ng greener pasture kaya sige lang.
Ang ayaw ko ay yong hindi pa aminin na talagang naghahanap sila ng ibang oportunidad. Ang mga excuses ay mag-aaral, o kaya ay magbabakasyon. tapos matagal sila rito hanggang maging TNT.
Pag TNT na sila, ay maghahanap sila ng mapapangasawa. Dahil marami rin namang patay na patay na makaasawa ng artista, pakasal din sila.
Yong iba naman ay totoong love daw. Merong isang beteranong aktor noon na nagkahiwalay sila ng asawa niya, iniwanan ang mga anak at pumunta rito sa Estet.
Napangasawa niya ay isang batang-batang US citizen na matagal rin niyang nakasama. Pero dahil matanda na rin siya noong pumunta rito, nagkasakit siya at inilagay sa isang nursing home ng kaniyang asawa. malungkot siya. Ang mga anak niya ay naging sikat na mga artista. dumating ang panahon na sinundo siya ng isa niyang anak para iuwi sa Pilipinas kung saan siya namatay kasama niya ang mga anak niya sa unang pamilya. Ang dati niyang asawa ay namatay na rin samantalang isa niyang anak ay inatake sa puso.
Sa susunod ay iba pang kuwento.
Sa ibaba ay ang video ng kasal ni Raymond Bagatsing sa LA-based entertainment/media writer na si Cora Pastrana.
Ang alam ko pumunta rito si Raymond para magbakasakaling maging Hollywood Actor.
Ang sabi ng ibang mga nagcomment sa kasal nila ay pwede naman siyang kumuha ng green card as person with exceptional ability kagaya ng artist.
Medyo matagal yo at para siya makakuha noon ng hindi uuwi sa pinas, kailangang legal siya.
Ang pagpapakasal sa US citizen ang pinakamadali at hindi ququestionin kahit na expired na ang iyong tourist visa o anumang visa.
Mahigpit na rin sila sa pagprocess ng papeles dahil sinisiguro nila na hindi yon convenience marriage.
Isa ang edad at isa ang haba ng panahon ng pagkakilala ninyo. Pag napakalayo ng agwat ng edad, medyo suspetsyoso sila.
Gusto ko si Raymond. kalahating kapatid siya ng aking kaibigan na anak ni mayor Bagatsing. Patay na ang kaibigan ko. naatake siya sa puso. kahit siya isang milyonarya, napakabait niya. madalas niyang ipagmalaki si Raymond.
Sa kanila Good Luck.

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
oy oy oy! mama mia! baka in love nga sila.
Post a Comment