Advertisement
Showing posts with label Pinay Teleserye 3. Show all posts

Monday, August 30, 2010
Namamasyal pa sa Luneta-Mananahi Ka Lang Part 4
Dear insansapinas,

Medyo, natagalan ang susunod na kabanata dahil sa Quirino Grandstand incident noong Monday.
Patuloy ang pag-inog ng globe. Ilang buwan na lang noon at matatapos na ako ng high achool. Ginawa na akong "secretary" ng aking boss na bakla kahit hindi ako marunong magtype. Secretary lang niya ako kuno dahil hindi pala siya marunong magbasa ng English although magaling siyang mag-English ha. Ang mga mananahi doon ay mawala, bumalik. Kasi pag low season noon ay nagtatrabaho rin sila sa ibang designer.
Si Florencia ay steady lang siya roon. Paminsan-minsan nababanggit niya na marami siyang ipon. Kaya pwede na siyang magtayo ng sarili niyang dress shop. Kaya pag mabait daw ako sa kaniya ay tuturuan niya akong manahi at magtatrabaho ako sa kanya. Hindi ko sinabi sa kaniya na mataas ang ambisyon ko. Kailangan ko ng hagdan, although mahilig din akong manahi at magdesign ng damit. Nagkataon lang na sinamantala ko nang matanggap ako doon para makatulong naman sa aking mader at mga kapatid, kahit na lang sa sarili kong mga pangangailangan.O di va means to an end lang yon, hindi yon ang end. Hindi sa minamata ko ang mga dressmaker pero
sa pamilya kasi kailangan may kuwadrado ka. (diploma).
Malaking tulong sa akin ang part time job na yon. O sey, di paggusto ko ang sapatos, hindi ko na kailangang manghingi. Kahit ang ginamit ko sa graduation ay ako ang bumili. Sandali, hindi naman ako ang bida rito. Balik.

Thursday, August 05, 2010
The Mother
Dear insansapinas,
Dito lang sa teleserye na ito, nahirapang magsulat dahil sa wakas.
Kung Kailangan Mo Ako Part 12
Mga Tauhan
Nova: Isang babae raw (hehehe)
Manny: Isang lalaki (doble hehehe)
Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo
Del: Isang babaeng may-asawa raw
Tes: Isang babae, may asawa rin
Dino: Isang lalaki, under ng asawa
Umuwi si Nova para abutan ang mamatay na ama. Kahit siya itinakwil ay di pa rin niya matiis na hindi siya makita sa huling sandali.
Ayaw ding mamatay ng matanda na dala-dala ang sikreto sa buhay ni Nova--na hindi siya ang tunay na ama. At ang nagisnan niyang nanay ay hindi niya tunay na ina.
Isa siyang anak ng isang kilalang celebrity noong kapanahunan nito. Hindi alam ng publiko na nagkaroon ito ng anak sa murang edad na tinago sa pamamagitan ng pag-adopt ng kaniyang magulang sa apo.
Lolo at lola niya ang nakagisnang ama at ina.

Monday, August 02, 2010
The Father
Dear insansapinas,
Hindi pa tapos ang teleserye na ito. Marami lang akong binabasa ngayon kaya hindi ko maasikaso.
Kung Kailangan Mo Ako Part 11
Mga Tauhan
Nova: Isang babae raw (hehehe)
Manny: Isang lalaki (doble hehehe)
Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo
Del: Isang babaeng may-asawa raw
Tes: Isang babae, may asawa rin
Dino: Isang lalaki, under ng asawa
Dahil sa sobrang lulong ng asawa niya sa bawal na gamot, siya ay ipinasok na ng kaniyang pamilya sa rehab.
Ito ay bago nila sinipa si Nova sa kanilang bahay. Nag-iisa si Nova sa lugar na iyon, walang kamag-anak at walang masyadong kaibigan. Isang pari lang ang tumulong sa kaniya para siya maipasok sa rehab.

Friday, July 30, 2010
Double Wedding
Dear insansapinas,
photocredit:MSNBC
Kung Kailangan Mo Ako Part 10
Mga Tauhan
Nova: Isang babae raw (hehehe)
Manny: Isang lalaki (doble hehehe)
Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo
Del: Isang babaeng may-asawa raw
Tes: Isang babae, may asawa rin
Dino: Isang lalaki, under ng asawa
Unang nagpakasal ay si Tommy. Isang Pinay na matandang dalaga ang niligawan niya at sa loob lamang ng isang buwan ay nagpakasal na sila. Inayos nila ang papel para makapirmi na si Tommy sa US legally.
Nagdadalawang isip man ay nagpakasal na rin si Nova sa isang Pinoy na ipinanganak na sa US. Nag-iisang anak ito kaya sila ay nakatira sa bahay ng mga magulang.

Wednesday, July 28, 2010
TNT
Dear insansapinas,
photocredit: MSNBC
Marahil nagtataka kayo bakit matagal bago masundan ang kabanata ng teleserye 3. Frankly, pag ibinibalik ko ang gunita ko sa istoryang ito, napapaiyak ako. Mapapansin ninyo na ang una ay may mga sense of humor akong ininject sa kuwento pero habang nalalaunan ay hindi ko magawa. Malalaman ninyo sa mga susunod na kabanata bakit.
Kung Kailangan Mo Ako Part 9
Mga Tauhan
Nova: Isang babae raw (hehehe)
Manny: Isang lalaki (doble hehehe)
Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo
Del: Isang babaeng may-asawa raw
Tes: Isang babae, may asawa rin
Dino: Isang lalaki, under ng asawa
Ang pagiging kaibigan ay nauwi sa pag-iibigan. Walang pakialam si Nova kung may asawa si Tommy.
Huling pagkikita nila ni Manny ang pamamaalam nito kung hindi siya iiwas kay Tommy para hindi masira ang buhay niya.
Wala na silang tuksuhan. Pinagtapat ni Manny na noong una ay relasyon lang ang habol niya sa girl friend niya. Walang commitment. Walang pangakong kasal. Pero nagdesisyon na siya na pakasal.
Nagtungo na si Manny sa Estados Unidos at bumalik lamang para pakasalan ang girl friend. Bago siya umalis, ibinigay niya ang kaniyang address at sinabi kay Nova na kung kailangan niya ang tulong, huwag siyang mag-atubiling tumawag o sumulat.
Patuloy pa rin ang illicit relationship ni Tommy at ni Nova na hindi pinasusuko ng pag-iiskandalo ng asawa ng lalaki. Naroong siya ay sugurin sa opisina...tawagan sa telepono at pagbagsakan sa telepono at tawagan ang kaniyang mga kamag-anak.
Kaya siya ay nagplano. Ipadadala si Tommy sa isang conference sa US. Pinilit din ni Nova na makakuha ng visa para sumama.
Pagdating sa US, tinakot niyang magpapakamatay siya pag bumalik pa si Tommy sa Pinas. Gusto niyang mag TNT na sila at doon na manirahan.
Dahil na rin sa panggugulo ng asawa ni Tommy, napilitan na rin ang huli na pagbigyan si Nova.
Hindi na sila bumalik sa Pilipinas.

Monday, July 26, 2010
The Beginning
Dear insansapinas,
Kung Kailangan Mo Ako Part 8
Mga Tauhan
Nova: Isang babae raw (hehehe)
Manny: Isang lalaki (doble hehehe)
Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo
Del: Isang babaeng may-asawa raw
Tes: Isang babae, may asawa rin
Dino: Isang lalaki, under ng asawa
Tahimik na sumunod si Nova kay Tommy sa kotse ng huli. Kinakabahan siya. At last, makakasama niya si Tommy. Eh ano kung nagkaroon ng kaugnayan siya kay Del. Wala na si Del. Marahil siya na ang mapapansin. Muntik namg sampalin ng kaliwang kamay niya ang kaniyang pisngi. Buti nahawakan ng kaniyang kanang kamay. Naloloka na siya pakiwari niya,
Bago pinatakbo ni Tommy ang pinto, may isang babae ang nagbukas ng pinto sa likod ng kotse. Sumakay itong bigla. Wala man lang sigaw na para, sasakay ako. Parang ginawang taxi ang kotse.
Tommy: Sandali, saan ka nanggaling. Tanong nito sa babae na marahil ay walang beinte anyos.
Hinintay daw niya si Tommy dahil kakausapin niya.
Magkakilala pala sila.
Nova: Kung may pag-uusapan kayo, bababa na lang ako.
Tommy: Hindi, ihahatid kita. Pangako ko kay Manny.
Nova: Huwag mo nang pansinin ang pangakong yon.
Tommy: Please, ihahatid lang natin siya sa bahay. Samahan mo na lang ako.
Sa isip ni Nova, ginawa pa siyang bodyguard. Di siya makatanggi. Walang usapan sa kanilang paglalakbay. Para silang piping tatlo. Kulang na lang na lagyan na PIPI PO KAMI signs at tumingkayad sa Quiapo para magpalimos.
Nakarating sila sa bahay ng babae. Inihatid ni Tommy hanggang pintuan ang babae at parang silent movie na nagsabing mag-usap sila bukas sa telepono.
Bumalik si Tommy sa kotse. Hiyang-hiya siya pero napilitan siyang magpaliwanag.
Isa raw sa mga empleyada sa opisina niya. Naka one-night stand niya at ngayon ay sinasabing buntis siya. At si Tommy ang ama.
Pakiramdam ni Nova, biglang naging Dear Abby siya o Charo Santos.

Sunday, July 25, 2010
The Wife and the Girl Friend
Dear insansapinas,
Kung Kailangan Mo Ako Part7
Mga Tauhan
Nova: Isang babae raw (hehehe)
Manny: Isang lalaki (doble hehehe)
Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo
Del: Isang babaeng may-asawa raw
Tes: Isang babae, may asawa rin
Dino: Isang lalaki, under ng asawa
Dumating nga si Nova sa meeting. Merong kasamang lalaki na puno ng ginto sa katawan na siguro pag tinapat mo sa malaking magnet siya ay didikit kaagad.

Thursday, July 22, 2010
The Sleeping Pills
Dear insansapinas,
Kung Kailangan Mo Ako Part 6
Mga Tauhan
Nova: Isang babae raw (hehehe)
Manny: Isang lalaki (doble hehehe)
Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo
Del: Isang babaeng may-asawa raw
Tes: Isang babae, may asawa rin
Dino: Isang lalaki, under ng asawa
May message siya. Nasa ospital si Nova.
Pumasok siya sa kuwarto. Nakapikit si Nova pero dumilat ito nang marinig ang kaniyang sapatos.
Manny: Pasensiya ka na kung late akong dumating. Nagdedecide kasi ako kung korona ng patay ang dadalhin ko o ordinary flower arrangement. May dala rin akong kandila at tape measure para malaman ko ang size mo.
Ngumiti si Nova.
Manny: Anong gusto mo whole body yong salamin o kalahati lang? Anong gusto mong kulay ng kahoy, puti o natural?
Nova: Gusto mo na ba akong mamatay?
Manny: Aba, eh sino ba ang nasa ospital? Sino ba ang nag-overdose ng sleeping pills.
Nova: Aksidente lang yon. Kasi gusto kong makatulog. Mula nang sinimulan natin ang project, nasira ang sleeping pattern ko.
Manny: Alam mo Pinocchio, habang nagsasalita ka, hindi ilong mo ang humahaba. Yong dila mo. Hintuan mo na yang kasinungalingan mo baka sa haba ng dila mo ay malunok mo ako kagaya ng palaka.
Siyanga pala, balak dumalaw dito ang grupo. Gusto mo ba?
Nova: Bakit ko naman pipigilan?
Manny: Naku baka pag may nakita ka, hindi lang isang boteng sleeping pills ang inumin, baka isang galon. Hindi kita bibigyan ng tubig.
Nangiti si Nova.
Nova: Salamat Manny ha.
Manny: Alam mo naman ako kung may kailangan ka sabihin mo lang.
Dumating si Dino kasama ang asawa. Dumating din si Tess, kasama ang anak, Dumating si Tommy, kasama si Del.
Inobserbahan ni Manny si Nova. Nakita niyang pilit ang pagngiti nito sa dalawa. Halos magkadikit ang dalawa sa pagkakatayo sa sa loob ng kuwarto ng ospital.
Manny: Okay visiting hour is over. Thank you people.
Tess: Bakit ikaw ba ang nurse ni Nova?
Manny: Naku hindi kahit bayaran mo ako ng time and a half hindi ako papayag kahit orderly niya.
Dino: Sige iwanan na natin si Nova, para makapahinga siya. Marami pa rin tayong gagawin. Siyanga pala Nova, gusto mo bang tulungan ka namin sa project mo?
Nova: thank you Dino pero baka bukas lang naman uuwi na ako.
Tess: Kailangang sumali ka ulit sa amin. Ang tahimik ng grupo pag wala ka. Sa bahay nina Dino ang aming tagpuan ngayon. Magluluto ang asawa niya.
Ngumiti ang asawa ni Dino. Isa siyang teacher.
Nova: Sige. Subukan ko.
Tess: Sunduin mo siya Manny.
Manny: Ano ang gagamitin ko, kalesa, lincoln o yong aking mustang.
Tess: Yong si Batman ang gamitin mo.
Manny: Oy vintage car ko yon. Doon ako nag-aral magdrive. kahit na naibabangga ko hindi nagagalit ang erpats ko.
Dino: hindi naman kaya matetano si Nova?
Manny: Hayaan ninyo at paiinjectionan ko ng anti tetanus si Nova.
Pagkaalis ng grupo. Tinanong ulit ni Manny kung gusto niyang sumali ulit.
Tumango si Nova.
Manny: Okay. Pero tandaan mo walang emo-emo ha. Malayo pa ang Famas.
Pinaysaamerika

Wednesday, July 21, 2010
The Secret
Dear insansapinas,
Kung Kailangan Mo Ako Part 5
Mga Tauhan
Nova: Isang babae raw (hehehe)
Manny: Isang lalaki (doble hehehe)
Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo
Del: Isang babaeng may-asawa raw
Tes: Isang babae, may asawa rin
Dino: Isang lalaki, under ng asawa
Manny: Saan ka pupunta. tanong niya kay Nova na lumakad nang palabas pagkatapos makuha ang kaniyang bag.
Nova: Uuwi. Magsisimba rin.
Manny: Naku baka umulan ng apoy at kidlat pag nagsimba ka.
Hindi sumagot si Nova.
Manny: Paano pagbalik nina Tommy at Del. Marami pa tayong gagawin.
Nova: Hindi na ako babalik. Matutulog na ako.
Manny: Matindi talaga ang tumama saiyo ano. Ako ba ang dahilan? Naiinis ka na ba sa pagbibiro ko? promise hindi na kita bibiruin, aasarin na lang kita. Alam mo namang magkakadiarrhea ako pag hindi kita nabuska sa isang araw.

Tuesday, July 20, 2010
The Mystery
Dear insansapinas,
Kung Kailangan Mo Ako Part 4
Mga Tauhan
Nova: Isang babae raw (hehehe)
Manny: Isang lalaki (doble hehehe)
Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo
Del: Isang babaeng may-asawa raw
Tes: Isang babae, may asawa rin
Dino: Isang lalaki, under ng asawa
Nagtakbuhan lahat sa lugar ni Nova ang mga kasamahan niya. Pati si Tess na nasa bahay nila ay dumating dahil sa ingay na narinig.
Tess: Anong nangyari, Nova? Bakit ka sumigaw?
Nova: May humawak sa paa ko. Hindi ako nakagalaw.
Manny: Naku ha, hindi ako, kasalukuyan kong pinapantasya si Julia Roberts. Sasagot na sana ng oo, istorbo sigaw mo. nagising tuloy ako.
Tess: Nakita mo ba ang humawak saiyo?
Nova: Hindi, anino lang. Tapos ang lamig ng kamay na humawak sa binti ko.
Manny: anong mukha ng anino.
Dino: May mukha ba ang anino?
Manny: Ibig kong sabihin , shape. Lalaki ba, babae, bakla, tomboy, matanda, bata?
Nova: Mukhang lalaki.
Dino: Nakasarado naman ang mga pinto. Walang makakapasok at makakalabas nang hindi natin makikita.
Tommy: Ang problema, lahat tayo, nakatulog.
Manny: Ikaw magsabi nga ng totoo Nova, talaga bang may humawak saiyo o baka naman pinsan ni Mickey Mouse ang tumakbo sa binti mo.

Monday, July 19, 2010
Love
Dear insansapinas,
Kung Kailangan Mo Ako Part 3
Mga Tauhan
Nova: Isang babae raw (hehehe)
Manny: Isang lalaki (doble hehehe)
Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo
Del: Isang babaeng may-asawa raw
Tes: Isang babae, may asawa rin
Dino: Isang lalaki, under ng asawa
Sabado habang hinihintay nina Nova at Manny ang iba nilang kasama sa opisina ni Tess.
Nova:" Naiinlove yata ako."
Manny: "Kung sa akin, huwag ka nang umasa."
Nova: "Tseh, hindi saiyo."
Manny:" Kanino, eh wala namang magtiyagang manligaw saiyo. Ang suplada mo kasi."
Nova: "Hindi totoo, naiinlove talaga ako."
Manny: "Kung pinagseselos mo lang ako, huminto ka. Wiwisikan kita ng holy water para mawala ang pagkapossessed mo."
Nova: "Ewan ko saiyo basta ako in love. Napakathoughtful niya kasi. Gentleman pa."
Manny: "Sige na nga, sinuman yong walang suerteng lalaking yon."

Sunday, July 18, 2010
The Assignments
Dear insansapinas,
photocredit:MSNBC
Kung Kailangan Mo Ako Part 2
Mga Tauhan
Nova: Isang babae raw (hehehe)
Manny: Isang lalaki (doble hehehe)
Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo
Del: Isang babaeng may-asawa raw
Tes: Isang babae, may asawa rin
Dino: Isang lalaki, under ng asawa
Tommy: "O ano ba mga pare." Bati ng bagong dating na para bang pupunta lang sa beach ang suot.
Manny: (tingin kay Nova) "o pare ka raw."
Nova: "Tumahimik ka. Kung hindi ipapaskel ko sa board na nawawalan ka ng bikini. (sabay kagat ng fried chicken). "Oh yum yum yum."
Tommy: "Guys, ginawa ko na ang schedules ng meeting natin at ang mga assignments for the week. Next week, overnight tayo ng Saturday, uwi tayo ng Sunday ng hapon. Huwag naman dito kina Manny. Naubos na yata natin yong laman ng pridyeder nila."
Manny: "Okay lang yon. Nakangiti pa naman si Ermats. Feeling niya may soup kitchen siya. Tayo ay mga homeless na pinapakain niya. yuk. yuk yuk. Di ba Mamsie? Ilang kilong vetsin ang nilagay mo dito ngayon?"
Tawa ang mother ni Manny. Talagang may pangarap maging komedyante ang anak niya.
Tess: "Doon naman sa lugar ko. Doon sa opisina. Maliit kasi ang bahay namin pero alam ninyo naman na nasa compound din ang opisina ng aming Church. May mga gamit pa tayo."
Tommy:" That's good. Bibili na lang tayo ng pagkain. Sagot ko na. Siyanga pala by this time, kilala na siguro ninyo si Del, kahit di natin katropa."
Del: "Hindi ko kailangan ang katropa. kaya ko na ang ang aking project." sagot ni Del na ni hindi man lang tumingin sa kausap.
Nova: (bumaling kay Manny at bumulong ). "Read my lips. Ay mataray ang Bruja. The Nerve. The arrogance."
Manny: "Selos ka lang. hehehe", bulong din ni Manny.
Tommy: Kaya nga pasalamat ako at pinaunlakan mo ako eh.
Nova: (bumaling ulit kay Manny at padisamulang nagrolleyes) "Kunin mo ang checkbook ko para mabayaran ang utang. Witch."
Manny: Inggit lang yan, ipaligo mo ng gatas...ng kalabaw. Amoy kalabaw ka pa."

Saturday, July 17, 2010
The Meeting
Dear insansapinas,
Dahil kinokopya ang aking mga walang kakwenta kwentang sinusulat, hindi ko na sasabihin kung ano ang relasyon ko sa mga tauhan ng aking Teleserye.
Mga Tauhan
Nova: Isang babae raw (hehehe)
Manny: Isang lalaki (doble hehehe)
Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo
Del: Isang babaeng may-asawa raw
Tes: Isang babae, may asawa rin
Dino: Isang lalaki, under ng asawa
Kung Kailangan Mo Ako Part 1
Nova: "Darating kaya yon?"
Manny: "Oo naman, alam mo naman yong palaging late.Kahit sabitan mo pa ng alarm clock yon, di magigising ng maaga."
Nasa bahay ni Manny ang grupo . May meeting sila para sa isang group project.
"Oy" sabi ng mother ni Manny. "Kumain na kayo. Huwag na ninyong hintayin yong si Tommy. Lalamig ang niluto ko. Ayaw ko naman na mapahiya ang aking anak sa kaniyang special someone." sabay kindat-kindat.
Pagkatalikod ng nanay ni Manny, siniko ni Nova ang katabi.
Nova: " Special Someone? Ako ba ang tinutumbok ng mother mo?
Manny: "Bakit ikaw lang ba ang babae dito? "
Nova: "Hindi pero ako ang kausap mo at nakatingin siya sa akin habang ang mata niya ay pakindat-kindat."
Manny: "Illusion mo lang yon. Ganiyan si mother, pag pagod, ang mata, kikirat-kirat."
Nova: "Niloloko mo ba ako. Eh kung pitserahan kita?"
Manny: "Hindi, alam naman niyang di kita papatulan."
Nova: "Bakit?"
Manny: "Anong bakit. Babae ka ba?" tukso ni Manny.
Nova: "Ano sa palagay mo?"
Manny: "Huminto ka na ng kailulusyon dahil di talaga kita papatulan.Pumuti man ang uwak. Tawagin ko si Del, si Tess at si Dino para makakain na tayo." halakhak pa niyang tayo.
Nova: "Ano ba ang papel ni Del sa project? Hindi naman natin siya katropa. "
Manny: "Ang alam ko siya bale ang mag-oorganize lahat ng write-ups at consultant din; si Dino ang editor at si Tess ang sa financials."
Nova: "Ako, anong papel ko?"
Manny: "papel de liha."
Nova: "Ikaw ano ang papel mo?"
Manny: "papel de hapon."
Siniko ulit ni Nova si Manny.
Manny: Ah, sumusobra ka na. Kabibili ko lang ng bra ko, dinibdiban mo na naman ako."

Subscribe to:
Posts (Atom)