Advertisement

Showing posts with label Pinay and her friend. Show all posts
Showing posts with label Pinay and her friend. Show all posts

Wednesday, June 23, 2010

The Wedding

Dear insansapinas,
Where have you been Part 25.

(A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)

Inilibing ang doctor na ako lamang ang kasama na hindi family. Simple ang libing. Cremated siya.


Inihatid ako ni JB sa bahay pagkatapos. Ang layo ng dinaanan namin. Naligaw daw siya. Doon siya pinanganak, high school pa lang nagdadrive na siya, maliligaw pa siya. hmmmm

Tinanong ko kung si misis ang nag-utos sa kaniya na pakasalan ako. Sabi niya walang nag-uutos sa kaniya. "You know me.I am not exactly in the good son category when it comes to my mother. " 
Hmmmmmm


Habang nasa Europe si Misis at ang family, nagconcentrate ako sa negosyo. Naghahanap din ako ng trabaho para may regular income. Pwede ko namang gawin ang trabaho sa aking computer sa bahay at pag weekend.


Panay ang follow-up ni JB. Ano raw ba ang desisyon ko.hmmmmm


Naglecture ako ng board meeting namin. Ginagamit kasi ang pera sa hindi para sa negosyo. Ininvest sa stock market eh kulang nga  kami ng working capital.


Medyo nagkataasan ng mgs  boses. Kailangan ng elevator para maabot. Maghahanap daw sila ng iba pang investors. Sabi ko bago maioffer ang bagong batch ng stocks, kailangan muna sa mga existing stockholders ibigay kung gusto nilang mag-invest pa.


Call sila sa sinabi ko. Ay Mali. Mag-iinvest sila. At kung may pera raw ako ganoon din ang gawin ko para hindi ako maiwan sa percentage ng equity. Mga gahaman.


Kinuwento ko  kay JB kasi may investment ang mother niya na hindi ko na napadagdagan. Sabi niya i-call ko rin. Dinagdag pa na iniease out ako ng mga "kaibigan" ko kasi alam nilang wala akong kakampi.




Martes, dumating and mother niya. Usapan kami. Thursday, kasama ang mother,  punta kami sa city hall, para kumuha ng license.


Marriage license. Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh


Pinay ang nasa license division. 


"Anong lambat ang ginamit mo at nahuli mo yang Puti" Biro niya.
"Sabi ko lambat para sa pating". Yuk yuk yuk


"Gusto mong pakasal na?"


"Saan pa ba pupunta itong lisensiya kung hindi doon, di ba? sagot ko naman."

"Ibig kong sabihin ngayon? " kulit niya.


"Ngayon?" Mas makulit ako. yek yek yek
"Paano, di ba nag-aapply pa lang kami ng license?."


"Madali na lang yon. Mamayang alas dose, darating yong judge na magkakasal. Nakita mo yang nakalinya?"
Tiningnan ko nga yong mga nakawedding gown at may mga abay na kasama.


"Pero hindi naman ako nakapangkasal". protesta ko.


"Bakit kailangan mo pa ba ng belo? Ano ka dalaga? Maganda naman ang suot mo. Mukha naman kayong tao. (salbahe din itong Pinay na ito). "Ikaw rin baka makawala pa yan. Dalaga pa ako. Never been married. "



Tawanan kami. Muntik pa kaming maghighfive.


"Dali." giit niya." Ilalagay ko kayo sa number one. Alas dose exacto. Ang susunod ay ala una na at isang oras pa ang susunod. May witness ka bang dala o kaibigan?"


Kasama namin, mother niya.


"Good. Hindi lang lambat ng pating ang ginamit mo, bata. Lambat ng balyena. Dalawa huli." hahaha tawa niyang narinig ni JB.


"It seems you are enjoying yourselves, ladies. Ow ah Filipina." sabi niya nang makita niya ang kausap ko.


Sagot kaagad noong Pinay." She has put you up for bid. I was starting with a dime."


High five sila.


Sabi ko, may kasal daw ng alas dose. Isisingit daw kami.


"Is there a conspiracy here?" biro ni JB.


"Why were you coerced by my kababayan?"


"It is a shot gun wedding, actually. Did you look inside her tote bag?"


Lumapit ang mother niya. Bigla kaming naging seryoso.  Sinabi namin ang offer noong Pinay. Sabi niya. Good. It is less than 20 minutes from now. Do you have the rings?" tanong niya kay JB.


"Mom, were not planning to hitch yet today. There is just an opportunity.  I did not bring one, but I have these key rings. May be these will do."


"Cheap." biro ng Pinay. Nagkatawanan ulit kami.

Alas dose, officially, nabago ang pangalan ko.

 Ala-una, nasa restaurant kami. Tulala ako. Tanong mg mother niya bakit daw. 


Sabi ko, " I can't believe I am married again."


Biyernes, pinakilala ko siya sa mga kasosyo ko. Nagtaasan ang kilay. Hindi na bumaba.


Ilang araw pa nagdatingan ang mga kamag-anak ni JB. Reunion/celebration/memorial. Dumating si A at si The Nurse sa memorial. Binati ako ng dalawa pero pagtalikod ko, nag-uusap sila. Manigas kayo sa kaiisip kung ano ang nangyari.


Dumating sa reunion si The Lady Judge. Feeling niya kasi family member na siya. Nalaman niya ang katotohanan. Hindi siya kasama sa table ng mga-inlaw. Katabi ko yong professor sa Oxford at author ng libro sa Eco. Trying hard magpatawa ang doctor na asawa ng doctora. Naawa ako sa kaniya. Pinaescortan ko kay JB si Lady Judge.


Si The Lawyer, tuwang-tuwa. Si Doctora, inisnab ako. Pero hindi rin nakatiis tumabi sa akin. Tinanong kong diamond ang suot ko. Sabi ko it is an heirloom of the family. Huwag ka binili ko ng drop drop sa Pinas pa. ngeek ngeek ngeek . Wala pa yong inorder na wedding band.


Dito ko iwawakas ang Where have you been. We did not exactly live happily ever after because ours was not a fairy tale but we remained best friends forever. Dapat story ito ng friendship ko sa doctor pero hindi maaring mapag-usapan kung wala si JB.


Hindi ko na ikikuwento yong nagsabunutan yon dalawa niyang chicks. Yong dalawang naghiyawan sa university nang magkita doon. Yong sinugod ako ng isang chick niya nang dumalaw ako sa bahay niya sa East Coast. 

Result ng autopsy, hindi ALZ ang sakit ng doctor.




Wakas


Pinaysaamerika

Tuesday, June 22, 2010

The Proposal

Dear insansapinas,
Where have you been Part 24.

(A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)

Pumasok ako sa suite ni The Doctor. Umiiyak si Misis at si The Lawyer. Naayos na ang bangkay ng doctor.
Palabas na sila para pahingain si Misis sa apartment niya sa itaas na palapag ng building na iyon. Sabi ni The Lawyer, umakyat din ako kung gusto ko pag natapos na akong magpaalam kay Doc. Sabi ko uuwi na lang ako kasi nagpahatid lang ako sa aking kaibigan.


Nandoon sa loob ang doctora niyang anak. Nakatingin lang sa wala ng buhay na daddy niya. Nang makita ako, sinabihan ko na bigyan ko siya ng pagkakataong makasama sa huling sandali ang daddy niya. Galit ako sa kanya.Siya ang halos di mo makita noong buhay pa si doctor.


Pagkatapos ng limang minuto, lumabas na siya. Sabi niya may darating daw na  pipick-up sa daddy niya. Dinonate ng doctor and kaniyang brain para pag-aralan ang ALZ.  Si JB, hindi na makikita ang daddy niya sa huling sandali.


Ako na lang mag-isa sa kuwarto. Hindi ako takot. Ang irony ay pinag-aaral ako ng nursing sa College pero ayoko dahil nga sabi nila magbabantay ng patay.


Nakaupo ako sa malapit sa kama ng para akong nakatulog. Sa harapan ko ay nandoon si Doctor at nakangiti. Sabi niya huwag akong magalit sa anak niyang doctora. Kahit hindi nagpakita yon ng interes na dalawin siya noong buhay pa siya, anak pa rin daw niya ito.  Hindi rin daw niya ako pababayaan.


Nagising o ginising ako ng Charge Nurse na may dalang kape. Para raw akong nakakita ng multo. Kaibigan ko ang Charge Nurse na iyon kahit siya panggabi kasi nirereport niya sa akin ang mga nangyari sa shift niya. Multo nga ba siya o nagpaalam lang siya sa akin?

Kinabukasan, sinundo ako ni JB at dinala sa apartment ng mother niya. Inaayos na raw ang vigil. Isang araw lang. Ang memorial ay pagkatapos ng tatlong buwan pagbalik ng pamilya galing sa Europe.


Tinanong ako ni Misis kung ano raw ang gusto ko sa mga gamit ng doctor. Sabi ko wala.


Mamili raw ako kung ano ang gusto ko at ibibigay niya. Sabi ko ulit, wala.


Lumapit si JB, lumuhod. Sabi. I want to marry you.


Muntik nang bumagsak yong labi ko sa lapag. Yong itatawa ko ay napigil ko kaya nagmukha tuloy akong namimilipit, pero ang mata ko ay nakatawa.


Tumingin siya sa kaniyang mother at sinabing hindi ko raw siya sineseryoso. Kaya nga raw sa harap ng mother niya siya nagpropose para hindi ko akalaing niloloko niya ako.


Gusto kong sabihin, hindi ko dala yong baraha, di ko mahulaan ang aking sasabihin. Pati yong tea leaves, nagkagulo-gulo. Magulo ang utak ko. Kamamatay lang nga tatay niya nagpopropose na siya. Sabi ni Misis, "we want you to be a part of the family even though he's gone."


Nang hindi ako sumasagot, sabi ni misis, pag-isipan ko raw total, aalis muna ang pamilya except si JB.
Hinatid ako ni JB sa sasakyan na drive ng kanilang dating driver. Pinahahatid ako. Muli siyang nagbow sa akin at sabi pag-isipan ko.

Nagulo ang utak ko. Pagdating sa bahay, nandoon ang aking kasama sa bahay at ang aming dalagang kaibigan.


Sabi ko, may nagpropose. Hindi ko sinabi kung sino.


Sabi noong salbaheng kaibigan ko.


"Sino doon sa tatlong sekyu sa building mo mader? "biro niya. Minsan kasi sinusundo niya ako ng kotse niya. Tambay sa bahay yon. 

"Yong kamukha ni Cesar Montano, yong kahawig ni Gabby o yong kamukha ni Max.( Yong masungit na Russian.) Habulin talaga si mader....ng mgs sekyu." biro niya.

"Hindi kaya si JB?" tanong noong isa.

" Ay, magpapamisa ako sa lahat ng simbahan, pag si JB."


"Magsimula ka nang magpamisa."sabi ko.


Nagkatinginan ang dalawa at " Ahhhhhhhhh", sigaw nilang parang Home Alone.


Tapos biglang tanong. "Ga-accept mo?"


"Hindi."


Rolleyes ang dalawa. 


Pinaysaamerika

Monday, June 21, 2010

The Hospice

Dear insansapinas,
Where have you been Part 23.
(A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)

Dumating ang therapist na ikinagulat ko dahil alam ko hindi na siya dadalaw sa The Doc mula nang bedridden na ito.


Ako raw ang kakausapin.
" Let him die". sabi sa akin.
Nakasimangot ako nang sagutin ko siya. "What?"
" You are preventing him from dying."


Ah lokang ito ah. Kung hindi lang siya mataas sa akin, nasabunutan ko na.


"I am not the doctor...I am not a God who has power over people's lives."


Ang bruhang ito. Ginagamitan niya ako ng kaniyang psychology ek-ek.


"But you are giving him false hope. " pilit niya.


"False hope?  As I have said, I am not a doctor to tell him, he will live. He is a doctor himself and he knows when it is time to go."


Tadong ito.


"Where I come from, we see to it that our old people do not die alone. We give him the comfort and the care until the last breath."


Umalis siya. Mainit ang ulo ko. Kung ako si Superman, natunaw na siya ng aking matatalim na sulyap.


Siguro nasa dugo ko talaga ang misyon ng aking great grandmother and grandmother without me realizing it.
Sila ang tinatawag noon pag may mamatay na mga tao. Dahil walang pari sa malayong lugar ng Bicol, ang mga tao ay nangangailangan ng isang individual na tutulong sa transition ng buhay sa kamatayan.


Hindi ko alam ang ginagawa ng aking mga lola pero sabi ng aking mother, kinakausap daw nito ang mga naghihingalo at binibigyan ng assurance na okay lang na tanggapin ang kapalaran at sinasamahan nitong magdasal at magtika ng kaniyang kasalanan.


Tahimik si JB. Hindi na siya ang dating masayahin at madaldal.


Isang araw, may ipinakilala siya sa akin. Hospice team daw. Akala ko noon ang hospice ay isang lugar. Yon pala ay isang klase ng philospohy o care para sa malapit ng mamatay na tao.

Yon pala ang gustong sabihin ng The Doc nang araw na dumalaw ang kaniyang anak na doctor. Kaya pala sinabi niya na ayaw pa niyang mamatay.


Kinausap ako ng doctor sa team. Babae siya. Hindi siya kagaspang katulad ng therapist. Ipinaliwanag niya na araw-araw ay may dadalaw na nurse na siyang magbibigay ng bath sa The Doc. Ang mgs gamot daw ay siya ang makikipagcoordinate sa Chargre Nurse.


Pinalitan din ang kama ng air bed para maiwasan ang bed sores na karaniwang nadedevelop sa pasyente pag hindi ginagalaw. Tamad yong private nurse naman sa weekend kay pagdating ko ng Monday, maraming sugat-sugat ang The Doc sa likod. Wala na si The Nurse. Malaki ang problema niya sa personal life niya.


Bago lahat ang natutuhan ko. Tinanong ko bakit kailangan ang ibang nurse para magbigay ng alaga sa The Doc. Hindi ba puwede yong staff nurse o private duty?


Sabi nila package daw yon. Pati ang mga grief counsellors bago at pagkatapos ang kamatayan. Bayad lahat ng Medicare yon. Trained daw yong nurse nila. Visiting nurse lang daw yon. Kaya ilang oras lang siya, isang araw.


Maraming nag-oobject sa philosophy na ito dahil nga it discusses about death.
Hospice has faced resistance springing from various factors, including professional or cultural taboos against open communication about death among physicians or the wider population, discomfort with unfamiliar medical techniques, and professional callousness towards the terminally ill.


Naisip ko, one woman hospice pala ang aking lola. Kaya lang yong kaniya libre at wala siyang mga equipment kung hindi ang krus.


Sunod na dumating ay ang hospice nurse. Bibigyan daw niya ng bed bath ang The Doc. Pinay siya.


Madaldal. Sa unang araw pa lang naikwento na niya ang ligawan nila (eheste seduction) ng kaniyang Puting asawa. Pero callous nga sila. Dahil akala nila wala ng pakiramdam ang pasyente, gulong, ikot at hablot ang ginagawa niya.


Para kasi mapaliguan ang pasyente sa bed, kailangang maglagay ng mga plastic, towel para hindi mabasa ang bed. Tapos para malinis ang likod ng pasyente, kailangang igulong ito, kaliwa, kanan. hablot ng kamay.


Nakita ko ang The Doc na pumipikit na lang. Nang minsan ay hindi nakatagal at minura siya.  Kaya mula noon, tinulungan ko ang hospice nurse sa pagpaligo sa The Doc. Ako ang gumagalaw sa doctor.


Bago ako umaalis, kinakausap ko ang The Doc. Sabi ko nandoon lang ako palagi. Hindi ko siya iniiwanan. 
Pumapatak ang luha niya kahit hindi siya nakatingin sa akin.Wala si JB. Umuwi sa bahay niya sa East Coast.


Si Misis ang kau-kausap ko. Nang araw na iyon sabi ko, siguro dapat iuwi na ang iba niyang gamit.


Napatingin siya sa akin. Nagtatanong ang mata.


Pagkaalis niya, kinausap ko si The Doc. Sabi ko kung nahihirapan na siya, it is time for him to go. Kung iniisip niya ang maiiwanan niyang si Misis, sabi ko akong bahala sa kaniya kahit hindi na ako nagtatrabaho sa family. Kung iniisip niyang inabandona na siya ng pamilya, sabi ko hindi. Ayaw lang nilang makitang naghihirap siya. Natural sa mga nagmamahal yon. Ako mahal ko rin siya pero nangako ako na hindi ko siya iiwanan hanggang huling sandali.


Hinalikan ko siya sa noo. Umiyak siya ulit.


Umuwi akong malungkot. Nakatulog akong iniisip ko ang doctor. Nanaginip ako na bumalik ako sa facility. Wala na siya. Bakante na ang bed.


Hatinggabi,nagising ako sa tunog ng telepono. May nerbiyos na ako sa telepono. Ang kaniyang anak na lawyer. Sabi niya." The Charge Nurse said he passed away quietly. "Nakita na lang noong night nurse na patay na siya. "JB is flying early in the morning." Sabi niya ipasusundo niya ako kung gusto ko. Nandoon na si Misis at ang doktora para magpaalam. Dadalhin sa isang university ang bangkay ng The Doc para pag-aralan at autopsiyahin. Naalala ko ang sinabi ko sa kanila, na hindi ALZ ang sakit ng daddy niya.



Dumating ako sa facility. Sabi noong nurse na hindi ako kilala dahil night shift siya, it is a family affair. Sabi ng Charge Nurse. But she's a family.


Abangan, the proposal.

Pinaysaamerika


PS. By the way, today is June 21. Anniversary ng death niya.

Sunday, June 20, 2010

The Phone Call

Dear insansapinas,
Where have you been Part 22.
(A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)

Nahirapan akong isulat ang parteng ito.


Lumaki ako sa paniniwala na ang pag-iyak is a sign of weakness kaya maliban sa loob ng sine habang nanonood ako ng pelikula o kaya nag-iisa akong nanonood ng DVD, hindi ako marunong umiyak.


Madaling-araw nang matanggap ko ang tawag galing sa ospital. Kaba ko. Si fiance, nasa ICU, heart attack. Ikalawang beses sa loob ng isang taon. Tatawagan daw ako ulit. Ibinigay ko ang aking phone sa trabaho at hiningi ko ang phone ng ospital.Ako ang nakasulat na next of kin. Pagkatapos ng tatlong araw, binawian siya ng buhay. Fatal ang stroke. Ang biyudang hindi pa nakakasal.


Hindi ko binubuksan ang aking computer. Sanay kasi akong nakakatanggap ng mail. You've got Mail.
Sa dami ng pagsubok sa buhay na dinaanan ko, alam ko na bawa't trahedya na dumating ay may kasunod na pagbababago ng buhay. Wala akong oras para umiyak. Kung hindi para sa akin ay hindi akin. Somehow, darating ang araw na  ang Why God question ay masasagot din. Baka may mas maganda pa nang ibibigay o kaya naman ay iniiwas ako sa hindi magandang buhay. Ito ang mga araw na naririnig ko na nagsasalita ang sarili ko sa aking sarili. Hindi ako nabubuwang, Birhinya. It is a coping mechanism sa mga bagay-bagay na hindi natin gusto.Hindi ako masyadong nag-iinvest sa emotion. May priority ako. Mapatapos ang aking mga tsikiting gubat.


Walang nakaalam kung hindi ang misis ni The Doc dahil nagpaalam ako ng isang araw. Umiwas ako kay JB. Alam kong alam na niya dahil sa mother niya. Ayaw kong natatanong. Ayaw kong pinag-uusapan ang mga bagay na iyon.


Naging alert din kami. May mild stroke din ang The Doc. Buntis si The Nurse kaya mga ilang buwan lang ay magbabawas na ito ng oras. Kung sino ang tatay, hindi namin alam. Pero nakalipas ang ilang buwan, muntik na silang maghiwalay ng asawa niya. At ngayon balita ko, talagang hiwaly na sila. Nasa kaniya ang bunso at ang panganay nilang anak ay nasa kaniyang asawa.


Kumikita na ang negosyo. Lumalabas na ang mga kasakiman.


Isang araw, dumating ang anak na doktora ni the Doc. Nag-uusap sila ni misis at ni JB sa harap ni The Doc na permanente ng nasa wheel chair. Hirap na ang mga nurses na ilipat siya sa wheelchair to bed at bed to wheelchair ang doctor. Ako lang ang nakakakalma sa kaniya. Ang problema sa gabi at weekend. Halos gumive-up yong private duty nurse namin. Si The Nurse ay wala ng epekto kay The Doc mula nang sabihan kong hindi sincere ang pinapakita nitong care.


 Napansin kong inignore ni The Doc ang anak niyang  doctora. Galit si JB sa kapatid niya. 


Pagkaalis nila, tinanong ako ni the Doc kung nainindihan ko raw ang pinag-usapan ng kaniyang pamilya. Sabi ko hindi ko naintindihan. Tumulo luha niya. Sabi niya ayaw pa niyang mamatay. Sabi ko hindi ko siya iiwanan.


Pinaysaamerika







Friday, June 18, 2010

The Park

 Dear insansapinas,


Where have you been Part 21.

(A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)



Maganda doon sa park. May man-made lagoon kung saan may lalangoy-langoy na mga  swan at mga duckling. 


Ang mga tao ay naglalakad kasama ang aso nila na  may leash. Bawal ang walang leash doon. Baka manghabol ng mga hayup o bata.

Kasama namin si Lola. Hindi niya grandma yon. Yong ang standard poodle nila na itim. (Hindi ito. wala siyang picture. Namatay sa days after namatay si the Doc).
 photosource
Nakatira ang poodle sa dati nilang driver at dinadala lang sa The Doc para bumisita. Matanda na ito. Sa edad ng aso ay mahigit isandaan na. Noong tanga pa ako (ngayon kalahati na lang) akala ko talagang isandaang taon na siya. Isip ko baka beterano na siya ng maraming giyera. Yon pala 13 years old siya multiplied by 7, ayun mahigit ngang isandaang taon. 

Dinala ng nurse si The Doc sa malapit sa lagoon. Naiwan kami ni JB na nakaupo sa isa mga benches doon sa may playground.

"So this fiance of yours, do you love him?" diretsahan niyang tanong.

Tingin muna ako sa kaliwa, sa kanan. Walang camerang gumigiling. Walang director. Gusto ko sanang itanong, define love, nakokornihan ako. Tumataas balahibo ko sa batok. Hindi ko feel ang pinag-uusapan ang mga relasyon. Walang nakakaalam masyado ng aking love life. Pati ang aking mga partners, akala masungit ako dahil wala akong love life. 

Tamang-tama may batang dumating. Kinuha yong bolang gumulong sa harapan namin. Saved by the ball. 


Pero makulit siya. Tinanong niya ako if it is about the  money. Kung hindi ko napigilan ng aking kanang kamay ang aking kaliwa, mag-asawang sampal ang abot niya. Hindi naman ako kagaya ng iba na kailangan may "fafa" fara mafag-aral ang aking nga tsikiting. Ako fa. Isa pa na sa fark kami. Maraming feofle.

" I am a very private person. In fact, if I were in the military, I would not like to be promoted as sergeant." banat ko. Walang response. Hindi nakuha ang humor. Serious pa rin ang mukha. Nakatingin sa malayo. Gusto kong kumanta. Malayo ang tingin...

Sumeryoso rin ako." Sometimes, you gravitate to a person (1) out of loneliness , (2) you want to have someone when you get old and deaf and blind and senile,  (3) you really care."

"Which one, is it?" tanong niya.

"Do I have to answer the question?" balik ko naman. 


"Is that a difficult question?" tanong niya ulit.

Maisulat ngang script. 


Hindi ako sumagot. Anong klaseng mga tanong yan. Nababaduyan ako. Para ba akong nanonood ng teleserye. Sus.


"My parents are fond of you. It would hurt them if you leave them when you marry."


Ano ito. pati ba pagpapakasal ko pakikialaman.


"Does than mean, I can not marry? " 


"I do not mean that." Tumaas ang boses niya. OOps. pag tumaas pa ng ilang decibel yan, iiwanan ko siya.

"Is that the reason why you  do not marry your girl friend?"

"I do not love her." Diretsahan na naman niyang sagot.


"Then why let her wait. Why don't you tell her to move on" Baligtad na. Ako na ang nagtatanong. Nasaan ba yong aking notebook at maisulat ko ang aming conversation.


"I told her already. I could not marry her just because she saved my life by taking care of me when I had an accident."

Feeling ko si Ate Charo ako, Birhinya. Nakikinig ng kuwento. 


"I would marry because I love the person." ending niya ng istorya.


Walang biyulin?


"And you have not found her yet?" 



"I think I have found her already."

 Naisip ko si Pinay-pay. Ahahay

"Did you not love your ex-wife? " bira ko.


"That's youth folly".

Tumayo na ako. Dry ang eksena. Walang luhaan. Wala kasing director.

"What about you, have you found your true love?" habol niya.

Gusto ko siyang sabuyan ng holy water. Hanubayan? Hindi ako sanay sa mga eksenang yan. Hindi ako sumagot.

Nakangiti si The Doc pagbalik. Ear to ear.  Para bang may inexpect siya. 

Hindi tumatayo si JB.  Walang magdarive sa amin, oy.


Kinabukasan, nabalitaan ko umuwi ng East Coast. Kakausapin yata ang girl friend. 


Abangan, malapit ng matapos ang teleserye.

Pinaysaamerika
 

Thursday, June 17, 2010

The Business

Dear insansapinas,
Where have you been Part 20.

(A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)


Pumasok ako kinabukasan para magpaalam sa Misis. Wala si Boss lawyer, out of the country. Yon pala nakasumbong na si JB na may baltik daw ako. Effect of the moon.


Sinabi ko kay Misis na talagang ayaw sa akin ni JB at inilalayo niya sa akin si The Doc. Parang kampi pa nga siya kay The Nurse. Mula nang mabalitaan niya na dumalaw si Pinay na siyang gusto niya sa puwesto ko kung hindi si A, nahahalata kong inis siya sa akin.


Panay siya parunggit. Sinabi ko kay Misis na nagtatayo ako ng negosyo kasama ko ang aking mga kaibigan. Total alam ko na ang pasikot-sikot. Gumagawa ako ng business plan.


Kumuha siya ng checkbook. Nagsulat siya ng amount at ibinigay sa akin. "What is this for?" Tanong ko.
Sabihin niya, for my business daw. Sabi ko hindi ko kailangan kasi ang aking investment ay ang aking skills. Ako lahat ang gumawa at namahala sa pagtayo.


Binalik niya sa akin ang tseke." Consider that as my investment too."


Sabi ko, "No way. I am not sure if it is going to make money." 


Sabi niya, "Then we all lose."




"Your children might think that I am taking  advantage of my closeness to you."


"Oh no. That is my own money. That is not part of the estate of my husband and mine." I was once a businesswoman, remember? I observed you. You are organized, visionary and hardworking."


Lumalaki ang aking tainga. Kung hindi siya tumigil pwede na akong lumipad, gamit ko ang aking taingang parang si Dumbo.

"Don't worry about my son. He discovered that you got a fiance and he's afraid that you might leave us once you get married. I think his anxiety disorder is back. He is trying to prepare his dad for eventuality."


"You can go to business and still work with us. There is no problem. As long as you will stay. " If I can only do something to make you a part of the family, I would have done something. You are more than a daughter to my husband and me. You are always there for us than my own daughter. (yong doctor). "


Nagpaalam na ako at pinuntahan ko na ang The Doc. Nandoon si JB. Hindi siya kumikibo.

Maya-maya, niyaya niya ako kung pwede raw akong sumama sa park kasama ang kaniyang father.

Para bang mamasyal sa Luneta.

Pagbaba namin nasalubong ko ang ipinasok kong nursing assistant doon sa matandang babae na isang uod na lang ang pipirma at siya 
kakanta na ng aleluya sa langit. Buhay na buhay. Kahit nakawheel chair. Sa tuwa niya nagpasama siya sa gift shop sa lobby. Pinamili niya ng mga regalo yong mga nurses na nagsasalit-salitan sa pag-alaga sa kaniya. 


Thumbs up ako doon sa nursing assistant. Sabi niya pinalayas niya yong bulate. Matagal pa ang buhay ng matanda. Matagal pang maghihintay ang anak nitong doctor din para sa mana niya.


Pinaysaamerika

Wednesday, June 16, 2010

The Therapist and The Nurse

Dear insansapinas, 
Where have you been Part 19.

(A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)


Twice a week, may dumadalaw na therapist sa The Doctor.(Hindi mo masasabing  psychiatrist siya dahil Social Work lang ang degree niya na may Masteral din sa ganoong field.   Inaalam niya siguro ang extent ng dementia ng pasyente sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kaniya. Wala naman akong bilib sa kaniya. Hindi rin siya kinakausap ni bossing. Kami lang talaga ni JB ang kinakausap niya kung walang nakakakita. Pero para naman polite, pangiti-ngiti si the Doc, patango-tango at pailing-iling.  Ang matindi lang obserbasyon ko ay pag-alis ng The Therapist, mataas ang libido ni The Doc. I therefore conclude na nata-turn-on siya ni The Therapist. Hindi naman siya kagandahang tulad ni The Nurse. Suplada siya sa akin. Di niya ako kinakausap. Siguro sabi ng pamilya, ako kinakausapni The Doc, siya hindi.

Diretsahan kung tinanong si The Doctor kung nataturn on siya ni The Nurse at the Therapist. Sabi ko napapansin ko kasi. Sabihin lang niya ang totoo sa akin at kailangan bigyan ko siya ng privacy pag siya ay nagpapantasya. Mayroon pa rin palang ganoon sa mga taong may dementia. May urge pa. 


Kinausap ko ang kaniyang anak na bossing ko at pinaliwanag ko sa kaniya ang aking obserbasyon.  Ayaw ko ng e-mail. Kailangan siya ang kumausap sa mga ibang nurse kung paano siya bibigyan ng privacy sa ganoong sitwasyon. Hindi pabling ang the Doctor. Naunawaan naman ng anak niya. Alam niyang pinag-aaralan ko muna ang dapat gawin. Alam din niyang kinausap ko ang father niya at nagpapasalamat naman ito sa aking pag-unawa.


Hindi ko pinapakausap si The Nurse. Ito ang hindi ko maipaliwanag sa kaniyang anak. Hinihintay ko si JB na siyang magpaliwanag, hindi rin niya ginagawa. Asiwa siya. Iniisip niya siguro na kaligayahan na nito ang paniniwalang mahal siya ng The Nurse. 


Ang mga nurses doon ay naniniwala na pagbilog ang buwan, restless ang mga pasyente. Full moon pagdating ng gabi pero simula na ang mga residente-pasyente sa pagiging confused, umaga pa lang.  Isa na si The Doctor. 

Pati ako sininghalan. Hinahanap niya si The Nurse. Hindi pa niya shift, at panay yata pa-beutiful eyes doon sa crush na engineer sa maintenance .



Sininghalan din niya yong nurse na pumasok." I don't like you." sigaw niya. 


Sabi ng nurse, pati rin pala si The Doc. apektado ng full moon.


Kinausap ko si The Doc at sinabihang huwag maninigaw. Pati ako sinigawan din. "I do not like you. I like the The Nurse." Medyo nayanig ako. Naisip ko kung si JB ang nagbibrainwash o si The Nurse sa kaniya. 


Inupuan ko siya. " I know you can understand me. I am hurt that you prefer someone who kisses to suck up to you. My friendship with you is sincere. I am here to help you, but if you do not need my help, I can easily call A, to take over. Anyway her mother already came for babysitting. I do not want to stay in a job where I am not wanted." Ang drama ko.


Hindi siya kumibo. Tahimik siya. Dumating si JB, hindi ko siya kinausap.Pauwi na ako nang makita ko ang isang pasyenteng babae na ang kama ay inilagay ng Charge Nurse, malapit sa nurses' station, Tinatawag na niya ang kaniyang mga patay na kamag-anak. Sabi ng Charge Nurse, hirap daw siyang paalagaan. Give up yong mga staff nurse. Baka malapit na raw mamatay.


Sabi ko sa kaniya magrerecommend ako ng isang nursing assistant. Sabi ko nagbabalak kami ng mga kaibigan ko ng registry. Sa dami ba naman na mga nurses at nursing assistant na nakakausap ko, kailangan na lang talaga ang organisasyon.


Tiningnan namin yong matanda, isang bulate na lang pipirma. 


Sabi ko sa Charge Nurse.  baka hindi na ako pumasok sa mga susunod na araw. Sabi niya Bakit?


Hindi ako sumagot. Dumaan si The Engineer. Makalipas ang ilang minuto, dumaan si The Nurse. Naglaro ang diwa namin ni Charge Nurse. Luksong lubid. mweheheh


Pinaysaamerika



Tuesday, June 15, 2010

The Lady Judge

Dear insansapinas,

Where have you been Part 18.

(A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)


Mainit ang ulo ni The Doctor. Nagpromise kasi ang kaniyang anak na si JB na  babalik agad. Umuwi siya sa East Coast.

Pagpasok ko, naratnan ko ang isang bisita. Nang araw na iyon, dumalaw si Pinay na dati naming kasama. Siya ang receptionist/secretary ni Misis sa art gallery na isinara na rin. Siya yong crush ni JB na Pinay na biglang nagpaalam. Kaibigan siya ni A at nauna siya sa akin.  Sabi ni A, may-asawa daw yon at medyo may problema. Nagkaproblema nga siya sa asawa dahil nag-asawa siya ng US citizen na siyang nagbigay sa kaniya ng green card niya. Hindi pa niya nakukuha ang permanente niyang green card nang basta iniwan siya ni lalaki pagkatapos i-withdraw lahat ng pera sa kanilang  joint bank account (Pag kasal ka kasi sa US cit at ikaw ay penetition, joint bank account kayo, joint filing of income tax returns para proof na mag-asawa nga kayo). Pati ang bago nilang sasakyan ay tangay. Balak niyang umuwi ng Pinas kaya dumalaw siya para hingin ang telepono ni A. Gulat siya nang makita niya ako.


Tinanong ko bakit hindi na lang si JB ang pinakasalan niya. Halatado namang may gusto sa kaniya sabi ni A. Hindi raw marrying type si JB at mayroon ngang girl friend na judge.


Talking of the judge, kaya pala natagalan nang pagbalik si JB, kasama niya ang the Lady Judge. Baka magpoprose ng marriage. 



Naisulat ko na itong sa lady judge sa isang serye pero para may continuity dito ay isinulat ko rin. Ang gulo ko. toinkk


 Magkasama sila sa isang hotel. Paano ko nalaman, yong bill, dumaan sa akin, Sey ninyo, charge sa fafa.


Hindi ako pansin ng loko. Parang hangin lang ako na hindi nakikita. Minsan parang kurtina lang sa bintana na tinatagusan ng tingin pag sumilip siya kung maaraw. 
Tahimik din...

Monday, June 14, 2010

The Charge Nurse

Dear insansapinas,

Where have you been Part 17.

(A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)

Ang kaibahan ng ating mga nurses sa ibang lahi particularly yong tapos dito ay BSN degreeholder and ating mga RN. Ibig sabihin, may General Education components ang kanilang nursing degree. Dito ay pwedeng kumuha lang ng mga subjects relevant sa nursing tapos "challenge " ang Board meaning kukuha ng licensure exam pagkatapos mag submit ng mga papel tungkol sa kanilang hands- on experience.


Walang masama. Ang masama ay kulang sila sa mga subjects na ginagawa silang tao. May passion sa trabaho, may simpatiya sa mga pasyente at may kunsensiya. Hindi lahat ang aking tinutukoy.


Patay na ang CN na nasa istorya. Sabagay  (SLN)  halos lahat  na ang mga head nurses  doon sa facility na yon. Yong pinakamataas, namatay sa cancer. Sobrang manigarilyo. Yong CN, cancer din ang ikinamatay. At iyong pinakaterror pero mabait sa akin ay namatay na rin yata. Matanda na siya noong nandoon siya.


Ang Charge Nurse na yon sa umaga ay parang walang pakiramdam. Walang awa sa mga pasyente. Parang mekanikal lang siyang nagtatrabaho. Wala akong pakialam sana sa kaniya.


Sabi ko nga kung sana, pinag-aaralan nila o nag--obserba sila, o kaya ay hindi nila tinatrato ang mga residente-pasyente na parang mga wala ng utak o walang pakiramdam hindi siya dadaan sa radar ko.


Isang araw, nasa activity room si The Doctor. Ganoon doon. May mga entertainment na ginagawa para ma-stimulate ang mga residente-pasyente. Wala si Misis. Nasa India yata.


May late na ipinasok na residente-pasyente sa activity room. Gusto noong nurse nito ay short cut kaya ginalaw niya ang upuan ng doctor nang walang pasintabi para makaraan yong wheel chair. Nagalit si  the Doc. Kasi kabastusan nga naman yon. Isa pa kung gusto nilang galawin, dapat, nagpaalam muna sila sa matanda. Respect ang wala. 

Dinala ko ang kaso sa Charge Nurse. Walang ginawa.


Nang tanghali, naghunger strike si Doc sa ginawa sa kaniya. 


Kahit na anong ibigay mo ayaw kainin hanggang hindi raw nag-aapologize ang nurse. Ipinagtanggol ni CN na may karapatan daw galawin ang The Doctor. Sabi ko hindi yong paggalaw ang issue. Ang issue ay ginalaw lang siya nang walang pasintabi. Mano bang nagbeep beep man lang.


Galit na galit si CN sa akin. Insubordination daw yong sa akin. Paano insubordination yon, hindi naman ako nursing staff ng facility. Hindi naman ako under niya. Sabi niya yong mga nurses daw namin hindi naman kasing taray ko. "Tural, sa aking responsibilidad  yon pumapatak." Ayaw noong mga nurses namin na kalabanin sila dahil dapat cooperative sila sa mga nursing staff kung gusto nilang madali ang trabaho nila.


Nagpabili rin ako ng sandwich para sa doctor. Tuloy ang hunger strike niya.


Report ako sa aking boss. Kinausap niya ang pinakamataas. Patawag si CN. Pagbalik ni CN, humingi siya ng dispensa para doon sa nurse. Tapos matalim na tingin ang ibinigay sa akin. Isa na namang kalaban ni Darna.


Sabi naman ng isang Pinay na nurse, inispoiled daw ng CN  ang mga nurses niya dahil pag sinabotahe siya nang mga yon, magko-call-in sick sabay-sabay ang mga floor nurses wala siyang support.


Hindi niya inexpect na may matino pang isip ang doctor at alam niya ang mali at hindi. Hindi kagaya ng mga ibang residente -pasyente doon na walang magawa dahil wala silang pamilyang nagmamalasakit.


Merong isang matanda na muntik nang mamatay sa taas ng lagnat. Yon pala, nagalit yong isang staff nurse at hinila yong kaniyang kamay nang ayaw lumabas sa kuwarto.


Nadislocate ang shoulder bone ng matanda at nagkalagnat. Hindi alam ng resident doctor bakit hindi maalis ang lagnat.
Buti na lang nagconfide yong matanda sa isang Pinay na nurse. Itim ang gumawa noon sa kaniya. Notorious sa rough handling ng mga pasyente. 


Pag nakikita siya ni doctor ay nanalisik ang mata nito at pinalalabas sa kuwarto kahit hindi pa siya hinahawakan. Nagkaenkwentro siguro sila ng doctor habang partner ito ng nurse namin sa gabi. Ang private nurse ay dagdag lang doon. Ang talagang assigned sa mga residente-pasyente ay ang mga staff nurse.

Tapos nang kumain ang doctor nang dumating si JB. May dalang steak. Rare daw.


Sabi ko," Are you sure it is not going to moo when you cut it with the steak knife? "

Pinandilatan ako. Ikalawa na siya nang araw na iyon na nandilat sa akin. 


Pumasok ako sa bathroom. Tumingin ako sa salamin. Pinadilatan ko rin ang sarili ko. Ayan di tatlo na.


Pinaysaamerika

Friday, June 11, 2010

The BMW

Dear insansapinas,

Where have you been Part 15.

(A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)

Gumawa ako ng report sa bossing-lawyer ko. Nakipagmeeting siya sa administration. Hindi namin nurse yong involved. Nurse sa facility.


Pagkatapos ng meeting, ang babait ng mga Charge Nurses sa akin. (Charge Nurse ay yong namamahala per shift). Tatlong shifts, tatlong Charge nurses. Mabait naman ang CN sa gabi. Chinese siya. Yong mga nurses niya ang mga terror. Inalis na kasi namin yong pm shift private duty to accommodate The Nurse na hanggang ten lamang naman pala puwede.

Si The Nurse din ang pumapasok pag Sunday ng umaga, Ang ibang shifts ay ibang nurse na. Nag-usap kami ng CN. Sabi niya, personal na niyang pamamahalaan ang pagcheck si matanda at sasamahan niya ang nurse na hahawak dito.


Nang morning dumating si The Nurse para makibalita sa usap-usapan ng meeting ni boss.  Binalaan ako na mainit daw sa akin ang admin. So? Hindi naman ako empleyado ng facility. Empleyado ako ng pamilya. Magmaliit, magmalaki ang organisasyon, hindi mawawala ang intriga. Siguro nga may magnet na nakakabit sa akin. Mahanap nga. Toink.



Confused ang matanda. Nakita niya si The Nurse, Hinalikan na naman niya. Swak sa labi. Rolleyes kuno si The Nurse. 


Tapos nagpaalam.


Nasa kitchen ako ng facility,  para kumuha ng orange juice, (libre ang mga iba't ibang juice) nang marinig kong may-nag-uusap sa dining room. Nakatayo ang dalawa sa likod ng wall na naghihiwalay sa kitchen at sa dining. Si The Nurse at isa pang nurse.


Tagalog ang usapan.


"Put...na" hinalikan na naman ako ng matanda. Kadiri."


"Akala ko ba gusto mo yon para malakas ka sa matanda." sagot ng kausap niya.


" Sa simula lang yon, siyempre. " Ngayon, kuha ko na ang night shift at Sunday, kesehoda siya.Isa pa, napapansin na ako ngayon ni E."


" Yong engineer sa maintenance? "


"Oo, siyanga. haaaay, kilig."


"Sandali, di ka ba napapansin ni Mister?"


"Naku yon, basta marami akong kinikita, wala siyang sey."


May dumarating sa kitchen kaya, umalis na ako. Hindi ako napansin ni The Nurse.


Dumating si JB. As usual, may dalang malaking sandwich at kape.


Sabi niya, tuwa raw ang kaniyang kapatid sa pagiispy niya. "Natin" sa isip ko. pero pinabayaan ko na lang kunin niya ang credit.Total nakausap na ako ng kapatid niya habang tulog siya.


Nagtanong ang matanda ang pinag-uusapan namin. Inexplain ni JB ang mga kurot sa kaniya ng mga nurses.


" Ow. The Nurse does not hurt me at all. She even kisses me." Tapos ngumiti siya.Tahimik si JB. Lumabas.


Kinausap ko ang doctor. Hindi ko dineretsa na hindi sincere ang paghalik sa kaniya. Ayaw ko siyang masaktan. Medyo delikado yong issue at wala akong tiwala sa The Nurse.


Sa loob ko, inis ako sa The Nurse. Ang ipokrita.


Balik si JB. Tinanong ako kung kay The Nurse yong BMW na nakaparada doon sa parking ng mga employees. Sabi ko oo.
"Why?" tanong ko.
"I feel like driving." matalinghaga niyang sagot.


Pinaysaamerika







Thursday, June 10, 2010

James Bond

Dear insansapinas,

Where have you been Part 14.
(A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)


Maagang dumating si JB noong araw na iyon. Nag-iwan ako ng message sa voice mail.


"Good morning, good morning, good morning, dad". Sabi niya habang pangal ang isang bagel at may mainit na kape sa kaniyang paper cup.


"Well, look who's here, Doc." sabi ko sa matanda na nakaupo na sa kaniyang Harvard chair.


"Is he my son? " tanong niya.


"You want me to ask him? He could be an alien impersonating your son." Biro ko.


"Yes, it is too early for his breakfast."


"It is a miracle of science. It is easier to raise Titanic than rousing him from his bed. (chuckled)"


"What's wrong with the two of you? You just had your SNL gig
or overdose of sugar? " ganting biro niya.




"So what is it Ms. Genius. I have to wake up early and drag myself from bed to make it here early morning."


" I am playing Sherlock Holmes, and I like to talk to you Dr. Watson."


"I prefer Perry Mason" sabad ng matanda.


"Dad, this woman here lives in the past century. There are already modern sleuths, Miss Jane Marple, honestly, I prefer Columbo."


Humagikhik ang matanda kaya alam ko nasa good mood siya.


Tinuro ko kay JB ang mapupulang marka sa kaniyang kamay.


"These are like nail marks." sabi niya. Tango ako.


" Dad, does someobdy hurt you during the night? "


Hindi sumagot ang matanda.


Sabi ko kay JB, hindi magsasalita yon. Kailangang gumawa kami ng paraan para malaman ang nangyayari sa gabi at ang kaniyang mga nurses.


"I will take care of it. "

 Pagbalik niya may dala siyang voice-activated recorder at maliit na microphone.
Ikinabit niya sa isang decor ang mic at nakatago ang recorder sa chest drawer ng mga damit ng doctor.


Feeling niya talaga si James Bond siya. Kaya nga JB ang tawag ko sa kaniya. hehehe.


Kinabukasan, pinakinggan namin ang tape.


" Get out of this room." Boses ng matanda yon. May mga ingay kaming narinig na yabag papalapit sa bed ng doctor. Ang nurse siguro niya.


"Got to bring you to the bathroom," Sabi ng boses.


"No!!!." sabi ng matanda.


" I have to. You can't walk there alone." 


"Try me." sagot ulit ng doctor.


Narinig naming ibinaba ang safety guard ng bed. Sigaw ng sigaw ang matanda ng " No."


"Ouch, ouch, ouch". Bigla naming hininto ang tape. Nagchechek ang Charge Nurse.

"Can you recognize the voice?" tanong ni JB. 


Sabi ko," Yes."


"I will have a talk with her." 


Sabi ni JB, "My sister said we can not use the tape." 


"We are not going to do some drastic action. We will just let them know that we know what's going in during the night."


Pinaysaamerika

Wednesday, June 09, 2010

The Other Woman

Dear insansapinas,



Where have you been part 13
A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)

"He is my husband." sabi ng isang petite na matandang babae habang hawak-hawak niya ang kamay ng doctor. Nakaupo ang mag-asawa habng naghihintay manood ang sang pet trainer na may mga dala-dalang iba-ibang klaseng ibon na nagbibisekleta, kumakanta, nagtatumbling at nagdadrama.



Ang takbo ko kasi ang mga residente-patiente na diagnosed ng ALZ ay biglang nagbabago ang mood. Ang doctor ay ayaw magpahawak. Pag hinawakan mo ito nang hindi ka humingi ng permiso, sasaktan ka niya. Parang knee-jerk reaction. Slow motion natin. Itinaas niya ang isa niyang kamay para sampalin ang babae habang hinihila niya ang isa niyang kamay nito. Sinalo ko ang kamay. Pinisil na naman niya. Akala niya doon sa babae. Araaaay. Muntik nang magkalasog-lasog ang buto ng aking palad. 



Tinawag ko ang isang nurse para ilayo ang matandang babae, habang nakabalandra ang aking katawan sa gitna nila. Two hundred fifty pounds ang doctor at ang babae ay wala pa yatang 100 lbs. Siya ay 95 years old. Pero sabi nga nila malibog pa. (erase, erase, erase). Sabi nga love or lust never dies not even fades away.


Si Misis ay nabigla. "That crazy woman. Every male here in the facility is her husband." Tapos napatawa siya. Narealized niya siguro na nasa cucko land na ang matandang babae.


"It is good, you are fast enough to  stop my husband from hurting her. " 


Ngayon ko lang naimagine, paano akong nakalapit sa kanilang upuan. Mahina ako sa PE, yon bang tatalon ka o kaya ay tatakbo ka. Kung makikita mo siguro ang aking pagtakbo...Slowmo...tototototototototot, para akong nagluksong tinik sa mga dinaanan kong mga upuan. Parang bionic woman.


Nagkainterest tuloy ako sa buhay ng matandang babae kaya nakipagkuwentuhan ako sa mga nurses. Sila ang nakakakilala dahil sila ang involved sa mga pasyente.


Ninety five-years old na pala  at dati pa lang ballerina. Kaya pala petite siya.  Pustoryosa pa rin siya at mabait naman. Pag nakita ka sa hallway, tatawagin kang dear, sweetheart, tapos kakabit na sa damit mo kahit saan ka magpunta hanggang ibigay mo ang direction sa kaniya. Wala naman siyang sakit. Dementia lang talaga. 


Sabi ng nurse sa akin. Maupo raw ako sa TV area. Meron kasi doong waiting area na may TV. Minsan ang mga nurse, dinadala doon ang mga pasyente nila habang sila ay nagdadaldalan. Meron namang TV sa lahat ng kuwarto.


Naupo nga ako. My dumating na matandang lalaki. Guwapo pa rin siya kahit mata na lang niya ang walang piliges. Dati raw itong militar. Naupo siya sa couch. Maya-maya dumating na ang matandang babae. Tawagin natin siyang Giselle. Tumabi siya sa lalaki. Maya-maya ay nagroromansa na sila sa couch. Yong mga matatandang nasa wheel chair o nanood ng TV ay sila na ang pinapanood. Para talagang sitcom.


Nilapitan ko ang Charge Nurse. Sinabi ko na di ba dapat, sawayin sila kasi hindi nila alam ang kanilang ginagawa ng kaniyang asawa.


"What husband? He is not her hubby, sweetie. He is someone else's husband. Look."


Rumaragasa nang dumating ang isang matanda ring babae. Tinabig niya ang kamay ni Giselle at inakay niya ang kaniyang asawa. Sunod naman si lalaki.


"Go find yourself a husband." sabi niya, sabay hila sa asawa na wala namang kibo.


Taray. Sa isip ko sa edad nilang yon, may mga pag-ibig, o lust o selosan pa pala. Human Relationship 101, Di mo matutunan sa libro.


Nang dumating si JB. Nakapatemporary locked yong aking bibig sa ngiti, dahil sa nakita ko noong araw na iyon.


Kamot siya ng ulo. " Is there something you know that I don't?"


Pinaysaamerika



Tuesday, June 08, 2010

The Physical Therapist

Dear insansapinas,
Where have you been part 12. 
A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)


Pinababalik ako ng boss-lawyer ko. Walang makakaya sa matanda.
Tinatanong nga niya ako kung anong secret formula ko.
Sabi ko I do not raise my voice especially when he is suffering from anxiety. I always assured him that he is safe with me. I guessed it is the trust and confidence that he had in me.

Si A matagal nawala and besides, ang memory ng matanda  sa kaniya ay isang magaling na housekeeper. Hindi  rin siya masyadong nagsasalita . May inferiority complex siya. Ako makapal. Ang mukha.  Pero ang trato niya sa akin ay kaibigan.  I am a friend na pwede niyang kausapin lalo pag walang nakakarinig at kami lang ang nag-uusap. Marahil nakasulat sa tadhana ang aming pagkakaibigan hanggang sa kaniyang kamatayan.Kaya marahil ako ang huling taong nakausap niya at nakita bago siya namatay. Pero huwag na nating pag-usapan yan.

Isa pa buntis na naman si A at kahit wala pang mg sintomas na mahihirapan siya sa kaniyang ikalawang anak, inaanticipate ng pamilya na hindi magiging regular ang pagpasok nito lalo at mayroon pa siyang anak na inaalagaan. Ang asawa niya ay retired na. Sabi nga niya siya raw yata ang pinakamatandang naging tatay. Si  A ay wala pang apatnapu, pero malapit ng mahulog. Isang taon na lang.


Alam ni bossing  ang aking trabahong naghihintay. Counter-offer siya ng suweldo na doble ng susuwelduhin ko sa school. 


Tao lang ako, Lee. May pagkagahaman. Nasa iskwela lahat ng aking tsikiting gubat at nagsusunog ng kilay kahit na ang kilay ko ay matagal ko ng pinatattoo. Kaya sabi nga ng iba, bakit daw hindi nagugulo at hindi masyadong tumataas. Sandali, bakit napunta sa kilay. Sa totoo lang dapat seryoso talaga itong nobelang ito.


Kinwenta ko ang dagdag na dolyareses. Omoo na ako. Hindi na nagpakipot. 

Nag-usap kami ni A. Sabi niya mahihirapan siya pag walang trabaho kasi retirement pay na lang ang kanilang aasahan. Pinayuhan ko siya na lakarin niya ang sa SSS. Meron ding matatangap ang anak niya. May bahay na naman sila at bayad na. Pag nakapanganak na siya ay gusto niya ang trabaho, ibibigay ko sa kaniya ulit.


Feeling santa ako sa sinabi ko. Meron pang bilog na halong lumabas sa aking tuktok. Aleluya. Alam ko yong puwesto ko sa iskwela ay hindi ibibigay sa akin pag kailangan ko. Pero totoo naman ang sinabi ko. Promise.


Nang araw ng aking pagbabalik, dumating si Physical Therapist. Hinahanap si JB.

Siya yong habol na habol kay JB.  Nang  hindi siya pansinin, yong Charge Nurse na lalaki ang "niligawan" niya. Bago lang na nurse yong lalaki. Siya ang nagdadala ng mga gamot sa residente.  Balita ko doon sa isang nurse ay brineak na raw ni PT dahil "mahirap" lang at hindi tanggap ng pamilya. Ano ba yan bakit may teleserye rin sila. Akala ko ba sa Pinas lang yong poor-boy-meets-rich-girl-they-fell-in-love-broke-up-because-parents-will-disinherit-the-rich-girl. Kanino ba kasing script yan?



So ang target ni PT ay si JB na trust-fund baby na ang dami namang hinahabol na mga tsikas. 


Nakaingos siya nang sinabi kong wala pa si JB. Sabi ko huwag siyang mag-alala, isusulat ko sa reminder na dumating siya...rolleyes.


PT siya, hindi man lang binati yong matanda kaya pag-alis niya. Tanong ng matanda kung anong gusto ng babaeng pumasok.


Sabi ko naghahanap ng nawawalang kalabaw. (water buffalo). 


Confused siya kaya sagot niya." Meron ba tayo noon?"  Sabi ko meron, nawawala nga lang.


Biglang dating si JB. "Hello, hello, hello", Hinalikan ang ama at hinarap ako. 


"So you are back". sabi niya.


Sagot ng father niya na confused pa rin. "Why where did she go?" 


" Oh, Dr. B, I had my short vacation  in our backyard. There is a small stream and I have to paddle to go after a big fish that got away." Patama kay JB na hindi sinipot ng babaeng nameet niya sa cruise nang dumalaw siya sa UK. Sabi ni Misis, baka raw hindi naman talaga totoo yong kwento niya sa cruise at ayaw siyang mabuking.


Tsssk tsssk. Iiling-iling ako na nakangiti.Kulang na lang sabunutan niya ako.


"Oh, by the way, PT came, asking for you." 


Sagot nang papa niya. "Is that the lady looking for the missing buffalo?" 


Pinandilatan ako ni JB.


Pinaysaamerika

Sunday, June 06, 2010

The Housekeeper

Dear insansapinas,
Where have you been part 11.
A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)

Pag kapalaran daw, kapalaran pa rin. (Ang labo ko).


Medyo dumalang ang dalaw ni JB sa tatay niya. Abala sa bagong kulakadidang niya, Yong lady friend sa UK.
Gulat ako nang sinabi ng mother niya na lumipad sa UK para makipagkita ulit at mameet ang family ng babae.


Panay ang rise and fall ng eyebrows ni Misis habang nagkukuwento.


Isang hindi inaasahan, biglang dumating yong dating housekeeper ng family na ginawa nilang tagapamahala sa affairs ng matanda. Yon talagang assigned sa aking trabaho. Filipina siya. Matagal na siyang naninilbihan sa pamilya bago nag-asawa ng Puti. Pero kahit na may-asawa siya, pumapasok pa rin siyang live-out na housekeeper hanggang magkasakit nga ang matanda may mga adjustment na ginawa kagaya nang pagbebenta ng mansion nila, pagbili ng isang apartment na two bedroom kung saan nakatira si Misis at ang pagapasok kay doctor sa facility. Hindi na nila kailangan ang driver, butler a housekeeper.


Nag-aral siya ng nursing at iniwan lang niya ang trabaho pansamantala nang mabuntis siya, Maselan siyang magbuntis. Nagkakaroon siya ng diabetes.


Tatlong buwan na siyang nakapanganak at gusto na niyang magtrabaho.  Okay lang sa akin, dahil approved na ang aming iskwela, inaaayos na lang ang lugar para lagyan ng library, laboratory at mga classrooms. Pero maghihintay pa ako ng ilang Linggo para matapos ang aking opisina,


Nag-usap kami ni A tungkol sa mga pangyayari at tungkol kay The Nurse. Umikot din ang mata niya. Mas kilala niya si The Nurse kaysa sa akin.


Nagkasundo kami na kausapin na si bossing-lawyer para sa turnover na walang ceremony.


In the meantime, pinuntahan niya ang matanda. Hindi siya kinausap. Sabi ko wala siyang kinakausap pero nakikinig siya.


Dahil wala pa si bossing lawyer, nakipagsosyalan muna siya sa mga nurses sa facility. Pinagmamalaki niya ang anak niyang Fil-am.


Pinasakalyehan ko ang matanda kahit walang gitara.


"Are you not happy, A is back? " Hindi siya sumagot.


Since she can come back to work, I have to turn over the responsibility to her. In the meantime, your daughter is coming to make the arrangement.




Tahimik siya. Hindi siya sumasagot.


Dumating si bossing -lawyer at pinatawag kaming dalawa sa apartment ng kaniyang mother.

Alam niya na may hinihintay akong project a hinawakan ko lang yong trabaho para kay A.

Pero sabi niya kung siya ang masusunod, ayaw niyang umalis ako. Sa isip ko naman, hindi naman kami pwedeng dalawa.Sabi niya bigyan daw niya akong bakasyon, at mag-isip ako. With pay.

Hindi ako nagpaalam sa maanda. Kinabukasan si A na ang pumasok.

 Naghanda na ako sa aming proyektong iskwela pero hindi ako mapakali sa bahay. Parang nagkasala ako sa matanda na iniwan ko na lang.


Pumasyal ako sa facility pero wala akong balak magpakita sa matanda. Sisilipin ko lang. 


Nakita ko si misis, magkasalubong ang kilay at parang galit. May mga anim na nurses sa loob. Inilalagay nila sa bed ang matanda. Nakabalot ang katawan sa makapal na kumot. Panay ang sipa at hataw ng kaniyang kamay sa mga nurses. Naawa ako sa mga nurses at sa matanda. Halos mabibitiwan na nila ito dahil sa kapapalag.


Pumasok ako para tulungan yong mga nurses. Tinawag ko ang pangalan ng doctor. Sabi ko huwag siyang magalaw at baka siya mahulog.


Huminto siya. Hinanap niya ang nagsalita. Nakita niya ako. 
"Where have you been? " Tapos humawak siya sa akin. Hinayaan niya akong ilapag ko siya katulong ang mga nurses. 


Napabuntung-hininga si misis. Nag thank you ako sa mga nurses. Sabi ko sa kanila, address him as doctor. He earned that title.


Isa sa mga nurses, ang napathank you. Isa siyang Pinay. Siya ang pinakamaliit. Yong dalawang Puti, ang lalaki. Yong itim, malaki rin. Pero hindi nila kaya ang 250 pounder na lalaki lalo ayaw nitong magpahawak. Binalot na nga raw nila ng bedsheet, para hindi makagalaw. Takot silang matadyakan o mabuntal.


Wala si A. Nagpacheck-up daw sa doctor. Buntis na naman daw. Arghh.


Nakangiti ang matanda ng balikan ko. Pati si misis na nasa tabi niya.


Biniro ko. Ang ganda ng kaniyang nurse, si misis. (may pagkasipsip din ako).


Dating si JB. (Bumalik na pala galing sa UK). Nagpaalam na ako.
"Where are you going," tanong sa akin. "Home." sabi ko.


"I will give you a lift." 

"No thank you. " bigla akong sibat.


Kinagabihan, may tawag si bossing lawyer.


Pinaysaamerika

Saturday, June 05, 2010

The Cruise

Dear insansapinas,

WHERE HAVE YOU BEEN PART 10


Kasama sa sulat ko sa boss-lawyer ang “don’t converse infront the doctor when he is not involved”.

"He felt more insignificant when he is treated like an audience. He is aware of what’s going on even if he does not talk. It is not true that he can not understand. He hears everything but he does not react until he is with someone who is afraid of him. It gives him the power. He thinks he delivers the message. These are the nurses who work just to draw paychecks. When they feel they are threatened, they simply walk away. There are several fish in the ocean. There are only a few who would treat the patients with  genuine care and love.”

Sagot niya. “Thank you. I love your dedication to your job. I will talk to the team.”

Hindi lang basta caregiver ang kinukuha namin. Kailangan may license sila as certified nursing  assistant or LVN. O kaya mga BSN na wala pang state license para maging RN.   Fingerprinted sila dahil mayayaman ang mga residents-patients doon na ang mga alahas at mga gamit ay nasa kanilang suite. Kailangan pa may liability insurance para pag may kaso siya ay sagot ng insurance company. 



Pasok ako sa suite. Nakaupo ang doctor sa kaniyang Harvard chair. Hinahaplos ang buhok.

“Bad night, doctor.” Tanong ko. Tiningnan niya ako. Hindi siya kumibo.

“ I know you can hear everything. I learned from my reading that the last sense to go for a man is hearing.  I believe your no-talk-just smile behavior is a strategy to find out who cares and who don’t.” I appreciate it that you are talking to me when nobody is around. As to why you do that, I want to interpret it that you treat me as a friend, a confidante.”

Nakikinig siya.

“But why do you hurt these young ladies who are taking care of you? Most of the time it is not their fault . Venting anger that is supposed to be directed to people you can not afford to hurt is not cool. “

“Because..,they…allow me. Sagot niya.

“ You mean, they should hurt you too?

Hindi sumagot si Doc.
"If you are angry with anybody, you can tell me. If someone is hurting you when I am not around, tell me."

Ngumiti siya na pinasisingkit ng mata. Pag-amin yon ng kaniyang mali.

Hapon. Dating si misis.  Tulog ang doctor.

Niyaya ko sa lugar malayo sa natutulog. Madaling magulantang yon.

Wala pa si JB. Nasa telepono raw. Kausap daw ang nakilalang girl sa cruise.

“ If I know this single girl in the cruise joins the trip to look for wealthy and educated husband.” Sabay haplos niya sa bagong parlored na buhok.

Taray, sa isip ko. Mabait naman ang matanda kaya lang talagang allergic siya sa mga babaeng umaaligid sa kaniyang unico hijo. Kahit na sa lady judge na tanggap ng pamilya at naghihintay na lang ng marriage proposal.

Minsan narining kong sinabi niya sa kaniyang amiga…

“She (the judge)  is adopting a baby because my son does not want to have one. She is preparing for a little family but she never came to visit my husband." Mabait  naman ang lady judge. Matalino pa dahil kabata-bata, naging judge na. ”

“The lady  that he met in the cruise must be beautiful.” Sulsol ko naman.

“Aw, she is hardly a princess. She rarely smiled. I feel that I have to drop a coin for her to ahow her teeth. She kept on ignoring me. She is more masculine looking  than J.” Sabi niya, sabay ang halakhak. Generous siya. Mamintas.

"Then midnight, I can’t find J. He must have slept over in her cabin. Isn’t that awful.” May pagkaconservative pa ang matanda. Akala niya madidivirginize pa ang anak niya eh nagkaasawa na ito noong istudyante pa lang. Divorced nga lang kasi panay ang hampas sa kaniya ng  gitara at palitan ng mga maanghang na salita. Wala  siyang ilalaban. Kumakain ng chili yon.

Mayaman naman si babae kasi foreigner. In fact siya pa ang pinapipirma ng waiver ng tatay nito na isang businessman, na hindi siya makikialam sa pera nito. Hindi pa nila kilala ang magulang ni J. Akala nila isang poor lang ito  na nakakuha ng grant o educational loan. Magdamit naman kasi eh panay denim lang at shirt.

Dumating si J. Halik sa mother, kahit sila ay parang aso’t pusa, alam ko they care for each  other.

“ I guessed, C here knows about the lady from UK who I met in the cruise. Do you want to know the details? harap niya sa akin. “My mom almost made it in TV, gossip about the hood.”  Tatawa-awa siya habang kumakain ng  sandwich.

Tumayo ang mother. Excuse raw na may Chinese painting class siya.

“What, mom, today is Thursday. Your painting class is MW. I just raided your fridge. The note is in the post-it. Hahaha”.

Muestra ako tumahimik siya at magigising ang kaniyang tatay.

“ Oh by the way, I received the memo from my dear sister. Clever idea. I wonder who suggested that.” patutsada niya. Someone must be  jealous."

Aray. Tapos biglang harap sa akin." Are you sure you are not a psychologist."

Nah, sagot ko.” It does not need a scientist to read body cues and infer from several observations to make a conclusion.”

Tumayo ako, kumuha ng orange juice at uminom sa harapan niya. It is a good anti-oxidant. It slows down damage of  cells especially those which are not used often. Try it.

Pinaysaamerika