Advertisement
Showing posts with label Pinay Teleserye 2. Show all posts

Thursday, July 15, 2010
The Children
Dear insansapinas,
Mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba. Part 10.
Namaster ko na yata yong " ano magsabi ka " look. Habang nilalantakan namin ang bulalo (hindi naman talaga siya bulalo, nagkukunyari lang) ay nagtapat sa akin si Gabby. Ay hindi yong ako niligawan, silly. Yong tungkol sa kaniyang girl friend na may-asawa.
Sinabihan na raw niya na sila ay wala na. NADA, NADA. Yon ang pangalan ng babae. Kaya simula kinabukasan ay hindi na siya magrereport. Inerekomenda niya doon sa isa niyang kaibigan na ang opisina ay tatawid pa ng ikapitong bundok.
Nagpapasalamat siya sa akin at nagising daw siya sa katotohanan. Charing pa ito. Mamaya ay dumilim ang resto except doon sa may parte ng maliit na stage. Pag gabi kasi ay nagiging entertainment center yon. May karaoke at may sayawan. Pinoy na pinoy. May tumabi sa amin. Si Dina at si Brad. Imbitado rin pala. Kumpleto ang musketeros. Si Gabby ay nawala sa upuan niya. Yon pala hawak na ang microphone. Doon siya nagpropose kay Angelina. Bigla kong nagamit yong table cloth pamahid ng luha. Naghati kami ni Dina. Ahoy, ahoy, ahoy. Tapos karaoke na. Buti na lang di bumagyo.

Wednesday, July 14, 2010
The Conditions
Dear insansapinas,
Mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba. Part 9.
Sa condition na paalisin ni Gabby yong mistress niya ay isang pagsubok ko kung talagang mahal niya si Angelina. Total naman walang ginagawa yong babae sa opisina. Si Angelina lahat ang gumagawa. Isa pa may-asawa siya kaya wala siyang karapatang makipag-agawan. Not unless siya ang piliin ni Gabby.Ibang usapan na yon. Diva ate sharon? toinkkk
At ang iba pang condition:
1. bibili siya ng bagong kotse at hindi yong kotse ni Angelina ang ginagamit sa mga work-related assignments. May pera naman siya kaya lang kulang na lang ang kaniyang dolyar ay tatatakan ng pangalan niya, ilagay sa plastic at lagyan ng kadena. Sobrang kuripot.
Yong kotse niya ay model pa nang umahon si Mc Arthur sa Leyte at kapag nagkamali ka ng bukas, natusok ang kamay mo ng parte ng kotse, magpa-injection ka na ng anti-tetanus. hmph
Madalas pa ititirik ka sa freeway. Habang naghihintay ka nang magtatow at masasakyan, pinagtatawanan ng mga ibon doon na nakapangunyapit sa mga poste ng kuryente.

Tuesday, July 13, 2010
The Suitor
Dear insansapinas,
Mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba. Part 8.
Nabalitaan namin na umalis na si Billy at ang kaniyang girl friend sa ospital. Lumipat na sila sa Los Angeles.
Lalong nalungkot si Angelina kaya pinayo namin na lumipat na siya ng bahay, total ang mahal ng bayad niya doon at dalawa ang kuwarto. Pwede siyang magpa-sublease siguro ang alaala ay magiging dahilan ng pagkakaraoke namin tuwing weekend doon at kumanta ng Malayo PA ang Umaga.
Tinulungan namin siyang lumipat. Ang mga kagamitan niya ay hindi kakasya sa lilipatan niya kaya pinaampon niya ang iba. Inampon ko ang dining set. Malaki kasi. Kasya ang tatlong tao--nakahiga sa mesa. Noong bata pa kasi ako, pag dumadalaw kami sa auntie ko sa Bicol, pag wala nang matulugan, yong mga pinsan kong lalaki, natutulog sa lamesa. Nakatihaya sa ibabaw. Ang mga salbaheng ibang pinsan naman namin ay nagtitirik ng kandila sa apat na sulok at magsisimulang magsiiyakan. Habol ang auntie ko ng tingting na walis sa mga salbahe kong pinsan. Sandali bakit ako naligaw na namin. Break. Ang layo pa ng kinaligawan ko, kailangan pang magtren.
Balik tayo sa SF.
Nakakuha kami ng uupahan ni Angelina. Tatlo sila doon. Yong najor tenant na matandang dalaga, yong isang diborsyada at siya nga ang iniwanan ng boy friend. Ang tawag namin Tres Rosas.
Pero sa amin pa rin ang istambayan niya. Naging magkaibigang matalik sila ni Dina. Ang tawag ko naman sa kanila ay si Starsky and Hutch, yuk yukyuk
Dumaan ang segundo, minuto, oras, araw at mga buwan. Napigtal ang mga dahon ng kalendaryo (hanep ang description). dahil ginagawa naming listahan ng grocery.

Monday, July 12, 2010
The Signs
Dear insansapinas,
Mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba. Part 7.
Si Dina. Nasa ospital daw siya kung saan nagtatrabaho si Billy. Overstaffed sila sa department nila kaya nagpa-assign siya sa ospital na iyon.
"Nakita mo na ba yong nurse?" tanong ko.
"Aling nurse?" tanong naman niya ulit.
"Yong bagong girl friend ni Billy." sabi ko.
"Hindi. Hindi ko alam yan ah. Alam mo ang pangalan?"
"Hindi. Ngayong gabi lang sinabi ni Angelina."
Hindi na umuwi si Billy. Iniwanan na niya lahat ng gamit niya. Bumaha sa San Francisco ng luha. Muntik na akong mamangka.
Madalas na sa bahay namin si Angelina. Umiiyak. Nabawi na niya ang kotse. Dahil nandoon si Angelina, madalas din nandoon si Brad. Gusto kong maglagay ng signage sa labas. Home of Broken Hearts.wahahaha.
Inalam ni Dina kung sino ang mang-aagaw na iyon. (wala pang asawa si Dina noon at hindi pa rin naagawan ng asawa). Inireport niya sa akin. Pandak daw. Bigla akong napatuwid ng upo. Petite daw. Bigla akong napastomach in. Payat kamo. Hindi naman daw maganda. Tahimik daw.
Hindi ko alam, gabi-gabi pala lumalabas si Angelina para sundan ang dalawa pag-uwi, Nang mahuli ko siya ay pinangaralan ko na that is stalking.
Gusto lang daw niyang makausap ng kahit isang beses si Brad para malaman ang tunay na dahilan bakit siya iniwan. Hindi pa ba naman klaro yon. Mas malaki ang kita ng nurse. Malapit ng maging citizen yon. Siya ay Working visa pa rin pati na si Billy. Kailangan pa bang i-translate ko sa pitong wika yon?

Sunday, July 11, 2010
The Letter
Dear insansapinas,
Mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba. Part 6.
Si Angelina, sinabi sa akin na nagfile ng leave si Brad.
Ahhh
Bakit daw kailangan gawin niya yon.
Ahhh
Hindi naman niya dadalhin sa opisina si Billy kasi ihahatid at sundo niya ito sa ospital na papasukan.
Ahhh
Anong masasabi ko eh di ahh. Nasaktan yong tao at palagay ko maghahanap ng ibang trabaho para lang malayo sa kanila.
Pagkatapos ng ilang buwang paghahanap ng trabaho at pakikipagblind date, balik square one si Brad. Sa opis.
Nang tinanong ni Dina kung bakit wala siyang napiling girl friend, eh hari rin naman siya ng laitero. Yon daw isa napabayaan sa kusina.
Gustong tadyakan, alipustain, batukan ni Dina si Brad, pero malakas lang na ARAY ang sinabi niya. Kung inalipusta niya si Brad, makikialipusta rin ako, sabay tingin sa weighing scale.

Friday, July 09, 2010
The Morning After
Dear insansapinas,
Mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba. Part 5.
Akala ko si Angelina ang tumawag, humihingi ng apology sa pagkalate nila. I was wrong.
Akala ko si Brad ang tumawag para ikuwento ang pagkikita nila ng boyfriend ni Angelina. I was wrong.
Kapit opisina nina Brad. Sabi umuwi doon sa Brad, namumula ang mata. Pinapahinga na nila sa kanilang guest room. Paano kako yong mother baka hanapin siya. Nasa cruise raw kasama ang kapatid na babae ni Brad.
Inaayos ni Brad ang kanilang computer sa opisina at doon na lang siya tumuloy. Gustong magtanong ng kapit opisina nila sa akin. Pero talagang nagsara na ang mata ko. ZZZZZZ,
Kinaumagahan, tumawag si Angelina sa trabaho ko, hinahanap si Brad. Aba ewan ko, hindi naman ako ang hinahanapan ng nawawalang kalabaw, anoh.
Maghahalf-day daw kasi siya dahil sasamahan niyang mamili ng mga damit ang kaniyang boy friend na tawagin nating si Billy. Malaki raw bilbil eh. toinkk.

Thursday, July 08, 2010
Bienvenida
Dear insansapinas,
Mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba. Part 4.
Alam kong umiyak si Brad sa aking ibinalita. Muntik nang umapaw sa tubig yong aking receiver. Baka sa kanila namamangka na siya sa sala nila. Mwehehe.
Kilala niya yong lalaki. Inayos nga raw ni Angelina ang papel, binayaran ang mga fees at pinadalhan yata ng pera para makalipad sa US. Dalawang martir na ang babarilin.
Bilang paghahanda pagdating ng boy friend, lumipat si Angelina isang two bedroom na bahay.
Tinulungan naming maglipat. Nino pa. Eh di si Brad.
Gabi ang dating. Naghintay kami sa bahay ni Angelina na punong puno ng gamit na mamahalin. Mayroon pang bar stools kahit wala

Wednesday, July 07, 2010
The Confession
Dear insansapinas,
Mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba. Part 3
Dumating si Angelina sa bahay. Inimbita ko siya. Talagang dapat siyang pumunta dahil pupunta kami sa bridal shower noong isa naming kaibigan. At last napa oo na niya ang boy friend nyang sumagot ng oo sa kasal.
Kailangan naming magluto ng pansit para sa potluck.
Balak ko habang nagluluto si Dina ay kakausapin ko siya at tatanungin tungkol kay Brad. Sama ng aking intensiyon. Patawarin.
Habang ginugupit ko ang bihon at siya naman ay naghihiwa ng sibuyas at nagpipitpit ng bawang sinimulan ko ng pasakalye.
"So kailan naman ang kami hihigop ng mainit na sabaw para saiyo ni Brad". (diretsahan).
Natawa siya. Pero hindi ako pinatulan. Umiwas, pumunta sa may stove kung saan nililuto ang karneng pangsahog. Mautak rin.
Mapapahiya ako nito. Hindi ako makakuha ng impormasyon. Panay ang gupit ko ng bihon. Napabilis ang gupit ko sa bihon. Kung tao ang ginugupitan ko, panot na.

Tuesday, July 06, 2010
The Truth
Dear insansapinas,
Mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba. Part 2
Habang pinapangal ko ang isang hiwa ng pizza, hinihintay kung magsalita si Brad. Wala. Catatonic din siya. Kung si Dina ay masasampal ko ng kaliwa at kanan, si Brad ay hindi. Kailangan kong kumuha ng stepladder para maabot ko siya. 5'11 ba naman.
Kailangan magpractice pa ako sa punching bag para masakit ang aking sampal at siya ay matauhan.
Anak ng pating na naging tuyo, kulang na lang maubos ko pati yong cartoon na nilagyan ng pizza bago nagsalita si Brad.
Problema raw sa opisina. simula niya.
Akala ko problema sa puso. Low bat na naman ang aking love alarm. Hindi pala sa pag-ibig.
Gusto na raw niyang umalis. Eh anong nakakapigil sa kaniya. Sa IT naman siya at noon maraming makukuhang trabaho.
Kasi raw si Angelina. Aha, di pag-ibig din.
"Ano ang kinalaman ni Angelina? "tanong ko.
"Hindi raw niya maiwanan. " Oyyyyy.
Sabi ko Couple na ba sila? May usapan na ba sila?
Sabi niya" hindi pa." Hindi naman daw siya nanliligaw.
Eh ano yong mga hawakan nila at paupo-upo ni Angelina sa kaniyang lap pag sila napagod. Ibig bang sabihin noon, mukha siyang silya? Toinkk.
Para lang big brother ang trato sa kaniya. Ha?
"Eh ikaw naman little sister ang trato mo sa kaniya?" urirat ko.
"Ewan ko, naguguluhan ako." sagot ni Brad.
Eh magulo pa pala ang utak mo sa akin pag hindi ako nakapagsuklay.
"Nagtapat ka ba?" tanong ko ulit.
"Anong ipagtatapat ko"? tanong niya.
"Ewan. Huwag mo akong kausapin." Punta ako sa fridge, Kumuha ng malamig na tubig at malakas na glug glug glug ang pag-inom ko habang gusto kong sabihin, talk to my hands. Hindi pa nahugasan ang pizza. pero naawa ako. Tiyope.
"Anong gusto mo akong manligaw saiyo?". Nagkaroon ka ba ng girl friend?"
"Hindi pa. Alam mo naman all boys kami hanggang high school. Tapos sa MIT naman lahat halos ng kaklase ko lalaki." kuwento niya.
"Siguro naman may kapitbahay kayo not unless nasa island ka nakatira at napapaligiran ka ng mga lalaking pating."
"Higpit ni mother eh. Pag may nakilala na akong babae, ang dami niyang alibi para samahan ko siya, para ihatid ko yong auntie ko at para pick-upin ang mga refills nila sa pharmacy."
"In short, ayaw ng nanay mong magkagirl friend ka."
"Mahal mo ba si Angelina? "
"Ewan ko. Paano ba nalalaman mo na mahal mo ang isang tao?" sagot niyang patanong.
"O eto ang five dollars. Sumakay ka sa sports car mo. Maghanap ka nang makakausap sa mall." Pinakain nga ako ng pizza, indigestion naman ang

The Office
Dear insansapinas,
Mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba. Part 1
Parehong exclusive school ang pinagtapusan ng ating mga bida. Si lalaki na tatawagin nating si Brad (brader sila magtawagan) at si Babae na tatawagin nating si Angelina.
Si Brad ay grumaduate sa isang exclusive school for boys sa Alabang noong high school siya at sa MIT para sa kaniyang kursong engineering. Judge ang nasira niyang tatay at malawak ang lupain nila sa Batangas at sa Quezon Province. May paupahan pa silang bahay at board and care home ang mother niya rito bago siya nakarating sa States.
Talagang barya lang sa kanila ang perang para sa isang buwan ng panggastos ng ordinaryong tao. Ibig sabihin, hindi lang mga foor ang nagmamigrate sa US.
Pinetition siya ng nanay niya; nag-overage sa tagal ng processing kaya matagal siyang nakarating sa States. (pag kasi over 21 na ang penitition, siyam -siyam na ang hihintayin na taon bago makarating dito. Kaya noon dinodoctor ng marami ang birth certificate ng anak nila hanggang i-require ng INS na bc lang na certified NSO ang tatangapin. Kaya kung minsan may mamimeet ka ditong tao na bata pa ang edad pero ang mukha, kasintanda na ni Mahoma. toinkkk (sandali bakit naligaw na naman ako).
Si Angelina naman ay nagturista at nagpapetition ng working visa pagdating dito. May sekreto siyang taglay.
Ano ko sila? Dati ko silang kaopisina na hindi ko naman nakasabay.
Wala na ako sa opisina nang dumating sila. Pero ako ang takbuhan nila pag mayroon silang problema sa kanilang boss.
Unang nakita ko si Angelina noon sa LA office namin. Hindi pa siya empleyado doon. Nagsishare lang siya sa apartment ng aming accountant kung saan tumutuloy ako pag ako lumilipad ng LA.
Tahimik siya pero kahit na grumaduate siya sa exclusive college sa Pinas, natuto siyang maghugas ng pinggan, magluto at magvacuum. Mahahalata mo lang siya ay galing sa mataas na strata ng sosyedad dahil siya ay may finesse at may grace kung kumilos. Yon bang measured ang steps kung lumakad. Hindi kagaya ko lakad maton. Pero pag humabol siya sa bus, nawawala lahat ang grace na yon. Hitsura ng Olympian sa pagtakbo. Katulad ko rin siyang maghahabol ng bus na nagkakandarapang huwag maiwanan.Pag siya ay tumawa, nakatakip ang kaniyang bunganga. Pati pag-ubo ay may style. Uhum, pahid ng bunganga. Uhum, pahid ng bunganga.
Nang ako ay umalis sa opisina, siya ang pumalit sa akin. Iniwanan niya ang LA. Ang working visa niya nakatali sa kumpaniya kaya di siya pwedeng tumanggi.
Walang samaan ng loob. Ayaw ko na talagang magtrabaho doon. Ang kuripot ng may-ari at kung hindi ko pa piliting gumawa ng check sa payroll, iiwanan ang mga taong naghihintay samantalang tatakbo siya Reno para magsugal. Ganiyan siya kasama at kaganid na mangani-nganing gamitin ko na ang karayom sa sako para siya matusok. Nakita naman ninyo, pangarap ko ang magtanggol nang naapi, kaya ako palagi ang nakabalandra sa opis niya para magreklamo. Parang bitbit ko ang DOLE.
Isang weekend, niyaya ako ni Brad at Angelina kasama ang isa pang kaibigan na may boyfriend rin na mamasyal sa Monterrey. May lumang simbahan doon at may park kung saan ang mga squirrel ay makikipagphotoop saiyo. Totoo yon walang bola. Pag click mo nang camera, nandoon sila. parang istatwa. Kasama ko rin noon si Dina dahil nga sinasanay ko nga siyang matuto sa mga tamang gawi. Baka sakaling mabahiran ng pagkafinesse ni Angelina.
Sa lumang simbahan, gusto kong kumanta ng LUMANG SIMBAHAN at ipako si Brad doon sa krus. Tahimik kasi. Nakasunod lang kay Angelina. Magkahawak kamay sila pag naglakad. Bulong ko sa kaibigan ko kung magboyfriend na ba? Sabi niya hindi raw niya alam. Hindi gumagana ang radar ko. Hindi ko narecharge. Masyado silang malihim. Malalaman ko rin yan.
Mga ilang weekend pa, may nagdoorbell. Si Brad. Hindi kasama si Angelina. Kung pwede raw tumuloy. Tinanong ko kung may dalang pizza. Wala raw. Pero pwede siyang bumili. Kako bumili muna siya, gasolina para sa utak ko kung ano man ang ikukunsulta niya. Ganiyan ako kababaw. Bigyan mo lang ako ng pizza, tuturuan na kitang gumawa ng spreadsheet, financial statements at pati Quantitative Methods. At pagmeedyo sinisipag ako, pati paggantsilyo tuturuan ko sila.
Seryoso pa rin. Pero napansin ko malungkot. Kung si Dina, pasan noon ang daigdig, si Brad naman ay pasan ang daigdig na may nakapatong pang ibang planeta. Nakisakay pa ang mga bituin. *heh*
Palagay ko problema sa puso at palagay ko alam ko kung sino. Kahit ako may sipon, naamoy ko. Pero bakit?
Abangan.
Pinaysaamerika

Subscribe to:
Posts (Atom)