Advertisement

Showing posts with label Noynoy Aquino. Show all posts
Showing posts with label Noynoy Aquino. Show all posts

Thursday, April 08, 2010

Psychiatric Evaluation of Noynoy Aquino is bogus--Caluag

 Dear insansapinas,
Ito ang KOPYA ng Psychiatric evaluation ni NOYNOY.



Itong  psychiatric evaluation si Noynoy na ginawa raw ni Father Caluag ng Ateneo. 

Hindi kaya kinopya rin ito kay Oprah at Rowling. Oooocps.

Pinagkaila naman ng pari.

Alam ko may mga time ang mga tao na may depression pero hindi ito ibig sabihin ay permanente ang disorder niya. Pwedeng recurring pag may mga reasons na nakaapekto sa kanilang mental status. 


Ito ang mudslinging ay matindi na talaga. PUTIK SA PUTIK. 
Basura sa basura. Ang mga ibang kandidato, nanood lang o may kagagawan din sila. Isip, isip, isip. 
Ito ang balita na kinopya ko sa ABS-CBN. Hindi kaya magtampo na naman si Kris nito?


The alleged document, supposedly signed by Fr. Carmelo "Tito" Caluag, assessed Aquino as suffering from major depressive disorder, and recommended continuing therapy.According to the alleged document, a sister of Aquino reported that she was "worried" that he has been depressed for 10 days.
The "document" also said that he has problems with his speech and in concentrating, due to tensions related to work and his separation from his flight attendant girlfriend.
The document also alleged that Aquino has a history of smoking, drinking, and use of marijuana when he was still in his teenage years.
Pinaysaamerika

Wednesday, April 07, 2010

When Kids act like Kids and Adult act like kids

Dear insansapinas,


Sabi ni Noynoy Aquino to Villar: Don’t exploit Baby James.

Sino ba ang gumagamit kay Baby James na hanggang gabi na ay nandoon sa campaign sortie ng kaniyang uncle.

Sabi nga ni Kris kaya raw lang naman ganoon si Baby James kasi iniinis siya dahil nga naman ilang beses na ba siyang pinalalabas ng gabing yon.

At bakit naman kailangang humingi si Kris Aquino ng apology kay Noynoy at sa mga kapatid niya para kay Baby James? Wala namang kasalanan ang bata.
In her Twitter account, Kris also apologized to Noynoy and to her sisters.
“Nag-sorry ako to Noy & my sisters right away & they told me siempre he's 2 yrs old–terrible 2s. Moral of the story–we let him be 2 while guiding him to be a good boy,” Kris Twitted last Monday, April 5.


She added, “Hay naku, ang ka naughty-han ni Bimby [nickname of Baby James]! Talagang heaven's way of making me feel all I did before to stress Mom. True, he said "Veeyar" in Bacolod rally. Nag naughty siya kasi 10th event namin that day–pagod na. Bimby is sikat so nasa news.”
Siya ay batang umaasta ng bata hindi kagaya ng mga malalaki ang ulo na laging nagwo-walk out para lang makakuha ng leverage sa mga taong gusto niyang sumunod sa kaniya. 

Meron sa aming executive noon na palagi na lang nagwo-walk out pag may ayaw siya. Noong una dinismiss yon as a person who is passionate in her work. Ikalawa, narinig ko na yong word na childish.Adult acting as kids.

At ang ikatlo, pinagsarhan na siya ng pinto ng conference room.


Pinaysaamerika

Saturday, October 10, 2009

The Family Tree of Gilberto Teodoro Jr. and Benigno Noynoy Aquino III

Dear insansapinas,
Napublish ko ang family tree ng mga Cojuangco sa aking Now What, Cat? pero ang focus ay kay dating Pangulong Cory Aquino. May nagcomment na kung pwede isulat ko sa Filipino.

Bakit family tree at hindi family trees ni Teodoro at ni Noynoy Aquino? Kasi insan, ang dalawang maglalaban ngayon sa presidential election ay nanggaling sa isang puno, ang puno ng mga Cojuangco.Kung baga sa puno, sila ay mga sanga.

Sanga ni Benigno (Noynoy) Aquino III sa puno ng mga Cojuangco family tree

Benigno Noynoy Aquino III

Si Benigno Simeon "Noynoy" Cojuangco Aquino III ay ipinanganak noong Febrero 8, 1960. Siya ang pangatlo sa limang anak ni Benigno Aquino Jr. at dating Pangulong Corazon Cojuangco -Aquino.

Ang kaniyang mga kapatid ay sina Maria Elena ("Ballsy"), Aurora Corazon ("Pinky"), Victoria Eliza ("Viel"), and Kristina Bernadette ("Kris").

Ang kaniyang amang si Benigno Aquino, Jr.

Ang kaniyang amang si Benigno Servillano "Ninoy" Aquino, Jr. ay ipinanganak noong Nobyembre 27, 1932 sa mag-asawahang Benigno Aquino Sr. at Dona Aurora Aquino na kaniyang pinsan. Ang kaniyang lolo na si Servillano Aquino ay isang heneral sa army ni Emilio Aquinaldo samantalang ang kaniyang ama ay naging opisyal sa gobyerno ni Manuel Luis Quezon at ng puppet government ni Jose Laurel noong panahon ng mga Hapon. Siya ay pinatay sa Manila International Airport noong Agosto 21, 1983.

Mga positiong hinawakan:

1. Presidential Adviser ni Ramon Magsaysay- 1949-1954
2. Mayor ng Concepcion, Tarlac- 1955-1959
3. Vice-Governor of Tarlac - 1959-1961
4. Governor of Tarlac- 1961-1967
5. Senador -1967 -1972

Siya ay ikunulong noong idineklara ng martial Law hanggang sa siya ay pinayagang lumipad ng Estados Unidos upang maoperahan sa puso. Ang kaniyang assassination ang nagbigay daan sa pagkakahalal ng kaniyang asawang si Corazon Cojuangco-Aquino para maging pangulo ng Pilipinas.

Ang ina ni Noynoy na si  dating Pangulong Corazon Aquino

Si Maria Corazon Sumulong Cojuangco ay ipinnganak noong Enero 25, 1933 January 25, 1933 at namatay sa kanser noong Agosto 1, 2009. Ang kaniyang ama ay si Jose Cojuangco ng Tarlac at ang kaniyang ina ay si Demetria Sumulong ng Antipolo, Rizal, anak ni Sen. Juan Marquez Sumulong. Ikaanim siya sa walong magkakapatid. Sila ay sina: Ceferino, Pedro, Josephine(Reyes), Teresita (Lopa), Carmen (Teopaco), Corazon "Cory," Jose "Peping" Jr, at Maria Paz.

Ang lolo ni Noynoy na si Jose Cojuangco Sr.

Si Jose "Pepe" Cojuangco Sr.ay naging representative ng First District ng Ikasampung Legislature noong 1934-41 at ng National Assembly noong 144- 1946;

Noong 1958, binili niya ang 6,453 ektaryang Hacienda Luisita, isang patniman ng tubo at golf course complex mula s Companyang Tabacaler.

Ito ay bumubuo ng labing-isang barrio sa tatlong bayan ng Tarlac.

Si Jose "Pepe" Cojuangco Sr. ay isa sa mga anak ni Melecio Cojuangco.

Ang lolo sa tuhod ni Noynoy Aquino na si Melecio Cojuangco


Si Melecio Cojuangco ay ang unang-unang pulitiko sa Cojuangco. Siya ang lolo sa tuhod ni Noynoy Aquino at Gilberto Teodor. Isa siya sa tatlong anak ni Co Yu Hwan (ang unang unang Jose Cojuangco.

Naging presidente siya ng bayang Paniqui at naging representative sa National Assembly noong 1907.

Sa kanya rin nagsisimula ang sanga ng buhay nina Gilberto Teodoro at Noynoy Aquino.

Pinakasalan niya si Tecla Chichioco at nagkaroon sila ng apat na anak.

Sila ay sina Jose "Pepe" Cojuangco, Sr.ang lolo ni Noynoy, si Juan, Antonio at si Duardo "Endeng" Sr. ang lolo ni Gilbertto.

Ang apat na anak ni Melecio ay naging kasosyo sa negosyo ng kanilang tiyang si Ysidra (anfg sinasabing naging kasintahan ni Antonio Luna ?)

Ang Paniqui Sugar Mills ay itinatag noong 1928.Noong 1938, itinatag ng Cojuangcos,Rufinos at Jacintos ang Philippine Bank of Commerce, ang unang banko na
pag-aari ng Filipino.

Si Melecio ay namatay noong 1909.


Ang kanununuan ni Noynoy Aquino at Gilberto Teodoro.

Si Ko Giok Huang ay nanggaling sa Fukien Chia. Pinalitan niya ang kaniyang pangalan
bilang Jose Cojuangco nang siya ay maging Katoliko.

Napangasawa niya si Antera Estrella na galing sa mayamang pamilya sa Malolos Bulacan.

Sila ay lumipat sa Paniqui Tarlac at nagtayon ng negosyo ng bigas, asukal at pagpapahiran ng pera.

Nagkaroon sila ng tatlong anak. Sila ay sina Melecio, Ysidra at Triniadad. Ang mga babae ay hindi nag-asawa.

Susunod: Gilberto Teodoro

Pinaysaamerika

Tuesday, September 08, 2009

NOYNOY AQUINO, tatakbo pagkaPresidente sa 2010

noynoy_aquino
Dear insansapinas,
Nakapagdesisyon na si BENIGNO "NOYNOY" AQUINO na siya ay tatakbo sa pagka Presidente sa Presidential Election 2010.

Ito an ipinahayag niya sa press
conference
Club Filipino in Greenhills, San Juan City ngayong Setyembre 8, 2009.

Haaa, kunwari nagulat ako. (laki mata, taas kilay).

Naku magandang laban na ito. Susuportahan ni Ping Lacson at sa Lunes ay may bomba siyang pasasabugin para sa kaniyng dating amo na si Erap.

Abangan. tintintintintin...

Pinaysaamerika