Advertisement

Showing posts with label Pinay Teleserye 1. Show all posts
Showing posts with label Pinay Teleserye 1. Show all posts

Monday, July 05, 2010

The Decision

Dear insansapinas,
Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 12


Isang araw ding akong walang narinig kay Dina. Nang umagang yon, habang umiinom ako ng kape at ang isa kong hintuturo ay nakatutok sa aking kanang noo, napag-isip-isip ko kung tamang pinakikialaman ko sila. Oweno, kung iwanan siya ng lalaki. Oweno kung mapauwi ang lalaki. Oweno kung lumaki ang bata na walang tatay.


Sabi ni Dina, nakaguhit daw sa tadhana na sila ang magsasama. Magkapareho sila ng iskuwela mula elementarya at high school, pero di siya pansin ni lalaki kasi maraming magagandang babae, umaali-aligid sa mga barkada nito. Kung baga sa pelikula, sila yong mga barkada na walang ginawa kung hindi ang magbantay sa may gate at magpapogi.


In fact, noon daw ay pinagtatawanan siya ng mga barkada nito dahil halatang may gusto talaga siya. Yon bang panay daan sa harapan nila at panay ang bigay ng pagkain. Kaya pinagpustahan siya. Hindi matatapos ang isang minuto, sasagot ng oo pag niligawan. Isang segundo nga lang, bagsak kaagad.


Pagkapanalo ng lalaki, isang date lang na siya pa ng gumastos ay iniwanan na siya. Naiyak daw siya noon. Nagluksa, nag-itim, nagsindi ng kandila. Muli silang nagkita nang lumipat na sila sa Maynila at kauuwi lang niya sa Saudi. Hindi nagtapos ng high school ang lalaki. Bum, barkada dito, barkada doon. 


Nagsama sila. Nang wala na naman siyang pera, iniwanan siya at naghanap na naman ng isang balikbayan din na DH. Nang maubos ang pera, iba na naman daw ang niligawan. Matindi rin ang bisyo. DH killer. 

Nang makarating siya sa States, sinulatan niya at sumagot naman. Kaya kahit may-asawa na siya, tuloy pa rin ang padala niya ng pera.  Yon na nga, pinadadalhan niya ng pera hanggang ang pinakahuli ay ginamit pala sa kasal-kasalan sa isang babae na binuntis niya. Sa galit ng asawa niyang puti, diniborsiyo siya at isinumpa siya na pag pinakasalan niya ang lalaking yon ay maghihirap siya.


Nang bumalik si Dina sa Pinas, nagkita ulit sila. At yon, nagkabalikan. Gusto kong iuntog ang ulo ko. Bakit ganon? Bakit may mga taong masokista. Yong gusto nilang sila ay nagsasuffer. Yong may martyr complex. Yong iiyak, magpapatugtog ng mga nakakaiyak na kanta at titingin sa malayo.( Aray, sinong tumapak ng kalyo ko).


Sabado noon at wala akong pasok kaya hindi pa ako tapos nang almusal nang may magdoor bell. Hmmm ang agang pampabigat na naman ng aking shoulder. Hindi na naman uso ang padding. Hindi lang palagi itong basa, laylay na sa daming kaiiyak. Sus. 
Kung ako siguro naging psychiatrist, marahil naka BMW na ako sa charges ko as professional fee.


Si Dina ang dumating. Kasama ang asawa pero hindi umakyat.  Kunot na naman ang kilay ko. Parang gusto kong uminom ng isang toneladang kape.


Sabi ni Dina,sinabi na raw niya sa asawa niya yong plano niyang isumbong siya sa authorities pag siya iniwan. Pag siya iniwan? Ibig pa lang sabihin noon, hindi niya hihiwalayan. Hoke. Bahala siya sa decision niya. Pero huwag na siyang hihingi ng tulong sa akin pagdating sa bagay na iyon. Hmppp

At sinugod pala niya ang babae. Parang yon ang namiss ko. Yon bang napadaan- lang- ako- dito- para- sabihin-saiyo-na-anong-klaseng-ina-mayroon-ka-at-nang-aagaw-ka-ng-asawa-ng-may-asawa. (Parang pamilyar. Saan ko ba nabasa ito?) (sipol).

Hanggang ngayon nagsasama pa rin sila ni Dina, hindi dahil mahal niya si Dina. Madalas wala siyang trabaho dahil pag siya tinamad, kung anong kabulastugan ang ginagawa niya para siya maalis.


Nang inalok siya ng kaibigan niyang bumili ng bahay nang kasagsagan ng subprime scam- no down payment sa mga first time home buyers, nakipagpartner ito sa kaibigan pero hindi niya isinama ang pangalan ni Dina sa titulo ng bahay. Nang magkahirapan na ng pagbayad, hila yong bahay na binili nila. BUTI NGA.


Ngayon di makareklamo si Dina sa akin. Pero may nakakalusot pa rin kagaya ng pagpapadala ng asawa niya ng sustento sa anak niya sa Pinas na galing sa pera ni Dina. Sabi ko nga sainyo, kung may santa ng mga tangang pag-ibig siya na yoon. Pero kaibigan ko siya at kahit na anong iwas kung di magsalita ay nakakapagsalita pa rin ako. Kahit tawaging akong Bruja ng asawa niya. 


The End


Subaybayan ang susunod na istorya ng pag-ibig. Mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba. 
Ginawa ninyo akong pocket book. mwehehehe


Pinaysaamerika

Sunday, July 04, 2010

The Options

 Dear insansapinas,


Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 11

Hinintay ko siya. Palabas na sana ako para bumili na naman ng bulto-bultong paper towel, toilet paper at corned beef sa Costco. Wholesale doon. Halos ang packaging doon ay malalaki na pag bumili ka ng paper towel, gagamitin mo na ito ng dalawang taon lalo at nilalabhan mo. Huwag kayong matawa, pwedeng labhan at gamitin ulit. Pero hindi ang toilet paper. Eskus mo sa mga kumakain.

Sa lahat ng mga nakakilala ko na lahat ay tinitingala akong parang butiki sa itaas, hindi dahil sa edad kung hindi marahil sa aking inabot o kaya dahil talagang mukha akong santa ( promise, wisikan mo man ako ng holy water). (sabay ilag), si Dina ang pinakamalapit sa akin.


Nang ilang buwan pa lang kaming nagkakilala, ipinagtapat niya sa akin na ngayon lang siya nagkaroon ng kaibigan na nagmamalasakit. 


Ang nanay daw niya ay pinakasal siya sa isang matanda hindi para magkaroon siya ng magandang buhay kung hindi, makapunta rin sa States ang matanda.
Bilang nanay, ipinagtanggol ko ang nanay niya na walang inang gustong mapariwara ang kaniyang anak.


Pero bakit daw siya pinadala sa Saudi?


Issue nilang mag-ina yon at ayaw kong ilayo siya sa nanay niya.


Kalmado siyang kinuwento yong balak na iwanan siya ng kaniyang asawa. Una ang sabi sa kaniya, niloko raw niya ang lalaki, Pinaniwala raw na mayaman si Dina sa Amerika. Yon pala ay walang pera at kailangan siyang magtrabaho pa. (Nasaan ba ang machine gun).


Syempre naman pag nagbabalikbayan si Dina, kahit saan siya pumunta, nakasama ang kaniyang mga kamag-anak na pag kumain sila sa restaurant ay isang batalyon. Marami siyang bisita na walang ginawa kung hindi umarbor ng dala niya o kaya ay manghingi ng pera.


Pero ang totoo pala (atin-atin lang ito), may nakilalang nurse itong si lalaki sa ospital at marahil pag bakanteng oras ni babae ay dinadalaw ito sa laundry room na maraming mapagtataguan. (Ang dudumi ng isip ninyo) pero talaga namang nangyari at naging usap-usapan sa ospital. Hanubayan. Ito namang nanay ni Dina, hindi sinabi kay Dina ang pangyayari. Ewan ko kung ano ang motibo niya pero ako siguro dahil anak ko ang naaapi, mag-aalsa ako ala Gabriela.


Ilang araw lang nagtapat na ang lalaki na sasama na siya sa nurse dahil mas malaki ang kita. Bibigyan pa ng nurse si Dina ng pera. Ano siya for sale?


May-asawa ang nurse. kasal pero siguro talaga yatang nadala sa karinyo ng asawa ni Dina at wala rin namang trabaho yong asawa. (Kainis).


Buti raw nagpapaalam siya, kasi dahil sa iskandalong nangyari sa ospital ay lilipat na ng trabaho ang nurse at kasama siyang lilipat ng States. 


Tapos biglang umiyak si Dina. Gusto kong pagsasampalin. Kaliwa, kanan, kaliwa ulit, kanan.


Sabi ko papipiliin ko siya sa dalawang options. Hiwalayan niya ang lalaki na kung saan ang sampu kong daliri ay boto o kaya ay ipaglaban niya kahit hindi sya miyembro ng partidong Laban.


Paliwanag ko sa kaniya sa aking role na abugaga ba ako--ang kaniyang berdeng papel (GC) ay temporary pa lang. Pagkatapos lang na makasal sila ng tatlong taon niya matatanggap ang permanent GC.


Para siya maging permanenteng GC, may pipirmahan pa si Dina para patunayang kasal pa sila. Not unless magreklamo ang lalaki ng verbal harassment, (yong bang inaaway mo ang lalaki o babae at tinatakot na hindi pipirmahan ang papel) o kaya physical violence (na kailangan may doctor's certification) o binugbog mo ang lalaki , hindi niya makukuha ang permanenteng card.


Ang nurse ay kailangan pang idiborsiyo ang kaniyang asawa para mapakasal sa kaniya na aabutin din ng mahaba-habang buwan,


Kapag nagkaanak siya sa nurse o kahit kaninong babae, obligado siyang bigyan ng child support ang bata. Seryoso ang gobyerno diyan sa bagay na iyan dahil ginagarnish nila ang suweldo ng lalaki para ibayad diretso sa bata o kaya kung ang lalaki ay hindi magbabayad dahil hindi magrereport ng kaniyang employment, pag-aaply niya ng citizenshipo, denied siya,


Sabi ko kay Dina, nasa kaniya lahat ang alas, Alas dos, alas tres, alas kuwatro...ooops.


Nakatitig lang sa akin si Dina. Hindi ko mabasa ang kaniyang isip kahit gamitin ko ang aking power, tututututuut.


Kaya sabi ko, pag-isipan niya in the meantime, niyaya ko siyang pumunta sa Costco para kumain ng mga libreng sample na pagkain na sa karamihan, kahit hindi na kami kumain ng tanghalian.


Abangan ang The End,


Pinaysaamerika

Saturday, July 03, 2010

The Wedding

Dear insansapinas,

Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 10

Ang problema, pera. Sus. Hige, padala siya ng pera. Nanganak, nagpadala ng pera at tinulungan ang nanay na makakuha ng titirahan, yong malapit sa trabahong nakuha kaya wala talaga siyang pera. Napasukang trabaho ng nanay niya, Environmental associate aka, janitress. At least kahit magsisixty na siya, nakakuha pa rin ng trabaho dito sa States. Hindi sumama si Dina, kasi ang kasama ng nanay niya ay ang kapatid niyang nabiyuda na asawa ng dati niyang asawa. Ang gulo anoh. Ako rin naguguluhan. Ganito yon, nang magdivorce si Dina, pinakasalan noong matanda niyang asawa yong kapatid niyang nakakatanda  at dinala rito sa States. Pagkatapos makarating dito, namatay ang matanda. May cancer pala, hindi sinasabi. Maganda naman ang intention ng matanda at mabait naman talaga siya.


Nang dumating ang fiance ni Dina, dalawang damit lang ang dala. Dito na lang daw sa States, mamili.


Pag fiancee o fiance visa, kailangan mapakasal within 90 days kung hindi marerevoke ang visa, so naging WEDDING PLANNER naman ako. Pag sa simbahan, maghihintay pa ng 6 months kung minsan. Ewan ko huwag ninyo akong tanungin kung bakit. Wala namang masyadong kinakasal dito.  Isa pa walang pera si Dina. Eh dito sa States ang gumagastos ng kasal ang babae. Remember ang movie na Father of the Bride?


Eh ako naman Kaibigan lang ng bride.


So sa huwes kami nagpunta. Para sa amerikana ng magiging asawa niya, nagnhiram ako sa aking close friend. (close friend kasi naniksik sa upuan, hehehe). Siya na rin tuloy ang driver namin, witness sa kasal at photographer.(at pagkatapos ng kasal, inarbor na ng husband ni Dina ang amerikana, kapal talaga).


Bitbit ni Dina ang kaniyang baby. Saan ka nakakitang kinakasal ay may bitbit na baby?


Nandoon din ang mother ni Dina pero wala ang kapatid niya. May pasok at baka magsigawan na naman doon, wala akong dalang duct tape.


Pagkatapos ng kasal, punta kami sa Burger King. hahahaha. Doon ang reception. Basta ba makasal eh.


Wala na nga ang nanay ni Dina sa bahay, panibago na namang problema yong asawa ni Dina. Sus, naninigarilyo rin pala. Pati yong antique kong ash tray (crystal siya na nilalagyan ko ng abubot sa aking coffee table), binasag. Pati ang mug ko na may pangalan ko, binasag. May galit ba ito sa mga babasaging bagay? Kung mukha niya kaya ang basagin ko. Guwapo raw eh, sabi ni Dina. Hmph.


Ipinasok ni Dina sa trabaho. Good. Makakahanap na sila ng sarili nilang tirahan at iwan na nila akong nanahimik. Doon din sa tinatrabahuhan ng nanay niya. Sa Laundry naman siya. Pagkatapos daw labahan ang mga linen sa ospital, natutulog doon sa pinagtutupian. Dala pa rin ang kaniyang K. Katamaran.


Dahil sa pareho silang nagtatrabaho, minsan iniiwan sa aking ang bata. Nanny naman ang role ko. Arghhhhhhhhh.


Ang bata naman, kilala na yata ako. Pag pinandilatan ko siya, tahimik siya. Pag dating ng mommy niya saka mag-iiyak. Buwan lang ang edad niyan ha.


Pero panahon na para maghiwalay ang aming landas. (music please). Yong kapatid niya at nanay niya ay nag-away naman. Akala ko gagawin akong mediator nang sinabi niya sa akin. Utang na loob. Magsabunutan na sila. Makikisabunutan din ako.


Umalis daw ang kapatid, nag-alsa balutan. OWENO.


Hindi kayang bayaran ng nanay niya yong one-bedroom apartment. Kaya daw lilipat sila at makikihati.


Nalungkot din ako. Pero pag nakikita ko ang asawa niya, kulang na lang na ako ang mag-impake ng gamit nila, iblam ang pinto at lulunin ang susi.


Nanahimik na nga ako at nanonood ng aking paboritong series ng isang araw, tumunog ang telepono. (Sumusobra na ang teleponong yan). Si Dina. Kung pwede raw akong makausap.


Eh kinakausap na nga niya ako eh. Personal daw. Sabi ko kung pera ang problema mo, magsama tayo. hehehe Pautangin niya ako ng 10 dollars at papautangin ko siya ng five.


Hindi umepekto ang aking joke. Corny kasi.


Mamaya, narinig ko yatang suminghot. Ang asawa raw niya, iiwanan na siya.


Muntik kong malulon ang telepono kung ito ay cordless. Hanubayan, wala pang 90 days.


Abangan.


Pinaysaamerika

Friday, July 02, 2010

The Baby

Dear insansapinas,

Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 9


Para akong binagsakan ng langit at lupa (sandali mali ito kasi bakit naman babagsak ang lupa. Susulatan na naman ako nito ng mga nagtatanong sa akin ng Tagalog idioms) Anyway tuloy ang kuwento. Pero talagang mali eh. Bakit naman ganoon ang reaksiyon ko eh hindi ko naman siya kaano-ano. Erase, erase.

Napakunot ang aking noo. (much better) , nagsalubong ang aking kilay na parang nagkukumustaha sabay tanong.

"Sinong tatay?  Ilang buwan na? "

Mahigit isang buwan na raw. Biglang nagcalculator mode ang aking utak. 
"Saan mo nadampot yan?" Para bang nahulog lang at dinampot.toinkkk.

"Hindi si SAM ang ama niyan. Huwag mong sabihin." Tutop ko ang aking dibdib. (sandali OA na naman ako). Erase, erase.

"Hindi. May monthly visitor ako noong umuwi ako sa Pinas."  tanggi niya,

"Eh sinong ama?" urirat ko. talo ko pa si McCoy ng Law and Order makapagtanong. 

"Si DB." 

Bigla kong sapo ang aking noo, roll eyes ako at biglang nameywang.

"Yong dati mong boypren na kinuwartahan ka lang? Yong naging dahilan ng divorce mo sa asawa mong Puti?" Naloloka ka na ba? (Talagang pakialamera ko). 


"Oo", sabi niya. "Nagkabalikan kami." Aba hindi lang bulag, bingi at pilay ang pag-ibig na yan, baliw pa." Sus. 


"Kaya nga magpapatulong sana ako saiyo na ipetition siya as fiance visa." (Ginawa niya aking "lawyer. Yong nanay niya na darating na ay ako rin ang tumulong magsubmit ng mga papel na kailangan. Pero itong lalaking ito, hindi ko yata masisikmurang tulungang dumating. bukod sa bum na ay wala pang alam na trabaho. 


Sa boses ni Miriam Santiago, " I lied." Tinulungan ko rin, on the condition na hindi sila titira sa bahay. Magsasarili na sila. Baka gawin pa akong baby sitter. Ano sila nanalo ng lotto, kahit hindi tumataya.


Dumating ang mother niya. (Mabilis ang processing pag parents). Eh saan pa ba titira kung hindi sa akin habang naghihintay na makahanap sila ng apartment.


Minsang umuwi ako, muntik ng magtakbuhan ang mga ipis sa lakas ng aking ARGHHHHHHHHHH.


Ang aking carpet, puno ng mercurocrom (paano ba spelling noon?) yong ginagamit sa manicure, pedicure. Doon pa sa sala nagmanicure. tumanda na naman ako ng isang dekada. Pag tuloy-tuloy itong tumira sa bahay ko, wala pang isang taon, aabot ako ng isandaang taong edad. Hanubayan. pati ang aking mga quarters, pinagtitiyagaang kolektahin.


Ano ang kasalanan ko at pinaparusahan ako ng ganito. (OA ko lang yan). Sa totoo lang, pag may ganiyang problema, kinakausap ko si Dina at ipinapaliwanag ko ang mali. Alam ko kung saan sila galing at dahil ako ang nakakaintindi, ako ang magpapasensiya.


Tapos papasok ako sa kuwarto ko at pagbubuntalin  ko ang aking stuffed tiger na malaki. Om,om, om.  Kaliwa, kanan.Talo ko pa si Silver Stallone.

Nanganak si Dina na wala pa ang kaniyang fiance. Tinawagan ako sa trabaho. Wala ang kaniyang kapatid at mother. Nagpaparty. Sus. 

Takbo naman ako sa ospital. Dalawang araw lang siya roon. Inuwi ang baby after two days.


Simula na ng panibagong kalbaryo ko. Panay iyak ang bata. Nasa kabilang kuwarto lang ako, dinig ko pa. Hindi ako makatulog.


Hindi nakatiis. Tulog ang nanay ni Dina. Si Dina naman ay nagkakandalokang magpatahan. Tiningnan ko ang bata. Tinuktok ko ang tiyan. Daming hangin. may kabag. Sabi ko burp mo. Saka lagyan ng oil ang tiyan para hindi lamigin, pagkatapos ibalot ng husto. Bigla akong naging nanay. Iba na naman ang role ko. Pwede ba director, ibalik mo na lang ako pagka Cherry Pie Picache.


Tunog ulit ang telepono. Long distance. (Itatapon ko na ang teleponong yan).


May problema daw sa boypren na darating.


Sabi ko. Na naman.


Abangan. 


Pinaysaamerika

Thursday, July 01, 2010

I am Pregnant

 Dear insansapinas,

Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 8


Natulala na naman si Dina  pagkatapos sagutin ang telepono. Buhusan ko kaya ng malamig na tubig.


Oke, hinintay ko siyang kumibo. Wala pa rin. Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh, bakit
ba ako magpupuyat. Makatulog na nga ulit. Pag ganito nang ganito ang kasama mo, maaga kang magtutupi ng iyong facial muscles dahil kulubot na.


Biglang iyak siya. Boypren daw niya, nasa kulungan. Ay mamah, biglang igkas ng kilay ko. Para bang yong mga artistang bagong eyebrow lift na nagugulat ang anyo.


Anong nangyari. Cool ang boses ko. Produkto yan ng mga poetry reading namin noong College na tinuruan akong magmodulate ng boses. Kaya puwede akong magboses maton o kaya boses ng isang malanding hindi makakuha ng date.


Nagviolate daw ng community service na parusa sa first offense. Kaya ngayon inenforce ang suspended sentence. Kulong na siya. Ipinag-aadya pa rin ang aking kaibigan.(Ganito dito monitored ang mga community service. Tingnan ninyo si Naomi Campbell, pinaglinis ng toilet).




Para malibang si Dina  ay pumayag na akong mamasyal kami sa Reno, kasama ng aming mga kaibigan. May time sharing ang isa mga kaibigan ko at kami ang huling pupunta rin. Patapos na ang winter pero may natitira pa raw snow kaya puwede pa kaming gumawa ng halo-halo. Tunaw na rin parang bula na lang ng sabong pinaglabahan.

Kasama ko ang dati kong kaopisinang dalaga na may pagkasuplada noon dahil gradweyt siya ng isang exclusive iskul bago siya nagtowrest dito sa Estet. Mabuti naman, magkaibang daigdig sila sa Pilipinas. Si Dina ay hindi nakatapos ng college at isang kahig-isang tuka ang pamilya. (Hindi mababa ang tingin ko sa kaniya. Mas mabuti pa nga siyang kaibigan kaysa sa mga may mga diplomang nakalaminate. Pero sa ngalan ng pag-ibig, walang may mataas na pinag-aralan, walang mayam, walang matalino, karamihan nagiging tanga).


Habang binubuno ko ang nickel na slot machine, nakita kong nagkakasundo si Dina at ang aking kaibigang dalaga. Hmmm if I know, love life nila ang pinag-uusapan.


Sa bahay na kumpletong merong fireplace at may patio overlooking mga pine trees,  nakita kong nagnguynguyan sila. Ano ba sila, si Kris at si Ai-Ai? Sus Ginoo.


Pagdating namin sa bahay, nagpaalam si Dina. Magbabakasyon daw sa Pinas.


Sa isip ko okay. Para naman malibang siya.


Pagkatapos ng tatlong Linggo bumalik. Masaya na.  Naghahanap ng santol. Santol? Mangga. Mangga?  Pagkatapos ng mahigit isang buwan, sabi niya "I am pregnant." Bammm. Sakit ng tainga. Pakiulit nga. Nabingi yata ako. Bingi na nga lalo pang nabingi.



Sinong ama? 

Abangan. 


Pinaysaamerika

Wednesday, June 30, 2010

The Sorrow and Pain - Malayo Pa Rin ang Umaga

 Dear insansapinas,

Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 7


Talaga yatang iyan ang ROLE ko sa buhay, ang iyakan ang aking balikat. Bakit ba role ni  Cherry Pie Picache na taga-alo ng mga malulungkot ang palagi kong nakukuha.

Nanood ako ng Law and Order, hindi ako mapakali.

Baka magsuicide si Dina sa lungkot at sa depression.

Pinuntahan ko sa itaas. Umiiyak.
" Gusto mong payong ? gusto kong tanungin. Baka siya mabasa eh.(toinkk, hindi oras magbiro).


"Baka gusto mong kumain?"
 Walang sagot.


"Dadalhin ko rito kung gusto mo?
Wala pa ring sagot.


Ano bang buton ang ipipress para ito sumagot. 


Biglang nagsalita. Tinapakan ko lang naman ang paa.


"Naku naman nakita mong may violent streak siya, babaero, drug addict, pakakasal ka pa pag nakakuha siya ng divorce?" nang sabihin niya sa akin na hihintayin niyang magdivorce ang dalawa.


"Ah ewan ko, hindi lang bato na nasa sako ang ipupukpuk mo sa ulo kung hindi buong rebulto ni Rizal ang iyong binabalak na ipaghampasan sa iyong sarili."


"Pati ba naman yong national hero natin aagawan mo pa pagkamartir?"


"Pero mahal ko siya eh?"


“Ano, niloko ka na’t lahat? Iha, kung gusto mong magpakamatay, sige, bibili ako ng tali, baril o lason pero phuleaaase, huwag mo akong padaluhin sa kasal ninyo anoh."

"Kasi pusong bato ka." Sagot  niya sa akin.


"Ako pusong bato? (emote ala Jean Garcia) Hindi oy, bakal pa pwede."


"At bakit naman sa akin napunta ang usapan? Ikaw itong may problema. Hige, huwag kang makinig sa akin pero oras na ikaw ay ginawang punching bag ng taong yan, huwag kang iiyak sa akin at sasama rin ako sa pagbugbog.
Hindi naman kita kaano-ano, hindi kita kapatid. kaibigan lang kita. pero nagmamalasakit ako. Kung ayaw mo akong pakinggan, nasa saiyo yan." (Ayan mahaba ng dialogue ko, pwede nang ipanlaban kahit sa Best Dramatic Actress).


Ringggggg


Sinagot ko. Hmmmm talking of the devil.


Gusto ko sanang sabihin, wala si Dina dito.  Namundok, pumunta sa Alaska, sa Colorado, sa Timbuktu. Pero siyempre, ibinigay ko pa rin telepono. Hmph. Pakialam ko ba.Pero panay pa rin ang pakialam ko.


Mula noon, halos parang library sa katahimikan ang aming bahay. Dati-rati ay nagpapatugtog ng stereo ang aking kabalay pagkagising. Ngayon ay wala siyang imik. Parang pasan niya ang mundo. Naku hindi niya ako maasahang makipasan sa kaniya. May frozen shoulder ako. 




Kahit magkaharap kami sa kainan ay hindi siya masyadong nagsasalita, maliban sa, tapos ka na? Hindi rin siya nagkakain. Good, nakakatipid kami.


Alam kong di siya galit sa akin. Alam ko binabalanse niya sa isip ko ang alin ang dapat niyang gawin, ang sumama sa lalaki o iwanan na niyang tuluyan. Parang gusto kong lagyan ng bato yong iwanan para mabigat at kung kulang pa ay sasakay pa rin ako


Hindi naman napapasyal ang lalaki dahil maliban sa magkarugtoing ang ang aking mga kilay, mahaba ang aking nguso at lahat ng hawakan ko ay misteryosong bumabagsak. .


Alam ko nag-uusap sila sa telepono. Nagkikita sila sa labas. Paano ko nalaman? KASALANAN ko ba kung parang may speaker sa lalamunan ang aking kabalay na kahit nasa ibaba ako ng bahay ay naririnig ko ang kaniyang boses.


Lalong tumahimik ang bahay namin. Parang gusto kong magtugtog ng biyulin.Hanggang isang madaling araw ay ginulantang na naman kami ng telepono.


(Dapat siguro dito ang titulo ng love story na ito ay ang Telepono. ).

Pinaysaamerika

Tuesday, June 29, 2010

The Divorce

 Dear insansapinas,


Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 6

Si Dina ang dumating. Binati niya ang bisita. Hindi niya alam bisita niya. 

May nagbuzzer ulit. Si Boypren. May naiwanan daw sa kotse niya, ibibigay lang niya kay Dina.

Nasilip niya ang bisita ko na bisita talaga nila. Pumasok siyang bigla.  Sasampalin sana niya ang babae nang sumigaw ako.

"HOY Kung magpapapatayan, huwag sa pamamahay ko. MARURUMIHAN ANG AKING CARPET. TSEE." Para akong nakalulon ng microphone sa lakas ng boses ko.  Ang gulo kasi nila.

Si Dina, shock.

Si Misis takbo sa likod ko. Ginawa pa akong shield. E kung ako mabuntal o masampal. Pag ako nasaktan, maghahalo ang peanut butter at guava jelly sa aking sandwich.


Pero takot talaga ang lalaki sa akin. Hindi naman ako mukhang maton. Maliit naman ang krus na suot ko.
Under probation siya at anytime puwede ko siyang ipadampot. Kulong siya. Strike 2. Tsee niya.


" Pakiusap, ang bahay na ito ay hindi boxing arena." Puwede na kayong umalis. Bukas ang pinto." Sabi ko. Wala akong gloves.
Biglang nagkaboses si Dina. “  Sino ba siya? "
“Misis lang naman niya”. Ako ang sumagot. 


“Alang hiya ka. Manloloko.” Sigaw ni Dina habang pinapaulanan niya ng palo ang lalaki. Gusto kong ibigay yong walis na may mahabang tangkay. Pambambo. 


Susmarya, masyadong violent. Kailangan sabitan ng parental guidance ang aking blog.

May bida, may kontrabida. Ano ang role ko? Utang na loob huwag ninyo akong bigyan ng supporting role.

Nakiusap ang misis ni Sam. Kasi hihintayin pa raw niyang pick-upin siya ng pinsan niya.Si Sam ang pinaalis ko. 

Sabi ko sa lalaki. " Bukas ang pinto, pwede ka nang umalis.” Kung gusto ninyong mag-usap, hindi dito sa bahay ko. Hindi ito mediation room at hindi ako mediator. " Maiksi ang dialogue. Hindi pwedeng ipanlaban pang best supporting actress. Pwede bang habaan?


Umalis ang lalaki. Sinulyapan ang asawa. Ang talim ng mata. Kung espada lang yon, punit ang aking kurtina. Pagbabayarin ko siya. 
Naku ha gusto pa niyang sumali sa best actor. Ano siya si Christpher de Leon?
Nang makaalis ang lalaki, tinanong ko si misis.
Nagfile na pala siya ng divorce, kaya lang ayaw pirmahan ng lalaki. Sabi ko sa kanya, wala naman silang anak, wala naman silang property, sana ay naghintay na lang siya ng 60 o 90 days at nagfile siya ng divorce by default kung di pinirmahan. Para siyang si James na hindi niya alam, marriage is over na pala.


Takot daw siyang hindi makipag-ayusan kay Sam kasi siya nga ang nagpetition ditto. At hindi pa siya US citizen dahil ayaw ibigay ni Sam ang mga papeles na kailangan niya pagnag-apply siya ng citizenship.

"Hang sama talaga ng lalaking iyan." Medyo nilakasan ko para  marinig ni Dina na nasa bathroom. Umiiyak. Mauubos na naman ang aking toilet paper. Sigh. 

Kasi naman siya yong asawa na damitan mo ang vacuum cleaner, liligawan. Damitan  mo ang poste, yayakapin at hahalikan. Pati siguro kabayo, papatulan niyan.

ARAY. Hindi naman mukhang kabayo si Dina. . In fwwerness, maganda naman siya ng ilang tulog sa babae.
May nagbuzzer. Lintek na buzzer, tapos nagring ang telepono. Mahaba ang gabi.  Malayo pa ang Umaga.

Itu..tu...loy...zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Pinaysaamerika

Monday, June 28, 2010

The Wife

Dear insansapinas,
Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 5
Naghanap ng kuwarto si Dina.  Sa pangalan niya. Siya rin ang nagbayad ng deposit at advance.

Hindi sila kasya pag dalawa sila. Can’t afford naman siyang magrent ng ng apartment. Pilay sa pagbayad sa dalawang inuupahan niya pero pansamantala lang daw yong siya ang tagabayad. Hohum. Hige na nga, kung saan ka maligaya.

Hindi na naman sila teen-ager. Ikalawang marriage na ito ni Dina Noong una sa isang matandang US citizen na Italiano. Dinivorce siya nang malamang pinadadalhan niya pa ang boypren niya noon sa Pinas. Feeling talagang charitable institution siya. Mabait naman siyang tao pero ganoon siguro talaga siya magmahal.

Kung merong Santa sa Tanga sa  Pag-ibig, irerekomenda ko siya. Highly Recommended.

Isang gabi  may nagbuzzer. Sinilip lo sa peephole. Babae.

Siya raw ay misis ni SAM.  Ha? Sabi ko pakiulit nga ? Yong dahan-dahan lang ang bigkas ng Misis.

Saan siya galing ?

Sa East Coast daw.

English spokening siya Mamah.

  "Are they going to be late?" tanong niya sa akin habang nakatingala ako sa kaniya. Matangkad siya sa akin ng ilang hibla ng buhok pero nakaboots siya.


Katulad ng isang may dugong pinoy na nanalaytay sa aking mga ugat, ibig kong simulang ang aking sagot ng AKhsually pero simpleng: Am sorry,I got no idea, would you care for tea or coffee?

"No thank you." siya naman ang matipid sa sagot.

Nalaman ko hiwalay na naman pala sila. Eh ano kung maurirat ako. Gusto ko lang malaman noh? Tsismosa.
"The marriage is over" explain niya sa akin nang walang tumutulong luha at walang kamerang nakatutok. Mas nauna siya kay Kris magdeclare ng The end ng kasal. Pero di pa raw finalized ang divorce.

Hindi raw niya alam na marami raw bisyo si Sam.  Ang bait daw nito noong nililigawan siya sa Pinas. Nakilala niya itong balikbayan at sinundan-sundan na siya, hanggang ipetition siya as fiancee visa. Titser pala siya sa kanilang probins. Wala raw itong imik at hindi umiinom.Siguro ng hindi imported beer or wine.

Nang dumating daw siya rito sa US, ilang Linggo lang matino si S.May mga gabi raw na wala siyang kasama dahil hindi ito umuuwi. Halos maloka siya  sa pag-iisa, depression na wala siyang trabaho at umaasa lang sa bigay ni S. Nakikisama siya sa nanay nito na masyadong inispoil ang anak.


Hanggang minsan isang gabi raw siyang nakatulog na umiiyak, nagising siyang may nagtatawanan sa sala. 


Lumabas siya na hindi binubuksan ang ilaw. Ang kaniyang asawa ay isang babae, magkatabi sa mahabang couch. (siguro nama hindi ko kailangang sabihin na hindi sila naglalaro ng bahay-bahayan ano?)
Bago ako nakapagtanong kung ano ang ginawa niya, malakas ang buzzer na narinig namin.

Pinaysaamerika

Sunday, June 27, 2010

The Arrest

Dear insansapinas,
Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 4
Tawag kay Dina. Tawag mula sa Presinto. Kung tama ang aking baraha, si boypren yon. Ano kaya ang kasalanan, murder, robbery  o kidnapping? Kasi kung traffic violation naman yon, padadalhan lang ng notice na kailangan niyang magbayad at mag-attend ng  schooling.

Bumilang ako ng sampu, nasa lima pa lang ako, kumatok na siya sa kuwarto ko. 
Nang hihiram ng dalawang libo. Muntik kong malunok pati yong basong may malamig na tubig. Anong akala niya sa akin Federal Reserve Bank?

Nakasuhan daw, illegal possession of ugly face eheste drugs.

So?

Sabi ko huwag siyang pupunta. Sabi ko tawagan ang kanyang mga kapatid, magulang at isang batalyong kamag-anak. Ano siya nababaliw, bakit siya ang magpapahiram ng pera. Hiram ba o bigay?


ORAS na pumunta siya sa istasyon ng Tren eheste polisya, magiging suspect din siya.

Bakiiiiiiiiiiiiit? Eh kaso possesion of illegal drugs. Nakuha sa kotse niya. Baka akalain, nagdadrugs din siya.

Ang tarantado talaga. Drug addict pala.

Hindi naman daw. Naiwan lang daw ng kaibigan niya sa kotse. Bah hindi lang siya bail bondsman, may ambsiyon pang maging lawyer.

Hoyyyyyy, kapag ang droga ay nakuha sa kotse mo at ikaw ay mukhang addict o high,
no ifs. no buts.

HAA, kahit na five dollars hindi ako magbibigay. Bigyan siyang leksiyon.. Kung magdurog din kaya ako ng siling labuyo at ilagay ko sa kinakain nila sa bahay. Priceless.

Tumawag si Dina sa mga kapatid ng boypren niya. Ayaw ding tumulong Buti raw makulong.

Nagpaalam si Dina na dadalawin raw niya.

Ilang buwan ding nakulong si SAM. Tapos pinalabas para community service. First offense raw.

Naging born again sa loob. Sabi ni Dina panay daw may praise the Lord pag nagtatapos ng salita.

Hmmm, sandali kaagad naman naconvert. Hmmmmm

Pero hindi na siya nakatapak sa bahay kahit ilang pang bibliya ang iharap niya sa akin. 

Makapagsabit nga ng maraming bawang.

 Hindi epektibo.

Isang gabi, dumating sila. May dalang maleta si SAM.

Sabi ni Dina, pinalayas daw ng landlord. Pansamantala raw titira sa bahay habang naghahanap ng trabaho at ng titirhan.

Balak pang gawing halfway house ang bahay.  Pag pinilit niya yon, tatawag ako ng pulis. 
Takot lang niya. Conditional yong pagpapalaya sa kaniya.


Hindi sila pareho kumikibo.

"Hoy babae, kung gusto mong magpakamartir, doon sa malayo sa akin. Dahil kung ikaw ay babarilin sa Luneta, ako ang sisigaw ng FUEGO."

Pinaysaamerika

Saturday, June 26, 2010

The Rules

Dear insansapinas,
Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 3Kung totoo lang na may power ako, sana'y dinutdot-dot ko sila ng aking magic wand at ginawa ko silang mga palaka.
photocredit:MSNBC

Kaya lang di ko narecharge yong wand ko. Lowbat.

Tinawag ko si Dina sa itaas. Sabi ko bababa ako pagkatapos ng sampung minuto. Pag nandoon pa sa ibaba ang boyfriend niya at ang mga alipores nito, tatawag ako ng pulis.

Sa Pilipinas, nanghahabol ako ng itak ala Gabriela. Hindi ba nila alam?


Mabait naman si Dina. Takot din siya sa akin. Mga ilang minuto pa ay tahimik na sa ibaba pero alam ko galit sa akin ang boyfriend niya. Oweno. 


Nilinis ni Dina  ang duming iniwan ng grupo na nagmamadaling lumipat siguro sa lugar ng boyfriend niya kung saan ay 19 inches lang ang TV.Time to sit down and discuss house rules. Ayoko sanang gumawa ng rules pero ang klase ng lalaking yon ay abusado.


1. No boyfriends sleeping overnight. Alalahanin niya dalawang babae kami roon. Eh kung may papasukin na iba yon habang natutulog kami. At igapos kaming dalawa?


2. NO SMOKING sa bahay. Kahit pa siya Presidente. Ooooops. May maliit akong backyard, pwede sila doong manigarilyo. 
Minsan nga naiwan pa niya yong sigarilyo doon sa bathroom sa ibaba. Hanap ng hanap, eh yon pala malapit nang maupos at sinisunog na yong aming sink.  


3. NO DRINKING sa bahay. Masama akong malasing. Umaakyat ako sa kisame. Yuk yuk yuk


4. Ang pagkain sa refrigerator ay para sa dalawa lamang. Additional mouth to feed, additional share sa gastos. At hindi yon palamigan ng beer na sa dami, wala tuloy espasyo yong aming bottled water. Tsee.


Hindi rin fastfood ang aming kitchen. Kakakain na nga doon  may "pabalot " pa para hindi na raw magluto.


Magnet talaga ako sa mga babaeng kung umibig bulag. Lagyan ko lang ng colored glasses at paupuin sa Quiapo, kikita ako. 


Pero ganiyan talaga ang umibig.

Lumabas din si Dina. Marahil pumunta sa bahay ng boyfriend. Hindi naman siya natutulog sa bahay ni boyfriend. Hmmmmm. May hinala ako. Ang diwa ko ay naglalaro. Wala nga lang kalaro.

Di na rin makaakyat ang lalaki sa bahay. Nagkikita sila sa labas.

Dati para kaming si Batman at Robin. Ngayon wala na si Robin.Kasama na siya ni Joker. 


Dati para kaming si Darna at Ding. Ngayon si Ding ginamit na ang bato sa mga ibon. (ang bato Ding, ang bato)

Dati-rati ay magkasama kaming magsimba, mamalengke at kumain sa labas Ngayon iba na ang kasama niya.

DINA rin siya babad sa phone. DINA rin siya nanonood masyado ng TV sa ibaba. DINA rin siya nagkakaraoke. 

Hanggang isang gabi, tumunog ang telepono. (bakit ba ang hilig tumunog ng telepono kung kailan ka tulog. Mabago nga ang script).


Abangan. 

Pinaysaamerika

Friday, June 25, 2010

Honey Pie at iba pang Pie Pie

Dear insansapinas,

Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 2

Ikalawang Linggo ng pagkikilala, ang tawagan na nila ay Honey Pie at Sweetie Pie. (Inggit lang ako. Later, nang magpakasal ako kay JB, ang tawagan namin, Mr. B at Mrs. B. Para bang bubuyog). bzzzzz

Masaya ako para sa aking kaibigan. Masaya siya ulit. Honest, madapa man si Lady Gaga.
Dito naman kasi hindi porke boy friend mo na ay kasalan kaagad. Minsan taong nagsasama bago magpakasal. Tingnan ninyo si Harrison Ford (tulo luha) ngayon lang pinakasalan si Calista. Anyway back to the main story. 

Isang araw may nakita akong bagong furniture. Yong isang upuan na ginagamit pag nanood ng TV. Hmmm, sumikip tuloy ang sala. 

Regalo raw ni SAM kay DINA. 
Sumunod na delivery ay TV. Malaking screen. Galante. May konperensiya ng nagaganap sa aking ulo. Declaration of war.

Linggo, dumalaw si boyfriend. May game daw ang gusto niyang manood. Magsisimba muna kami sa misang panghapon. Kung puwede raw siyang maiwan sa bahay.

Hindi ako mapakali sa simbahan. Napapalakas ang aking boses sa pagkanta. Baka ako madiscover tuloy. Uso dito sa simbahan na may ikalawang homily pagkatapos ng misa. Hindi naman talaga homily kung hindi additional chance na magpaikot ulit ng collection box para sa project ng simbahan.  Gusto ko nang puntahan yong pari para tapusin na ang napakahaba niyang homily. Abah, lalong hinabaan. May batian pa ng mga bagong dating sa parish. Kulang na lang maging dedikeshyun ang homily niya. grrrr grrrrrrr


Pagkatapos ng misa, nagyaya si DINA sa convenience store. Bibili raw kami ng pagkain.


Bumili rin siya ng isang paketeng sigarilyo.

"Kanino yan? " tanong ko.

"Kay Sam." Pinabili niya ako dahil wala na siyang sigarilyo."


"Nagbigay ba ng pera ?" tanong ko.

"Hindi raw."
Palipat-lipat ang taas ng kilay ko. Dalawang nasyon na lang ang pipirma at babagsak na ang atomic bomb.

Dumating kami sa bahay. Maraming tao sa sala. Maingay. Mausok.
Amoy beer.
Nagkamali yata kami ng pasok.

Pero tama naman ang addresss. Nandoon naman ang aking retrato na nangiti at nakapatong sa isang mesa na ngayon ay parang nakasimanot na. At nandoon ang aking mga throw pillows na pinagtiyagaan kong tahiin
. Handmade ko gawa sa eyelet at may tatlong layers ng lace. Pinatungan ng bote ng beer. ARGHHHHH

This means world war, Pumpkin Pie.

Pinaysaamerika 

Thursday, June 24, 2010

Blind Date

 Dear insansapinas,

Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 1

Minsan ang mga Overseas pinay ay napapaibig dahil na rin sa lungkot. Dito nila napapatunayan na ang distant relationship ay di nagtatagal dahil di makasakay sa eruplano. ahay ano ba ang sinabi ko. toinkk


Ito ang kuwento ng isang Pinay kong kaibigan. Itago natin sa pangalan DINA. (Madalas kasi niyang sabihing Dina siya iibig pang muli). Isa siya sa tumira noon sa aking bahay. Dahil nag-iisa ako noon sa two-bedroom townhouse , pinauupa ko yong isang kuwarto. Yong iba naman ay nakikisleep over nang ilang araw lalo na kapag depressed sila.


Katatapos lang ang kagimbal-gimbal na paghihiwalay ni Dina  sa kaniyang boy friend sa Pinas.(ibang istorya yon, utang na loob, isa-isa lang). May ipinakilala ang kaibigan ng kaibigan sa kaniya para makalimot. Sabi ko noon, hige kaysa naman matulili ako sa mga malulungkot niyang musikang pinatutugtog, araw at gabi sa kaiisip sa dating boy friend.



Blind date sila. Hindi ko alam na talagang mabubulag siya sa pag-ibig.


Guwapo ang lalaki  pag nakatalikod. Maganda kasi ang hugis ng kaniyang katawan at laging style ang buhok niya. Pag humarap siya, kamukha niya ang isang yumaong comedian. Ang mukha niya ay nanggailangan ng palitada. Marahil pinanggigilan niya ang kaniyang mga tagihiyawat noong teenager siya.  (Huwag kayong mag-alala, gumawa na ako ng sariling punishment sa pagkalaitera ko. Hindi ako kakain ng lunch. Pag alas dose. Alas dos na lang, dalawang oras ding sakripisyo yan).

Unang araw ng dalaw, may dalang bouquet of roses si lalaki na tawagin nating SAM.(sama ang mukha, mweheheh, o sige alas tres na lang ang lunch). May dalang cake para sa akin.
Pagbalik nila, nakaupo sila sa mahaba kong couch. Magkabilaang dulo. Para bang nasa banca, nagbabalansehan.
Ikalawang dalaw, may bulaklak pa ring dala pero yong inaalok lang nga mga babaeng Latina sa mga bus stop. Sa isip ko baka nagmamadali, hindi nakaraan sa flower shop.
Meron pa ring cake. Gusto niyang magkadiabetes kami. Nakaupo sila sa couch, nanonood ng TV. Magkalapit na.
Ikatlong dalaw, wala na ring bulaklak at wala ng cake. Masama ito. Wala na akong mameryenda sa gabi. Magkalapit na sila sa couch. Nanonood ng TV.
Late akong dumating nang gabing yon. Alam ko nasa bahay ang aking kasama. Nandoon ang kotse sa garahe. May susi naman ako. Bukas ko ng pinto. Bukas ang TV. Nasa couch sila. Magkayakap sa dilim. Titili sana ako pero pinigil ko. Inignore ko sila. In love eh. Ganiyan ako ka-understanding. 


Diretso na ako sa itaas, sa aking kuwarto para di sila mapahiya. Hmmmm ginawang sine ang aking sala. Meron kayang dalang pop corn?

Pinaysaamerika