Advertisement

Wednesday, December 28, 2005

Ang Kuwentong Hindi Pelikula (Kulit ninyo eh)

Ito ang Part 1, Part 2, Part 3,
Part 4
, Part 5, Part 6, Part 7

Hey pick up the phone. Haynaku ang aking kaibigan na naman yan.
May breaking news na naman siguro sa kaniyang mader at ang hani
nito.

Sandali, tapusin ko muna ang pagguhit ng kilay ko. Medro tabingi eh.

Ring, ring ring ring. Merry Christmas!! Merry Christmas !! Just
leave a message. If you have a gift, leave your number. This
message is good only up to Dec. 31, 2005.

Answering machine ko po iyon. Customized. Di ba di nakantahan
ko pa sila.

Ring.. Hilew.

Kaibigan: Buti naman pinick up mo na ang phone. Ano ba
ang ginagawa mo?

Ako: Eh di nagdodrowing.

Kaibigan: May balita ako saiyo tungkol kay mader.

Ako: O sandali ha at uupo ako at kukunin yong aking pop corn.
Parang pelikula eh.

Kaibigan: bumalik ang boy pren ng mader ko.

Ako: Bakit daw? (Ngata pop corn).

Kaibigan: Kasi nalaman yatang irereport yong pagdala niya
ng sasakyan.

Ako: Huwag mo nang sabihin sa akin. Sasabihin ko na. Tinanggap
ulit ng mader mo anoh?(Ngata popcorn)

Kaibigan: Oo, kasi magbababayad naman daw.

Ako: Na naman. At saan namang kamay ni Hudas kukunin
ang ibabayad niya sa dami niyang hiniram eheste kinupit
sa bangko ng mader mo? (Inom soda)

Kaibigan: Kasi raw ay makukuha raw pera sa dati niyang
pinagtrabahuhan. Naempleyo raw kasi sa isang kumpanya.
Floor Manager ( tagalinis ng floor). May nadulas daw.
Sinuspendi raw siya. PAgkatapos na malaman na hindi
niya kasalanan, pinababalik raw siya. Ayaw na niya.
Dinemanda raw ang kumapanya ng wrongful termination.
Makakuha raw siya ng 40,000 dolareses.

Ako. Gandang gumawa ng istori talaga ang hani ng iyong mader.
Una: may tatanggapin daw siyang 401K kaya hindi umaalis sa
bahay noon at baka mawala ang tseke.Ngata popcorn tapos inom soda
glug glug glug)

May tinaggap ba? Wala.

Ikalawa: May refund daw sa tax.
Paano kaya magkakarefund yon ay siya ay hindi nagfile
ng income tax return dahil ginawa siyang dependent
ng nanay mo.

Ikatlo: May tatangapin daw pera galing sa Pinas.

Ngayon ito na naman.

Hee.

Isa: Hindi wrong ful termination. Dahil suspension lang
yon. Tapos pinababalik naman siya.

Ikalawa: Employer at will dito. Anytime puedeng tanggalin
ang empleyado.

Ikatlo: Kung probationary, lalo na siyang pwedeng tanggalin.

Hohum.

Kaibigan: Ano ang maipapayo mo.

Ako: Huwag na siyang maghintay ng Pasko. Tapos na eh.

Kaibigan: Bagong taon kaya?

Ako: Huwag mong guluhin ang kilay ko. Kadodrowing ko lang
nyan.

Monday, December 26, 2005

Ang Kuwentong Hindi naman Pelikula Part 7

Ito ang Part 1, Part 2, Part 3,
Part 4
, Part 5, Part 6

Dear insansapinas,

Ringggggg

Siyempre telepono yon anoh. Pero hindi ko muna pinick-up. Alam ko ang tumatawag
kahit wala akong caller's id. Ang kaibigan ko yon. Hohumm palagay ko tungkol
na naman sa kaniyang mader dear.

O sige na nga. Masagot na nga. Hilew.

Kaibigan: Katagal mo namang pumik-ap ng phone.

Ako: Ay mamah, sinusuheto ko pa ang sutil kong buhok at ninamnam ko pa
ang aking kape nang tumawag ka. O hala kanta na.

Kaibigan: Naku masasakal ko talaga ang mader ko.

Ako: Salbaheng anak, hindi ka pupunta niyan sa langit. Aber at ano naman
ang kamartiran ang ginawa. Baka irekomenda ko na siyang maging santa.

Kaibigan: Nakakuha na raw ng trabaho yong asawa ng kabit niya. Live-in daw kaya
umalis na doon.

Ako: Di magandang balita.

Kaibigan: Umalis na rin daw ang kanyang kabit.

Ako: Di lalong magandang balita.

Kaibigan: Kaso tangay yong SUV at hindi naman binabayaran ang amortisasyon
noon buwan-buwan.

Ako: Ah masamang balita.

Kaibigan: Isa pa ninakawan na naman siya sa ATM.

Ako: Talagang masamang balita.

Kaibigan: Nagtatanong kung ano raw ang gagawin niya.

Ako: Eh idemanda niya.

Kaibigan: Eh di nga siya marunong eh.

Ako: Eh ikaw marunong?

Kaibigan: Hindi rin.

Ako: At palagay mo ako marunong?

Kaibigan: OO naman.

Ako: At palagay mo tutulungan ko siya.

Kaibigan: Kung gusto mo.

Ako: Haynaku, ayaw ko na. Nadala na ako sa pagtulong. Ako pa ang masama.
At saka baka pag sinimulan mo yang idemanda, lambutsingin lang ang
nanay mo, lumambot na naman yan.

Kaibigan: Oo nga eh.

Ako: Ang maipapayo ko lang ireport niya sa DMV ang pagtangay ng kotse
at sa pulis.

Kaibigan: Saan siya tatawag?

Ako: Susmaryones naman, hindi naman ako phone book para malaman ang mga telepono nila
anoh?
O hige na at kailangan ko nang maligo sa gatas. Tawagan na lang ulit tayo.

Tumingin ako sa salamin. May maliit na taghiyawat na lumabas sa pisngi ko.
Tingnan mo yan, may tumubo tuloy sa aking taghiyawat dahil sa mga taong ito.

Matiris nga. Araaay.

Pinaysaamerika

Sunday, December 25, 2005

Ang Kuwentong Hindi Naman Pelikula Part 6

Ito ang Part 1
Ito ang Part 2
Ito ang Part 3

Ito
ang Part 4

Ito ang Part 5

Dear insansapinas,

Dapat siguro palitan ko na ang titulo sa Ang Martir na Dapat Barilin sa Buwan.

Tulad nang naikuwento ko, dinala na ng Hani ng mader ng aking kaibigan
ang kaniyang tunay na asawa sa tinitirhan nilang kuwarto.

OO Birhinya. Kuwarto lang yon kaya isang kama at isang upuan marahil.
Upa diyan ay mga Limandaang dolyares. Eh part time lang naman ang
tarbaho ni Hani (Bakit ba ako naikihani. TOINKTOINKTOINK).

Ang kita niya marahil ay wala pang walong daan dolyareses isang
buwan. Hati raw sila sa bayad da kuwarto.(Hindi naman nagbibigay).
Hati raw sila sa pagbabayad sa Van (take note SUV)na umaabot din
ng anim na raan dolyareses isang buwan. (Hindi rin naman nagbibigay
ng kanyang share).O di va martir yang nanay ng kaibigan ko. May
pakain na siyang Hani , papakainin pa rin niya ang asawa nito.

At itong SUV ay regalo raw sa kaniya pero gamit naman ang
kaniyang credit card, pati down payment ay kaniya rin.
Kaya next time na may magsabi sainyo na reregaluhan kayo ng kotse
pero credit card ang gagamitin, pakitawag lang ninyo ako at sasamahan
ko kayong ihulog yan sa bangin. Tsee.

Ang siste nito, ikinukuwento niya sa kaniyang mga kasamahan.
Kaya tuksuhan tuloy kung sino ang nasa kaliwa at sino ang nasa kanan.
Nakakarating tuloy sa aking kaibigan at ang tanong ay bakit niya
pinababayaan.

Sagot naman niya...Mahirap magpalaki ng magulang.

Pinaysaamerika

Wednesday, December 21, 2005

Ang Kuwentong Pelikula Part 5

Ito ang Part 1
Ito ang Part 2
Ito ang Part 3

Ito
ang Part 4


Dear insansapinas,


Christmas Song

Haynaku, nagkape na ba kayo. O sige, upo na at basahin na ang kuwento.

Nang magising ang aking kaibigan at ang kaniyang asawa ay wala na
ang magsing-irog. Sila ay nag-alsa kahon. (maliit ang balutan).

Ang siste nito, tinawagan ng kaniyang mader ang lahat ng kamag-anakan
nila at sinabing pinalayas siya.

Eto ngayon ay masaya. Tadaaaan. Dumating ang legal na asawa mula sa Pilipinas.
Syempre, di muna itinira ni lalaki yong asawa niya sa nakuha nilang kuwarto.

Pero Daaay, yong binili ng mader ni Kaibigan na kotse, ang gamit niya sa pagdalaw
at pag-alalay sa kaniyang asawa.

Mamatay-matay sa sama ng loob ang ikalawa. Eheek di pala ikalawa dahil hindi
naman siya pinakasalan kahit na pangako sa kaniya ay ididiborsiyo niya
ang asawa pagdating dito.

Syempre, ilang araw lang ang nakaraan. Tawag sa bangko ng mader ni Kaibigan.
Huhuhu, peneke ng lalaki ang pirma ng mader niya para makapag-opn ng credit card.

NO BA YAN.

Tawag ang kaibigan ko sa mader niya. ABah pinagtanggol ang kaniyang Hani.
Bakit ba naimbento ang bulag na pag-ibig anoh. Bigyan nga ng salamin.

Ilang linggo lang, nakita ang mader niya na umiiyak sa may ladies
room sa pinapasukan nito.

Inilipat na raw sa kuwarto nila ang tunay na asawa.
Kuuu kahit naman may Santo Kristo ka sa dibidib, ay makakapagsabi
ka ng Pu------------------------------------------
tulin.

Kala ninyo ano na ha.

ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZzzz

Pinaysaamerika

Tuesday, December 20, 2005

Ang Kuwentong Parang Pelikula Part 4




Bago ang lahat kumanta muna tayo ng Tagalog Christmas song.

Ito ang Part 1
Ito ang Part 2
Ito ang Part 3

Dear insansapinas,

Naku mga Day, sinugod ng aking kaibigan ang maglover.
Tahimik ang matandang lalaki pero bubulong-bulong nang
pakialamera. 'Tural lang no. Mader niya yon na niloloko.

Iniwanan niyang nag-aaway ang dalawa. Inasahan niyang palalayasin
ng kaniyang mader ang lalaki. NAKU HA. Paglabas ay parang
pusang nakakain ng daga ang lalaki. Ayos na naman. Nabola
na naman niya ang mader ni Kaibigan ko.

Ekspalansyon. Kasi raw noong hindi pa sila magkakilala ay
umuwi si lalaki sa Pinas at muling nakita ang dati niyang
gerl pren bago siya pumunta sa Estet. NAPILIT da siyang
pakasal dahil may nangyari sa kanila.

PAKISAMPAL NINYO NGA AKO. At BAHKEEET mabubuntis pa ang
mahigit na sisenta ? Aber, aber, aber.

Yon daw petisyon niya ay noong hindi pa sila magkakilala.

PAKISABUNUTAN NGA AKO. Eh tatlong taon na silang magkakulakadidang
eh ang petisyon naman sa asawa pag citizen ay wala pang dalawang
taon anoh.

ATTTTTTTT kung wala talaga siyang malasakit at pag-ibig
sa babae, bakit pinadalhan niya ng pera. Ninakaw pa sa ATM
ng mader ng KAIBIGAN ko. O di ba. O di ba.

KAGIGIL talaga.

Ang asawa ng kaibigan ko at nagpalayas sa kanila. Ayaw niyang
makita ang biyenan na niloloko mismo sa bubong ng kanilang
tahanan.

AYAW ng dalawang magsing-irog. Magunaw na raw ang mundo.

Abangan.

Pinaysaamerika

,,

Monday, December 19, 2005

Ang kuwentong Hindi Pelikula Part 3

Dear insansapinas,

Ito ang part 1.
Ito ang part 2.

Kahihiga ko lang ulit ng madaling-araw na iyon nang tumunog ang telepono.
Ang aking kaibigan. Nakatanggap daw siya ng overseas call mula sa Pinas.
Isang babae. Hinahanap daw ang Hani ng kaniyang mader. Ang mader niya
at ang hani nito ay nakatira sa ibaba ng kanilang bahay.

Eh bakit tumawag sa kaniya? Malay ko, malay mo. Malay niya.

Kasi raw nakasara raw yata ang cell phone ng kaniyang asawa.
ASAWA? Sinong asawa? SINOBASIYA ?

Kita ninyo nakacellphone pa ang kaniyang Hani kahit na walang trabaho kung
hindi ang magparttime. Bayad lahat yon ng mader ng aking kaibigan.

Paki bigay daw ang message kung hindi puwedeng makausap. KULANG DAW ang pinadalang pera para sa pag-ayos ng papeles niya papunta sa Estet.

Kung siya ang asawa, ano ang mader ng aking kaibigan.

BAM bam bam (tunog po yan ng aking ulo na inihahampas ko sa dingding).

O masamahan nga ang aking sistah na si Kiwi para magkape.

Sa muling pagbabalik ni Pinay..nay nay nay (kita ninyo may etso pa (ehek echo pala).

Pinaysaamerika

Sunday, December 18, 2005

Kuwentong hindi pelikula Part 2

Dear insansapinas

Ang salaysay na ito ay para humusga kung hindi para magbigay
ng leksiyon.

Ito ang part 1.

Kinausap ng aking kaibigan ang kaniyang mader dear. Kinausap naman
ng mader dear niya ang kaniyang Hani.

Medyo may tumulo pa raw luha. Kasi raw meron siyang ampon sa Pinas
at nangailangan ng pera dahil penipetition niya.

Naawa naman ang babae at sinabi niyang Ah ganoon pala.

O di ba, o di ba. Bilis niyang naniwala. Pitikin ko kaya?

Ampon daw ha. Tawag naman sa akin ang aking kaibigan. Tanong ko naman.
At sino naman yang inadopt na yan ? Ilang taon na? Anong relasyon nila.

O di ba. Para akong ahente ng INS ano.

Pero talaga yatang totoo ang kasabihan. Bulag ang pag-ibig. Lagyan mo man ng makapal na salamin ay kakapa-kapa pa ring panininiwalaan ang minamahal. Pwee.

Nangakong magbabayad. Meron daw siyang darating na pera sa Pinas.

Aba; sarap talagang ingudngud. Meron pala siyang perang manggagaling
sa Pilipinas eh bakit kailangang magpadala pa. Babaw ne po.

Gusto kong sugurin at sabihing, NAKAKAUTAK ka ba? Parang tanga
ang mapapaniwala mo niyan Eh meron ngang tangang naniwala.

Isama ko kaya sa ngudngod.

Hee. pinatataas ninyo ang aking blood pressure.






Itutuloy.

Friday, December 09, 2005

Si Pinay at ang Ginawa siyang tanga pero, subali't hindi naman siya tanga


Haba ba ng titulo?

Wala ang aming lecturer pero may substitute siyang pinadala.
Hmmmm, umiral na naman sa akin ang pagkamaobserba. Ang
aming regular lecturer ay itim pero malinis siyang manamit.
Plantsado ang kaniyang isinusuot at magkakapares ang kaniyang alahas.
Ginto mga dahleengs. Hindi tubog.

Itong substitute ay medyo parang bagong gising na humablot ng
masusuot sa cabinet at bigla na lang nagdrive papunta sa
iswul. Latina yata siya. Pero accent, Merkano na.

O di ba PINTASERA Ako. Ganyan daw talaga para hindi maging losyang ay
maging pintasera ka. Saan ko ba narinig yon.

Kaya lang bakit ko ba siya ikinikuwento? Kasi pinahanginan niya ako na para bang
TANGA ba ako? Kinuha ko nga yong salamin sa aking bulsa, sinilip ko ang aking
mukha at tinanong ang aking sarili. Mukha ka bang tanga?

Kasi ito yon. Nagkukuwento siya sa kasama ko na CFO raw siya at galing daw siya
sa biotech firm.

Sabi naman ng aking kaibigan. WOW, di accountant ka pala o CPA. Biglang
gumalaw ang aking kaliwang tanga. UHmmmm kababaryo ko sa profession.
Medyo nilakasan ko ang frequency ng aking antenna habang ako ay nasa
computer at tinatapos ko ang isa mga pinagagawa sa amin.

So para bang nirecite niya ang kaniyang resume sa podcast. Ako naman pakinig kete,
pakinig kete. SANDALI, break, break. Bakit yata ang mga sinasabi niya
ay hindi job descriptions ng CFO o kaya ng Accountant?

Makasali nga sa usapan. Alam mo naman ako, lumalaki ang aking ulo pag may
naririnig akong mayabang. NASASAPAWAN ako beybi. hehehe DI ba Ate KIWI. Bila siyang naging Ate. hakhakhak

Tinanong ko siya kung ano ang hinahawakan niya. Pero daw. O hokey. Finance nga.
Sabi naman ng aking kaibigan, (Syempre disipulo ko siya noh, kung hindi, hindi ko
siya tuturuan na pinalamadaling mag-edit ang magright click sa mouse), hey you speak the same langugage with my friend here. She's an accountant and a tax professional too.

Kambiyo siya. Binigyan kami ng calling card. Hindi naman niya card yon eh.
Sa mga temp agencies na naghahanap ng mga temp employees. hehehe

Sabi ng kaibigan ko, what about your calling card? Hanep, instructor lang pala siya sa Computerized Accounting. At hindi siya Accountant. Nagtuturo lang siya ng
Computerized Accounting na mayroon ng librong ginawa at inuulit lang nila
ang nasa libro.

Parang gusto kong ibato yong computer. Kaya lang sandali, binuksan ko muna
yong aking website.

Marami niyan dito. Yong mga mahilig magkunwari na hindi naman talaga nila expertise.
Kung makakalusot lang lalo na sa mga mukhang Tanga. Mukha ba talaga akong Tanga?
Toink toink.

Pinayssamerika

Thursday, December 08, 2005

Lamig...

Dear mouse,

Biglang lamig dito sa lugar ko. Yon tipo bang pag umupo ka
sa inodoro, mapapasigaw ka ng GINAW.

Nanonood ako ng The Buzz noong Linggo nang dumating
ang aking kaibigang lalaki. Nagpapatulong basahin yong
application para siya maging PUTI kahit hindi siya magbleach.
yuk yuk yuk.

Kulang ang pinadala sa kaniya. OO BIRHINYA, maraming tanga
at tamad sa gobyerno kaya nakakalimutan nila minsang kumpletuhin
ang dapat kumpletohin. Kaya huwag ninyong isiping dahil
Puti ay superior na. HINDI AH.

Tuloy pa rin sila ng kanyang girl friend sa internet.
Whoaaa. In love ang loko. Di naman inaamin. Gusto ko tuloy batukan.

Naghahanap yata nang mapagkukuwentuhan kaya gabi na ay ayaw pang
umalis. hehehe. Hige kuwento. Ano kanyo, ikuwento ko sainyo.
Ano ko tsismosa. heee.

Nasira pa ang aming water heater. Takna. Parang yelo ang tubig
sa lamig. Alam naman ninyo ang Pinay. Tabo ang ginagamit.
LAMIG.

Pinaysaamerika

Wednesday, November 30, 2005

Ito na ang kwento na hindi pelikula

Naku Day ang bidang ang lalaki ay sa hindi naman ako namimintas pero mukhang tisiko.
Ang kapal. Kung sana ay guwapo pero sabi nga ng anak ng kaniyang niloko, mukha yata siya yong hahabulin ng sabon at tubig para lang maligo. Tsee.

Noong nagsasama pa sila, ay kinikilabutan ang aking kaibigan pag naririnig niya ang kanyang nanay na tinatawag itong Honey. Hanep talaga kung maglambing ang Datan. Meron pang
breakfast in bed. Pakisampal nga ako. Baka inggit lang ako.

Pero unang hirit niya ng pangloloko ay ang pagwithdraw ng pera sa ATM ng kaniyang
kinakasama. !@#$%^&*() Kung hawak ko nga lang ang aking magic wand di sana ay ginawa
ko na siyang ahas. AHAS, AHAS , AHAS. (Nageemote lang ho ako) Okay ba kiws?

Aba, nang siya ay pinahanap ko sa aking kaibigan, sinabi pang nakikialam sa hindi naman pinakikialaman. At ang masakit pa nito, ipinagtanggol ng nanay ng kaibigan ko ang kaniyang
kalive-in. Kulang na lang na tumaas ang buhok ng aking kaibigan sa galit. Kahit saan mang buhok yon. Ang kaniyang nanay, nabulag sa pag-ibig. Mahirap magpalaki ng ina.

Itutuloy ang mga susunod pang mga katrantaduhan ng matandang lalaking ito.

Monday, November 28, 2005

Pink Lady

Dear insansapinas,


Masyadong fashionista ang paborito kong kaklase. Pag pink ang kaniyang damit, pink ang kaniyang sapatos, bag, medyas,at salamin. Pink din ang kaniyang labi.

Rare kang makakita dito sa aking lugar nang ganiyan kasi dito kahit hindi pares, pares, kahit ang mga kulay ay parang magkukumareng nagbabangayan, kahit ang sapatos ay hindi magpareho (o di ba ako noong lumakad sa SF downtown ng puti ang isa at itim ang kabila. May pumansin ba sa akin. Mga darleeengs , wala silang kyeber. Nang minsan, baligtad ang aking pantalon, may pumansin ba? Wala. Subukan mo sa Pilipinas, gawin yan pag di ka sinundan ng tingin nang mga bruha at bruhong nakataas ang mga kilay.


ANO KANYO, NASAAN NA ANG KUWENTONG HINDI PELIKULA? Maghintay kayo anoh?

So itong ang aking kaklase, pinasiklaban ko. Brown naman ang suot ko. Brown na pangtaas, brown na jacket, brown na pantalon, brown na medyas at brown na bag.

Tinitigan niya ako, mula paa hanggang ulo. Kunwari naman nadako ang paningin ko sa kaniya, ngumiti ako, pero hindi para sa kaniya kung hindi para sa katabi niya. Gusto ko lang na talo
ko siya kasi pati ngipin ko BROWN. angingingi..Yum yum yum, sarap ng tsokolates.

Disclaimer: Ang larawan po sa itaas ay hindi ang larawan ng aking kaklase. Nagkamali lang ng click ang aking anghel sa kaliwa.


Anghel sa kaliwa:
Ano ha wala akong kasalanan diyan. yong sa kanan.

Anghel sa kanan:
Hind ako ah.

Pinaysaamerika


Salawikain: Pag may itinanim, may aanihin. (Bilisan lang ninyo, baka may umaning iba. hekhekhek

Hindi pelikula


Di ba nakakainis yong mga pelikulang ang ending eh sa mga last 2 minutes eh, maghihiwalay ang magsing-irog, sasakay sa eruplano ang babae at iiwanan si lalaki
pagkatapos kung kailan, umandar na ang pinainit na makina ng eruplano at
tataas na lang ay biglang tatayo ang bida at kulang na lang sumigaw ng
PARA MAMA sa tabi, babababa, at sa hudyat ng director ay titingin muli ang
papaalis na lalaki, magtatatama ang kanilang paningin, PAGKATAPOS slow motion
silang tatakbo at magyayakapan. UTANG NA LOOB, korni ninyo.
Sandali, makapunas ng luha sa mata. Prsssst.

Pero ang ikukuwento ko ay hindi pelikula. Totoong pangyayari. Naikuwento ko
na ito sa kabila pero, iba ang pagkwento rito hane.

Sandali. makabalik sa higaan. Alas tres pa lang pala.
Sa a king pagbabalik.

ZZZZZZZZZZ

Salawikain: Magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising.

Friday, November 25, 2005

Eye to eye

Dear insansapinas,

May kasama ako sa klase na isang mulata. Medyo may pagkasuplada ang bruha.
Minsan nag-uusap kami ng aking kaibigan ay bigla yang pumaswit para ako patigiling
magsalita. Tiningnan ko siya. Tiningnan din niya ako. Hindi ako nagbaba ng tingin kahit na maunat ang kanyang buhok sa tindi ng aking titig. Tumayo siya. Tumayo din ako.
Pumunta siya sa may water fountain. Pumunta rin ako doon. Ano siya lang ang marunong uminom. nyuknyuknyuk

Makapagkanta ng Christmas song.



Pinaysaamerika

Thursday, November 24, 2005

Hello, anybody howme?

Dear insansapinas,

Ahahay,
Buhay pa ako. Kaya lang tinupi ko muna yong nobelang isinusulat ko. Masyado akong nakukulitan nang mga natatanggap kong solicitation. Plagay ko tuloy, paraan lang talaga para makakuha ng pledge. Ubo.

Eniwey, kagaya nang pinsan kong si Kiwipinay, magtsistsismis lang muna ako para huwag masyadong magasgas ang utak ko. Nagrereview ako ngayon at panay nguya ko ng mga numero, mga terminologies. Hikaaaaa. Pahinga ko ang dumalaw sa aking blog. Ang aking isang blog ay tanggap nang blog ng isang sira ulong gustong magpatawa, ewan ko naman kung may tumatawa.
Singhot.

Pero bago simulan ang aking mga katsisimisan ko Day kung saan kayo ay manghihilakbot, maiinis, matutuwa at maiiyak, tingnan ninyo muna ang aking nakapaglaruan mga larawan ng aking mga bulaklak
at libros. (plural ng libro, di ba cheng?)

Ito sila. Kunwari naman, talagang naintindihan ko ang mga kuwento. Yong Harry Potter ay di ko man lang binuksan. Hindi kasi sa akin eh.


bouquet on book

roseonbook2

Pinaysaamerika

Tuesday, November 01, 2005

Nobelang Wala Pa Ring Pamagat -Chapter 2

Chapter 2

My Friend

She had been staring at the teapot, when the phone rung. She let the machine pick up the call. After hearing the loud beep, the phone rung again. She knows who the caller is.

“Hello.”

It was her friend who just like her took a shot for the teaching position.

“I am happy for you,” she said honestly. Her friend Alexa is a lot older than she is and had years of experience too, more than she does. She is not surprised to know that she is hired.

“Let’s have coffee. My treat. And don’t you think of cooking up alibis. I can easily
ask my friend to drive me up in your place. Won’t stop knocking at the door until your neighborhood bring in a cop for public disturbance or so something,” Her shrill voice made her hold the phone away form her ear.

“ Okay, okay. You win. Let’s meet at the usual coffee shop. I love doing windowshopping too. Women’s best anti-depressant."

She was waiting for her; her make-up perfect, her hair done and looking even more beautiful for a woman her age.

“You’re late. What’s the excuse this time? You can’t get a cab, you bumped into some old friends or your heart is bleeding that you have to stop by the hospital? "Alexa said while savoring the hot steaming coffee.

She had already ordered her coffee. And bagel too.

“So, this is the dress that you wore in the interview or you had already a clothes change?”, her one eyebrow arching.

“Yes, it is.”

“NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO”

“Yessssssss” “Why what’s wrong with this outfit. I bought this under lay-away plan. Pretty expensive. I have to eat a lot of instant noodles for a few weeks to pay for this.

“Hello, hello, Houston, we got a problem. My dear, business suit does not mean you have to be like a gray canvas. You do not have to come like a new ordained novice in the nunnery of the Carmelite sisters. Pink sisters yes. If I were the interviewer, I could have dropped down on my knees start praying the rosary and ask for special indulgence.
Mother Theresa is dead, darleeeng.” Mwehihihi

She did not respond back.

“Oke, Oke , so I plead guilty, no appeal. I do not need a legally blond to defend my case. I have been harsh. I am mean. I am evil. Bwahaahaa. “ She put her two hands on both sides of hear head forming horns. “ Another free coffee for you. But darleeng, it’s time that you should dress your age. “

“Your application as my fashion consultant is still in process.”she said curtly.

“Ow, that is free advice. Nothing to worry. Courtesy of Friends Incorporated where I am the Chairman and you are the corporate slave.”

Uhhhm, did he….did he…

“Did he what ? Who’s the he and what is the what ?”

The guy, the dean. Did he say, he likes you?

“Naww. All he said was congratulations. But he pressed my hands though. Kilig. He’s impressed. Why?” Her tone of voice changed. “ Do you know something, that I do not know.” Her knows knitted as she asked.

“Nothing.”

“Tell me”

“Nothing.”

“Tell me.”

“Nothing.”

Alexa closed her eyes and chanted some words.

What are you doing. Have you gone mad?”

“Ow, I am casting a spell for you to open up.”

“You witch. Hahahahaha. “

“ Okay, will another treat, make you talk? There is a good movie that I would like to see.
I feel generous to make libre to watch it tonight with you.”

“Aren’t you missed by your kids? “ You should be home by now, MOTHER.” She emphasized the last word.

“Oh Pleaseeeeeeee, don’t you make me feel guilty over my careeeeer.”
She wiped her make believe tears with the table napkin. “Let me enjoy life, will you.” The kids are safe with their nannies and my …you know who... must be with his mistress, I mean his wife.”

She became silent for a few seconds. Her tears are real now. But they did not fall. She quickly wiped them with her hankie.

Ang Nobelang Walang Pamagat Chapter 1

Patalastas:
Pansamantala kong ititigil ang kasalukuyang isinusulat kong Traidor upang isulat ang nobelang walang pamagat.

Chapter 1

I Like you but...

Bea stepped into the airconditioned room. She closed the door behind her and stood briefly to gaze at the frames, plaques and pictures that adorned the wood paneled wall.
The man seated behind the desk smiled and signaled her to take one of the seats in front the massive table. She knew, he was wondering what she was waiting for.

He stood up and offered his hand. She barely heard his Good morning and how are you doin’ greetings. Her heat beats seemed to have drowned them.

The meeting with the Dean was brief. She did not come unprepared that she did not expect his assessment of her personality. According to him, she is sufficiently knowledgeable of the subjects that she is going to handle. She technically answered complicated questions, but on the whole, something is lacking in her personality. She is too timid. Although her voice is husky, it is too soft and can be interpreted as shyness.

He stood up as a gesture that he is ending the interview.
“ I like you.” He said. You have the potential , but I need someone who’s aggressive. One who can captivate the audience when she talks.” Pardon my unorthodox manner , but I am this brutal for people I like.

He is sending a mixed signal. He likes her but she is not hired.
She wished he could have simply said, don’t call, we’ll call you.

She has the irresistible desire to ask what he meant by liking you but I do not want you statement. She resisted the impulse. Instead she thanked him and she walked erect and composed after saying goodbye.

Outside, she felt the pain of rejection. She leaned towards the iron railings. The Dean’s secretary appeared behind her. She felt that someone watching her even when she was already outside the room.

“Do you feel, ill, Miss? Can I get you anything ? Her voice was full of concern.

“ I’ll be all right in a few minutes. Thank you? She attempted to smile. She felt the prick of tears behind her eyes. She held them back.


Within a short time, she was totally in control of herself again. She was sorry that she had let the negative feeling affected her. She despised weakness and self-pity.

She thought angrily: I am responsible for my fate. No man is going to create that for me.

She pulled herself up and straight-backed she walked across the hall.

Tuesday, October 25, 2005

Si Pinay at Ang Traidor (Pakisabi nga ang pangalan)

Dear insansapinas,

Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Nananakit pa rin ang kaniyang katawan. Maputla pa rin siya. Hitsura ng isang biktima ng Drakula na ginawang "bloody Mary ang kaniyang dugo.

Hindi man lamang siya kinumusta ng kaniyang ina na ang buong buhay yata ay nasa kaniyang minamahal.

Tinapos niya ang mga gawain niya sa opisina bilang paghahanda sa pag-alis pagpunta sa Amerika.Namili rin siya ng mga bagong damit, underwear at mga sinulid pantahi na para bang hindi sibilisasyon ang pupuntahan niya.

Ang kaniyang mga damit na balak iwanan ay kaniyang inilagay sa maleta at ibinalik sa closet. Para hindi na mahirapan ang mag-aalis noon. Sa isip niya.

Kaunti lang naman ang dadalhin niya. Isang maletang maliit. Maghihinala ang Imigrasyon niyan pag dinala niya pati ang kaniyang pares pares na sapatos.

Parang hinila ang araw, isang tulog na lang at aalis na siya. Wala siyang natanggap na tawag sa boypren niya. Marahil talagang nakalimutan na siya. Pati ang perang pinahiram niya. Marahil kung si Claudine Barreto siya, isang dram na naman ang iniyak niya. Pero ayaw niyang umiyak. Tamad siyang magretouch ng make-up. ehek.

Kinabukasan, tulog pa ang buong kabahayan nang siya ay nanaog at tumawag ng taxi.
Nag-iwan lang siya ng sulat sa mother niya. Parang pag-papaalam na pupunta lang siya sa Baguio.

Dinaanan niya ang mga magkakamag-anak na nagpapaalaman. Siya, walang maghahatid.
Tuloy na siya sa departure area pagkatapos ang kaek-ekan pag checheck-in.

Mahigit ding isang oras silang naghintay bago sila pinaakyat sa eruplano. Ilang
bilang na lamang ng isandaan at malapit na niyang kutusan ang makulit na batang
aali-aligid sa kaniyang upuan.

Panalangin niya. Huwag sanang malapit ang upuan sa kaniya ng bulilit na iyon at baka makasuhan siya ng child abuse pagpinitik niya ito sa ilong.

Pagkatapos makipagit-gitan sa aisle ng eruplano, nakaupo rin siya. Haaay, salamat.
May mukhang sumungaw sa harapang upuan niya. Ang makulit na bata.
Mahabang araw ito. Naisip niya, sana ay may holy water siyang pangwisik.

Pinaysaamerika

Saturday, September 03, 2005

Ang Pinay at ang "Traidor" puwede ba ano ba talaga ang pangalan mo?

Dear insansapinas,

(pagbabalik gunita)

Tumakbo ang dyipni at naiwan siya sa kalsada. Mabuti na lang at walang dumadaang mga sasakyan.

Tangay ang bag niya. Mabuti na lang at ang pitaka niya ay nasa kaniyang bulsa.
Nasa taksi na siya ay wala pa siya sa kaniyang sarili. Wala ang kaniyang mommy at ang
step-father-to-be. Sabi ng katulong ay umakyat ng Baguio at Lunes pa babalik.

Pakiramdam niya ay para siyang ulila. Walang karamay.

Minabuti niyang maligo para maalis yong sakit ng kaniyang katawan. Gusto niyang matulog, huwag nang magising o kaya magising siya at sabihin niyang nanaginip lang siya.

Pero kung panaginip yon bakit naman colored pa. Hindi na lang black and white.

Nasa banyo siya at nagshashower ng makita niyang may dugo sa kaniyang hita. Hindi naman siya nasugatan nang siya mahulog sa sasakyan. Pero sariwa ang dugo.
Sumama ito sa tubig na dumaloy. Papula ng papula.

Minabuti niyang magbihis. Kumuha siya nang maraming Kotex at bumaba para tumawag ng taxi.

Nagpadala siya sa pinakamalapit na ospital. Gobyerno pala yon. Binigyan siya ng wheel chair at dinala sa isang lugar kung saan marami ang nasa lamesang mga buntis na babae. Manganganak.

Tanong, tanong. Sabi niya ang ama ay nasa abroad at nag-iisa lang siya sa bahay.
Nakunan daw siya, sabi ng doktor, pero kailangang tingnan nila kung may naiwan pang dugo sa loob. Nilagyan siya ng dextrose ng isang nars, habang pinaghintay siya.
Minsan nakakatulog siya habang hinihintay ang doktor. Marami kasing manganganak at nang gabing yon ay kulang ang doktor, kulang ang gamit at kulang ng bed.

Nadaanan niya ang ward para sa mga babaeng nakapanganak na. Dalawa sa isang kama. Ngiiiii

Masakit na ang kaniyang kamay na may dextrose. Nagiging asul ang paligid ng karayom na nakatusok. Tinawag niya ang dumaang nars. Nakasampung tawag siya bago siya napansin. Parang bingi yata ang mga nars doon.

Yon pala hindi tama sa kaniyang ugat kaya pumupunta ang dextrose sa balat niya. Namamaga na ito at masakit.

Tinama naman ng masungit na nars ang dextrose. Hindi niya masisisi ito. Daming pasyente. Daming nanganganak. Daming sumisigaw. Daming umiiyak.
Kahit may anaesthesia ay naramdaman pa rin niya ang pagkayod ng doctor ng kaniyang
Uterus. Lalaki ang doctor at parang walang kuwenta lang sa kaniya ang nakikita niya.
Pero sinulyapan din siya at tinanong kung ano ang nangyari.

Pagkatapos ng proceso ay dinala na siya sa kama kung saan may kasama siyang isang babaeng nakikipaghuntahan sa babae sa kabilang kama. Sapat lang na makaraan ang isang tao ang pagitang ng mga kama kaya tsismakan nang katakot-takot.

Sabi noong isa, siya raw isang ire lang labas kaagad ang bata. Walang kahirap-hirap.
Sa awa naman ng Langit ay anim ang kaniyang anak. Isang hininga lang yata ang pagitan.

Yong isa naman ay kambal ang anak kaya di niya malaman kung saan niya kukunin ang gatas para sa dalawa. Aba eh, pag tiningnan mo nga naman ay parang flat tire na ang dibdib at puro hangin na lang ang makukuha.

Kahit gusto niyang matulog ay di siya makatulog. Mainit, amoy pawis ang kapaligiran.
Hindi pa yata naliligo ang kaniyang kahati sa kama.

Inot-inot siyang pumunta sa receptionist. Tumawag siya ng telepono. Tinawagan niya ang kaniyang kaibigan. Kung maari ay kunin na siya doon.

Pumayag naman ang doctor pagkatapos niyang pumirma ng waiver. Naawa siya sa sarili niya.

Malaking pasasalamat niya sa kaniyang kaibigan.

Sa kaniyang kuwarto, lumuha siya nang lumuha.

Itutuloy.

Pinaysaamerika

Wednesday, August 31, 2005

Si Pinay at ang "Traidor" ano na ba talaga ang pangalan mo?

Dear insansapinas,

(pagbabalik-gunita)

Naalala nga pala niya, sobra na sa cycle na wala siyang bisita. Siguro walang nagamit na bisikleta ? ehekk

So go siya sa doctor.

Babalik siya, kinabukasan.

Kung positive, paano ang gagawin niya? Sana naman hindi. Dasal niyang paulit-ulit.

Sana hindi. Nang iaabot sa kaniya ang resulta, ayaw niyang tingnan. Sana hindi.

Positive. Muntik siyang himatayin. Buntis siya. Isang beses lang yon ah. BAKITTTTTTT?
Mabilis lumangoy ang sperm cell. ahay. Paano siya aalis. Saan siya manganganak.Wala ang kaniyang boypren.

Naalala niya ang Quiapo. May mga ipnagbibili doon na pamparegla. Translation, pampalaglag.Pero kasalanan yon.

Bumili siya. May instruction na ibinigay. Kailangang sundin.

Makalipas ang araw, wala siyang naramdamang pagbabago. Nalalaway pa rin siya sa hilaw na mangga. Ayaw niyang makaamoy ng pomada. Lintek na mga yon. Bumabaligtad ang sikmura niya. Ayaw din niya ang amoy ng isdang prito.

Naalala niya ang kaniyang kaibigan. May kilala itong hilot. Hinihilot daw talaga nang malakas para mamatay ang beybi sa loob. Kung hindi tinutusok.

Per month ang bayad. Mas maraming buwan, mas mahal. Payag siya. Pupunta siya roon ng Biyernes para kinabukasan Sabado, wala siyang pasok. Tatlong araw pa. May panahon pang mag-isip.

Huwebes ng gabi, may balita. Sunog sa lugar ng mga squatter's. Pamilyar sa kanya ang lugar.

Oo nga doon nakatira yong hilot. Paano yan?

Dahil wala an siyang pupuntahan kinagabihan ng Biyernes, minabuti niyang manood ng sine. Para makalimutan ang problema. Nakadalawang ulit siya. Hindi pa rin niya naitindihan.
Minabuti niyang lumabas. Wala siyang ganang kumain.

Sakay siya ng dyip pero biglang tumakbo ito. May lalaking nakahawak sa kaniyang kamay
kaya nakalmibitin siya sa istribo.

Hinablot nito ang bag niya at biglang binitiwan ang kamay niya. Hulog siya sa dyip.

Itutuloy

Pinaysaamerika

Saturday, August 27, 2005

Si Pinoy at ang "Traidor" ano ba talaga ang pangalan mo?

Dear insansapinas,

Tuluyan na siyang nag-faint. The next thing na nalaman niya ay cuddled siya ng consul na lumabas sa kaniyang lungga.

"Lady, are you alright now?" tanong ng lalaking consul.
"Yeah, I think I am okay. Must be the heat and I haven't taken my breakfast yet.
"Oh poor thing. Why don't you grab someting to eat and come back when you're
refreshed."

"Thank you."

Nasa consul pa rin ang papel niya. Pagkatapos niyang uminon ng mainit ng kape sa kabilang kalye ng embassy, balik siya.

Kinawayan siya ng consul na mabait.
"I've gone over your papers. Come back for the visa."

"Wow, dininig ang aking panalangin." Tingin niya sa consul ay anghel siyang may pakpak.
Angel 3
Talaga nga naman ang pagkuha ng visa, suwertihan lang. Ang daming umuwing bitbit
pa rin nila ang kanilang passport ang mga papeles.

Kinahapunan, kuha niya ang kaniyang visa na noon ay itinatatak lang sa isang pahina ng passport. Masaya siyang pumunta sa opisina ng babaeng nangako sa kaniya ng tulong.

"Naka mader, suwerte mo nakakuha ka ng visa. " salubong ng babae na nakikipagbeso-beso na sa kanya.

"Sige, humanda ka na at kung gusto mo, isabay kita nang pag-alis para makatira ka tuloy sa aking mga "anakis. Apir, apir. "

Saya niya. Pero sa isip niya ay ano kaya ang kapalarang naghihintay sa kanya.

Hindi niya pinaalam sa kaniyang mommy ang balita. Halos parang istranghero na silang dalawa.

Malimit nandoon na ang boyrpen nito natutulog. Kung puwede lang padapain ang nanay at paluin.

Masama ang mga titig ng boypren nito sa kaniya. Para siyang anino lang sa kaniyang dumadaan.

Kahit na sabihing mabait pa siya kung mabait, kailan man di niya matatawag na daddy -o ito.

Mahal ang ticket pag binili ng ura-urada kaya, hinayaan na lang niyang mauna ang babaeng tutulong sa kanya na mauna.

Eniwey, kailangan pa rin naman niyang ayusin ang mga iiwanan niya. Ang trabaho, ang mga gamit.

Nag-iisip siya kung ipapaalam niya sa kanyang boypren.

Siguro dapat. Hindi na lang sa utang nito kung hindi sa kanilang pagmamahalan.
Pweng pagmamahalan yan.

Tuwa rin ng kaibigan niya.

"Hoy, sister, so lucky na hindi manzano ka naman. Get ka kaagad ng visa. Maypefainting fainting spell ka pa. If I know, naging best dramatic actress ka diba."

"So tuwa ako. Gusto mo dance of joy tayo?"

"Lokah, huminto ka nga Hahahaha"

Nakaalis na ang kaniyang kaibigan nang maalala niya na wala siyang mens na dumarating.

Ulk. Kinabahan siya.

Itutuloy. (Have a nice weekend folks).

Pinaysaamerika

Thursday, August 25, 2005

Si Pinay at ang "Traidor" ano ang pangalan mo, raw?

Dear insansapinas,


(pagbabalik gunita)
Pagmamahal pa rin ang nanaig. Pinautang niya ang kaniyang boypren. Linshyak talagang puso yan anoh.

Umiyak siya nang ito ay inihatid niya sa erport. Kasama ang sangkatatutak nitong kapatid, ang ina, ang ama at ilan pang kabarangay. Sa labas lang naman sila.

Lalo silang nagkalayo ng kaniyang ina dahil sa iniwasan niya itong makaharap sa
kainan. Kadalasan, pumapsok na siya sa kaniyang kuwarto bago ito dumating.

Pakilasa naman niya ay wala naman sa kaniyang ito. Ni hindi na siya sinisilip sa kaniyang higaan bago matulog. Nandoon ang lalaki gabi't araw, araw at gabi.

Nagdesisyon siya. Kailangan niya ring umalis na. Hinanap niya ang phone number ng kayang kaibigan.

" Hoy,sis timing ang call mo. Ay may I arrive siya kahapon at nag-iinterview ng mga
applicants". sabi ng pwren niya."Gusto mo, pick-up kit, then go tayo sa Manila Hotel. Nandoon siya nakacheck-in. Di ba bonggadera siya. Hay so classy."

"Sige, sige." excited din siya.

Kaharap niya na ang missus. Asawa niya ay puti. Balot ng alahas ang kaniyang
katawan. Tingin niya ay si Tita Cory siyang nakayellow.

Kinuha sa kanya ang papel niya.
"Alam mo 'day, i can fix your tourist visa. Tapos pagdating mo doon, hanap kitang sponsor for working visa. Total may money ka naman sa bank." Pagganyan. wala pang months, lipad ka na."

"Wow, she could not believe it. Ganoon kadali. Teka, isip niya, baka naman scam ito."

Pero nakita niya ang mga relatives ng mga taong napa-abroad na nito. May dalang mga
regalo at mga papeles para naman sa kanilang pagbiyahe.

"Sige sabi niya, balik siya for her curriculum vitae." In the meantime, pinag-aaply siya ng passport.

Hawak din nito ang pag-aayos ng passport at ticket sa eruplano. Integrated services daw. Wow, talagang maganda ang negosyo nito.

Ilang araw din siyang pabalik-balik sa opit nito at nakita niya ang mga retrato na kasama nito ang mga Presidente, Senador, Beauty queens at kung sino-sino pa.
Bigat na tao anoh. Hindi niya alam sa mga photo session pala yon o kaya mga ambush
encounter tapos biglang puwedeng pa-picture.

Noon, time na yon, ang interview ay hindi pa scehduled. Kaya pumipila ang tao sa labas ng embassy bago pa tumilaok ang manok at sumigaw ang mga bata ng diyaryo.

Tanghali na di pa siya nakakapasok. Gurom na siya. Ayaw niyang iwanan ang pila.

Halos himatayin siya nang marating niya ang bintana kung saan tinatanong siya ng consul bakit siya pupunta da Estet.

Uminog ang kaniyang paningin.

Itutuloy.

Pinaysaamerika

Tuesday, August 23, 2005

Si Pinay at ang "Traidor ano ang pangalan mo, anoh, anoh" part 4

Dear insansapinas,



Sa mga sumunod na araw ay para siyang zombie. Para siyang kangkong na hindi nabili sa palengke. Para siyang isdang naiwan ng mangingisda at nahulog sa dalampasigan (wala bang background music?) para siyang ibong natirador at bali ang pakpak na kumakampay-kampay.
Birdie


Halos di niya nakita ang kanyang boypren. Abala ito sa pag-ayos ng papeles at mga dadalahin sa pag-alis.

Ang kaniyang mommy naman ay abala rin sa pag-ayos ng kanyang kasal. Hindi na niya halos makita sa bahay. Buti pa ang gagamba, nasa bahay lang niya.

Pag-uwian, dumadaan siya sa simbahan ng St. Jude. Nanalangin siya nang himala. HIMALA.
Pero sa sine lang siguro yon sa isip niya.

Paglabas niya ay nasalubong niya ang kaniyang dating kaklase.

"Hi, anoh how's everything na." tanong niya pagkatapos nang kanilang muah, muah.

"Haay darleeng, so excited talaga na kilig to the bones ako." sagot ng landi niyang kaibigan.

"Malapit na akong magjoin ng exodus". palakpak siya habang nagsasalita.

"haaaa, you make kuwento naman. Huwag mo akong suspense at may i sampal kaya kita."

"Park muna tayo dito sa walang pipol." sabay ang hila sa kanya.

"Kasi this tita of mine made kilala with a recruiter sa US of EY. So galing niya na in less than a year, may I fly na ako sa States and there may I pasok niya ako sa office. So excited talaga ako. Working girl ako bigla sa LA."

"Hoy, don't make bola-bola noh.
Eh kung fake yan. Tubog sa ginto kung bagah."labi ko,sabay igkas ng kilay.

"Excuse meh. She is a distant relative ko noh. She won't make loko-loko to a niece."
Di lalo namang mataray siya. Paspas ang paypay ng fan niya at may kasama pang irap.

"O sigeh na nga. Sige like ko ring mag exodus." alo ko.

"Oy so gabi na. Got to run. See yah. Usap tayo."

Ang kangkong ay nadiligan ng tubig. Ahaa muli siyang mananariwa. Bakit ba siya
magpapatalo. Hindi noh. I will make not awa to myself. Promise yan.

Pagdating niya sa bahay, may tawag siya. Si Boypren. Kung puwede raw magkita sila.
Hindi na siya ngayong isdang naiwanan. Nadampot na ulit siya. Kumawakawagkawag pa.
Para siyang ibon na lilipad ulit kagaya ni Darna. ehe.
Hige. Nagkasundo silang magkita sa isang coffee shop. Mainit pa ang kape.

Kaya titigan mo na.
"May sasabihin ako saiyo."pauntol na salita ng boypren.

Sa isip niya sana ay sabihing nagbago ang isip niya. Sana ay sabihing, magtanan na sila. Sana ay...sana ay...

"Kailangan ko pa ng pera. Kulang ang pinahiram sa akin ng aking ate."

Tuluyan nang nagkalasog-lasog ang kangkong. Ang isda ay hindi ibinalik sa dagat. Ang ibon ay tuluyan nang nahulog.
Hindi siya nakaimik. Gusto niyang kumanta...Victoria is not going to dance tonight. (sandali mali yata yon, galit na kakanta pa. ano ito opera.)

Itutuloy...i make tusok tusok fish ball muna.

Pinaysaamerika

Monday, August 22, 2005

Si Pinay at ang "Traidor" part 3

Dear insansapinas,

Nanginig ang kaniyang tuhod. Nagtatawanan pa ang kaniyang mommy at boypren nito.
Nanginig din ang kaniyang luha sa mata. Paano niya malalapitan ito at sabihing siya ay
sinungaling, eh siya rin sinungaling. Mag-ina mga kami sa isip niya. Sa puso, sa isip at sa salita. (Maupo na... ehekkk parang Panatang makahabayan).

Hindi siya nagsalita kaya nagpaalam na ang kaniyang kaibigan. Ang kaniyang boypren naman ay tumayo at pumuntang CR.

Alam niyang kakain pa ang dalawa kaya minabuti niyang umuwi na upang maunahan ang kaniyang mommy.

Ilang oras pa ang nakaraan pagkatapos niyang dumating nang marinig niyang pumarada ang kotse sa garahe. Mommy niya. Nag-iisa. Akala niya maloloko niya ako.
Siyangpala siya rin niloko ko.

Nagkunwari siyang tulog. Alam niyang sinilip siya ng kaniyang mommy. Umingit ang pinto pagkatapos sumara.

Bakit siya iiyak. Kailangan niyang mag-isip. Palagay niya hindi mapipigilan ang mommy niya sa pagpapakasal sa lalaking iyon at hindi rin mapipigilan ang pakikitungo niya sa kaniyang boypren.

Bakit ba kasi namatay ang daddy niya?

Masaya pa rin ang mommy niya nang magkaharap sila sa breakfast. Wala yata itong balak pumasok sa opisina.

"Napag-isip-isip ko mali ang ginawa ko saiyo, anak. Gusto kong ipaalam saiyo na
hindi na kita pakikialaman saiyong love life." Napagkasunduan na namin ni ___
na magpakasal."

Para siyang binagsakan ng isang set ng Encyclopedia Britannica.
Hindi na niya narinig ang mga huling sinabi ng mommy niya. Ang lasa niya sa itlog ay papel at sa tinapay ay tuwalya.
Crying Into Tissue
Nakaalis na ang kaniyang mommy, hindi pa rin siya nagsalita.

Tinawagan niya ang kaniyang boypren. Bago pa man siya nakapagkuwento, naunahan na siya nito.

Dumating na raw ang papel nito sa Saudi para makapagtrabaho din siya sa isang fastfood doon.

Pakiwari niya ang bumagsak na sa kaniya ang buong bookcase pati ang flower vase na nakapatong dito. Toinkkk

Itutuloy.

Pinaysaamerika

Saturday, August 20, 2005

Si Pinay at ang "Traidor"

Dear insansapinas,

(pagbabalik-gunita)

Nagkakilala sila sa fastfood na pinagtatrabahuhan nila. Sa management siya at ang lalaki ay sa food crew. Talaga yatang pinipili nila ang mga pogi sa fastfood na iyon. Attraction din sila sa goirls.

May alam akong babae, laman ng fastfood araw-araw. Kulang na lang ang magkaroon siya ng pakpak at ng palong sa kakain niya ng fried chicken. Makita lang ang kaniyang crush na crew. Ahahay. In Love

Siyempreee may kontrabida sa mga love stories. Ang kaniyang mader.

"Anong ipapakain saiyo ng lalaking yan?" nagpupuyos daw niyang tanong. Hindi exactly yon ang dialogue kasi siyempree wala ako doon noh. Pero ganon na rin yon. Ang mga poorboy-rich girl love affair.

Di raw siya sumagot. Ay mamah kung ako nandoon, sasagutin ko siya." Ano pa di friend chicken at french fries." Ahahahahaha

Nakisabat din daw ang boypren ng mader niya. Bayuda kasi.
"Nagmamalasakit lang naman ang mommy mo. Para sa kapakanan mo."

Doon siya nagsalita at bumunghalit.

" Hey, you don't make pakialam to my life. You're not my pop and you will never be
one." And don't you lecture me. you are not my teacher." Mataray nga tyang.

"So inis ko talaga na gusto ko siyang hampas-hampasin ng bag kong Coach , noh.
So kadiri niya. I like to give him my hair trimmer para ahitin niya ang "mustas" niya," kuwento niya sa akin noong kami ay nagkaututang dila na.

Naging mas mahigpit ang ermatz niya. Kaya pinagresign siya.

Payag siya pero sa kundisyon, ibebreak din niya ang boypren nito. Exchange deal.
Mother and daughter both in love, both in warpath.

Hokey sabi ng kaniyang mader kaya, bigay siya ng resignation letter kinabukasan.

Ayaw ng management. Pag-isipan muna raw sa loob ng 30 araw ng effectivity ng kaniyang
resignation.

Hige.

Ang cellular phone noon ay napakamahal pa at malaki na para bang dala mo ang isang cordless sa iyong bag. Hindi pa kasama ang charger noon na mas mabigat sa phone.
Mahal din ang charge per minute.

Ang tawagan ay public phone kung ayaw marinig sa bahay ang usapan.

Tinawagan niya ang kaniyang boypren. Magkita sila sa mall. Wala ang kaniyang mommy.
By the time, umuwi yon, nasa bahay niya.

Okay.

Katapat ng restaurant na pinasukan nila ay sine. Niyayaya siya ng boypreng manood.
Tumanggi siya. Kailangang makabalik siya sa bahay bago dumating ang mommy niya na nagpaalam na may prayer meeting daw pupuntahan.

Masaya siya. Naiisip niya tuloy kung paano niya sasabihin na mag-cool off muna sila habang di pa niya naiisip kung paano ang gagawin.

May dumaang babae. Hindi niya tiningnan. Pero bumalik ito. Nakilala siya. (pustahan ang isip ninyo mother niya, ano. Beh)

"Hi, kumusta na. muwahmuwahmuwah." Mga halik na hindi dumadampi.

Kaklase niya ng high school. Pinauupo niya ayaw.

"You know me naman. My mom drives for me. She's waiting nga sa parking.
Talking about moms, isn't it it's your mom." turo niya sa babaeng nakaabresiyete sa isang lalaki palabas sinehan.

Ahahay buking...itutuloy...sa pagbabalik ni Dar...eheste pinay.

Pinaysaamerika

Wednesday, August 17, 2005

Si Pinay at ang Blogserye na may titulong Traidor, ano ang pangalan mo

Dear insansapinas,

Una ko siyang nakita sa apartment ng kaopisina ko sa Los Angeles. Isa sa kaniyang mga kabunong braso sa pagbabayad ng renta sa two-bedroom apartment na iyon.

Masipag siya sa bahay at mabilis magtrabaho. Parang hindi siya unica hija at nagtapos sa isang exclusive school sa Metro Manila. Pero aside from LA accent niya, nandoon pa rin ang kaniyang Taglish na ala Kris Aquino ang dating.

Nagtatrabaho siyang administrative assistant sa isang kumpanyang pag-aari ng mga
Arabo. Arabuhok din. Nakapetition siya kaya matiyaga siyang naghihintay na lumabas ang kanyang papel.

Pagkatapos niyang makatapos ng pag-aaral at makapagtrabaho sa human resource division ng isang sikat na fastfood sa Pinas, nag-alsa balutan siya nang mqg-asawa ulit ang kaniyang mommy.

Napadpad siya sa LA kung saan nakitira muna siya sa kaniyang kaklase.
Noong mga panahong yon bago mag 9/11 madali pa ang makakuha ng trabaho dito sa Estet at pag may pera ka madali na ang magpaayos ng papeles.

Hindi niya ako kinakausap na inakala kong kasupladahan.
Pero sa buhay minsan ang suplada ang mukha ay ang siyang mabait at ang maamo ang mukha ang haliparot. Minsan ang pagiging tahimik ay may itinatagong lihim na lungkot.

Nasa San Francisco na ako nang malaman kung lumipat din siya sa ibang lungsod na malapit sa San Francisco. Parang may-asawa na yata. Pero hindi ko nabalitaang ikinasal kaya baka live-in.

Minsan ay nagkita kami sa isang kasalan. May kaabrisyete siyang matangkad at guwapong lalaki. Siya yong mala-Adonis na makalaglag-bra (erase/erase) o kaya naman ay bigla mong ibaba ang isang balikat ng iyong blouse pag napasulyap sa iyo. Parang pinaghalong Piolo at TJ Manotoc dagdagan mo pa ng mata ni William (Gil Grissom)Petersen.

Ang aking dating kaopisina ay hindi kagandahan. pa siya kay Angelina Jolie na magkaroon ng baliktad na labi. Maputi siya at maputi siya.

Siya raw ang tumulong sa lalaki para makarating sa Estet.

HAaa?

Pinaysaamerika

Monday, August 08, 2005

Si Pinay at si Mrs. R

(pagbabalik-gunita)

Maputi siya at balingkinitan ang katawan.

"Joys? eheste juice." alok ko.
"Are they going to be late? iwas niyng tanong.
Haay mamah, inenglish niya ako. Sandali, tingnan ko kung marami pa akong natirang
English sa aking bulsa.Hmm 2
Katulad ng isang may dugong pinoy na nanalaytay, ibig kong simulang ang aking
sagot ng AKhsually pero simpleng: Am sorry, i got no idea, would you care for tea or coffee?

"No thank you." siya naman ang matipid sa sagot.
Sinagot niya ang nasa isip ko kung paano siya nakarating sa aming lugar.

Tinawagan daw niya ang kapatid ni R(boypren ni kabalay) at hinanap dahil matagal nang walang communication. Nasa New Jersey siya nagtatrabaho, one year after makasal siya kay boypren ni kabalay.

Bakit naman hiwalay sila? Eh ano kung maurirat ako. Gusto ko lang malaman noh?

Hindi raw niya alam na marami raw bisyo si R. Ang bait daw nito noong nililigawan siya sa Pinas. Nakilala niya itong balikbayan at sinundan-sundan na siya, hanggang ipetition siya as fiancee visa. Titser pala siya sa kanilang probins.
Wala raw itong imik at hindi umiinom.Siguro ng hindi imported beer or wine. Drinking 6 Pack

Nang dumating daw siya rito sa US, ilang Linggo lang matino si R. Halos maloka siya
sa pag-iisa, depression na wala siyang trabaho at umaasa lang sa bigay ni R. Nakikisama siya sa nanay nito na masyadong inispoil ang anak.

May mga gabi raw na wala siyang kasama dahil hindi ito umuuwi.

Hanggang minsan isang gabi raw siyang nakatulog na umiiyak, nagising siyang may
nagtatawanan sa sala.

Lumabas siya na hindi binubuksan ang ilaw. Ang kaniyang asawa ay isang babae, magkatabi sa mahabang couch. (siguro nama hindi ko kailangang sabihin na hindi sila naglalaro ng bahay-bahayan ano?)
Bago ako nakapagtanong kung ano ang ginawa niya, malakas ang buzzer na narinig namin.

Killjoy talaga ito. Lumakad ako patungo sa pinto upang idiin ang switch na magbubukas ng main gate. Habang ako ay naglalakad, idinaan ko an aking mukha sa kurtina. Disamuladong pinahid ko ang luhang malapit ng pumatak. Lintek kasing mga kuwento ito ng buhay. Parang nobela.

Naunang pumasok si Kabalay. Tumingin siya sa aming panauhin. Ngumiti. Hindi niya kilala. Oras na para sila magkakilala.

Sumunod ang boypren. Nang makita niya ang babae, sinugod niya ito at inambaang bubuntalin. Sumigaw ko ng malakas.

HOY Kung magpapapatayan, huwag sa pamamahay ko. MARURUMIHAN ANG AKING CARPET. TSEE

Biglang napa-about face si kabalay. Tinitigan niya si boypren, tapos ang babae.

ITUTULOY. oh makapagmeryenda na nga. hehehe

Pinaysaamerika

Monday, July 18, 2005

Si Pinay at ang bagong kakilala

(Pagbabalik-gunita)
Sumandali nating iwanan ang aking balay. Kahit marami pang katarantaduhan akong ikukuwento tungkol sa bagong boypren.

Sa dami ng palapag ng gusaling aking pinapasukan, marami akong nakikilalang Pilipina na may mababait; may masusungit; may akala mo nabagsakan palagi ng bakal ang paa sa
tindi ng simangot sa mukha; may mga karinyosa na lahat na yata ng tao ang tawag ay darling at may mga supladita naman na bigla mong kukurutin ang sarili mo dahil parang hangin ka lang dumaan. Ang mga bruja, todo ignore sila saiyo. Sarap sympalin at tyapilukin.

May mga frwendly na panay ang muwah muwah ninyo pag nagkita sa hallway.

Karaniwan nagkikikita-kita kami sa canteen o kaya sa dining room na provided sa bawa't palapag. Pag nagkasama-sama ang mga baon, parang pot luck araw-araw. Kulang na lang ang karaoke, bigla siyang naging sing-along.

Dahil hindi ako nagluluto, sagot ko na lang palagi ang soda o kaya prutas.

May bagong dating. Mamah, kung bibilangin mo ang alahas sa katawan niya, puwede ka nang magtayo ng pawnshop. May pera. Pero bakit nagtatrabaho doon ng temp.

Mausisa nga. Siyempre, wala siyang kawala sa Reyna ng pinakatsismisera ng taon. Si Manang Rose Flowers. Oy di ko gawa gawa ang pangalan. Rose talaga ang pangalan niya. At siya ay Miss pa po. At hindi rin siya kalahating 'Merkano. Ang apelyido niya ay galing sa apelyido niyang Pinoy na Flores. Nang siya ay maging UScit, pinalitan niya ng Rose yong pangalan niyang Ignacia at Flowers yong Flores. Siya ang pinakasenior doon sa mga Pilipinang nagtatrabaho sa building.

Siya ang nagpakilala sa amin sa bagong dating. Siya si ano, limang taon na yan dito, ngiti si bagong kilala...siya si kuwan, sampung taon na siya dito, tango si bagong kilala..blahblah... Pagdating sa akin ay siya si ano mahigit pa lang isang taon...tanong kaagad siya. Legal ka ba ? Hanep na tanong yan.

Bigla akong buwelta. "Hindi, illegal ako, kaya pag may pumasok ditong INIS(immigration),pinapalitan ko ang aking mukha. May dala akong reserve sa aking bag. nyaahahaha."

Kung ako lang ay may buwanang dalaw ng araw na iyon, marahil, nahugot ko na ang aking
ID, hinawakan ko ang kaniyang leeg para hindi gumalaw at iwinagayway ko sa kaniyang mukha and ID. Pero ngumiti ako at tinanong kung bakit naman tinanong niya kung illegal ako o hindi.

"Balita raw niya kasi may nakakatrabaho doon kahit walang papel."

" Ow, (pabilog ang aking bibig) bakit may nakasulat ba sa aking mukha na ako ay illegal? "Malapit na akong mainis. Nanliliit na ang isa kong mata at mapula na ang aking isang taynga.

Kasi daw ako ang pinakamaiksi ang taon nang pamamalagi.

At sino naman ang titser niya sa Arithmetic na nagturo ng 1 plus 1 equals zero?
Aber, aber, aber.

Ngumiti ako. Ngiting matamis pero sa loob ay nagsasabi ng BOBA.

Sabi niya, mayaman daw siya sa Pilipinas. Ang kaniyang pamilya raw ay may-ari ng
Unibersidad.
Tinanong ko kung anong school.

Sinabi niya.

Sagot ko. Galeeng naman.

Tapos daw siya ng Accounting. CPA raw siya.

Sagot ko Galeeng naman. Tanong ko, di PICPAn ka pala.

Sagot niya HA ?

Natapos ang interogasyon.
Lahat sagot ko ay Galeeng naman.

Natapos na rin ang kainan. Nilapitan ako ng isang naiinis na kasamahan.
Bakit daw parang bilib na bilib ako sa mga sinasabi niya dahil panay daw ang sagot ko ng Galeeng naman.

Natawa ako.

Hindi mo naririnig ang karugtong noong sinasabi ko. ANG GALEENG mo namang magsingaling.

Tanong niya. "Bakit alam mong nagsisinungaling?"

Yong sinasabi niyang universidad, kilala ng aking pamilya ang may-ari. Kung totoo man na kamag-anak siya, marahil hindi mismo yong mag-anak dahil isa lang ang anak noon. Babae rin.

Sabi niya CPA siya. Nang tinanong ko kung PICPan siya, hindi niya alam kung ano yon.
Pag nakapasa ka sa CPA, magiging miyembro ka ng PICPA. (Phil.Institute of CPA).

"Bakit siya nagsisinungaling?"
"MAPA."
"Ano yon? " tanong ng kasama ko.

MALAY AT PAKI KO.
"Dapat Malaysia at Pakistan."

Oy vacla rin syha.

Saturday, July 09, 2005

Si Pinay at ang Pinsan ni Kabalay (Ulit)

Dear insansapinas,

Nagising akong mataas na ang araw. Napapaligiran ako ng mga balot ng
mga damit, aklat,sapatos at marami pang iba. Akala ko itinapon ako sa basurahan. Bumangon ako, tiningnan ko ang aking aayusin. Bagsak ako. Iniiisip ko pa lang ang gagawing pag-ayos, pagod kaagad ako.

Pero, maingay ang TV sa baba at tila may nagkakasayahan. Sumilip ako sa siwang ng hagdan. Wala akong makita. Marahil nasa dining room sila.

Bumaba ako kahit hindi pa ako nagshower. Hindi ko makita yong sabon ko eh.
Nasa mesa sila at nag-aalmusal. Dala raw ng kaibigan ni kabalay ang mesa at saka ang mahabang couch. Kumpleto na nga ang upuan sa sala. Aleluya, kami ay naging taguan ng mga lumang gamit ng kaibigan niya. Pag gsuto nilang bawiin, babawiin daw nila.

Pati ang TV niya nandoon na rin. Para bang ako ang umuupa lang sa kuwarto.

Nandoon din ang pinsan niya. ATTTTTTTTTTTTT pati retrato niya nakapatong sa side table.Nakangiti pa ang bruha. Sandali lokohan na ito.

Pinaalis ko muna ang mga bisita saka tinawag ko ang aking kabalay.

Sinampal ko kaagad siya ng TANONG. Akala ko ba aalis na ang pinsan mo?
Tatlong Linggo na raw. Kung pwedeng pagtiyagaan ko muna.
Binanggit ko yong pagsakop niya sa sala na halos wala na akong lugar sa aking mga gamit.

Pinsan daw niya kasi ang nag-ayos. Puwede ko raw pakialaman.

Dapat lang noh. Bisita lang siya. Gusto niyang maging interior decorator.

Hindi naman sa pagiging suplada pero dapat alam niya kung saan siya nakapuwesto.
Sa loob ng isang suitcase.


Para maalis ang aking inis, niyaya ako ni kabalay, pumunta sa Macy's. May sale daw ng mga beds. Less than 100 dollars yong day bed.

Wala pa akong credit card. Meron na siya.

Hige.

So pumili ako ng day bed. Kulay puti. Hindi pa pala jasama doon ang mattress. Mahigit isang daan.

Hige.

Yong daybed pala, di pa kasama doon ang spring board. Ngiiii

Noong sumahin total pati taxes, umabot ng mahigit 400 dollars. Wala pa diyan ang
comforter, unan at bedsheets. Taksiyapo.

Ganyan talaga pag bagong salta. Hindi pa alam ang legal na panloloko ng mga merchandiser. Kaya ulit-ulit na nakakta ako ng kotseng ipinagbibili ng 1,500 dollars, sabi ko lokohin nila lelang nila Tsee.

Pinaysaamerika

Friday, July 08, 2005

Pinay at ang Paglipat

Dear insansapinas,
Sabado,
Wala akong pasok. Nakalipat na lahat ang gamit ni Kabalay. Inarbor ko yong
trak ng kaibigan niya para magamit ko paglipat.

Ahem. Alam na ni French na lilipat na kami. Nagvolunteer tumulong pagiging kargador.
Ayaw ko na sana dahil minsan niyaya niya akong dalawin ang isang matandang babaeng kaibigan niya dahil Pilipina rin daw at napakabait sa kaniya. Yon pala pinakakaliskisan ako. Ano ko, manok? Tiktilaok...

Pero ang nagigipit daw, kumakapit kahit sa kutsilyong pampahid ng tinapay.

ahehehe

Hige.

Habang hakot nila sa bagong tirahan ang aking mga gamit, ako naman ay naiwan sa lumang bahay. Ako ang nag-iimpake at naglinis nang maiiwanan. Tapos na silang maghakot nang hinanap nila ako sa itaas. Kasi sabi ko hintayin na lang ako doon at ibibigay ko lang ang susi. Sa pagod ay nakatulog pala ako sa sahig. Parang yong bagong dating ako.
Naalimpungatan pa ako nang bumangon dahil sa katok sa kuwarto ko.

Nang tumingin ako sa paligid, muntik na akong magsisigaw...nang magnanakaw...nasaan na ang aking mga gamit...Nakalimutan ko pala na naglipat na kami. Woooo. iba talaga
ang biglang gising. Naiiwan pa ang kaluluwa sa higaan. Sandali magising din nga.

So, paalam, paalam...para bang ang layo-layo naman nang pupuntahan eh wala pang limang minuto pa nagdrive.

Hindi muna ako umakyat sa aking kuwarto. Nasa baba sa kabalay at naghanda ng
makakain para sa mga tumulong sa paglipat.

Nakaayos na rin siya sa salas. Nailagay na niya ang mga retrato sa dingding.
Mga retrato niya. Hindi nagtira ng espasyo para sa akin. Ako pa naman ang major tenant at sub-tenant ko lang siya.

Pagkatapos na umalis ang mga bisita, umakyat na ako sa kuwarto ko. Daming gamit na nakatambak. Hindi ko makita ang carpet. Doon pa naman ako matutulog ngayong gabi
dahil wala pa akong bed.

Kinuha ko ang dalawang balot ng damit, siya kong ginawang kutson.

Bago ako nakipagsabayan ng paghilik sa lakas ng TV ng aking kabalay sa
ibaba, parang may narinig akong dumating.

Pero pagod ako, antok pa, bukas ko na lang uuriratin.

ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ

Pinaysaamerika

Tuesday, July 05, 2005

Si Pinay at ang Bagong Balay

Dear insansapinas,

Nakahanap na nga ng bagong bahay si Kabalay. Nakausap na niya ang may-ari. Pinatatawag siya pagkatapos ng tatlong araw. Tatawag pa yon sa kaniyang
employer. Titingnan kung sapat ang kaniyang kinikita para makabayad sa upa.

Naghanap din ako nang malilipatan. Pag umalis ang aking kabalay, wala na
akong matinog makakasama. Hindi na ako matino, mwhehehe.

Pagkatapos ng tatlong araw, tumawag ang may-ari ng bahay na gusto niyang
lipatan. Rejected siya dahil hindi sapat ang kaniyang kinikita. Maganda
ang lugar. Dalawang kuwarto, isang malaki at isang maliit. Isang
garahe at mayroon pang paradahan sa labas. Malayo sa main road kaya hindi
delikadong magparada ng kotse sa labas.

Tsssk tsssk sayang. Pero bigla siyang nag-isip. Bakit di ko kunin.
Tapos, uupa siya sa isang kuwarto. Tanong ko, paano ang pinsan mo?

Uuwi na raw sa Pilipinas yon. Magbabakasyon lang uli sa kaniya ng ilang
Linggo tapos uuwi na kasi mag-eexpire na ang visa niya na hindi narenew.

Hige.

Kaya takbo ang beauty ko sa landlord at landlady. Nars ang babae at
retired US navy si lalaki.

Approved ang aking application. Ako ang main tenant. Libre tubig,
garbage fee. Kuryente, cable, gas at telepono, amin ang bayad.

Hige.

Naunang maglipat si Kabalay kasi libre siya ng weekday. Ako
weekend pa at manghahalbot pa ako nang tutulong na magbibitbit
ng aking mga abubot.

Marami ang damit ko. Refrigerator na maliit, TV na maliit, radyo na maliit
pati couch ko maliit. Wala akong bed kasi provided kami ng bed sa lumang
balay at sangkatutak na libro. Sa isang taon kung pamamalagi dito, laman
ako ng library, second hand bookstore at raider ng mga garage sales
sa tabi-tabi. Karamihan, libro ang nabibili ko. Nagsubscribe pa ako
sa isang Daybook club.

Pag bago kang dating , amoy ka ng mga ganitong mga publisher na
papatol ka sa kanilang $ .99 per book, brand new para lang mag-apply
kang maging member. Ikaw naman na bagong salta't kalahati kaagad. Biruin mo
sina John Grisham, Mary Higgins Clark ay $.99 lang. Barat sale di ba.

Pero pagkatapos nang unang order mo, dating na ang mga sumunod na kopya.
Maibabato mo sa mahal. Ipadadala pa saiyo by mail at puwedeng ibalik pag
ayaw mo, provided, hindi mo binuksan ang package.

Dating na dating ang libro, panay naman ang balik ko sa Post Office hanggang
sabi ng Post Office, hindi na sila tumatanggap ng mga return na ganoon.
Kung gusto ko raw ay putulin ko ang subscription ko. Taksiyapo. Inistress
pa ako ng publishing companies na yon. Loko, putol ang subscription ko.
Bakit ako magbabayad ng cloth bound novel sa halagang 15 dollars na pwede ko namang bilhin sa paperback ng wala pang $3.

Ano sila sinuswerti. Hoyyyyy, babaeng barat ito.

Hmmm. mabalik sa paglipat. Kaya lang, buti yata bukas na.
Magluluto na ako ng hapunan. Lalagyan ko naman ng kamatis yong
sardinas ano.

I shall return. Pramis.

Pinaysaamerika

Saturday, June 25, 2005

Si Pinay at ang mga Kalapating Mababa ang Lipad

Dear insansapinas,

Umalis nga ang pinsan pero hinikayat niyang maghanap ng bahay ang
aking kabalay. Maitim talaga ang budhi. Sarap kuskusin ng ng steel wool.

Hanap naman ang kabalay ko. Tingin sa dyaryo, tawag, punta, tanong. Mahal. Di niya
kayang upahan mag-isa dahil ang pinsan ay wala pa namang trabaho.

Isang buwan na siyang naghahanap wala pa siyang makita para matirahan.
Kailangan kasi ang suweldo ay at least three times noong renta para maaprubahan.
Kung di lang ako pinalaki na masama ang maghangad ng hindi maganda sa kapwa tao
disin sana'y hinarap ko na siya at sinabing BUTI NGA.

Pero di ko sinabi yon kahit ang aking anghel sa kaliwa ay nagpupumiglas
upang siya ay pagsabihan.

Minsang nauwi ako ng gabi ay may mga nakasalubong akong mga lalaki na para
bang may hinihintay na lumabas sa aming bahay. Abaaaaa ang labindalawang taong
gulang batang nakatira sa ibaba namin at ang kapatid nitong labingwalo ay nakabihis ng magara at hitsura ni Madam Auring ang kapal ng mek-ap na kahit gabi ay kumikinang
ang mga glitters na inilagay sa may mata. Stariray.

Sumakay sila sa kotseng naghihintay na humarurot kaagad ng tila ba hindi
makapaghintay kung saan man sila pupunta.

Nakaupo sa balkonahe si Mang Tomas, isang beterano na ang trabaho ay magpalit ng
bumbilya, maglabas ng basura at maglinis ng bakuran.

"Ginabi ang mga kalapati." sabi niyang matalinghaga.
"Aling kalapati Mang Tomas?' nagmamamaangmangan kong tanong na wari ba ay nauna ang aking utak na nahiga sa aking kama.

"Yong magkapatid na call gerls.tsssk tsssk, kawawang mga bata."iiling-iling niyang
sabi.

Umiral ang pagka Cristy Fermin ko. Niyaya ko ang matanda sa loob at sabayan ako ng
hapunan. Wala pa ang kabalay ko.

"Nasaan ho ba ang kanilang ina?", tanong ko habang sinasandok ko ang sinigang na hito na hindi naman maitim. Pati catfish ay puti.Merkano rin.

" Nandito rin sa Estet. Siya nga ang kumuha sa kanila. Kaya lang talagang hindi sila mgkasundo ng asawa. Tamad kasi. Yon iniwan siya. Ayaw namang sumama ang mga bata kasi
may kinakasamang Puti. Nagbibigay naman ng suporta pero yon yata ang pinambabayad sa renta at sa kanilang pagkain at sa bisyo noong lalaki".

Sa isip ko sulit ang pinakain ko sa matanda. Marami akong nalalaman. Para siyang database. Mas magaling pa.

"Bakit hindi na lang maghanap ng trabaho yong mas matandang anak?", tanong ko habang
ginugutay-gutay ko ang ulo ng isda. Uhhhm sarap.

"Hindi puwede. Tumatanggap siya ng welfare, kasi single mother siya. Mawawala yon.
Kasi nag-aalaga siya sa umaga noong anak niya kaya sa gabi naman ang labas niya".sagot ng matanda na tumayo na para kumuha ng tubig na inumin. Ayaw niya ng malamig.

"Pero bakit naman pati yong bunsong kapatid, dala niya? "tanong ko ulit.

"Laging gutom yong batang yon. Walang mag-asikaso sa kaniya pagpasok niya sa iskuwela. Saka siguro sa mga barkada niya rin. Alam mo naman ang mga bata rito, ang
agang magboyfriend at alam mo na. Sa Pinas, nagpipiko pa yang mga yan noong
kapanahunan ko".

"Alam ba ni Ed (may-ari ng bahay) ang trabaho ng dalawang bata ?" tanong ko habang naghahanda na ang matandang umalis.

"Ay naku, yong lalaki namang yon aywalang pakialam. Basta nagbabayad, okay lang
sa kaniya."

Uhmm, naiwanan akong nag-iisip. Hindi maganda. Baka akalain ng mga kapitbahay, kasama rin kami sa mga ganoon.

Kailangan ko na ring maghanap nang malilipatan.

Dumating ang aking kabalay. May nakita na raw siyang matitirhan. Kakausapin na lang niya yong may-ari.

Pinaysaamerika

Saturday, June 18, 2005

Si Pinay at ang Bugbugan

Dear insansapinas,

Bigla ang pangyayari. May kumatok, binuksan ang pinto at
pumasok ang babaeng galit na galit.

"Walanghiya ka. Mang-aagaw ng asawa. Wala na bang ibang
lalaki sa mundo at pati ang asawa ko ay inaagaw mo.
Maharot, malandi...ma..."

Sa gulat ng nagbukas ng pinto, wala siyang nagawa nang
hablutin ng galit na babae ang kaniyang mahabang buhok
at pinagwasiwasan ang kaniyang ulo.

Inabot ang harapan ng suot- suot nitong bathrobe
at hinila itong palabas sa alkonahe kung saan ang
mga kapitbahay ay lumabas para makiusyuso.

Tumakbo ako sa refrigerator, kumuha ako ng
isang pirasong pizza. Bumalik ako, nakalimutan
ko ang coke.

Lumalaban na rin ang sinugod. Kontra sabunot din.
Sampal. Sampal din. Bigwas. Bigwas din. Sadsad
sa lapag. Tayo, sugod at hinawakan ang baywang.
Halos nakahubad na ang sinugod.

Nagpiyesta ang mga lalaking nanonood. Tinatakpan
ng mga nanay ang mata ng mga anak na kasamang
nakikiusisa.

Ang bilis namang maubos ng pizza ko. Balik
ulit ako sa refrigerator. Dalawang piraso na.
Medyo matatagalan pa ang palabas. Wala pang
umaawat.

Pareho na silang marumi. Pareho ng mukha silang bruha.

May nakita akong nagpupustahan. hehehe Pilipino
talaga mahilig sa sugal.

Dumating ang lalaking pinag-aawayan. Inawat ang
dalawang babaeng akala mo ay mga tandang na
naggigirian. Pinilit kinalmot ng isa yong kabit.
Ilag, tama ang kalmot sa lalaki. HAHAHA Tawa ako.
Pinilit bigwasan ni kabit ang asawa. Lagpas, tama
sa lalaki.

Hahaha Comedy.

Sa inis ng lalaki, binitbit ang asawa at ipinasok
sa kotse, habang sinisigawan ang kabit na pumasok
sa bahay.

Takbo ulit ako sa refrigerator para kumuha ng ice
cream naman. Kauupo ko lamang nang bumukas ang pinto.

Ang aking kabalay.

Tapos mo na ang tape ? Overdue na yan eh. Isosoli
ko para walang multa.

Ineject ko ang tape. Kainis di ko natapos panoorin ang pelikula.

Pinaysaamerika

Monday, June 13, 2005

Si Pinay at ang Love Story ng Pinsan 2

Dear insansapinas,

Pasensiya sa walang update, nabalaho sa tape scandal.

Pagtutuloy ng nakaraan.
Nagulo ang isip ni Pinsan.
Sino ang kaniyang pipiliin? Ang dating boypren na ipinagtirik niya
ng itim na kandila o ang kaniyang bagong boypren.

Nagkasugat-sugat ang kanyang tuhod sa pagdasal sa lahat ng simbahan
para ipagdasal siya na sana ay kunin na ang boypren ni LORD.

Nagsuot siya ng itim na damit upang iagluksa ang kaniyang namatay
na pag-ibig.(syado namang umibig ito).

Lumuha siya arawiaraw na kung inipon ay maari nang ipangpaligo
ng mga walang gripo sa buong taon.

Kumakain siya ng nakataob ang kaniyang pinggan at naisusuot niya ang
kaniyang blusa nang nakabaligtad.

Natuto rin siyang uminom, eheste lumaklak ng alak.

Kaya marahil kahit hindi kaguwapuhan ang kaniyang bagong boypren
ay kaniya ng tinaggap.

"Hoy mamah, pachoice ka na kung sino ang gusto mong
maging fafah."

Yong hindi na multiple choice, sa akez na lang.
Haaay, masahje galore siya araw-araw gabi-gabi.

Pero hindi naririnig ni pinsan ang bading. Lumilipad ang kaniyang
diwa. Pag ang dating boypren ang pinili niya, mapupunta siya sa
Disneyland, sa Universal Studios at sa Golden Gate.

Kung ang bagong boypren, hanggang doon lang siya sa nchanted
Kingdom.

Makakita na rin siya ng yelo at makakagawa siya ng maraming-
maraming maiz con hielo. Kaya lang kailangan niya naman ngayon
mais.

At higit sa lahat matuto na siyang mag-ingles.

Handa na niyang piliin ang dating boypren nang makita
niyang wala na ito at ang kaniyang dating boypren ay
nakahiga sa lupa. Tulog.

Hinampas-hampas siya ni bading.

Ikaw kasi mamah, tagal mo namang mag-isip, may I go
na yong isa mong mench.

Tigalgal si Pinsan ni kabalay. Gusto niyang lumipad
para habulin ang umalis na boypren pero wala yong
kaniyang uniporme ng Super Woman.(ooopsss erase, erase).

Nakasakay na ito sa kotse at nagpaharurot.

Kinabukasan, lumipad ang balita na nagpakasal ng
sikretong hindi naman talaga sikreto dahil alam
ng huwes,ng babae at ng lalaki at may dalawang
witnesses pa.

Gusto ng pinsan na ipaghamapasan ang kaniyang ulo
sa dingding nila kaya lang bagong pintura. Masisira
ang kaniyang bagong color na hair.

Kasi naman emote na emote.

Pinaysaamerika

Friday, June 10, 2005

Si Pinay ang Love Story ng Pinsan

Dear insansapinas,

Umalis na rin ang pinsan niya kinabukasan.
Hindi pa gising ang mga anghel nang siya ay umalis.
Yong anghel ko sa kaliwa ay naghihilik pa.

Gabi na nang magkita kami ni Kabalay. Malungkot siya
pero hindi naman siya galit sa akin. Hiya pa nga siya.

Magkakababata at magpinsan nang malayo ang pinsan
niya at ang dating nobyo nito. Sa kanila kasi, magpipinsan
nag-aasawahan.

Pero iba na ang mga pamilya ng lalaki. Kailangang
may pinag-aralan na ang babaeng pakakasalan nito
para hindi mahirapang maghanap ng trabaho pag
dinala na sa Estet. Sosyal.

Unang uwi ng lalaki ay di pinayagang makipagkita
sa pinsan niya. Sa halip ang pinadalaw ay ang isang
kababayan na katatapos lang ng kolehiyo.
Naging lima singko ang mga salitang, traidor.
taksil, mamatay ka na sana...Ganoon bang
mga ekspresyon ng galit. Siguro kung
mabubuhat lang ang buong bahay ay nabuhat
na at naibalibag sa poot. (Haaay nakakapagod
kahit isulat lang).

Nakaabot sa pagkaalam ng pinsan niya ang nangyari.
Pinilit niyang makausap ang lalaki pero talagang
parang sa teleserye na gumagawa lahat ng paraan
ang mga magulang para ang kanilang layon ay matupad.

Nagalit ang pinsan. Sumama nang makadate sa isa
pang manliligaw hanggang sila ay maging magkasintahan.
Hindi pa man siguro tinatanong ay sumagot na
ng sige na nga.

Ang lalaki ay pilit na umuwi sa pinas nang hindi
kasama ang magulang. Una niyang pinuntahan ay ang kaniyang
gerl pren. Hmmmm masigasig din.

Katok siya sa pinto ng bahay. Lalaki ang nagbukas,
"Nandiyaan ba si Lucrecia?", tanong nya.
" OO, sino ba sila ? balik tanong ng lalaking nagbukas
ng pinto pero kalahati lang.
"Si Onesto kamo",pakilala ng lalaki.
"Onesto? yong dati niyang boypren?" tanong ulit ng
lalaking nagbukas ng pinto pero kalahati lang at di parin
binubuksan ng buo.

"OO, ako nga, at ikaw? paninipat ng tanong ng lalaki.
"Ako si Cito, boypren niya ngayon." tugon ng
lalaking nagbukas ng pinto pero kalahati lang at di pa rin
binubuksan ng buo at tumayo sa gitna ng pinto.

"Tawagin mo siya, sabihin mong nandito si Onesto."
mariing binitiwang salita ng lalaki.

"Ayaw ka niyang makita." sigaw ng lalaking nagbukas
ng pinto pero kalahati lang at di pa rin
binubuksan ng buo at tumayo sa gitna ng pinto at
sinara ito.

Biglang dating ang gerl pren na may kasamang alalay
na gelay.

Hindi man dapat magsalpukan ang dalawang
mangingibig ay nag-iringan sila bago nag-
ala Robin Padilla at ang kalabang goon.

Sigaw na sigaw si bading.

"Ay mamah, akey ang kinikilig. Mayonga ang
beauty mo, dalawang jowas nagshushuntukan
para saiyo. Kabog talaga".

Panay siya klap na para bang nanonood ng
world werestling.

Ang gerl pren ay nakatingin lang, pero
may ngiti siya sa labi.

Ang ingay ng bading. Naroong hampasin
ang bagong boypren oops nagkamali pala
yong dating boypren at sabay hawak sa
ulong may kasamang roll eyes:
Ay nakakaloka talaga. Witsilya talaga
mag-papaawat ng shuntukan.

Natapos din ang pag-uumbagan nang gumitna
ang Pinsan ni Kabalay.

Pinamili si Pinsan ng kaniyang dating
boypren.

Itutuloy...(maghintay kayo).

Pinaysaamerika

Wednesday, June 01, 2005

Si Pinay at si Kabalay-Masinsinang Pag-uusap

Dear insansapinas,

Kung maari ayokong pinatatagal ang suliranin sa pamamagitan
ng hindi pagpansin. Kaya kung kailangang kausapin ang dapat
kausapin ay aking ginagawa. Tinatali ko muna yong aking anghel
sa kaliwa. Baka manapak.

Sa isang tasang kape at pandesal na ang palaman ay itlog
na nilagyan ng kamatis(nilagyan ko pa pala ng sibuyas, niluto
ko ng husto yong kamatis ha...sandali naging cooking class
tayo) kinausap ko si kabalay.

Alam ko kakong mainlab pero hindi inlab yong kaniya.
Libog yon.(Ay patawarin ako ni Santa Barbara, kailangang
getsing aki ng holy water at wisikwisikan ko ang
aking mata). Bakit ba ako nakikialam kong siya ay magtampisaw
sa burak habang kumakanta ng Sapagka't Kami ay Tao Lamang.
(sintunado nga lang). Kung hindi pa siya bihisan ng
blusang itim, hindi pa siya sigro gaganda. (sampal with
matching tsee).

Ang ayaw ko ang binababoy ang aking bahay ng isang
bisitang ang utak yata ay nasabit sa eruplano bago nakarating
sa bahay at akala niya ay bisita ang taong nakikitira ng libre,
kumakain ng libre sa matagal na panahon. I won't
mind mag-ampon ng taong pakakainin ko ng matagal dahil
wala pa siyang makuhang trabaho, pero yong
turista raw pero balak yatang magtago nang
magtago, ibang usapan yon.

Ang bisita ay yong alam niya kung kailan magpapaalam.
Cheber ko kung maging eternal tourist siya rito
but not at my expense. Cheap niya noh, ginawa niyang
hotel, motel at bar ang bahay.

Humingi ng pasensiya ang aking kabalay at sinabi
na lilipat na raw ang pinsan niya doon sa tatay nitong
beterano sa LA. Kung pwede lang daw hanggang Lunes dahil
Linggo ay bersdey nito at gusto namang maghanda.
'No birthday party?

Pakiramdam ko ay gusto kong magsabi ng hindi. Pero
okay lang. Mula ang mapunta ako sa Estet, naging
mabait yata ako ng isang tulog.

Sa ibaba ang party nila. Sa itaas ako nagtambay.
Ayoko ng usok. Hindi ako naninigarilyo. Hikain pa
ako. Hindi sila marunong magbasa. NO SMOKING.

Amoy ng kaldereta, pinapaetan at iba-iba pang
pulutan. Sa isip ko, saan ba nanggaling ang mga taong
yon. Ganoon pala silang magkakamag-anak.
Isang kaarawan, bayan ang iimbitahan.

Dinalhan ako ng pagkain ni kabalay. Salamat sabi ko.
Pinababa niya ako pero sinapo ko ulo ko at sabi
ko na parang may nagkakarpintero sa aking utak.
Panay ang martilyo. LAKAS KASI NG KARAOKE NILA.

Habang sila ay nagpapaligsahan nang pagkanta
ng MY WEE ni Frank Sinatra, sumalisi yata yong
dalawang magsinta sa silid ng aking kabalay.
Lintek na kama kasi niya ang laki. Gustong
gusto nilang gawing playground.

Hindi ko alam anoh. Hindi ako sumilip.
Nalaman ko nalang nang parang may rebolusyon
yata sa baba na isang Gabriela ang nagsisigaw.

"Lumabas kayo diyan mga walanghiya. Mga taksil,
mga traidor mga baboy."

Dagdag ko, mga hayok.

Asawa ni lalaki. Dumating. Ahaaaa magandang
panoorin. Tapat ng kuwarto ko ang kuwarto ni kabalay at
ang bintana niya ay nakaharap sa kalye, samantalang
ang bintana ko ang nakaharap sa likod bahay. Puwedeng
tumalon doon at lumabas sa kalye ng hindi na dadaan
sa pinto sa harap.

Pero ano siya sinuswerti. Nakapantalon na si lalaki.
Pumasok sa bathroom. Maliit ang bintana. Patuloy
ang talak ng asawa at pinipigilang umakyat ng
mga kamag-anak ng pinsan. Magkakilala naman sila.
Palagay ko nga isa sa mga ito ang nagbigay ng tip
sa asawa na hindi ito pupunta sa Monterrey tulad ng
paalam.

Hindi bumaba si babae. Bumaba lang si lalaki.
Kuwento ng aking kabalay, kalmot, sipa, suntok
daw ang inabot sa asawa. Buti wala ako sa ibaba
kung hindi, sana ay naiabot ko sa kaniya yong
tennis racket.

Isa-isang nag-uwian na ang mga bisita. Amoy
kambing, baboy at baka ang bahay.
Pagkatapos makapaglinis si kabalay, nagspray
ako ng lysol para pati yong amoy ng kataksilan
ay maalis.

Pinaysaamerika

Tuesday, May 31, 2005

Si Pinay at ang Pinsan ni Kabalay 3

Dear insansapinas,

Hitsurang pelikulang rated eks ang eksena. Hindi malaman ng lalaki kung
alin ang tatakpan niya, kung ang mukha niya o ang kaniyang harap. Nawala ang
aking lagnat. Nagkalat ang mga bote ng beer sa baba. Nakatingin sa akin yong
isang lalaking marahil kasama noong lalaking katalik ng Pinsan ni Kabalay.
Salubong ang kilay ko. Hindi sila nagkukumustahan. Sila ay nag-uumpugan.
Sabi nga ng mga capampangan, taksiyapo. Ginawa ninyong beerhouse ang bahay.
Mayamaya ay bumaba na ang lalaki at ang babae. Pareho silang mayroon ng
damit. Dapat lang. Nakatungo si lalaki habang si babae ay nakaingos.

Tuloy-tuloy sila sa pinto. Gusto kong sundan at sukatin ang kapal ng mukha nila.
Nang dumating si kabalay ay hiyang-hiya siya. Ang asawa raw noong lalaking dating
boypren ay kumare niya na nakatira sa Vallejo.

Dati raw magnobyo ang dalawa bago ipinitetion ang lalaki ng kaniyang mga magulang.
Nanag umuwi siya sa Pinas ay nahuli niyang may ibang kalaguyo ang pinsan ni kabalay.
Pinakasalan na lang niya yong pinagkasundo sa kaniya ng kaniyang mga magulang.
Dinala niya ang asawa sa Estet at hindi na umuwi sa Pinas. Ito ang muling pagkikita nila ng dating girl friend.

Parang gusto kong kumuha ng lapis at papel para isulat ang love story.
Bumalik din ang pinsan niya at iniwasan na lang niyang magtagpo kami. Madalas itong
nasa kuwarto at lalabas lang pag wala ako.

Minsan ay dumating kami ng napaaga ng aking kabalay. Minabuti naming magluto bago umakyat. Magsasalang muna ako ng kanin at salmon sa lata na lang ang aming palalanguyin sa sabaw na may sibuyas, itlog at kamatis.

Wala yong lutuan ng rice cooker. Wala rin yong maliit na kaserola. Hmmm. Hindi naman
kami napasok para yon lang ang nakawin anoh.

Umakyat sa kuwarto niya si Kabalay. Para yata akong may narining na malakas
na kalampag at sigaw ng O_i_a_o. Si dating boypren ay tuloy-tuloy na lumabas, bitbit
ang sapatos at pantalon.

Ginawang bahay kubo kahit munti yong kuwarto niya. May gulay na, may kanin pa.
Nagsagutan yata yong magpinsan. Kumuha ako ng popsicle at ako ay naupo.
Hmmmm mahabang gabi ito.

Pinyasaamerika

Monday, May 30, 2005

Si Pinay at ang Pinsan ni Kabalay 2

Dear insansapinas,

Mukhang nag-eenjoy ang pinsan ng aking kabalay sa pagbakasyon sa Estet. Wala yatang balak bumalik sa Pinas.

Pasalamat sana kami dahil may naiiwan sa bahay at kung maari lang ay may magsasalang
man lang ng kanin sa rice cooker, kahit walang ulam.

Darating kami ng alas onse ng gabi pero wala pang pagkain. Oke lang kung kami lang dalawa ng aking kabalay, dahil maari kaming tumawag ng pizza at magpahambalos
ng isang malaking may pineapple, pepperoni toppings.

Pero, mabait ang kabalay ko. Baka raw magutom ang kaniyang pinsan at sanay daw
sa kanin, kaya pagod man sa trabaho, ay magluluto pa rin ito at tatawagin ang pinsan
na babad sa TV maghapon, kuntodo nakarollers at bagong manicure ang mahahabang
kuko.

Dahil ang usapan namin ay isa magluluto, at isa ang maghuhugas ako ang tokang hugas.
Ahem, ako na may tatlong "katulong" sa pinas ay natutong maghugas at maglaba dahil
sa pangangailangan at pakikisama. Hindi sa hindi ako marunong maghugas ng pinggan subalit dahil sa marami akong trabaho sa pinas na pinagkakaabalahan, minabuting iwanan ko ang gawaing iyon sa mga batang maari kong paaralin para sa kanilang kinabukasan. Hindi dahil sila ay aliping sagigilid kung hindi upang pag-alis nila
sa aking poder ay may masasabing mayroong silang magandang kinahinatnan.

Ang aming mader ay tinuruan kaming maghugas. Una ay ang mga baso na kailangang sabunin upang pagbanlaw ay hindi malabo, ikalawa ang mga pinggan, habang ang kubyertos ay nakababad sa mga nakasingit-singit na kanin sa tinidor at panghuli ay ang mga kaserola at kawali na karaniwan ay maraming sebo.



Hindi pa kami tapos ay tumayo na si Pinsan ni K. Mamiss daw niya yong ending
ng pinapanood niya. Bakasyonista nga. Pinaglulutuan mo at pinaghuhugas pa.

Ganoon paulit-ulit yon. Minsan dinadala pa niya ang pagkain niya sa kanilang
kuwarto. Nanonood daw kasi siya at ayaw maabala. Tapos ilalagay niya sa hugasan
ang kaniyang pinagkainan.

Lampas ng isang buwan ang kaniyang pagtira sa amin. Marami na rin siyang kaibigan
na nayaya sa bahay. Minsan naglulutu-lutuan sila habang kami ay wala. Iniwan pa nila ang maruruming kubyerto ng pinaglutuan.

Kinausap ko ang aking kabalay. Ayaw ko kakong may pumupunta sa bahay ng kung sino-sino pag wala kami. Kung may gusto siyang imibitahin, kailangan, magpaalam sa amin at sabihin kung sino ang mga iyon.

Nahihiya raw siyang kausapin ang pinsan niya. Isa, mas matanda ito. Ikalawa, nirerespeto raw nila ito dahil siya lang may mataas na pinag-aralan sa kanila.Tapos ito ng secretarial, samantalang sila ay tapos lang nh high school at ang iba
ay elementarya lang. Kung hindi nga lang siya pinilit ng nanay niya na pakasal
sa matandang Puti, disin sana'y hindi siya nakarating dito sa Estet.

Sabi ko, hindi sa pinag-aralan ang ikakagalang ng isang tao kung hindi sa kanyang
mabuting pakikisama, mabuting pag-uugali at respeto rin sa kapwa tao.
Sa ginagawa niya ay wala siyang respeto sa kaniya, huwag na lang sa akin.

Kinabukasan ay di ko dinatnan ang kaniyang Pinsan. Kinausap na kaya niya at pinaalis
o kaya ay nagtampo at nag-alsa balutan.

Tahimik kaming kumain. Wala siyang kibo. Hindi rin ako kumibo.

Kinabukasan ulit wala pa rin ang kaniyang pinsan. Nalaman ko na hindi pa niya kinausap at hindi niya alam kong saan nagpunta. Puwede raw bang ireport sa Pulis.

Nakita ko ang kaniyang pagkatigatig. Niyaya ko siya sa Pulisya.
Pababa kami ng hagdan nang makasalubong namin siya. Masayang nakaabrisyete sa isang
lalaki. Dati raw niyang boyfriend sa pinas na ngayon ay may-asawa na rito sa Estet.
Napunta raw sila sa Nevada.

Gumalaw-galaw ang aking mata at kilay. Kung ako lang si Cherie Gil, nasampal ko na
siya at nasabing lumayas siya. Kung ako si Robin Padilla, nabugbog ko na ang lalaking
kasama niya. Pero wala kasi akong pangrap maging artista, kaya minabuti ko na lang ang umakyat ulit, sipain ang walang kamalay-malay na tsinelas, na sa isip ay habe nga
sa daan ko, at isinara ko ang pinto ng aking kuwarto ng napakalakas.

Olrayt ilang oras din akong di nakausap pero kagaya nang aking panununtunan
sa aking gawain, lay down your cards on the table...pag pusoy panalo ka. ekkk ano ba ang pinagsasabi ko. Bakit ko dadagdagan ng wrinkles ko sa inis?

Bago kami kumain ng hapunan, kinausap ko sila, rules of the house...
1. Pag-aalis o lalabas ang sinuman, kailangang mag-iwan kung saan pupunta kahit
sa isang pirasong papel. Kung walang papel, sasampalin ko sila ng isang ream
ng copy paper.

2. Kung nakalimutang mag-iwan ng mensahe, tumawag. pag walang sumagot, kausapin ang
answering machine.

3. Pag may darating na bisita, sabihin kaagad para hindi ako maabutang nakasuot ng disente lamang sa loob ng pamamhay.

But rules are meant to be broken.

Call in sick ako. May trangkaso. Minarapat kung mahiga sa aking kuwarto para di makahawa. Kumatok ang aking kabalay. Hindi ako sumagot. Antok ako. Lumayo siya
sa pag-aakalang pumasok na ako at di nagpaalam dahil tulog pa siya.

Parang may naririnig akong ingay sa baba pero balik ako sa pagtulog dahil sa
gamt kong ininom. Madilim na nang ako ay magising. Inot-inot akong tumayo upang
pumunta sa bathroom. Tatlo ang bathroom ng bahay. Dalawa sa ibaba at isa sa itaas. Madalas gamitin ko ang sa itaas kung hindi lang naman ako maliligo.

Binuksan ko ang pinto. Binuksan ko ang ilaw. Akkkkkkkkkkkkkkkkkkk may lalaking
nakabrief. Tinakpan ko ang isa kong mata. Kinuha ko ang isa kong payong at handa ko siyang saksakin kung siya ay lalapit sa akin. Tumakbo palapit ang Pinsan. Nakatapi lang ng tuwalya.

Yong dating boyfriend ng Pinsan ni Kabalay. Akala pala nila ay wala ako.
Nag-inuman sila sa ibaba at ewan ko kung ano pa ang ginawa. Pag nakabrief ang lalaki
at nakatapi lang si babae, palagay ko hindi sila naglalaro ng patintero.

Parang gusto kong magtalumpati.

Hindi mo lang ako hindi iginalang,
Binaboy mo pa ang aking tirahan.

Pinaysaamerika